Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12


EMERSYN SOLACE

Nakaupo ako sa mahaba kong sofa habang nag-aabang sa susunod na gagawin ni Russ. Ipapakita kasi raw ang nasa loob ng jacket.

Bigla ko tuloy naisip na baka kong anong ipakita n'ya. Sana naman hindi gano'n 'no. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi sa isipang ipapakita n'ya ang kan'yang abs.

Madali lang ako magkagusto sa isang lalaki pero 'di naman lahat umaabot sa sobra, bali paghanga lang ba. At isa na roon si Russ.

Paanong hindi ako magkagusto sa kan'ya? Mas dinaig nga n'ya pa si Asher kung mag-alaga, eh halos hindi na n'ya ako iwan. Hindi naman sa kinukumpara ko sila pero kasi naramdaman ko lang na gano'n.

Kahit may pagkaseryoso s'ya at minsan 'di ko maintindihan ang ugali n'ya ay nagustuhan ko pa rin s'ya. At nagpahulog naman si ako.

Nakatalikod s'ya sa 'kin habang dahan-dahang inalis ang jacket nito. Nagtaka naman ako na walang makitang kakaiba.

“Asan ang ipapakita mo, Russ?” tanong ko. Bago pa man ako makapagsalita ay hinubad na nito ang kan'yang t-shirt na kulay puti at do'n lamang ako naistatwa nang makita ang likuran bahagi ng kan'yang katawan.

“This is what I am talking about, Syn...” bakas sa boses n'ya ang pagkalungkot nang sabihin iyon.

Nakatitig pa rin ako sa likuran n'ya saka ako unti-unting lumapit sa kan'yang kinaroroonan.

Nakayuko s'ya habang hawak-hawak ang kanyang t-shirt. Alam kong labag sa loob n'ya na ipakita ito sa 'kin pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit n'ya pa ipinakita. Pwede naman s'ya tumanggi na ipakita ito sa 'kin.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kan'yang likuran. Pinalandas ko ang aking mga daliri sa likuran n'ya na may nagdadamihang peklat. Di ko alam kung saan n'ya ito kinuha.

“Saan ito galing?” mahina kong tanong. Hinawakan ko ang makapal na peklat banda sa itaas ng kan'yang balikat.

Napasinghap naman ako nang hawakan n'ya ang kamay ko na nasa likuran n'ya habang nakatalikod pa rin ito. Bigla s'yang humarap sa 'kin at tuluyan na nga n'yang nahawakan ang dalawa kong kamay.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Bigla lamang kasi kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba ba o iba na ito.

“Gawa iyan ng Tatay ko,” sagot n'ya.

Napaangat ako ng tingin. Tatanungin ko na sana kung bakit ginawa ito ng kan'yang Tatay pero napaurong lamang ang dila ko. Baka kasi masyadong personal ang tanong ko.

“B-Bakit mo ito pinakita sa 'kin? Kung hindi mo pa naman kayang ipakita—”

Pinutol n'ya ang sasabihin ko at nagsalita ito, “Dahil gusto ko malaman mo ang buong pagkatao ko. Tama si Asher, delikado akong tao.”

Hindi naman ako masyadong nagulat. Oo naramdaman ko naman na may pagkadelikado s'ya pero pilit ko lamang na sinasawalang-bahala. Ramdam ko naman na hindi n'ya magagawa akong saktan tulad ni Asher.

'Yon nga lang kung bakit s'ya naging delikado. Paano?

“Hindi naman importante sa 'kin iyan, eh...”

Napaangat s'ya ng tingin sa 'kin at bakas sa kan'yang mata ang pagkagulat sa sinabi ko. Kalaunan ay napalitan ito ng saya at kinang.

“K-Kahit may pagkabaliw ako?” tanong n'ya na ikinatawa ko ng mahina.

“Baliw saan?”

Mariin s'yang nakatitig pagkatapos sa 'kin. “I have this Antisocial Personality Disorder, Syn. I'm a psycho...”

Bakit gano'n? Wala akong naramdaman na iwasan s'ya na malamang pyscho ito? Ano ang nangyayari sa 'kin?

Hindi ko alam ang ire-react ko dahil sa inamin n'ya. Sabi ni hindi biro ang pyscho. Minsan daw ay agresibo ito kapag sinusumpong.

'Di naman siguro n'ya ako sasaktan di'ba? Wala naman sa 'kin iyon dahil tutulungan ko naman s'yang gumaling.

Naramdaman siguro n'ya na hindi ako makapag-react salita. Bakas ang pagkataranta sa kan'yang mata nang hawakan n'ya ako ng mahigpit sa kamay, hindi naman mahigpit.

“S-Syn? Magsalita ka naman, oh. 'Wag 'kang matakot sa 'kin dahil hindi kita sasaktan. I-I promise you that...”

Ngumiti ako rito. “Alam ko, Russ. Instead na iwasan ka o layuan, gusto kitang tulungan,” ani ko. “Bakit kita lalayuan? Sa ilang linggo na nagdaan ay kailan man hindi mo ako ginawan ng masama. Nagpapasalamat nga ako dahil dumating ka.”

At nagsalamat ako dahil ikaw nga ang lalaking hinahanap ko. Ikaw ang lalaking bubuo sa buhay ko. 'Di ko alam kung bakit ikaw, eh pwede naman si Asher. Pero noon pa man kasi ay ramdam ko na wala akong future sa kan'ya.

'Di mapigilan ni Russ na ngumiti sa sinabi ko. “S-Salamat, akala ko talaga ay hindi mo ako matatanggap. Tama nga na nagustuhan kita.”

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kan'yang mga mata. Nabingi yata ako sa huling sinabi n'ya. “A-Ano sabi mo?”

Inayos n'ya ang kan'yang salamin na bahagyang nakatabingi at lumapit pa lalo sa 'kin.

“Matagal na kitang gusto, Emersyn. Walang araw na hindi kita binabantayan. 'Yong inaakala 'mong si Asher ang sumusunod sa'yo ay nagkakamali ka dahil ako iyon. Ako ang palagi 'mong nakikita sa bar. Ako rin ang lalaking nakasama mo sa room 15.”

S'ya pala 'yong lalaking nakausap ko. Kaya pala hindi s'ya pamilyar sa 'kin at hindi ko man lang naramdaman na s'ya ay si Asher. Pilit ko lamang na sinasabi ko sa sarili na si Asher at ang lalaking nakausap ko ay iisa lang.

Kaya pala hindi nagsalita si Asher nang sinabi ko na nakita ko s'ya. Kaya pala nataranta s'ya masyado at parang may ginawa s'yang mali nang sabihin ko rito na nakita ko s'ya sa bar. 'Yon pala ay babae ang tinatago n'ya sa 'kin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na niloko  ako ni Asher at muntik na ako nitong gahasain. Ang bilis ng araw, kasing bilis ng nararamdaman ko kay Russ.

Di ko pa man s'ya gano'n ka kilala pero handa akong tanggapin kung anong meron s'ya. Pero may pagkaalinlangan pa rin ako sa sinabi n'ya.

“P-Paano mo ako nagustuhan? Kailan pa?” utal kong sambit.

“Unang kita ko pa lamang sa 'yo sa bar ay may kakaiba sa 'yo. Kaya naman inalam ko ang kakaunting impormasyon mula sa'yo at do'n nga ako nagsimulang magkagusto sa 'yo,” tugon n'ya at napahinga ng maluwag. “P-Pasensya ka na sa peklat ko. Wala sana akong balak na ipakita sa 'yo dahil natatakot ako na baka mandiri ka.”

Agad akong umiling dito. “Walang kaso sa 'kin ang peklat kaya 'wag mong isipin na nakakadiri ito. Para sa 'kin, isa itong simbolo ng katapangan.”

'Di n'ya ulit mapigilan na ngumiti kaya natawa ako ng mahina. Kung makatawa ako ay parang walang nakakashock na usapan. Magaan na ang loob ko ngayon sa kan'ya.

Napadila ito ng sariling labi para basain ang dila. “N-Narinig mo ba ang sinabi ko?”

“Sinabi na alin?” takang tanong ko sa kan'ya. Hala! Magkahawak kamay pa rin pala kami. Ba't 'di ko man lang naramdaman?

Napatingin tuloy ako sa kamay naming magkahawak. Masyadong malaki ang kamay n'yang maugat kaysa sa 'kin. Sa tingin ko ay kaya n'ya itong wasakin gamit lamang ang isang kamay nito.

“Na gusto kita... Gusto mo rin ba ako?” diretso n'yang tanong na ikinabigla ko. Masyado kasi s'yang mabilis.

“Huh?” Tila naging bobo yata ako.

Napakamot s'ya sa kan'yang batok. “A-ahh, pasensya na. Hindi ako sanay sa paunti-unting usapan. Sanay na kasi ako sa diretso. Uhmm, gusto mo rin ba ako? Gusto ko nang maging tayo...” Parang bata s'ya umakto sa lagay n'ya ngayon. Bakit ang cute?

Nahihiyang tumingin s'ya sa 'kin. “A-Ayos naman sa 'kin kung hindi mo pa ako gusto. Alam ko naman na sa 'kin ang bagsak mo sa huli dahil liligawan—”

“Tama, manligaw ka muna,” agap kong saad sa kan'ya at pinutol ang sinabi nito.

Parang nag-iisip pa ito. “Kung manligaw ba ay papasa kaagad? Ilang days ba bago mo ako sagutin?” inosente nitong tanong.

Seriously? Wala yata ito alam sa panliligaw.

Napaisip ako sa tanong n'ya at binatawan ang kan'yang kamay na kaagad naman n'yang ikinatingin sa ilalim. “Depende 'yan sa klase ng panliligaw mo. Ang ilan ay years pa ang ginugugol para lang mapasagot ang babae.”

“Years?!” gulat n'yang singhal. Nanlaki tuloy ang ilong n'ya na lihim na ikinatawa ko.

Napatango-tango ako. “Oo, nasa iyo kung titigil ka na o tutuloy ka pa. Hindi mo masisisi ang mga babae kung matagal ka pa nilang sagutin. Ilan kasi sa kanila ay inaalam muna kung mapagkakatiwalaan na ba o handa na ba.”

Dahil sa paliwanag ko ay unti-unti s'yang napatango. “Then, gagawin ko ang lahat upang mapasagot mo ako.” Tumalikod s'ya sa 'kin at kinuha ang jacket nito sa upuan. “Courting for f-fucking years? Damn, I'll make sure that it won't takes too long.”








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro