
CHAPTER 11
EMERSYN SOLACE
“Emersyn...”
Napatigil ako sa paglalakad sa parking lot nang makita si Asher na nakatayo sa kan'yang kotse. Nagsimulang manginig ako sa kinatatayuan ko nang makita s'ya.
May sugat-sugat ito sa kan'yang mukha na nasa tingin ko ay si Russ ang gumawa. Hindi ko akalain na ganito kalala ang ginawa ni Russ sa pagbugbog kay Asher. Medyo naawa naman ako sa kan'ya pero sa ngayon hindi ko muna paiiralin ang kabutihan ko.
Lalapit na sana s'ya sa 'kin nang sinenyasan ko s'yang 'wag kumapit.
“U-Umalis ka na, Asher! Hindi ka pa ba nadadala? Huh! Muntik mo na akong gahasain!” mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kan'ya.
Gusto kong tumakbo pero mismo ang mga paa ko ay ayaw makisama. Ito ang pinoproblema ko palagi kapag natatakot na ako, hindi ko ito maigagalaw kaagad kung gusto ko.
Nasasaktan s'yang nakatingin habang nakatayo lamang 'di kalayuan sa 'kin. “P-Patawarin mo na ako, Emersyn... Nagsisisi na ako,” pagsusumamo n'yang sambit sa 'kin at huli na ang lahat dahil nakalapit na s'ya sa 'kin.
Taranta naman ako sa kinatatayuan ko at pilit s'yang tinutulak kahit 'di man lang s'ya natinag sa aking pagtulak.
“Layuan mo ako!” sigaw ko at nangingig na umatras ng dalawang hakbang.
Parang na paralyze yata ang paa ko dahil hindi ko ulit mahakbang dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Pumatak ang luha sa kan'yang mata. “G-Gusto ko lang mag-sorry, Emersyn. M-May sasabihin lang ako, please?”
Unti-unting pumatak ang luha ko sa mga mata. “'D-Di ko alam kung mapapatawad pa ba kita sa ginawa mo. Akala ko hindi mo ako sasaktan! Pero mas dobleng sakit ang binigay mo sa 'kin!” hinihingal kong sigaw sa kan'ya at marahas na pinunas ang luha ko at napatingala. “U-Umalis ka na, please. Hindi na ako magde-demanda basta lumayo ka lang sa 'kin!”
Umiling-iling naman s'ya sa 'kin na tila hindi s'ya sang-ayon sa sinabi ko. “W-Wag naman ganito, babe please i love you—”
“Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan at pagsasamantalahan! Akala ko kakaiba ka, Asher!”
Frustrated s'yang napahilamos sa kan'yang mukha. “Delikado ang lalaking iyon, Emersyn.” Biglang sumeryoso ang kan'yang tingin sa 'kin na nagbigay kilabot sa aking sistema. “Nakilala ko na ang lalaking iyon kaya sigurado akong delikado s'yang tao. Lumayo ka sa kan'ya, Emersyn.”
'Di naman ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya. Siguro ginagawa lamang n'ya itong dahilan para layuan ko si Russ. Alam ko na sobra ang pagkakaselos nito kaya nga n'ya ako sinampal kagabi dahil binanggit ko ang pangalan ni Reyan.
'Di makapaniwalang umiling ako rito. “Sa tingin mo maniniwala na ako sa 'yo? Kung sino man sa inyong dalawa ang mas delikado 'yon ay walang iba kundi ikaw,” mapait kong sambit.
Tila bumagsak ang kan'yang balikat sa sinabi ko. Ngayon lamang s'ya nakarinig ng ganito kasakit na pananalita galing sa 'kin. Hindi ko naman s'ya gaganituhin kung wala s'yang ginawang masama sa 'kin.
Magsasalita sana s'ya nang biglang sumulpot si Russ sa gilid ko. Gulat naman akong napatingala sa kan'ya nang hinapit ako nito papalapit dito.
Bakas ang kaseryosohan at talim ng tingin ni Russ habang nakatitig kay Asher at gano'n din si Asher.
Napatingin bigla sa 'kin si Asher. “Lumayo ka sa kan'ya, Emersyn. Magsisisi ka kung sasama ka pa sa lalaking iyan,” seryoso nitong sambit at ibinalik ang tingin kay Russ.
Napahigpit naman ang pagkahawak ni Russ sa 'kin at matapang na hinarap si Asher. “Sino sa tingin mo ang mas mapagkakatiwalaan sa atin? Alam mo 'bang gusto ko 'pang bugbugin ang mukha mo sa ginawa mo kay Emersyn?”
Kita ko ang pagkayukom ng kamao ni Asher. “Maniwala ka sa 'kin Emersyn. Delikado ang lalaking inaakala mong mabuti sa 'yo.”
Mahinang hinila ko si Russ sa damit nito. “Umalis na tayo, Russ. May tarbaho pa ako,” aya ko sa kan'ya na ikinabaling ng tingin nito sa 'kin.
Napabuga muna ito ng hininga at saka tumango sa 'kin. “Alright. 'Wag 'kang lalapit sa lalaking 'yan,” tugon n'ya na ikinatango ko.
Simula nang matulungan ako ni Russ, palagi na s'ya sa tabi ko kahit sa ano 'mang oras. Magaan ang loob ko sa kan'ya kaya hindi ko maisip na masama s'yang tao.
Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay napatingin si Russ kay Asher na ngayon ay hindi na maintindihan ang mukha sa inis.
“Baka gusto mong ipahuli kita sa pulis? Umalis ka na.” Pagtataboy sa kan'ya ni Russ.
Hindi nawala ang galit sa mga mata ni Asher nang dahan-dahan s'yang naglakad patalikod habang nakaharao pa rin sa 'min. Nang medyo makalayo na ito ay tinalikuran na kami at padabog na sumakay sa kotse n'ya at pinaandar papaalis.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi ko na lang iisipin ang sinabi ni Asher dahil alam kong walang katotohanan iyon. Mas gugustuhin ko na lang manatili kay Russ kaysa sa kan'ya.
Napaangat ako ng tingin nang hawakan ako ni Russ sa pisngi. “May ginawa ba s'yang masama sa 'yo? Sabihin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na ipakulong s'ya.”
Umiling ako sa kan'ya at ngumiti rito para ipahiwatig na ayos lamang ako. Nag-aalala mukha ang nakapaskil sa kan'ya.
Ilang linggo na kami magkakilala at sa mahabang linggong iyon ay kaagad naman kami nagkasundo. No'ng una ay Kuya pa lang ang tawag ko rito dahil sa matanda pa s'ya sa 'kin pero ngayon Russ na lang, s'ya kasi ang nagsabi na 'yon na lang ang itawag ko sa kan'ya.
“'Wag na, Russ magiging magulo lamang ang lahat kapag pinakulong ko s'ya at saka... Mayaman s'ya at mahirap lang ako kaya anong laban ko?” ani ko. “Mas maiging hindi na s'ya mangialam sa 'kin. Layuan lamang n'ya ako ay sapat na sa 'kin iyon.
Wala s'yang nagawa kundi tumango at sumang-ayon lamang sa sinabi ko. Ngumiti s'ya ng tipid na ikinagaan ng loob ko.
Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad, 'di ko maiwasang 'di mapatingin sa kan'yang likurang bahagi ng katawan.
Parang kuya ko na pala si Russ. Kahit naka-jacket ito, bakat pa rin ang laki ng pangangatawan n'ya at sa tingin ko ay inalagaan n'ya ito.
“Hindi ka ba naiinitan sa suot mo, Russ?” tanong ko pero hindi s'ya nagsalita at dire-diretso lamang ang lakad nito.
Nagtaka naman ako dahil mukhang tahimik na naman ito. Sumabay ako sa paglalakad n'ya at sinilip ang kan'yang mukha.
Hindi naman gano'n kaguwapo ay simple lamang ang itsura nito. Kumbaga, sakto dahil hindi naman sobra sa kaguwapuhan.
Kinalabit ko s'ya sa jacket. “Russ?” tawag ko ulit dito.
Parang ang lalim naman ng iniisip nito. Seryoso kasi ang mukha at diretso lamang ang tingin sa harapan.
Hinawakan ko s'ya sa kamay na ikinaigtad n'ya. Kahit ako ay nagulat din sa kilos nito.
Napatingin s'ya sa 'kin at saka ibinaba ang tingin sa kamay kong nakahawak sa kan'ya.
'Di ko lamang ito pinagtuunan ng pansin at tinanong, “May problema ba? Tulala ka kasi at pangalawang tawag na ako sa 'yo.”
Kita ko ang pamumula ng kan'yang taenga nang umangat ang tingin n'ya sa 'kin. “I-I'm sorry, ano pala ang sasabihin mo?” taranta n'yang tanong.
Napatawa ako ng mahina. “Tanong ko kung bakit naka-jacket ka kahit hindi naman malamig ang panahon.”
Saglit s'yang 'di nakapagsalita. Kaya medyo nag-aalangan naman akong nakatingin sa kan'ya. Baka kasi ayaw n'ya ang gano'ng tanong.
“S-Sige 'wag mo na lang sagutin—”
Kaagad s'yang umiling at saka umiwas ng tingin bago napalunok ng sariling laway. “Mamaya ipapakita ko ang nasa loob ng jacket na ito,” tugon n'ya na ikinatango ko naman.
Ano naman ang nasa loob ng kan'yang jacket? Medyo excited akong makita kung ano ang ipapakita n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro