Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

EMERSYN SOLACE

“'Di sinasadya?! Hindi magandang rason 'yon, Asher! Sa tingin mo maniniwala ako sa 'di sinasadya?” galit kong tanong sa kan'ya na may pagkasarkastik. “Choices 'yon, Asher! May pagpipilian ka lamang sa dalawa at 'yon ay kung magiging tapat ka o magloloko! At sa dalawang iyon ay mas pinili mo ang magloko kaysa maging loyal sa  'kin!”

Maluha-luha s'yang nakatingin sa 'kin at nanghihinang inangat ang kamay para sana hawakan ang pisngi ko nang tinabig ko ito.

“W-Wag mo akong hawakan!” sigaw ko pa bago binuksan ang pinto. Isasara ko na sana nang pigilan n'ya ako.

“Emersyn!” mangiyak-ngiyak n'yang tawag sa 'kin habang nakikipagtulakan ng pinto para sana makapasok s'ya.

Hindi ko s'ya hinayaan at buong lakas kong tinulak ang pinto. “Umalis ka na! Bitaw, Asher!”

'Di s'ya nakinig sa 'kin bagkus mas nilakasan n'ya ang pagtulak ng pinto hanggang sa tuluyan na nga s'yang nakapasok.

Sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa kilos n'ya. Napaatras ako nang akmang yayakapin ulit ako nito.

“P-Patawarin mo na ako, babe. Please, I love you,” tila baliw nitong sambit at saka mabilis akong niyakap at hinalik-halikan sa leeg na ikinatakot ko.

Hindi ko gusto ang ginagawa n'ya at sa puntong ito ay alam ko na ang magiging kahinatnan nito.

Pilit akong pumipiglas sa hawak n'ya at sinisigawan s'ya na bitawan ako. Hindi s'ya nakinig at patuloy lamang na humahalik sa leeg ko hanggang sa inilapat n'ya ang kan'yang labi sa 'kin dahilan para mapaluha ako.

Hindi ko 'to inaasahan. Hindi si Asher ito na may respeto sa 'kin pero mukhang dito na nagsisilabasan ang totoong s'ya. Ang nasa isip ko ngayon ay makalabas dito at tuluyan nang makawala sa kan'ya dahil alam ko sa puntong ito ay may masama s'yang plano sa 'kin.

“Akin ka lang,” sambit n'ya habang nasa kalagitnaan s'yang humahalik sa 'kin.

Di ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay bumara ang lalamunan ko sa halong kaba at pagod. Pero gano'n pa man ay pilit akong lumalaban sa agresibo nitong paraan.

Kinagat ko ang kan'yang labi na ikinahiyaw n'ya at bahagyang pag-atras mula sa 'kin. Nangingig na napatingin ako sa labi n'yang dumudugo dahil sa 'kin.

Inis n'yang ibinaling ang tingin sa 'kin at halos mabingi ako sa lakas ng sampal n'ya.

Napatumba ako sa sahig aa lakas ng pagsampal n'ya sa 'kin. Nangingig na rin ang labi ko dahil sa takot. Hinawakan ko ang aking pisngi at halos mapapikit ako sa sakit nito.

“I-I'm so sorry, babe...” Akmang tutulungan na n'ya sana ako sa pagtayo nang umatras ako papalayo sa kan'ya.

“A-Ayaw ko sa 'yo! B-Buti pa si Reyan kaysa sa 'yo!”

Nagtagis naman s'ya ng bagang at mabilis na pinahiga ako sa sahig at dinaganan sa ibabaw ko.

“Don't you ever mention that guy again, Emersyn!” madiing sigaw n'ya sa 'kin at agresibo ulit akong hinalikan sa leeg.

Tanging nagawa ko lamang ay sumigaw at humingi ng tulong kahit man lang sa kapit-bahay ko. Pero mukhang hindi nila ako narinig dahil naalala ko lamang na dumalo silang lahat sa fiesta sa kabilang barangay.

Kahit maaari ay pumipiglas ako sa hawak n'ya. Dito pa lamang ay parang nawalan na ako ng pag-asang makatakas sa ginagawa n'yang harassment sa 'kin. Hayop talaga s'ya!

“W-Wag...” mahina kong hikbing sambit nang pinunit n'ya ang aking damit kaya lantad na ngayon ang aking katawan at tanging saplot ko na lamang sa itaas ay ang bra.

'Di s'ya nakinig sa 'kin at mabilis n'yang inalis ang leggings ko. Napahikbi ako nang makitang naka-bra at panty na lamang ako.

“Akin ka lang! Mamarkahan kita ngayon din mismo!”

Sisipain ko na sana s'ya nang agad n'yang naisalag ang paa ko at saka ako sinampal ng malakas sa pisngi dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay.

Di ko na alam ang gagawin ko ngayon na hinang-hina na ako. Hindi ko kayang magising sa umaga sa isipan na pinagsamantalahan n'ya ako. Hindi ko talaga s'ya mapapatawad sa ginawa n'ya sa 'kin.

Huling luha ang pumatak sa 'king pisngi nang tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.

Pero bago pa man ako tuluyan na mawalan ng malay ay nakarinig ako ng malakas na kalabog na nasa tingin ko ay nanggaling sa pintuan.


Sana nga ay may tumulong na sa 'kin dito dahil hindi ko yata kakayanin na magising na ginalaw ako ni Asher.

~•~•~•~•~

Rinig ko ang ingay na nagmumula sa kusina ko. Mukhang may tao rito nakapasok.

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata at balak ko na sanang tumayo at tignan kung sino iyon nang mapaaray ako sa sakit ng pisngi at buong katawan ko.

Do'n ko lamang naalala na may nangyaring 'di maganda sa 'kin kagabi. Taranta ko naman kinapa-kapa ang katawan ko at inalam kung ginalaw ba ako ni Asher. Napahinga ako ng maluwag at nagpapasalamat na walang masakit sa ibabang parte ko at hindi n'ya ako ginalaw.

Sino ang nasa kusina? Kanina ko iyan naririnig. Si Asher ba? Kung s'ya man ay aalis na ako rito dahil delikado ako sa kamay n'ya.

Akmang tutungo ako sa pintuan nang may nagsalita na lalaki na galing sa kusina.

“Saan ka pupunta? Hindi ka pa maayos, Emersyn.”

Gulat akong napalingon sa lalaking 'di ko kilala. Nakasalamin ito at nakasuot pa na jacket na kulay itim.

Parang familiar sa 'kin ang salamin at jacket n'ya pero... Imposible na s'ya iyon.

Napaatras ako ng isang hakbang nang lumapit s'ya sa 'kin. Bakas sa mukha n'ya ang pag-alala at balisa. Bakit naman s'ya mag-aalala sa 'kin? At bakit nandito s'ya?

“W-Wag...” utal kong sambit saka ko tinakpan ang katawan ko gamit ang malaking jacket na hindi ko pagmamay-ari. S'ya ba ang nagbihis sa 'kin?

Naalala ko lang na hinubaran pala ako ni Asher at muntik na talaga n'ya ako gahasain. Napahagulgol ako sa palad at nanghihinang napaupo sa sahig.

“Shhh, nandito na ako, Emersyn.” Lumapit ang lalaki sa 'kin at inalalayan akong tumayo na ikinaatras ko ulit.

“S-Sino ka? Hindi kita kilala,” takang tanong ko sa kan'ya. Napahigpit ang hawak ko sa jacket nang napatingin ito ng diretso sa 'king mata.

“Ako ang tumulong sa 'yo kaya wala ka dapat ikatakot sa 'kin. 'Wag 'kang mag-alala dahil hindi ka na guguluhin pa ng lalaking iyon.” Kita ko ang pagdaan ng galit sa kan'yang mata. “Kapit-bahay mo ako, dito lamang ang apartment ko.” Tinuro n'ya ang kaliwang bahagi sa tabi ng apartment ko.”

Dahil sa sinabi n'ya ay napahinga ako ng maluwag. “M-Maraming salamat sa 'yo, Kuya. H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating.” mangiyak-ngiyak kong pasasalamat dito na ikinatahan n'ya sa 'kin.

Hindi ko na naisip na nakahawak na pala s'ya sa likuran ko at magagaan na hinihimas-himas ito para pakalmahin ako.

“M-Maraming salamat, Kuya, ah? 'D-Di ko alam kung ano pa ang kaya kong gawin para masuklian man lang ang tulong mo.”

Napayuko s'ya ng bahagya. “Wala iyon. Sa susunod mag-iingat ka na...” Inilibot n'ya ang apartment ko. “Mas maiging nasa tabi mo ako palagi para hindi ka na lapitan ng masasamang tao.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. “P-Po? N-Nakakahiya naman po dahil mukhang nakakaabala na ako sa inyo...”

Ngumiti s'ya ng tipid sa 'kin habang nakaluhod ang isang tuhod nito sa harap ko. “Wag mo isipin na nakaabala ako. Ito na lang ang kabayaran mo sa pagtulong ko. Hindi kita hahayaang mag-isa lamang dito.”

Wala sa sariling napayakap ako sa kan'ya at do'n inilabas ang iyak ko. Hindi lang dahil sa takot kagabi kundi dahil masaya ako nang nandito s'ya kahit hindi ko pa s'ya kilala.

Ramdam kong nagulat s'ya sa ginawa ko pero hindi nagtagal ay niyakap din n'ya ako ng mahigpit na sinawalang bahala ko lamang.

“Walang gagalaw sa 'yo hangga't nandito ako. Malalagot man kung sino ang gagawa sa 'yo ng masama,” mahinang sambit n'ya habang hinihimas-himas ang buhok ko.

Medyo nagtataka lamang ako sa klaseng pananalita n'ya. Siguro ayaw n'ya lang talaga na may gano'ng lalaki kaya galit s'ya.

Nagpapasalamat talaga ako dahil tinulungan n'ya ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kamay n'ya at tila may kasandal na ako sa tuwing wala na akong kasama.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro