Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 09


EMERSYN SOLACE

“Emersyn!”

Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Aimy habang tumatakbo ito papalapit sa 'kin.

Nagpapasalamat ako dahil nandito si Aimy. 'Di ko na alam kung mag-isa lamang ako rito kasama ang misteryosong lalaki.

Napalingon ako sa likuran ko at nakitang wala na ang lalaki na humuhukay sa lupa. Napabuga ako ng hininga nang makitang wala na s'ya.

Nakalapit na sa 'kin si Aimy at hinihingal itong napahawak sa tuhod at may hawak-hawak pa itong tupperware.

Napabuga s'ya ng hininga at hinarap ako. “Anong ginagawa mo rito, Syn? Delikado na pumunta ka rito sa madilim na lugar.” Bakas ang pag-alala sa mukha n'ya.

“M-May nakita lamang ako...” Sana wag ka s'yang magpakita dahil ako na mismo ang natatakot sa pagkatao ng lalaking iyon.

“Eh? Ano naman nakita mo? Aswang? Asus!” Hinampas n'ya ako sa balikat at inilahad sa 'kin ang tupperware. “Naiwan mo pa sa ref, oh. Buti na lang naabutan kita kundi, kakainin na n'yan ng mga trabahador.”

Tinanggap ko naman ito. “Salamat. Dapat tinext mo na lang ako,” mahina kong saad sa kan'ya bago isinilid ang tupperware sa eco bag ko.

Napaisip naman ito. “Oo nga 'no? Ehh! Basta ang importante naabot ko na sa 'yo ang tupperware.” Iniwas-iwas naman n'ya ang kan'yang kamay sa ere.

“Sige na, Aimy bumalik ka na sa bar baka hanapin ka ni Madam.”Pagtataboy ko rito.

Hindi kami safe dito. Kahit gusto kong malaman kung anong hinuhukay ng lalaking iyon sa lupa, hindi ko pa pwede ngayon malaman. Baka kasi bumalik ito, katakot pa naman.

Nanlaki ang mata n'ya at taranta na ito sa kinatatayuan. “Oo nga 'no? Hala! Kailangan ko nang bumalik!” Dali-dali s'yang tumakbo papaalis sa 'kin.

Bago pa man ito umalis ay sumigaw pa ito na pasensya na raw at maiiwan n'ya ako rito. Di na ako sumagot pa at nagsimula nang maglakad para makauwi na sa bahay.

Pero napahinto na naman ako sa paglalakad nang marinig ang halinghing at parang may sinisipsip na kung anong bagay banda sa 'di gaanong kadilim na parte ng kotse.

Parang kilala ko ang kotse na ito, ah...

Iba't ibang ideya na ang pumapasok sa utak ko. Hindi ako maaaring magkamali sa naisip ko. Kay Asher itong kotse na palagi n'yang dinadala.

Si Asher ba talaga ang lalaking nakita ko kanina?

Kahit 'di sigurado ay kinumperma ko kung totoo 'bang kay Asher itong kotse. Mabilis akong lumakad sa kotse at sinilip ang loob nito.

Wala akong nakitang tao sa loob pero lalo nga lang lumakas ang tunog ng halinghing. Kinalibutan tuloy ako sa klaseng halinghing na para 'bang boses ito ng babae.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kabilang side ng kotse. Nang silipin ko ito ay halos 'di na gumana ang utak ko dahil sa bigla.

Isa-isang pumatak ang luha ko dahil sa nakita. Bakit may kahalikan s'yang babae? Sino ang babaeng ito?

Walang lumabas na hikbi sa 'kin kaya tahimik lamang akong umiiyak sa tabi habang nakatingin kay Asher at sa babae nitong kahalikan. Halos punit na ang damit ng babae dahil sa sabik nitong halik at agresibong kamay na humahawak sa iba't ibang parteng katawan ng babae.

Ito ba ang pinagkakaabalahan palagi? S'ya ba ang babaeng kahati ko sa oras sa tuwing 'di kami magkasama ni Asher?

Kahit gulong-gulo ako kung ano ang pagkukulang ko at kung bakit pa s'ya naghanap ng iba ay buo na ang pasya kong hindi maniwala sa ano 'mang sasabihin ngayon ni Asher.

Buong akala ko ako lang ang babae n'ya. Buong akala ko loyal s'ya... Pero nagkamali ako, hindi pala ako sapat sa kan'ya.

Nagbingi-bingihan ako sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko na hindi ko gaano kakilala si Asher. Akala ko kasi sinisiraan lamang nila ako para maghiwalay kami pero tama pala sila. Sana naniwala lamang ako sa kanila.

Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko ay inihagis ko sa kanila ang dala-dala kong wine at pagkain dahilan para mapasigaw ang babae sa gulat at si Asher naman ay napamura bago ibinaling sa 'kin ang tingin.

“Gosh! What's that!”

“Fuck!”

Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat nang makita ako sa harapan n'ya. Di man gaano ka klaro ang aming mukha dahil sa dilim kaming parte ay alam kong alam n'ya kung sino ako at alam ko rin na s'ya ay si Asher.

Ang huling wine na hawak ko ay inihagis ko sa paanan nila dahilan para mapaurong sila sa pwesto.

Galit na mukha ang ipinukol sa 'kin ng babae. “Sino ka ba, ah?! Baliw ka ba?!”

Galit kong dinuro si Asher at 'di pinansin ang babae. “W-Walang hiya ka!” Nagbabadya ang luha kong pumatak sa pisngi ko.

'Di alam ni Asher kung anong uunahin n'ya. Bakas na rin sa mukha n'ya ang pagkagulat at taranta habang nakatingin sa 'kin.

“B-Babe...”

“'Wag mo akong mababe-babe d'yan! N-Niloloko mo lang ako...” pumiyok ang boses ko dahil sa sakit ng dibdib ko.

Galit at nasasaktan akong tumalikod sa kanila at mabilis na umalis sa likod ng kotseng iyon.

Ito ba ang matagal na n'yang tinatago? Di ko alam kung kailan ako nagpakatanga sa kan'ya. Ang galing lang talaga.

Rinig ko ang tawag ni Asher sa 'kin mula sa likuran ko pero hindi ko ito nilingon man lang. Bakit n'ya pa ako hinahabol? Wala akong maibibigay sa kan'yang pangangailangan. Baka ang babae iyon ay kaya.

Pipihitin ko na sana ang kahawakan ng pintuan nang bigla ako hinawakan ni Asher sa braso at iniharap sa kan'ya.

Halong-halo na ang emosyon na nararamdaman ko at 'di ko alam kung saan ako magsisimula pagkatapos nito.

Takot at pangamba ang nakikita ko sa mga mata n'ya na minsan na n'ya ako napaniwala.

“B-Babe... Please hear me out,” pagsusumamo nitong sambit sa 'kin.

Galit na umiling ako ng dahan-dahan dito at tinulak ang katawan n'yang nakadikit sa 'kin.

“M-Manloloko! Puro na lang kasinungalingan ang sasabihin mo!”

Hinuli n'ya ang kamay ko nang hinampas-hampas ko s'ya sa dibdib.

Wala na akong aasahan pa sa mayamang lalaki. Ano naman ang laban ko sa babaeng iyon? Maganda na nga, mayaman pa. Eh, ako? Pangit na nga mahirap pa kaya ano pa ba ang maipagmamalaki n'ya?

Mas mabuting mahirap na lalaki na lang ang mamahalin ko kaysa mayaman na nga, manloloko naman. Nakakatanga lang talaga ang buhay na ito.

Hinila n'ya ako para yakapin sana nang pumiglas ako at sumigaw-sigaw rito. Maibabalik pa ba ang panloloko n'ya sa simpleng yakap? Ayos sana kung 'di s'ya nagloko.

“S-Sorry, babe... I-I'm so sorry. 'Di ko sinasadyang—”

Naputol ang sasabihin n'ya ng sinampal ko s'ya sa pisngi dahilan para tumabingi ng bahagya ang mukha n'ya.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro