Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 08


EMERSYN SOLACE



“Tama na 'yan, Asher. Masyadong marami ang binili mong prutas.” Inawat ko si Asher sa kakakuha nito ng sari-saring prutas.

Napatingin s'ya sa 'kin. “You need to be healthy, babe. Come on...”

Umiling ako sa kan'ya at tuluyan ko nang nakuha ang apple sa kamay n'ya at ibinalik sa lalagyan nito.

“Punong-puno na ang basket natin, Asher. Bili na lang tayo sa susunod dahil hindi ko lahat ito mauubos.”

Magrereklamo sana s'ya nang sinenyasan ko s'yang tumigil na. Napasimangot tuloy ito at napakamot lamang sa batok.

Natatawa na lang tuloy ako sa asta n'ya.

Tumungo kami sa counter para bayaran ang pinamili namin. Nandito kami ngayon sa grocery na halos lahat ay kompleto na mula sa gulay, prutas at karne. Gusto ko sana sa palengke na lang kaso nagmamatigas si Asher.

Kukunin ko na sana ang wallet ko nang pigilan ako ni Asher at dali-daling binigay ang pera n'ya sa cashier.

Napanganga akong napaangat dito ng tingin. “Asher!”

Natatawa lamang n'ya akong tinignan at kinindatan. Pinaningkitan ko s'ya ng mata.


“Kaya ko naman bayaran iyon, Asher, eh. Palagi na lang ikaw ang gumagastos,” saad ko rito habang naglalakad kami papauwi sa bahay.

Mas gugustuhin ko na lang maglakad kami kaysa sa sumakay. Nasanay na rin kasi ako.

“Gusto kong gumastos ng pera kung ikaw lang naman, babe.”

“Ehh! Napag-usapan na natin ito, ah?”

Inakbayan n'ya ako habang naglalakad kami. Malapit na pala kami sa bahay.

“Let me do it for you, babe kahit minsan lang. I'm your boyfriend so I should treat you sometimes.”

Wala na akong nagawa kundi tumango sa kan'ya. Hindi ko na s'ya napipilit pa sa gusto n'ya at saka may dahilan na naman ito, iyon ay boyfriend ko raw s'ya.

Nang makarating kami sa loob ng apartment ay inilapag ko kaagad ang mga pinamili ko sa lamesa.

Napalingon ako kay Asher na abala sa kakalikot ng kan'yang cellphone. Wala naman akong nababasa sa mukha n'ya dahil sa seryoso nito.

Tatalikuran ko na sana s'ya nang bigla n'ya akong pinigilan nang akmang papasok ako sa banyo.

Napabaling ang tingin ko rito. “Bakit?”

Nagtaka naman ako na makitang 'di mapakali ang mga mata n'ya. Napatikhim muna ito bago nagsalita, “M-May pupuntahan muna ako ngayon, babe. Balik ako mamaya, ah? May aayusin lang ako.”

Nakangiting tumango ako sa kan'ya. “Okay lang, Asher. Punta ka na lang mamaya rito para makapagbonding tayo.”

Wala naman problema sa 'kin kung minsan kalahating oras lang ang kaya n'yang maibigay sa 'kin. May personal s'yang buhay at gano'n din ako.

Mabilis lamang n'ya akong hinalikan sa pisngi at dali-daling naglakad papalabas ng apartment ko.

Napasunod lamang ang tingin ko sa kan'ya hanggang sa sinarado na n'ya ang pintuan.

Nagpasya na lamang ako na maligo muna dahil babalik muna ako sa Bar. Buti na lang ay day-off namin ngayon.

“Oh, bakit ka nandito, Syn? Di'ba day-off mo ngayon?” bungad na tanong ni Aimy nang makita akong papalapit sa kan'ya.

Mahinang tugtog ng musika ang tanging maririnig dito sa bar. Wala pa masyadong tao dahil alas-syete pa naman.

Tinuro ko ang kusina. “May naiwan akong pagkain sa kusina. Kukunin ko lang dahil kakainin namin mamaya ni Asher sa apartment.”

Pangasar na tingin ang ipinukol n'ya sa 'kin. “Ikaw, ah! May nangyari na ba sa inyo?”

Nanlaki ang mata ko sa tanong n'ya. Agad akong umiling dito. “Hala! Wala 'no! Ikaw talaga, Aimy!”

Natatawang tinignan n'ya ako. “Biro lang, Syn. Alam ko naman na hindi ka pa handa sa ganyan. Wag mo muna ibigay, ah? Mahirap na.”

“Oo naman, 'no,” tugon ko sa kan'ya.

Kahit magboyfriend kami ni Asher, hindi ko muna kayang ibigay sa kan'ya ang iniingatan ko. Lalo pa na hindi ako sigurado sa kan'ya.

Kinuha ko ang wine at ilan pa na pagkain sa ref na may nakalagay na pangalan ko. Para hindi nila kunin ang ni-ref ko kaya nilagyan ko na lang ng pangalan.

Nagpaalam na ako kay Aimy at Jerick na aalis na ako. Tumango lamang sila at nakangiting kumaway sa 'kin. Gano'n din ang ginawa ko sa kanila bago tumalikod dito at lumabas ng Bar.

Medyo humina na ang tugtog ng musika dahil nakalabas na ako sa Bar. Lihim na napailing lamang ako nang makitang may naghahalikan na dalawang lalaki.

Walang problema sa 'kin kung nagmamahalan ang magkaparehong kasarian. Ang akin lang kasi ay baka may makakita sa kanila at saka PDA sila.

Bahala na sila dahil buhay nila iyan, eh.

Nagsimula na akong maglakad sa tahimik na daanan. Medyo hindi na ako kinakabahan dahil sa nalaman ko naman na si Asher ang sumusunod sa 'kin palagi.

Pero kasi hindi ko maiwasang 'di kabahan ngayon. Baka kasi ibang tao na ang nakasunod sa 'kin, di ko masabi.

Umihip ang hangin nang makarating ako sa madilim ulit na daanan. Nilamigan tuloy ako, hindi dahil sa ihip ng hangin, kundi dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Nanlaki ang mata kong napatingin sa likod ng madilim na puno malapit lamang sa 'kin. May narinig kasi ako na parang humuhukay.

Aalis na sana ako roon nang marinig ang sigaw ng lalaki basi sa boses na narinig ko. Kaagad akong napalingon ulit sa puno.

Kahit takot at namamawis na ang kamay ko ay napagpasyahan ko na lumapit sa madilim na puno.

Habang papalapit na papalapit sa puno ay do'n na ako napanginig ng kamay na makumperma na may tao nga sa likurang bahagi ng puno na ito.

Walang ingay na sumandig ako sa puno. Pakiramdam ko tuloy mawawalan ako ng hininga dahil sa kabog ng dibdib ko. Balisa ang mata kong napasilip sa likuran ko sa tinataguan kong puno.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang lalaking naka-jacket na kulay itim habang naghuhukay ng lupa.

Tahimik lamang ito pero 'di siguro n'ya alam na rinig na rinig ko ang paghukay nito ng lupa.

Anong gagawin n'ya sa hinukay n'ya? Maraming pumapasok na ideya sa isipan ko.

Ano ang narinig ko na sigaw ng lalaki? Dito ba galing 'yon?

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang biglang tumigil ang lalaking naka-jacket sa paghuhukay. Napatayo s'ya ng matuwid at pakiramdam ko ay pinapakiramdaman n'ya ang paligid.

Gusto kong magtago pero huli na ang lahat dahil tuluyan na n'yang naibaling ang tingin sa 'king pwesto.

S-Si Asher ba ito? Kung s'ya man, bakit s'ya nandito? Akala ko ba may emergency sa kanilang bahay?

Di ko alam kung si Asher ba talaga ito pero pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita ko ngayon.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin lamang sa lalaki habang papalapit ito sa 'king pwesto. Gusto kong igalaw ang katawan ko at tumakbo pero ayaw talaga ng katawan ko makisama.

Papalapit na papalapit na s'ya sa 'kin nang biglang may tumawag sa 'king pangalan mula sa likuran ko. Nangingig na nilingon ko ito at hindi na makapagsalita sa takot.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro