Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 06

EMERSYN SOLACE

“S-Sino ka—”

“Shh! Ako 'to, si Jerick,” agad na pakilala ni Jerick na akala ko ay ibang tao ang humila sa 'kin.

Binitawan na n'ya ako at mabilis na sinarado ang pintuan dahilan para magtaka ako.

“B-Bakit ka nandito? Bakit tayo nagtatago?” tanong ko sa kan'ya.

Sinenyasan n'ya ako na magsalita lamang sa mahinang boses.

“Kilala mo ba ang lalaking nasa room 15? 'Yong napasukan mong room?” bigla lamang n'ya na tanong.

Naisip ko tuloy ang klaseng tingin at nakakatakot na presensiya ng lalaking iyon. Hanggang ngayon pinagkakamalan ko pa rin s'yang si Asher pero 'di kasi ako sigurado.

“Hindi, bakit?”

Anong karapatan ng lalaking iyon na sigawan ako? Naalala ko tuloy kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis roon at nanakbo ng mabilis.

Napabuga s'ya ng hangin at tinitigan ako ng mariin. “Mag-ingat ka na lang, Syn. Di natin kilala ang lalaking iyon pero alam ko na may masama s'yang binabalak dito sa bar,” paalala n'ya sa 'kin na mas lalong ikinakaba ko.

“P-Paano mo na sabi?”

“Hindi ko masabi. Sa klase pa lamang ng tingin ng lalaking iyon at sa pananamit ay alam kong delikado itong tao.” Hinawakan n'ya bigla ang balikat ko at nag-aalalang mata ang nakikita ko sa kan'ya.

“Wag 'kang mabibigla sa sasabihin ko, Syn pero... Matagal ko nang alam na sinusubaybayan ka na ng lalaking iyon. Mag-ingat ka dahil hindi mo alam kung ano ang motibo n'ya sa 'yo. Nasa tabi mo lang s'ya palagi na 'di mo namamalayan.”

Ang huling katagang sinambit si Jerick ay tumatak sa isipan ko habang nasa kasalukuyang akong nagtatarbaho. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong takot bukod sa eskwelahan na puno ng masasamang estudyante.

Sino ba matatakot na sinusubaybayan ka palagi? Ini-imagine ko tuloy kong anong klaseng tingin ang pinukol nito sa 'kin sa tuwing naglalakad ako o nagtatarbaho.

“Out mo na, Syn. Umuwi ka na para magising ka ng maaga bukas.”

Agad akong napatingin kay Aimy nang magsalita ito. Napatango-tango naman ako sa kan'ya at dali-daling iniligpit ang mga baso at inilagay sa kusina.

“Bakit parang balisa ka, Syn? May problema ba?”

Inilapag ko muna ang mga baso sa lababo saka hinarap si Aimy na may pagtataka sa mukha nito. Di ko namalayang sinundan pala n'ya ako.

“Pagod lang siguro ako, Aim.” Dahilan ko na ikinatango naman n'ya.

“Sabagay, kakapagod talaga magtarbaho dito,” tugon n'ya bilang pagsasang-ayon. “O siya, umuwi kana ng maaga, ah?”

Tumango ulit ako sa kan'ya bago ito tuluyang umalis sa kusina at naiwan akong mag-isa rito.

Nakakatakot na tuloy umuwi ng gabi dahil sa nalaman ko. Siguro mas nakakatakot pa ito kaysa sa aswang o multo.

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada at ilang pikit ng mariin na ang ginawa ko dahil sa takot na baka may sumulpot. Worse kung ang lalaking iyon ang susulpot.

Natanaw ko na kaagad ang apartment ko sa 'di kalayuan. Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumakbo papunta roon dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Di pa man ako nakaka-apat na hakbang nang may bigla akong narinig na hiyaw ng isang lalaki. Tarantang inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin ang hiyaw na narinig ko.

Wala sa sariling nagsimula akong humakbang patungo sa madilim na parte ng puno. Nangingig na ang kamay ko at pawisan na rin ito.

Dahil sa takot na baka may sumulpot na kakaibang nilalang ay hindi ko na tinuloy ang pagtungo ko roon.

Mabilis ang hakbang ko patalikod hanggang sa may nabunggo akong tao sa likuran na ikinahiyaw ko sa gulat.

Tumili ako sa hiyaw nang bigla akong iniharap ng taong nakabunggo ko.

“Babe! Shh, it's me, Asher...”

Napahinto naman ako sa pagtili at dahan-dahang inangat ang tingin dito. Napabuga ako ng hininga at niyakap s'ya.

Hindi naman s'ya nagtaka at niyakap din ako. At sa puntong iyon ay naisip ko ulit ang lalaking nakausap ko sa room 15.

Kumalas kaagad ako sa yakap at tinitigan s'ya ng mariin. “May tinatago ka ba sa 'kin, Asher? S-Sabihin mo na ang tinatago mo dahil naguguluhan ako.”

Kita ko ang paglaki ng kan'yang mga mata sa gulat nang marinig ang sinabi ko. Sa ekspresiyon lamang n'ya ay mas lalo lamang akong nagduda na s'ya ang lalaking iyon.

“A-Alam mo na—”

“Oo alam ko na! Bakit tinatago mo sa 'kin na nagba-bar ka pala? Hindi naman ako magagalit dahil maski ako ay hindi ko nasabi sa 'yo na nasa bar ako nagtatarbaho.” Napahinga ako sa mahaba kong sinabi. “May plano naman akong sabihin iyon sa 'yo pero 'yong magtatago ka sa dilim at palihim na sinusubaybayan ako ay ang nakakatakot.”

Ang mukha n'yang balisa ay napunta sa pagtataka. Siguro 'di lang n'ya alam na nalaman ko na s'ya iyong lalaki na nakita ko.

Napakurap-kurap pa ito na tila hindi pa maka-get over sa sinabi ko.

“S-Sorry... Hindi na ako m-maglilihim,” sambit n'ya bilang paghingi ng paumanhin. Taka at gulat pa rin ang nakapaskil sa mukha n'ya na binaliwala ko lamang.

Wala na akong nagawa kundi patawarin s'ya. Panatag na ako na s'ya iyon at hindi s'ya isang taong nakakatakot dahil alam ko na s'ya iyon.

“Sorry rin,” hinging paumanhin ko at kumapit sa braso n'ya saka ito hinila patungo sa apartment ko.

Marinig lamang na sorry mula sa kan'ya ay ayos na ako. Hindi na ako magtatanong kung bakit palagi n'ya ako sinusubaybayan. Siguro ay binabantayan lang talaga n'ya ako na baka sumulpot bigla ang mga kaibigan ni Sabrina.

Di pa rin s'ya nagsasalita at tulala lamang. Niyugyog ko naman s'ya nang makarating na kami sa harapan ng pintuan ng apartment ko.

Bumaba ang tingin n'ya sa 'kin at ngitian ako ng tipid. Napangiti na lang tuloy ako sa kan'ya.

“Alas-dose na, Asher. Wag ka nang mag-alala sa 'kin kung iniisip ko na baka sumulpot si Polace dito.”

Napatango-tango naman s'ya sa 'kin at saka n'ya hinimas ang buhok ko. “Take care, okay? Susunduin na lang kita dito bukas,” aniya na ikinatango ko naman.

Ako na mismo ang humalik sa pisngi n'ya na ikinagulat n'ya. Di kasi ako ang unang nanghahalik sa amin.

Abot taenga ang ngiti n'ya saka ako hinalikan sa labi. Napapikit naman ako nang tumugon ako sa galaw nito.

Di rin nagtagal ay s'ya na mismo kumalas. Hinimas pa n'ya ng dalawang beses ang makulot kong buhok.

“Lock the door. Don't you ever open it kahit ako pa ang kumatok,” paalala n'ya.

Kahit nagtataka ay tumango ako sa kan'ya. Hinalikan pa n'ya ako sa pisngi bago kumaway sa 'kin. Gano'n din ang ginawa ko bago s'ya tuluyang nakaalis sa paningin ko.

Binuksan ko ang pintuan ng apartment ko saka pumasok dito. Ilang ayos sa katawan at gamit ang ginawa ko bago humiga sa 'di gaanong kalambot kong kama.

Napahikab ako sa antok at tuluyan na nga akong napapikit ng mata.

Di pa man tuluyan ako nakatulog nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ko. Hindi ko na inabalang tignan pa ito dahil sa pagod at antok na nararamdaman ko.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro