Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 05

EMERSYN SOLACE



“Paborito mo ito di'ba?” tanong n'ya na ikinataka ko.

“Kilala ba kita?” balik kong tanong sa kan'ya na ikinatigil nito.

'Di s'ya nagsalita at inilapag lamang ang kahon na may lamang cookies sa harap ko na ikinasunod lamang ng tingin ko rito.

Napandig ito sa kan'yang inuupuan. “Di mo ako kilala pero ako? Kilala kita,” sagot n'ya.

Sino ba naman hindi makakilala sa 'kin? Boyfriend ko si Asher na sikat din sa eskwelahan namin. Ang dali lang talaga ng balita.

Di naman ako nagdalawang isip na kunin iyon. Siguro mamaya ko na lang kakain. Baka ano pa ang nakalagay dito, eh.

“Di mo kakainin?”

Umiling ako. “Mamaya na po, Sir. Ano ba ang kailangan niyo sa 'kin?” tanong ko saka inilibot ang paningin sa kwarto.

Paniguradong mayaman din ito si Sir. Mahal kaya ng private room na ito.

“G-Gusto ko lang matitigan ka sa malapitan...”

Dahil sa sinabi n'ya ay napatingin ako dito. Kinalibutan tuloy ako sa sinambit n'ya. Naka drugs ba 'to?

“Bakit mo naman gusto akong matitigan, Sir?” lakas-loob kong tanong sa kan'ya.

Sumalin s'ya ng wine sa wine glass nito at ininom. Ramdam ko ang mariin nitong titig na ikinataas ng balahibo ko.

“Di ko alam,” sagot n'ya na ikinangiwi ko.

Di ko na ito tinanong dahil wala yata s'yang matinong sagot.

Sa tingin ko ay isang oras na n'ya ako tinititigan sa kinauupuan ko. Di tuloy ako sanay.

Napagpasyahan ko nang kumain dahil sa gutom ako. Nagmamadali kasi ako kanina na makapunta rito at baka masundan pa ako ni Asher.

Di ko alam kung narinig na ba ni Asher ang usapan tungkol sa pagtatarbaho ko rito sa bar. Sana naman ay 'di umabot ang balita sa kan'ya kahit alam kong 'di magtatagal ay malalaman pa rin n'ya ito. Marami na ang nakakaalam dahil sa pinalandakan ba naman ni Polace ang naging tarbaho ko.

Waitress at Bartender lang talaga ang tarbaho ko. Hindi ako nagbebenta ng katawan dahil wala ito dito sa Bar namin.

Naubos ko na ang cookies kaya naman napaangat ako ng tingin kay Sir na sana pala hindi ko na ginawa.

Para s'yang robot na nakatitig lamang sa bawat galaw ko. Para 'bang mas gugustuhin na lang n'ya na titigan ako kaysa sa kumain s'ya.

Napatikhim muna ako bago tumayo sa pagkakaupo na ikinataranta naman n'ya.

Tulad ko ay napatayo ito sa pagkakaupo at hinarangan ako sa daanan nang akmang tutungo ako sa kusina.

Napahinto ako sa harapan n'ya. “May kailangan ka po ba, Sir?”

Kita ko naman ang katawan n'ya ang pagiging taranta nito sa di ko malamang dahilan.

“U-Uuwi ka na?”

Taka tuloy akong napatingin sa kan'ya. “Mamaya po, Sir. Kukuha lamang ako ng maiinom sa kusina,” sagot ko dahilan para tumabi s'ya sa dinadaanan ko.

Akala siguro n'ya tatakasan ko s'ya. Kanina iniisip ko na iyang plano pero 'di ko alam kung bakit hindi ko tinuloy. Dahil siguro naghihintay ako sa sasabihin pa n'ya?

Ramdam ko naman na sumunod s'ya hanggang sa makapasok ako sa kusina. Nandito pa rin talaga ang kaba ko sa tuwing nakatingin s'ya o sumusunod sa 'kin. Di ko naman kasi s'ya kilala.

Nagsalin ako sa babasaging baso ng tubig at saka ito ininom. Napaubo ako nang makitang nakatutok pa rin ang tingin n'ya sa 'kin. Nabulunan tuloy ako.

Taranta naman s'yang lumapit sa 'kin at hinimas-himas ang likuran ko na ikinaatras ko.

Napahinto naman s'ya nang makitang umatras ako. Kita ko ang pagbuga ng hininga n'ya at saka may kinuha itong panyo sa bulsa.

Inilahad n'ya sa 'kin ang panyo. “Punasan mo na lang bibig mo.”

Kahit kinakabahan pa rin ako sa isipang hinimas n'ya ang likuran ko ay tinanggap ko pa rin ang panyo na inilahad n'ya.

Naiilang na tumalikod ako mula sa kan'yang harapan at pinunasan ang bibig, leeg at dibdib ko.

Humarap na ako rito. “L-Lalabhan ko na lang.”

“Wag na.” Akmang ikukunin sana n'ya ang panyo sa kamay ko nang inilag ko ito sa kan'ya.

“May dumi na kasi ito, Sir...”

Umiling s'ya at matagumpay n'yang nahablot sa 'kin ang panyo at saka n'ya inilagay sa kan'yang bulsa na ikinanganga ko lamang.

May pawis pa naman ako at baka may dumi-dumi pa roon! Di ba s'ya nandidiri?

Magsasalita na sana ako nang inunahan n'ya kaagad ako. “May pasok ka pa bukas di'ba?”

Kahit nagdadalawang isip ako na sagutin s'ya ay sinagot ko na lamang ito. “Opo...”

Tumalikod s'ya sa 'kin at nagsimulang maglakad papaalis sa kusina. Pero bago pa man s'ya tuluyang makalabas ay nagsalita ito.

“Hatid na kita sa apartment mo.”

At dahil sa sinambit n'ya ay do'n na ako nagduda sa pagkatao n'ya. Paano n'ya nalamang nag-a-apartment ako? Sabi nga n'ya kilala n'ya ako. Sino ba talaga s'ya? Bakit tinatago n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin?

Dali-dali naman akong sumunod sa kan'ya at 'di ko na napigilang 'di s'ya tanungin. “I-Ikaw ba si Asher?”

'Di pa man s'ya nakakainom ng wine nang matigilan s'ya sa tanong ko. S'ya ba 'yan? Di ko alam...

Lumapit pa ako rito at akmang huhubarin na sana ang jacket n'ya nang pigilan n'ya ako.

Inis ko namang hinablot pabalik ang kamay ko at pabagsak na umupo sa harapan n'ya. “Ikaw ba 'yan, Asher?! Sabihin mo! Ikaw na ba ang boyfriend—”

“Tumigil ka na,” madiin nitong sambit sa 'kin at saka tinago ulit ang kan'yang mukha sa jacket.

Pakiramdam ko ay may tinatago ito sa 'kin, eh. S'ya ba si Asher? Bakit ayaw n'yang ipakita ang mukha sa 'kin? Dahil ba sa palagi s'ya dito sa bar?

Bigla ko lamang na isip na hindi ko pa masyadong kilala si Asher. Ito na ba ang totoong s'ya o ito na ang tinatago n'ya sa 'kin? Ano naman ang itatago n'ya?

“Di ako magagalit kung ikaw 'yan, Asher. Palagi ka 'bang nandito? Akala ko ba wala tayong—”

“Wag mo nang banggitin ang putanginang Asher na 'yan!”

Napatalon naman ako sa kinauupuan ko nang sinigawan n'ya ako. Dahil sa sigaw n'ya at galit na galit na boses ay napahikbi akong umiyak sa palad ko.

“H-Hey...”

Ramdam kong lumapit s'ya sa 'kin at hinawakan ang kamay kong nasa mukha.

“I-I'm sorry, baby. Please, 'di ko sinasadyang sigawan ka.” Akmang aalisin na n'ya sana ang kamay ko sa mukha nang agad akong tumayo sa pagkakaupo at lumayo sa  kan'ya.

Inalis ko na ang kamay ko sa mukha at pinahid ang luha ko. Napasinghot pa ako ng sipon bago umupo sa kabilang upuan at matalim ko s'yang tinitigan.

Akmang lalapitan n'ya sana ako nang hinagisan ko s'ya ng kahon na nasa gilid ko lamang.

“T-Tinatanong lang naman kita, a-ah! Napakasama mo talaga!” singhal ko sa kan'ya bago tumayo sa pagkakaupo at mabibigat na hakbang na umalis ako sa room na iyon.

“E-Emersyn! Teka lang!”

Di ko s'ya sinunod ang dire-diretso akong naglakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko ito at nilingon s'ya na nasa harapan ko na. Pilit n'yang pinapatigil ako sa pag-alis pero hindi ako nagpatinag.

“Ayaw ko sa 'yo! Si Asher ka man o hindi, ayaw ko sa 'yo!” sigaw ko sa pagmumukha n'ya at tuluyan na nga akong nakalabas ng room na iyon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa elevator nang sumunod s'ya sa 'kin. Tinatawag pa n'ya ako at ito ako lumalayo sa kan'ya.

Di ko s'ya kilala. Kung si Asher man s'ya, di ko pa rin s'ya kilala dahil sa paglilihim nito. Ano ang dahilan n'ya para maglihim sa 'kin?

Liliko na sana ako ng daanan nang biglang may humablot sa 'kin at hinila sa loob ng isang madilim na kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro