
CHAPTER 04
EMERSYN SOLACE
“Ihatid mo muna ito, Syn!” sigaw na utos ni Jerick sa 'kin dahil sa lakas ng tugtog.
Napalingon naman ako sa kan'ya mula sa pagpupunas ng lamesa. Dala-dala ang basahan ay tumungo ako sa kan'ya.
“Anong table ba?” Kinuha ko mula sa kamay n'ya ang tray na may nakatungtong na beer.
“Table 7 at saka bumalik ka ulit dito dahil may ipapaabot ka 'pang wine sa 2nd floor ng private room,” tugon n'ya na ikinatango ko.
Nagpaalam muna ako rito na aalis na ako kaya nagthumb-ups s'ya sa 'kin bago bumalik sa pag-i-intertaine ng customer. Isa kasi s'yang bartender at dahil sa gwapong taglay n'ya ay maraming babaeng lumalapit dito at nakikipagkuwentuhan minsan.
Inilapag ko ang tray sa table 7 bago iniharap ang customers.
“Enjoy the night, ma'am and sir,” nakangiti kong sambit sa kanila bago tumalikod.
Di pa man ako nakakatatlong hakbang nang tawagin nila ako. Napalingon naman ako sa kanila.
“Ikaw ba si Emersyn? Boyfriend ni Severo Asher Fenno?” tanong ng babaeng may katabing lalaki na humahalik sa kan'yang pisngi. Kita ko ang bahagyang pagtampal n'ya sa lalaking katabi n'ya.
Medyo nasanay na rin ako sa nakikita ko pero minsan 'di ko maiwasang 'di mapangiwi. Di ko alam kung bakit.
Kahit nahihiya at nagtataka ay tumango ako sa kan'ya. Kita ko naman ang pag-alinlangan sa mga mata ng kan'yang kaibigan na nasa tabi lamang n'ya na katulad n'ya ay may kasama ring lalaki. Siguro nobyo nila.
Kita ko ang pag-iba ng ekspresiyon ng babae. “Do you really know him well, Emersyn? Alam mo ba ang mga pinaggagawa n'ya palagi?”
Bakit ganito lamang sila magsalita? Kahit medyo na-offend ako sa sinabi n'ya ay nagsalita ako.
“Siguro? Bakit po?” magalang kong tanong.
Nagkatinginan naman sila ng kan'yang kaibigan na babae at saka ulit binalik sa 'kin ang tingin.
“Hindi sa sinisiraan ko si Asher sa 'yo, Emersyn. Pero kasi kilala ko na si Asher, I mean alam ko ang mga pinaggagawa n'ya palagi—”
Pinahinto ko s'ya sa pagsasalita kahit 'di ko alam kung magagalit ba sila.
“M-Mawalang-galang na po, ma'am pero aalis na kasi ako. Kalimutan niyo na lang po na nakausap niyo ako.”
Magsasalita pa sana s'ya nang talikuan ko na sila saka bumalik sa pwesto ni Jerick.
Kahit nagtataka at gustong-gusto kong malaman ang sasabihin n'ya ay 'di ko na lamang s'ya pinakinggan. Takot ako na malaman ang katotohanan at takot akong makarinig ng masamang balita.
Maraming gumugulo sa isip ko at isa na roon ang pagkatao ni Asher. Minsan hindi ko s'ya kilala pero dahil sa mabuti naman ang pakikipagtungo n'ya sa 'kin ay hindi ko na ito inabala.
“Mukhang malalim ang iniisip mo, Syn, ah.”
Umupo ako sa high chair na kaharap lamang ni Jerick. “Gulong-gulo kasi ako, Rick.”
Sumalin s'ya ng juice at ibinigay sa 'kin na kaagad ko naman tinanggap at nagpasalamat dito.
“May I know kung ano ang gumugulo sa isip mo?” tanong n'ya.
Hindi naman ako nagdalawang isip na magtanong dito, “K-Kilala mo ba si Asher? 'Yong sinasabi ko sa 'yong boyfriend ko.”
Tumango s'ya sa 'kin at saka hinintay ulit ang susunod kong sasabihin.
Napabuga muna ako ng hininga. “Parang 'di ko kasi s'ya kilala minsan. Iwan ko ba pero 'yon kasi ang pakiramdam ko at dagdag pa na maraming nagtatanong sa 'kin kung kilala ko ba talaga si Asher ng lubusan,” mahaba kong pahayag sa kan'ya at saka nilaro-laro ang baso na may lamang juice.
“Baka may alam ka tungkol sa kan'ya, Rick.”
Dahil sa sinabi ko ay napakurap-kurap ito ng mata. Sa pinapakita lamang n'ya ay parang may alam s'ya tungkol kay Asher.
Napaiwas s'ya ng tingin. “Kilala ko na s'ya noon pa man. At saka gusto ko sana itong sabihin sa 'yo sa una pa lamang na—”
Naputol ang sasabihin n'ya nang sumulpot si Aimy na nagmamadali.
“Bakit nakikipag-chismisan kayo dito? Jusko!” Dali-dali n'yang kinuha ang tray at inilapag dito ang wine saka agad na pinahawak sa 'kin na ikinataka ko.
“Hinay-hinay lang,” agap ni Jerick.
“Saan ko ito dadalhin?” tanong ko at inayos ang pagkakalagay ng wine dahil sa kakamadali ni Aimy.
Napasabunot ito sa buhok habang nakatingin sa 'min na tila malaki ang problema n'ya. “Di niyo ba alam na kanina pa naghihintay si Sir sa 2nd floor ng private room? Akala ko ba alam niyo?”
Bigla ko tuloy naalala na ihahatid ko pala ang wine na ito sa itaas. Dahil sa sinabi n'ya ay kaagad akong umalis roon at tumungo sa elevator.
Pinindot ko ang 2nd floor kaya ilang segundo lamang ay nakarating na ako. Mabuti lamang dahil wala akong nakasabayan na tao sa elevator dahil sa nagmamadali na ako.
Nalaman ko na room 15 ko ihahatid ang wine kaya kaagad akong tumungo roon at saka pinindot ang door bell.
Pawisan akong naghihintay sa labas ng pintuan nang bigla itong bumukas. Napatingin naman ako sa bumukas ng pinto.
Di ako muna ako nag-angat ng tingin dahil sa kabang nararamdaman ko. Napayuko ako rito.
“Nandito na po ang wine, Sir.” Napalunok ako ng laway sa kaba.
Ramdam ko ang titig nito sa 'kin dahilan para kabahan ako. Napahinga lamang ako ng maluwag nang buksan n'ya ng tuluyan ang pinto at sinenyasan akong pumasok.
Nangingig na tumungo ako sa pabilog nitong lamesa at inilapag ang wine na kinuha ko mula sa hawak-hawak kong tray.
Ramdam ko ang presensiya n'ya sa likuran ko kaya kaagad akong humarap sa kan'ya at yumuko ulit bilang paggalang.
“M-Mauuna na po ako, Sir.” Akmang aalis na ako nang magsalita s'ya na ikinatigil ko.
“Dito ka muna.”
Gulat naman akong napatingin sa mukha n'ya at magsasalita na sana ako nang mapansin ko ang jacket na suot n'ya dahilan para matabunan ang kan'yang katawan at mukha dahil sa taklob nito.
Kahit nagtataka sa suot n'ya ay binaliwala ko na lamang ito. “B-Bakit po? May tarbaho pa po ako, Sir...”
Tumungo s'ya sa upuan na katabi ko lamang at umupo rito. Sinenyasan n'ya akong umupo sa harap nito na ikinasunod ko naman sa 'di malamang dahilan.
Umupo ako sa harap n'ya at saka hinintay ang sasabihin n'ya.
Panatag ako na wala s'yang gagawing masama sa 'kin dahil 'di naman ordinaryo ang bar na ito. Lagot s'ya kapag may gawin s'yang masama sa 'kin.
Ngayon na kaharap ko s'ya ay kita ko ang kan'yang salamin sa mata n'ya. Di ko masyado makita ang mukha n'ya dahil sa medyo madilim sa part na inuupuan namin at naka-jacket pa s'ya.
“Anong pangalan mo?” baritong tanong n'ya na ikinalunok ko.
Napatikhim ako. “Bakit po?”
“Dahil gusto kong tanungin. Anong pangalan mo?” ulit n'yang tanong.
“Emersyn,” sagot ko lamang. Ang galing sumagot ni Sir, eh.
Kita ko naman ang bahagyang pagtango n'ya. “Emersyn... Kay gandang pangalan sa magandang babae na katulad mo.”
Sa isip ko ay gusto ko nang mapangiwi. Trip yata ako ni Sir.
Sa tingin ko ay 'di na lalayo ang agwat namin pero pakiramdam ko na nasa edad dalawampu na gulang na ito o pataas. Masyadong bariton ang boses n'ya na talagang binata na.
Di na lamang ako nagsalita sa sinabi n'ya at nanahimik lamang. Wala naman akong sasabihin sa kan'ya, eh.
Napatingin ako sa kamay n'yang hawak-hawak ang maliit na kahon ng cookies na ikinagulat ko nang ilahad n'ya ito sa 'kin.
“Paborito mo ito di'ba?” tanong n'ya na ikinataka ko.
Nanlaki ang mata kong inangat ang tingin sa kan'ya. Paano n'ya nalaman na paborito ko ito? Kilala ko ba s'ya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro