Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 02


EMERSYN SOLACE

“Susunduin kita mamaya dito, ah?”

Nakangiting tumango ako kay Asher at kumaway rito. “Maghihintay ako rito.”

Ngumiti naman s'ya at nilapitan ako ulit. Binigyan n'ya ako ng halik sa labi na ikinatugon ko naman. Kumalas naman s'ya sa halik at hinaplos ang makulot kong buhok na palagi n'yang ginagawa. Baka may makakita sa 'min dito!

“I will miss you,” madrama nitong sambit dahilan para hampasin ko s'ya ng mahina sa braso.

“Grabe ka naman. Magkikita pa rin naman tayo mamaya, eh.” Di ko na tuloy mapigilang 'di matawa sa mukha niya.

Napahinga naman ito ng maluwag. “Still I will miss you. See you later, babe,” paalam n'ya at patalikod na lumakad papaalis sa harapan ng classroom namin.

Nagflying kiss s'ya sa 'kin at nakangising umalis sa paningin ko.

Namula naman ako sa klaseng ngisi na isinukli nito. Napatingin-tingin ako sa paligid ko at napahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang tao sa labas ng classroom namin.

Tuluyan na akong nakapasok sa classroom namin at saka ako umupo sa upuan ko.

“Hey, Syn...” tawag ni Polace sa tabi ko lamang na upuan.

Napabaling ang tingin ko sa kan'ya. “Bakit?”

Napanguso muna ito bago mataray na tinignan ako. “Nakapag-review ka ba?” tanong n'ya saka n'ya isinarado ang nakabukas nitong libro.

Napaisip ako sa sinabi n'ya. “Oo? K-Konti lang kasi ang nireview ko sa ngayong araw. Masyado akong abala sa tarbaho kagabi,” dahilan ko sa kan'ya na ikinataray ulit n'ya.

“Di'ba sa bar ka nagtatarbaho? Di na ako magsasabi kung anong klaseng tarbaho mo.” Hilaw na ngisi ang kumurba sa kan'yang labi.

Kahit 'di n'ya sinabi ng direkta kung anong ibig sabihin n'ya ay alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya. Nasaktan naman ako sa sinabi nito.

Hindi naman porket sa bar ay illegal o kababalaghan na ang tarbaho ko roon. Hindi naman dapat ako papasok roon kung 'di ko lang talaga kailangan. Nagkataon na wala na akong mapapasukan at saka kailangan kong panggabi lamang na tarbaho dahil sa nag-aaral pa ako.

Kahit kumikirot ang puso ko dahil sa masakit na salita na lumabas sa kan'ya ay ngitian ko s'ya. “Kailangan, eh. Buti nga kayo mayaman, paano naman ako na mahirap?”

“Tsk, whatever. By the way, sumama ka mamaya sa 'min sa canteen may pag-uusapan tayo roon.”

Umiwas ako ng tingin dito. Ipapahiya lamang nila ako at mag-uutos sa 'kin.

“Di ako makakarating, eh. N-Next time na lang,” katuwiran ko.

Masama s'yang tumingin sa 'kin. “Sumama ka! Baka gusto mong ipagsabi rito na nagtatarbaho ka sa bar,” nagbabanta nitong sambit na ikinatakot ko naman.

Napalinga-linga ako sa classroom na baka may nakarinig. “Please, 'wag mong ipagkalat, oh.”

Napa-cross arm siya sa kinauupuan n'ya. “You don't have any choices, Syn. Sumama ka sa 'min mamaya, okay? Kakain lang naman tayo do'n, eh arte.”

Kahit ayaw ko sa ideya n'ya ay tumango lamang ako. Pumalakpak naman s'ya at bumalik sa nire-review n'yang libro para sa quiz namin.

Itinuon ko ang atensiyon ko sa notebook na binabasa ko. Naka take down notes na ako sa lalabas na quiz kaya ang gagawin ko na lang ay i-memorize ito.

Ilang minuto ang ginugol namin para magreview nang dumating na ang teach namin sa Filipino.

“Kumuha na kayo ng isang pirasong papel.”

Agad naman akong nagready ng papel at ballpen. Inilagay ko ang maliit na papel na nire-review ko rin kanina sa bulsa ng palda ko at saka nagsulat ng pangalan.

50 items ang quiz namin at salamat dahil may naisagot naman ako kahit lutang ang isip ko sa bagay.

Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtarbaho kaya kinakaya ko naman na pataasin ang grade ko kahit nagtatarbaho ako.

“Fast forward na raw!”

Dali-dali kong ipinasa sa unahan ko ang papel na sinagutan ko hanggang sa nakuha na lahat ni ma'am ang mga papel namin.

Inayos ni ma'am ang kan'yang salamin. “May naiwan pa 'bang papel d'yan?”

Walang sumagot kaya naman sinimulan na ni ma'am na i-check ang quiz namin.

“Si Emersyn at Ophelia lamang nakakuha ng mataas na score. Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting sambit ni Ma'am at tumayo mula sa pagkakaupo.

Gulat naman akong napatingin sa kan'ya. 'Di ko lang kasi inaasahang mataas ang score ko ngayon dahil sa lutang ako.

Kita ko naman ang papuri ng ilang kaklase namin kay Ophelia at gano'n din sa 'kin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanila at napayuko.

'Di naman talaga ako sikat. Siguro simula nang maging boyfriend ko si Asher ay do'n na nila ako napansin. Sikat din si Ophelia dahil nabibilang din ito sa mayamang pamilya. Sobrang swerte n'ya talaga, dagdag pa na mabait ito.

Noon pa man ay gusto ko nang makipagkaibigan kay Ophelia kaso nga lang nahihiya ako. Sobrang taas n'ya kaya 'di ko s'ya kayang abutin. Dagdag pa na maraming gustong makipagkaibigan dito kaya hindi na ako lalapit pa.

“Ma'am,” biglang agaw pansin ni Polace kay ma'am at saka may itinaas itong gusot na papel. “Nakita ko po sa tabi ni Emersyn ang papel na ito ma'am. She is cheating.”

Gulat na gulat naman ang mga kaklase namin. Gulat din akong napatingin kay Polace. Balisa naman akong napabaling ng tingin kay ma'am na kalmado lamang sa harapan namin.

“Ibigay mo nga sa 'kin, Miss Polace,” utos ni Ma'am na ikinatayo ni Polace.

Anong plano n'ya?! Di ko na tuloy alam ang gagawin ko sa gulong pinapakita n'ya.

Inilahad n'ya ang papel kay ma'am at saka bumalik sa kinauupuan nito. Nakatingin ako sa kan'ya na may di makapaniwalang ekspresiyon. Nakataas lamang ang kilay nito at mukhang may pinaplanong 'di maganda.

Nagbubulungan na rin ang mga kaklase ko kaya sobrang hiya at takot na ako ngayon.

Nangingig na nag-aabang ako sa susunod na sasabihin ni Ma'am. Napailing si ma'am sa kawalan at saka ako disappointed na tinignan dahilan para bumagsak ang balikat ko sa klaseng tingin na ipinukol n'ya sa 'kin.

“Why are you cheating, Miss Emersyn? 'Di mo ba kayang magreview? Mahirap ba ang binigay kong quiz sa inyo?”

Maluha-luha akong napailing kay ma'am saka ako napatayo sa kinauupuan ko. “H-Hindi ko po magagawang magcheat ma'am. Maniwala po kayo sa 'kin,” paliwanag ko rito.

Di ko na napigilang 'di maiyak sa sinabi n'ya. Bakit gano'n na lang s'ya magsalita? Hindi pa naman n'ya nakita ang ebisensya, ah.

Tahimik naman na nag-aabang ang mga kaklase ko sa susunod na mangyari. Ipinakita ni Ma'am ang gusot na papel na binibigay ni Pole sa kan'ya.

“Nakalagay ang pangalan mo rito, Miss Emersyn. Halatang scratch paper mo ito pero nilagyan mo lang ng ilang mga sagot sa papel na ito. I am very disappointed sa ginawa mo, Miss Emersyn.”

Bumagsak ang mga luha ko sa mata nang marinig ulit iyon. Isa sa kahinaan ko ay 'yong pagsalitaan ako ng bagay na hindi ko naman ginawa at bagay na nakakasakit ng damdamin.

Nanghihinang bumalik ako sa kinauupuan ko. Gusto kong magalit kay Polace pero sino ang maniniwala sa 'kin? Wala akong kakampi rito.

“Hindi naman sa nangingialam ako Ma'am pero gusto ko sanang sabihin na mali ang ginawa n'yong pagbintang.”

Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig. Di ko alam ang ire-react ko dahil si Eden 'yong tumanggol sa 'kin.

Isa s'ya sa kaibigan ni Ophelia. Nabuhayan tuloy ako ng loob dahil sa sinabi n'ya.

Nagpameywang si Ma'am. “Malinaw na nagcheat si Miss Emersyn at si Miss Polace na mismo ang nakakita. Ano pa 'bang ebisensya ang ipapakita mo?” supladang tanong ni Ma'am.

“Ulitin niyo po ang quiz para malaman po natin na hindi nagcheat si Emersyn. Kung walang ebidensya, bakit hindi natin ulitin ang quiz ma'am nang sa gano'n ay malaman natin kung nagreview ba talaga s'ya.”

Napatango-tango naman ang ilang kaklase ko at ang iba naman ay walang pake. Masaya ako na kahit papaano ay naniniwala naman ang ilan na hindi ko magagawang magcheat.

“Bakit uulitin? It is clear na nagcheat s'ya at kitang-kita ko!” biglang singhal ni Polace kay Eden.

Sinamaan s'ya ng tingin ni Eden. “Takot ka ba? Walang mawawala kung uulitin. Baka takot ka talaga?”

Nangigigil na umupo si Polace sa upuan n'ya. Binalingan n'ya ako ng masamang tingin na 'di ko pinansin. Ayaw ko na talaga sumama sa kanila papunta sa canteen.

“You are right, Miss Eden. Uulitin natin ang quiz and this is a last chance na i-proved mo sa 'kin Miss Emersyn na hindi ka talaga nagcheat,” saad ni Ma'am sa 'kin na ikinatango ko.

Alam kong 'di pa masyado tiwala si ma'am sa 'kin dahil sa tahimik lamang ako sa tabi at minsan lang mag-participate. Sa paniniwala ng kaklase ko ay nabuhayan ako ng loob na ipaglaban ang tama ko.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro