CHAPTER 01
EMERSYN SOLACE
“Uuwi ka na ba, Syn?”
Tumango ako sa kaibigan kong si Aimy. “Kailangan ko nang magpahinga dahil bukas ay papasok na ako ng maaga sa eskwelahan,” sagot ko na ikinatango naman n'ya.
“Sige, ako na bahala dito. Excuse ka naman siguro kay Madam, 'no?”
“Oo naman, naintindihan na n'ya ang sitwasyon ko.” Inilagay ko na ang mga canned foods sa bag ko saka ko sinukbit. “Alis na ako, ah?”
Nagthumb-ups naman ito sa 'kin at ibinaling ang atensiyon sa bagong dating na customer.
'Di na ako nag-aksaya ng oras at nakipagsiksikan sa mga nagsasayawang babae sa daan. Halo-halo na ang amoy usok at alak dito sa Bar sa dami ng tao.
Napabuga ako ng hininga nang makalabas ako sa Bar. Napatingin ako sa luma kong wrist watch at nakitang alas-dose na pala ng gabi.
Napapikit ako sa pagod at stress ko. Lagi na lang ganito ang set up. Aral at saka tarbaho lamang ang tumatakbo sa buhay ko dahil ako lamang mag-isang tumataguyod. Wala akong magulang at mas lalong wala akong kamag-anak.
Napamulat ako ng mata at saka nag-umpisa na akong maglakad sa gilid ng kalsada at sa gitna ng gabi.
Nasanay na rin akong umuwi mag-isa at maglakad sa madilim na daanan. Hindi naman kasi totoo ang aswang kaya 'di ako takot.
Nagpapasalamat ako dahil medyo malapit ang bar sa inuuwian kong apartment. 'Di gano'n kalaki ang inuuwian ko dahil mababa lang kasi ang bayad 'pang-upa dito.
Pagkarating ko pa lamang sa apartment ay wala na akong narinig na kahit na anong ingay. Sa ganitong oras ay tulog na talaga ang mga tao at nagpapahinga na.
Kaagad akong pumasok sa loob ng apartment ko saka ito isinarado. Tumungo ako sa 'di gaano kalaking higaan sa kaliwang side ng apartment at pabagsak na humiga rito.
Wala na yata akong oras para sa sarili ko. Minsan iniisip ko kung ano ba ang feeling na may nag-aalaga sa 'kin? Anong feeling na may magulang 'kang inuuwian pagkatapos ng klase?
Hindi ko alam kung patay na ba o buhay pa ang magulang ko. Pero sana nga nandito pa sila. Gustong-gusto ko na silang makita.
Ilang minuto lamang ay nakatulog ako ng mahimbing. Nagising lamang ako dahil sa bulabog ng kapit-bahay.
“Ngayon ka lang umuwi?! Nasa'n ka galing bata ka?!” rinig kong sigaw ng Nanay sa kabila. Napailing lamang ako, siguro bulakbol ang anak nito.
Kaagad akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. 6:20 am na at 7:00 am ang pasok namin kaya kailangan ko nang magmadali.
Kumain lamang ako ng tinapay na binili ko pa kahapon at black coffee. Ito na lang ang kaya kong ibili muna dahil sa nagtitipid ako.
Bago lumabas ng apartment ay napatingin muna ako sa basag na salamin malapit sa pintuan. Alam kong bawal nang gamitin ang basag na salamin pero kasi sayang dahil buong-buo pa.
Napahawak ako sa buhok ko na hanggang balikat na may pagkakulot sa dulong bahagi nito. Parang sinandya talaga ang pagkakulot ng buhok ko.
“Emersyn!”
Napaangat ako ng tingin mula sa pagre-review ng libro nang tawagin ako ni Sabrina.
Kitang-kita ko ang galit na galit nitong mukha habang papalapit sa 'kin.
Natakot naman ako na baka kung anong gawin n'ya sa 'kin. Wala akong laban sa mayamang katulad n'ya kaya gano'n na lamang ang takot ko nang nasa harapan ko na ito.
Dinuro n'ya ako na may nanliliksik sa mata nito. “Inis na inis ako sa 'yong babae ka! Bakit mali lahat ang assignment ko?! Siguro sinadya mo 'no?!”
Taranta naman akong napailing sa kan'ya at nangingig na tumayo sa pagkakaupo. “A-Anong assignment? 'Di ko naman lahat minamali ang mga pinag-gagawa mo, a-ah.”
Hinampas n'ya ang dala-dala n'yang notebook sa harapan ng lamesa sa pagitan namin. “Can you explain why I got zero in my assignment?!”
Nangingig ko na kinuha ang notebook n'ya at tinignan ang mga sagot na sinulat ko roon.
Takot naman akong napaangat ng tingin nang malaman ang sinulat ko roon. Tama nga s'ya dahil halos lahat mali ang sagot. 'Di ko sinasadya at lutang ako sa oras na 'yon!
“P-Pasensya ka na, Sabrina. Promise sa susunod—”
“Talaga lang na ayusin mo sa susunod! Pasensya ka ng pasensya d'yan! Maibabalik mo ba ang kahihiyan—”
“What's going on here?”
Agad akong napatingin sa nagsalita. Nabuhayan naman ako ng loob nang makita si Asher.
Napakurap-kurap naman si Sabrina at ngumiti ito ng peke kay Asher. Alam kong may gusto ito sa boyfriend ko pero panatag akong hindi s'ya papatulan ni Asher.
“A-Asher, sinasabihan k-ko lang kasi—”
Naputol ang sasabihin n'ya nang sinamaan s'ya ng tingin ni Asher saka ito lumapit sa 'kin.
Hinapit ako ni Asher sa bewang at inilapit sa kan'ya. Napatingin naman si Sabrina sa kamay ni Asher na nasa bewang ko. Alam kong masama na ang loob nito.
“Makita lang kita na sinisigawan ng ganyan ang girlfriend ko ay hindi ako magdadalawang isip na saktan ka. Baka 'di mo alam na nananakit ako ng babae,” banta ni Asher na ikinatango ni Sabrina at yumuko sa kahihiyan.
Napaangat ako ng tingin kay Asher at nakitang nakatitig pa rin ng masama kay Sabrina habang papalayo na ito sa 'min. Buti na lang bumalik ulit ang mga estudyante sa kani-kanilang gawain.
Napatingin ang mga matang kulay asul ni Asher sa 'kin. 'Di talaga ako makapaniwala na boyfriend ko s'ya dahil mayaman ito at itsura rin.
“I already told you that you shouldn't let her shout on you just like that,” aniya.
Napalabi ako sa kan'ya. “S-Sorry, 'di lang talaga ako sanay na may pinababayaan akong estudyanteng nangangailangan ng tulong ko.”
Gusto ko sanang sabihin na nasasakal na ako sa eskwelahan na ito. Wala na akong kalayaan sa ano 'mang bagay na gusto kong gawin pero mas pinili ko lamang na manahimik.
Ayaw kong maging problema pa ito kay Asher dahil mahalaga s'ya sa 'kin. Ayaw kong pinagsasamantalahan ang kapangyarihan n'ya rito sa eskwelahan.
Napabuga s'ya ng hininga at pinaupo ako sa upuan. Umupo rin s'ya sa tabi ko kaya medyo magkalapit ang mukha namin.
“Hindi lahat sa oras ay tutulungan mo sila. Problema nila iyon at hindi sa 'yo.” Malumanay itong tumingin. “Alam mo ang mangyayari kung patuloy mong ipapakita na mabait ka sa tao at handa 'kang tumulong dito kahit ano 'mang oras. Hindi naman masama kung iisipin mo naman minsan ang sarili mo, Emer.”
Sa sinabi n'ya ay naisip ko na tama s'ya. Di ko man madali na mababago ang pag-uugali kong hindi tumatanggi sa tao ay susubukan ko minsan na tumangi sa kanila. Kung iyon ang tanging paraan para tigilan na nila ako ay gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro