
Chapter 9
Hanging out with friends is the best stress reliever. We can forget the problems even in just a little celebration. Friendships are needed to be treasured because it's rare to find true friends who will accept you for who you are.
We're all gathered in the Open Square near the field. Ang sabi sa rumors may announcement daw ang head mistress kaya kailangang pumunta lahat. Lixe was with me while Heaven, as usual, separated from us. Si Lixe ang nangunguna sa grupo namin since hiwa-hiwalay every class. We're like lining up for a graduation march.
"Good morning students of Vanerhart Academy," masayang bati sa'min ni head mistress Yhue.
"Good morning head mistress," sagot naman ng lahat.
"Since it's weekdays and we don't have classes, I'm going to give you a freedom to do whatever you want outside the Academy. The gate is widely open for all of you so you can have time to bond with your friends. Spend time with everyone and don't think about the class ranking. So now, let us give ourselves a big round of applause." Pumalakpak si head mistress na ikinahiyaw naman ng lahat.
I think this is gonna be exciting!
"You heard it Nia? It's bonding time!" sigaw ni Lixe at mahigpit akong niyakap.
Wala akong nagawa kundi tumango na lang at ngumiti sa sinabi niya. I'm also happy for this freedom that we got. At last, makakalabas na rin ako sa Academy.
"Remember to come back before 8:00 in the evening for the curfew. You also need to rest after this day and will continue your freedom tomorrow. That's all for today, have a nice day ahead."
Pagkatapos 'yon sabihin ng head mistress ay mabilis na nawala sa Open Square ang lahat. Halos ako na nga lang ang natira kung hindi pa ako naalala ni Lixe. Kahit na si Heaven ay lumapit din sa pwesto namin.
"I thought you guys were going to left me behind. Naalala niyo pa pala ako." Napailing na lang ako ng hilahin ako nilang dalawa sa magkabilang braso.
"Pikit ka na lang saglit, Niane. We're going to use our vampire speed. It will be quick," sambit pa ni Heaven.
I didn't react when they really pulled me using their strength. Napasapo na lang ako sa noo ko nang makitang nasa loob na kami ng dorm. I'm a little bit used to it so I don't feel any sickness.
"What am I going to wear? Kayo ba, anong susuotin niyo?" I asked them, confused about this two blazers.
Both of them are my favorite that's why I'm having a hard time on what am I going to wear!
"Simple lang naman ang susuotin ko. That gray blazer suits on you, Niane," Heaven suggested that's why I tried to size it on myself.
"No. That pink blazer makes you more attractive, Nia." Lixe was so busy fixing her hair.
Ugh. Ano ba talaga?
Hinayaan ko na lang silang mag-away do'n tungkol sa kung anong mas bagay sa'kin. Hinalughog ko ang buong walk-in-closet ko dahil kailangan magmukha akong presentable paglabas namin. Bigla kong napansin ang dalawang paper bag sa kama kaya kumunot ang noo ko.
Wala naman 'to kanina, ah?
Tiningnan ko ang balcony ko at sarado naman kaya imposibleng may nakapasok. Binitbit ko na lang ang dalawa at lumabas ng kwarto ko para ipakita sa kanila.
"Guys, kayo ba ang nagbigay sa'kin nito?"
Pareho naman silang nagkatinginan at umiling. Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang ulit sa kwarto ko para tingnan ang laman. The first paper bag is a jumpsuit with a sleeveless on top and pants on the lower part. May kasama ring purple blazer na terno nito. It has a sticky note attached to the paper bag.
This is your kuya, Mali. I have something important to do so we'll just see each other in some other time. Heaven and Lixe will be your tour guide. Enjoy yourself and take care always <33
Napangiti na lang ako at binuksan ang isang paper bag na katabi nito. My eyes widened because it's a blood. A mini-jar of godamn blood! It's impossible na galing 'to kay Kuya Seven. I haven't told him that I'm craving for blood this past few days. Not unless sinabi sa kanya ni master Jyron---I mean Zandrei!
Drink my blood before you go, Mali. It will help you to hide your true identity as a human. They won't smell your scent so they will think that you're a vampire. Thank me later, meine liebe. I'm watching you wherever you go.
Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko matapos mabasa ang sticky note na galing kay Zandrei. I put the sticky notes on my drawer so that Lixe and Heaven won't see it.
Wala akong inaksayang oras at agad na binuksan ang garapon saka mabilis na nilagok ang dugo ro'n. Seems like my body is fully-charged after drinking it. His blood really gave me strange affection.
"Niane, dali na! Baka wala na tayong kotse sa baba."
Nagmadali na akong mabihis nang marinig ang sigaw ni Heaven sa labas. Nagsuot lang ako ng white sandals na wala masyadong heels para makapaglakad ako ng maayos. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at sinuklay ang bangs ko. I didn't bring anything with me because all I want is to tour the whole Hydera Penha.
"What took you so---Oh my god! Niane, is that you? Bakit parang wala kaming panlaban sa'yo." Tinakpan pa ni Heaven ang bibig niya na para bang gulat talaga siya.
"Ayoko na, suko na'ko. I think we're just born to be her servant. Hindi natin ka-level ang ganda niya." Kunwari pa na hinila ni Lixe si Heaven paalis.
For the first time, I rolled my eyes on them. They're just joking around, aren't they? Ako nga ang walang panlaban sa kanila sa sobrang ganda nila. The three of us doesn't have self-confidence!
"Girls, may problema ako. I don't have money to spend!" pagmamaktol ko pa.
Kuya Seven gave me clothes to wear but he didn't even gave me money. Since I arrived here, I haven't tried buying such things. Kahit isang collection wala dahil wala naman akong pambili.
"Don't worry, sagot ka namin. Lahat ng gusto mong bilhin, kami ang bahala." Kumindat pa si Heaven na ikinatawa ko saka lumabas.
Habang naglalakad kami sa ground papunta sa gate ay nahagip ng paningin ko si Red na naglalakad hindi kalayuan mula sa'min. Wala naman siyang kasama. Loner ba siya sa araw na 'to?
"Hey! Red, lapit ka!" I called him.
Napalingon naman siya agad at mabilis na napunta sa harapan ko."Why? Ikaw ah, palagi mo na lang akong namimiss."
"Parang tanga mo naman, literal! I'm just going to ask you if you want to join with us. Ano sama ka?" Agad ko naman siyang binatukan.
Bumugsangot ang mukha niya."Grabe, ah! Gagawin niyo lang naman akong driver kaya mo'ko inimbitahan."
"Anong oras na, napag-iiwanan na tayo. Just drive us to the Town, Red." Naunang nawala sa paningin namin si Heaven.
"Oo nga, tara na! Atat na ako, sobra!" Sumunod naman si Lixe kaya kami na lang dalawa ang natira.
"Mauna ka na, bibilisan ko na lang maglakad. Babawi ako mamaya kapag nakapamasyal na tayo." I nodded at him.
I started to walk again but immediately stopped. Napalingon ako sa building ng Black Zythe dahil naramdaman ko bigla na may nakatingin sa'kin. I'm right. He's staring at me with his dark eyes.
G-Galit ba siya sa'kin? Did I do something wrong?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at kinawayan siya. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung pa'no lumambot ang ekspresyon niya. I smiled at him and ran away to get out of the gate. Alam kong hinihintay na nila ako.
"Ang bagal talaga maglakad ng mga tao. Haist." Sinamaan ko ng tingin si Red dahil sa sinabi niya.
I didn't looked away to observe the surroundings outside. Halos hindi na nga ako pumiyok para lang hindi ma-miss ang mga napakagandang tanawin dito. Nilabas ko pa nga ang ulo ko sa bintana para lang malanghap ang sariwang hangin. I want to feel the tenderness of the wind and sound of the animals that serves as music to my ears.
"Hindi ka naman nagmumukhang ignorante, Nia. Promise, hindi."
Hindi ko pinansin si Lixe at napanganga nang makarating kami sa end of the road. There are many cars like ours kahit saan ka tumingin. Mas nauna pa akong lumabas ng sasakyan at dumungaw do'n. This place is where we will going to park our cars because after the end of the road is the Town. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nasa ibaba.
Nilingon ko silang lahat at sinenyasan na lumapit."Ang mahuhuli kailangang manlibre."
Tinakbo ko ang sementong daanan pababa at umikot-ikot pa para pagmasdan ang lahat ng nandito. Some of the vampires were looking at me like it's their first time to see a human. Ay, binabawi ko na pala ang sinabi ko. Minsan lang naman talaga na may mapadpad na tao sa mundo nila.
And it's me... the social climber like what they used to call me.
May nakita akong isang maliit na kubo at gawa sa isang tela lamang. Para bang sa isang magician o 'di kaya'y para sa circus and isang ito. Napatalon ako sa gulat nang may lumabas dito na isang matandang babae nakahawig no'ng kontrabidang matanda sa palabas na Snow White. Her white hair, pointed nose, evil smile, and wrinkles around her face says it all.
"Magandang umaga, binibini. Gusto mo bang subukan ang aking mahiwagang bolang kristal? Libre lamang ito." Hindi nawala ang nakakikilabot na ngiti sa kanyang mga labi.
"No, thanks. May pupuntahan pa kase ako, eh. Maybe next time?" patanong ngunit kinakabahan kong sagot.
I don't want to be fooled like what happened to Snow White. Magpapanggap siyang mabait at kaawa-awa pero iba ang totoong pakay niya.
"Saglit lang naman ito, binibini. Babasahin ko lamang ang iyong kapalaran sa hinaharap sa pamamagitan ng paghawak sa iyong kamay."
Kapalaran? She can read my future?
"Niane! Shit! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Let's go, they're waiting for us."
Tiningnan ni Red saglit ang matandang kaharap ko bago niya ako hinila ngunit parang bigla akong nakuryente ng mahawakan ng matanda ang kabilang kamay ko.
"W-What did you do?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Mas lalo pang lumawak ang ngisi niya na ikinakabog ng dibdib ko."Katotohanan. Paghihinagpis. Paghihirap. Kamatayan."
"Anong ibig mong sabihin?!" Hindi ko mapigilang hindi siya pagtaasan ng boses.
Pilit naman akong hinihila ni Red palayo sa kanya."Don't listen to her, Niane. Pinapaikot lang niya ang isipan mo. 'Wag na 'wag kang maniniwala sa kanya."
"Malalaman mo ang lahat sa takdang panahon, binibini."
"Shut up! Mind your own business, old woman!" sigaw ni Red sa kanya ay tuluyan na akong nahila papalayo ro'n.
No! I shouldn't believe her! Hindi ko siya kilala at ang sabi sa'kin ni Lola, hindi raw magtitiwala sa kahit na kanino. That old woman was lying!
"Hindi ka pwedeng lumayo sa tabi namin, Niane. Wala kang kaalam-alam sa lugar na 'to at wala kang kilala rito. Baka pagsamantalahan ka ng iba dahil sa kabutihan mo," seryosong sambit ni Red kaya hindi ako nakapagsalita.
"Gosh! Where did you go, Nia? Ang bilis mong nawala sa paningin namin." Agad akong niyakap ni Lixe pero parang wala pa rin ako sa sarili.
Heaven came closer to me and held my forehead."Okay ka lang? Sinong kinausap mo?"
"Naabutan ko siyang nakikipag-usap do'n sa matandang bampira na may dala-dalang bolang kristal. That crazy vampire told her some things that weren't true that's why she's like that."
Paano ba mawawala sa isip ko ang ngiti niya?
It's giving me goosebumps whenever I remember her and those words she'd said earlier. Kahit na ayaw kong maniwala, hindi mapigilang manindig ang mga balahibo ko dahil do'n.
"Tingnan mo'ko, Niane. Don't blink." Pwersahan akong pinatitig ni Heaven sa mga mata niya at may binulong na kung ano dahilan upang manghina ako ng konti.
"Bakit mo 'yon ginawa?" rinig kong tanong ni Lixe sa kanya.
"Para hindi malason ng bampirang 'yon ang isipan niya. We need to protect her from everyone here. Hindi siya pwedeng malinlang ng iba." Si Red na mismo ang sumagot at inalalayan ako.
Nang matauhan na ako ay saka ko lamang napagtanto na nasa isang kainan kami at maraming ibang bampira na kumakain sa buong paligid. I'm sitting in a chair made if wood and so with Red. Bakit kami lang dalawa rito?
"Where are they? Anong nangyari kanina?" naguguluhan kong tanong.
"Nanghina ka lang kanina at naisip namin na baka nagugutom ka lang kaya dinala ka namin dito. Your friends just left to buy foods for us."
Tumango na lang ako at napahilot sa noo ko. I look around to find some familiar faces pero ni isa wala akong kilala. I didn't even saw one my schoolmates in this place. Maybe this Town is so big and has many places to go so it's really hard to find them.
"Nia, okay ka na. Kumain ka ng marami para lumakas ka. Masasarap ang pagkain dito." Lixe place the foods in front of me.
Natakam tuloy ako dahil sa bango. My stomach grumbles and they heard it so they laughed at me. Aish! Nakakahiya!
"Ang laki naman ng karenderya niyo rito," namamangha kong sambit habang patuloy pa rin sa pagkain.
"What is karenderya? Ngayon ko pa narinig ang salitang 'yan."
Natigilan ako sa pagkain at nag-angat ng tingin kay Heaven."Ha? You didn't know that word? Sa pagkakaalam ko hindi nama kayo alien para hindi 'yon malaman."
"Pasensya na, ah? First is that we're not a human like you and the second is that we don't live in Zeal. Malay namin kung ano ang salitang 'yan." He sounded so sarcastic and all I did is to roll my eyes on him.
He's ruining the mood!
"Kung hindi ka rin naman sangkatutak na tanga, Red. Even if you don't know that word, you still have clues to understand. May kumakain at may nagtitinda ng pagkain. What do you think is this place?" I raised my eyebrow on him, looking pissed.
"Kainan," simple niyang sagot kaya dahil sa inis ko ay nahila ko ang buhok niya.
"Ewan ko sa inyong dalawa, para kayong mga bata." Umiling na lang si Heaven sa inakto naming dalawa.
After we eat in that so-called-kainan ay nagpatuloy kami sa paglilibot sa Town. Heaven's going to answer my questions, Lixe's going to suggest some things for me to buy, while Red is like a servant that carries our things.
Grabe! Ang saya nito! This is the best tour ever!
Dumaan kami sa iba't ibang klaseng tindahan. Without asking for my opinion, they will immediately get inside that store and ask me if I want to buy this and that. At dahil wala naman akong alam sa mga bagay na sinasabi nila ay panay lang ang pagtango ko sa kanila.
"Binibini, ang ganda mo naman." Napatingin ako sa gilid ko nang may isang batang babae ang humihila ng suot ko.
Umupo ako para mapantayan ko siya."Maraming salamat, maliit na binibini. Do you want to buy something?"
"Ay, ang bigatin mo naman. Pinuri ka lang na maganda ka ililibre mo na." Inis kong nilingon si Red at malakas na tinapakan ang paa niya.
"Pasensya na, binibini. Sinabi kase ng aking ina na huwag tumanggap ng kahit na ano sa hindi ko kilala," mahinhin niyang sagot sa'kin.
I understand her. Pero bakit namamasyal siya ng mag-isa?
"Ganito na lang, may ibi---"
"Daisy! Hindi ba't sinabi kong 'wag kang pumunta kahit na saan?! At nakikipag-usap ka pa talaga sa hindi mo kilala." May hindi katandaang babae ang dumating at hinila ang batang kausap ko na nagngangalang Daisy.
"P-Paumanhin. Wala naman akong masamang intensyon sa anak niyo."
Tiningnan niya naman ako ng masama at nilagay sa likuran niya ang anak niya."Naninigurado lamang ako na hindi malalagay sa panganib ang anak ko. Hindi kami basta-basta naniniwala sa isang baguhan lamang sa lugar na ito."
Panganib. Ang salitang palagi kong naririnig sa lahat.
"Hindi ko rin gusto ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Mabuti ang pakikitungo niya sa anak mo pero wala kang respeto." The woman was shocked when she saw Heaven and her serious voice.
Hinawakan ko naman ang kamay niya para pigilan siya."It's okay. I'm used to it. Naiintindihan ko rin siya. Tara na."
"Nia, 'wag mo na lang pansinin 'yon. May mga bampira talagang kagaya niya pero hindi naman lahat." Kanina pa sinusubukang pagaanin ni Lixe ang loob ko kahit na wala naman talaga sa'kin 'yon.
They always see me as person who just brought danger to them. Hindi naman na bago.
Napabuntong hininga ako."That's not what I'm thinking right now. Baka pagalitan niya ang anak niya, kawawa naman. Even if how stubborn the child is, it's not a valid reason to hurt them. Mukha kaseng strikta siya pagdating sa anak niya."
Agad akong napaatras nang biglang tumalikod si Red kaya malapit kaming magkabungguan."Sa lahat ng sinabi no'ng babae sa'yo, 'yan pa rin ang iniisip mo?! Wow, ah! Congrats! Ang bait mo masyado."
Talagang kanina pa ako nanggigigil sa isang 'to. Ba't ko nga ba siya sinama rito? Ah, oo. Para may katulong kami sa pagbubuhat ng mga pinamili namin. Pasalamat siya at may pakinabang siya kundi baka kanina ko pa siya sinakal.
"At least may ambag ako bukod sa kagandahang taglay ko. At ikaw? Bukod sa pagbubuhat ng mga pinamili namin, ano pang ambag mo?"
Humalakhak nang sobrang lakas sina Heaven at Lixe habang siya ay nanatiling nakaawang ang bibig. Maybe he couldn't believe that I said those words to him. Hindi naman kase ako mahilig mang-prangka.
Sorna. Napikon lang eh.
"Alam mo, hindi na talaga ako sasama sa'yo kapag inaya mo ulit ako." Tinalikuran niya ako kaagad kaya hindi ko na napigilang matawa.
Mukhang cute siya sa lagay na 'yan.
You're making me pissed, Mali. Do you want me to bite you?
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya sa utak ko. He's really watching my actions. Geez. I'm doomed.
I don't even know how to communicate with him. Should I say sorry in my mind? Hindi ba't mukha naman akong tanga no'n.
"Kanina ko pa napapansing tumatawa ka kasama siya."
Halos pigil ang paghinga ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. H-He's at my back.
"Nababaliw na ata ako," bulong ko sa sarili ko at maglalakad na sana nang may humigit sa braso ko at isinandal ako sa kung saan.
Nakatitig lang ako sa kanya habang kanina pa lumulunok. Naubusan na nga ako ng laway na lukunukin, eh. Even if he's wearing a black cape that hides his face, I still able to recognize him. Mata niya pa lang at boses, hindi na ako magkakamali pa.
"M-Master..." Hindi pa rin ako sanay na magkatitigan kami.
"What did I told you last time, Mali? Don't call me like that when it's just the two of us," he said sexily that made my body shivered because of tension.
Napakagat naman ako sa labi ko at umiwas ng tingin."Pero hindi lang naman tayong dalawa ang nandito. There are many vampires wandering around."
"I don't care about them. Gusto kong tawagin mo ang pangalan ko kapag kakausapin mo'ko. Is that clear?"
"Eto ba 'yong kabayaran sa pagsagip mo sa'kin kahapon?" Ngumuso ako kase nakakailang naman 'yong gano'n.
We're not that close and we don't really know each other.
"Hindi mo ba talaga ako maalala, Mali? Damn it!" He let go of my arms and messed up his hair.
M-Maalala? I don't understand. Do I have something to remember? May nakalimutan ba ako?
"I-I'm sorry but I can't remember you. May alam ka ba tungkol sa'kin, Zandrei?" I finally called his name without stuttering.
Nilingon niya naman ako at tinitigan gamit ang malambot niyang ekspresyon."Meron, sobrang dami. And if time comes that you'll remember me, let me be with you again."
I was about to speak when he's already gone in my sight. He left me hanging. Bumabagabag pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya sa'kin. He didn't gave me any hint or something that could make me remember him somewhere in the past.
Bakit ba palagi na lang akong iniiwan ng mga putol ideya?!
"Jusko naman! Niane, pinaglalaruan mo ba kami?"
Napabalik ako sa ulirat nang alugin ni Lixe ang balikat ko."Ha? May inisip lang kase ako kaya napahinto ako rito. B-Bakit ba?"
"Anong bakit? Halos mahalughog namin ang kalahati ng Town para hanapin ka. Ganda mo talaga!" Napailing si Red habang dala pa rin ang mga pinamili namin.
Mas nahirapan siguro siya kase marami-rami ang nabili namin.
"Sorry na kase, hindi ko nauulitin. Let's just eat ice cream, pang peace offering."
"Ayan ka na naman sa mga sinasabi mong hindi naman namin alam. There's no food like that in our world." Heaven looks so stressed because of me.
Nagiging pabigat na talaga ako sa kanila. Next time, I'll list those foods that are available in their world. Panira lang kase kung ano 'yong paborito kong kainin ay wala pa sa kanila. Pwede ring gumawa ako ng sarili ko para unique. Yay!
"Do you have street foods here? Like fishball, kwek-kwek, betamax?"
"Wala." Si Red lang naman talaga ang hindi nagsasawang sumagot sa mga tanong ko.
"Chocolate fountain?"
Umiling ulit siya."We have some chocolates in the Mall but I haven't heard that kind if chocolate you're talking about.
"Lahat na lang ng gusto ko wala rito sa inyo. Kapag talaga nakabalik ulit ako sa mundo namin, magdadala talaga ako ng mga pagkaing sinasabi ko. And trust me, it's super delicious." Hanggang imagine lang ang kaya ko kase wala naman 'yon dito.
"Sabi ko na gutom ka ulit, Nia. C'mon, we'll eat again to another place."
They introduced to me their favorite foods and I couldn't remember how many times do they lend me different kinds of foods. Halos mabulunan na talaga ako dahil sa pagsusubo nila sa'kin kahit na hindi ko pa nangunguya at nalulunok ang nasa bibig ko.
When I'm full, we went to the place where they usually rest. It's like a palace because it has a cone-shaped on top. Pero sa totoo lang, mukha lang talaga siyang bahay. Ang pinagkaiba lang ay hanggang limang palapag ito kaya matatawag itong building.
Ako lang mag-isa dito sa terrace dahil iniwan nila ako para makapagpahinga saglit. Mula rito sa itaas ay kita ko at lahat ng lugar dito sa Town. Kumpara sa lugar na pinag-parking-an namin ng sasakyan kanina ay mas malinaw na makikita rito ang lahat. This place where I'm standing right now is a part of this Town. Sobrang linaw kung titingnan ang lahat dito.
Haist. I wish Eurisse is here to witness this place. She's my partner in crime and my best buddy.
Nang makabalik kami kasabay ng iba ay halatang pagod silang lahat, lalo na ako. This night is supposed to be our class if it's not our rest day. Kung sabagay, weekends naman ngayon kaya freedom talaga namin. Ngayon nga lang kami pinayagan na lumabas ng Academy. I don't know why.
Hindi namalayan nilang tatlo na humiwalay ako sa kanila. Dala na rin siguro ng matinding pagod at antok buhat ng pagbabantay nila sa'kin. Ako rin dapat, inaantok at pagod na ngayon pero nagtataka ako kung bakit gising na gising pa ang kaluluwa ko sa mga oras na 'to.
"Pakiusap, 'wag mo'kong patayin! Nangangaso lamang ako rito para pantawid ng uhaw."
Napalingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang nandito bukod sa'kin. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno na inupuan ko no'ng halos mabali ang kamay ko dahil kay Mavis.
"Nauuhaw din ako at gusto kong inumin ang dugo mo," rinig kong sagot ng sa tingin ko ay humahabol sa kanya.
His voice scared me to death... Naninindig na rin ang mga balahibo ko.
"H-Hindi! 'Wag mo---Ah!"
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. I don't know what's happening outside but theres only one thing that I know. M-May patayan na nagaganap sa labas. Wala na akong narinig pa na boses no'ng nagmamakaawa.
"Another fresh blood. Hmmm."
Malapit ang boses niya sa pader kung saan nakatayo ang puno na siyang sinisilungan ko. Napatayo ako ng wala sa oras nang biglang tumunog ang pader kaya mabilis akong umatras.
"Hindi ka dapat narito sa oras na 'to. Wala pang mga patrol sa labas kaya hindi pa ligtas."
I immediately turned my gaze on my back and I saw him again, looking intently at me. Hindi na ako sumagot pa sa kanya at agad na lumapit para hilahin ang laylayan ng kapa niya.
"Pwede mo ba akong samahan sa dorm ko? Please? I'm afraid that someone's going to follow me," natatakot kong sambit at lumingon ulit do'n sa pader.
Walang sabi-sabi ay binuhat niya ako at agad na tumakbo."I told you, I'm always at your back. Sleep now.
"You've always been my warrior, Zandrei."
*******************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro