Chapter 8
Exploring things is okay. It will help you to have more knowledge of everything. But we should know our limits in exploring things that we don't have to get involved. It's either it'll make you safe or you'll be prone in danger.
Kanina pa ako lutang habang nagdi-discuss si Madam Crysta sa harap. How could I focus on our lesson if my mind is floating in somewhere. May iniisip pa rin ako... 'yong nangyari kanina.
D-Did I just drink his blood?
Buong klase ay wala talaga akong naintindihan hanggang sa matapos na at pwede na kaming bumalik sa dorm para matulog. My body is still here but my spirit and mentality isn't. Argh.
Anong ginawa ng dugo mo sa'kin... Jyron?
"Ano ba talagang nangyayari sa'yo, Nia?! Kanina ko pa napapansing palagi kang tulala." Hinarap ako ni Lixe na nakapameywang.
Where are we? Oh, sa dorm pala. Gano'n ba ako kalutang para hindi 'yon napansin?
Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang katawan ko sa likod ng sofa."I want to drink blood."
"What?! Nababaliw ka na ata, Nia! Wait, I'm going to call Heaven." Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya pinikit ko na lang ang mata ko.
"What happened? Okay ka lang ba, Niane?" Pagkamulat ko ay nasa harapan ko na si Heaven.
"I want... b-blood."
Napaawang ang labi nila nang marinig nila ang sinabi ko. They were like a statue, not moving and just staring at me.
Are they going to get me some or what?
"Nia, are you serious? Hindi ka naman siguro nababaliw, 'di ba?" hindi pa rin makapaniwalang tanong sa'kin ni Lixe.
"Niane, hindi mo kayang sikmurahin ang dugo. You're still a human, you can't drink it."
Napatitig ako saglit kay Heaven kaya umiwas siya ng tingin."So you guys knew that I'm going to change on my 18th birthday?"
"Look, don't be mad. The head mistress told us because we're in charge of---"
"It's okay, inaasahan kong sasabihin niya sa inyo. What else did she told you?" putol ko sa sasabihin ni Lixe.
Pareho naman silang umiling."Wala na, Niane. Sinabi niya lang na magbabago ka sa birthday mo. The reason is you're father is a vampire and you're mother is a human. Malalakas ang dugo ng bampira kaya magbabago ka."
"Hindi kayo nagtataka kung bakit dito ako pinapasok? Wala bang gumugulo sa isipan niyo tungkol sa'kin?" paninigurado ko pa.
They shook their head for the last time so I just nodded. Alam kong walang sasabihin na kahit ano si head mistress sa kanila dahil kailangan ko rin ng privacy. Even if they're my friends.
"Here's the blood. May extra kami sa fridge, pwede mong inumin." May binigay si Lixe na isang baso ng dugo at nilagyan niya pa 'yon ng straw.
I sat properly and accepted the glass of blood before taking a sip on it. Dalawang sipsip lang ang nainom ko at agad na napangiwi. I gave them back the glass and shook my head.
"Anong dugo ba 'yan? I don't like its taste." Ilang beses pa akong umiling kaya nagkatinginan sila.
Ibinalik ni Lixe ang baso sa kusina habang si Heaven naman ay tumabi sa'kin."Why don't you like it? 'Yan ang dugong iniinom ng lahat ng bampira dito sa Academy. Even us, we drink it. Dugo 'yon ng usa, ang pinaggagalingan ng iniinom naming mga bampira. How come you don't like it?!"
"Nah. 'Wag niyo na lang isipin. I'm looking for a unique blood. It couldn't satisfy my thirst." I crossed my arms over my chest.
"Eh, ano ba kaseng klase ng dugo ng hanap mo? Uminom ka kaya muna ng tubig. You look so weird." Nakabalik na si Lixe dala ang isang toasted bread.
Tumayo na lang ako at kinuha ang bag ko."Maybe I'm just sleepy kaya ganito ako. Kalimutan niyo na lang 'yon."
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong nilapag ang bag ko sa kama ko. Naisipan kong maligo muna kaya kumuha ako ng bathrobe at sinampay sa railings sa loob ng CR. I used the tub and filled it with hot water. Nilagyan ko rin ng favorite kong sabon at pinabula ito bago ako lumusong.
I closed my eyes and feels the hotness of the temperature that touched my skin. Pero agad din akong napamulat nang may maramdaman akong kakaiba sa labas. I immediately get out of the tub and wear my bathrobe. Humugot ako ng lakas ng loob at mabilis na binuksan ang pinto para tingnan kung anong meron.
Haist. Wala naman pala.
"Wear something, you're seducing me."
Napatalon ako sa gulat at agad na lumingon sa iba't ibang sulok ng kwarto ko. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang isang pamilyar na bampirang nakatayo sa balcony ng kwarto ko.
H-He's here... Shocks!
"M-Master Jyron, why are you here?" nanginginig ang boses ko at napakapit ng mahigpit sa bathrobe na suot ko.
He suddenly jumped on the railings and entered my room. Ngayon nakikita ko na ang kabuuan ng mukha niya. His gray eyes, pointed nose, red lips, messy hair, long eyelashes, and skin as white as snow. He's a definition of a perfect guy---my ideal guy.
He snapped his fingers in front of me that made me blink twice."I said wear something. I'm not comfortable seeing you wearing just a robe. I might bite you and suck your blood."
My eyes widened and ran to my walk-in-closet to find clothes. Nang makahanap na ako ng susuotin ay nilingon ko ulit siya na prenteng nakaupo sa couch.
"I can't wear this if you're here. Can you go out for a while?" I asked nervously.
Tiningnan niya naman ako at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko."I'm not attracted to human's body so you can change while I'm here. Hindi rin naman ako titingin, 'wag kang mag-alala."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang sabihin niya 'yon. Attracted? Who cares if he's attacted to my body or what?! Minamaliit niya pa ang katawan ng tao, tsk.
"Hindi ba't kabastusan ang manatili ang isang lalake sa loob habang nagbibihis ang babae? What do you think, master?" I asked sarcastically.
Ibang-iba siya sa Jyron na kasama ko kagabi. Hmp!
He looked at me for a while, not saying anything. Wala akong nagawa kundi ihagis ang damit ko sa kama at sinimulang kalasin ang tali ng bathrobe ko.
"Damn. Fine. Just tell me if you're done." Agad naman siyang tumayo at mabilis na nawala sa kinauupuan niya kanina.
One thing I knew was he already closed the curtains of the balcony to give me some privacy. Palihim akong napangiti at mabilis na kinuha ang damit ko para isuot.
"Tapos na po. What do you want, master?" Sumampa ako sa kama ko at nag-squat para hintayin ang sagot niya.
He immediately entered my room and with a blink of an eye, he's already in front of me. Matalim ako nitong tinitigan hanggang sa ako ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko na kayang labanan pa ang mga mata niya.
"M-Master... What are you doing to me?" nauutal kong tanong.
"Stop calling me like that, Mali. I'm not used that you're not calling me by my name," makahulugan niyang sagot kaya napalingon ulit ako sa kanya.
He's calling me Mali. Si Kuya Seven lang ang tumatawag sa'kin ng ganyan. W-Why?
"Pero paglalapastangan ang pagtawag sa'yo ng 'yong pangalan. Do you want me to get punished?"
Umiling naman siya."Call me my name when it's just the two of us. It sucks being called by master."
"You're in the highest position. Of course everyone will call you like that. Magagalit ang head mistress o 'di kaya'y si Mavis. You're friends, right?" Kumunot naman ang noo ko.
I don't know if I was just hallucinating but I saw how the side of his lips rose up.
"Yeah. Gusto kong tawagin nila akong master. But I want to call you by name and that's an order," he smirked and stood up from my bed.
"Seriously? Yan lang po ba ang ipinunta mo rito?" naguguluhan kong tanong.
"No. You want to drink my blood, right? Hinahanap hanap mo na ngayon ang dugo ko, Mali. Admit it or not."
"P-Paano mo nalaman?"
Nilingon niya naman ako."Because I could feel it whenever you're longing for me. Nauuhaw ka pa ba?"
Is he teasing me?! Of course, I am. Kanina ko pa pinipigalan ang sarili ko na matikman ang dugo niya.
Wala sa sariling tumango ako kaya lumapit siya sa'kin. Nagbago ang kulay ng mga mata niya at kasabay ng paglabas ng pangil niya. Kinagat niya ang sarili niyang kamay at nang lumabas ang dugo nito ay parang nabuhayan ang kaluluwa ko nang maamoy ko ito.
His blood... his scent is making me crazier.
Agad kong hinila ang kamay niya at sinipsip ang dugo niya roon. Tasting every bit of his blood until I'm satisfied. A-Ang sarap ng dugo niya.
"Done? Masarap ba?"
Tumango naman ako."H-Hindi ko alam pero, nakakabaliw ang dugo mo. I'm always feeling thirsty for your blood. Natatakot ako na baka maubos ko lahat at manghina ka."
"Hindi madaling maubos ang dugo namin lalo na sa'mig mga pureblood, Mali. Ang pag-inom ng mo kahit konting dugo ay malabo kong ikamatay kaya 'wag kang mag-alala."
Napangiwi naman ako ng tawanan niya ako."Fine, you don't need to laugh at me. Pwede ka nang umalis, baka hinahanap ka ng tatlong masters."
"I know. Don't be surprised if I suddenly appear in your room without telling you. Alam ko kung kailan ako pupunta." Nawala siya bigla sa paningin ko at tanging paggalaw lang ng kurtina sa balcony ko ang naabutan ko.
Gosh! He's too fast.
"Zandrei...danke schön."
Hindi ako nakapag-thank you sa kanya kahapon kaya ngayon na lang.
"My pleasure, meine liebe," I heard him whispered on my ears that's why I immediately turned around but I never saw him.
Aish. Guni-guni ko lang 'yon. Umalis na siya, panigurado.
Nang tumalikod ulit ako ay nanlaki ang mata ko nang magtama ang tungki ng ilong naming dalawa. He didn't move, so as me. I thought he already left!
Is he playing with me?!
"What did you just call me, Mali?" he asked in a husky voice.
Shete! He's melting my heart, just to let him know!
"Z-Zandrei," ulit ko pa.
A small smile formed on his lips as he heard me repeat his second name."Good. It's music to my ears, just so you know."
Nakahinga lang ako ng maluwang nang tuluyan na siyang umalis at hindi ko na naramdaman pa ang presensya niya. I thought he's so scary as what they thought but... why is he different earlier?
Bakit parang ibang version ng Zandrei ang nakita ko sa kanya?
And why am I calling him Zandrei?
It's supposed to be Jyron pero kusa na lang lumabas sa bibig ko ang second name niya.
Zandrei... Why am I having this familiar feeling that I'm longing for you all this years?
Hindi ako dinapuan ng kahit isang katiting na antok bagkus ay parang buhay na buhay ang katawan ko ngayon. I don't know if it's because of his sudden visit or the blood that I drink from him. Ugh. I want to relax myself for now.
All of the vampires must be on their dorm and buildings to rest. Umaga ngayon at mabilis ang takbo ng oras dito nang hindi namamalayan. I want to spend my remaining time reading some books.
"Narinig mo ba ang balita tungkol sa mga bampirang namamatay sa labas ng Academy? Halos araw-araw ay may isa o dalawang namamatay. May alam ka ba kung sino ang salarin sa mga pagpatay?"
Natigilan ako bigla nang marinig ang sinabi ng katabi kong bampira. Dalawa sila at nabibilang sa class ng Delta. I can sense it... mahilig akong mangilatis.
Tumango naman ang kasama niya."I heard the Hemione girl earlier that the owner of the dark magic is back. Bumalik na ulit ang pinakamasamang bampira na may hawak ng pinakamalakas na mahika. He's going to rebirth every after 100,000 years and when the full moon will rise, mabubuhay na siya."
Muntik ko nang mahulog ang librong hawak ko nang marinig 'yon. Rebirth? Is she freaking serious? Mabubuhay na hindi ipapanganak ulit kundi babangon sa hukay.
It would be the biggest nightmare of all vampires, if ever.
Dark magic? I haven't heard something like that.
"The full moon just appear once in a lifetime. Bihira lumitaw ang full moon dito kaya imposible rin. You know, I think we should go now. I'm sleepy." Umalis na ang babaeng katabi ko kaya dito na ako napaisip sa sinai niya.
The full moon is the day of my birthday. Ako nga ba talaga ang panganib na kinakatakutan ng iba?
"Ms. Librarian? Can I know which section do the history of the vampires is located?" tanong ko habang hinahanap siya ng aking mga mata sa loob ng kanyang maliit na silid.
"Hindi ka rin pala natututo sa mga binibigay nilang pasakit sa'yo. Humahanga ako sa katatagan mo, batang babae." Lumitaw siya bigla sa harapan ko at hindi na ako nagulat do'n.
Almost all of the vampires likes to scare me with their vampire speed. I'm no longer surprised on it.
"Alam niyong hindi ako basta-basta sumusuko kahit na ilang beses pa akong ipagtabuyan ng iba. Do you also hate humans?"
She shook her head, probably it's a no."Natatakot din ako na mapahamak ang taong kagaya mo sa lugar na ito. Ayokong maulit ang nangyari pitong taon na ang nakakalipas."
Seven years ago?
"Why? What happened?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog ang dibdib ko.
"Find it out by yourself. Hindi masasagot lahat ng katanungan mo kung ako mismo ang magsasabi sa'yo."
Pagkatapos niyang sabihin ang section ng hinahanap kong libro ay agad na akong umalis. It's on the section 4, sa pinaka-itaas na bahagi ng bookshelves. I know that I had a bad experience in using a ladder pero kakainin ako ng konsensya ko kung wala akong mabasang libro ngayon.
I was in the middle of finding a book when I accidentally nudged the other book on my side that's why it fell on the floor. Hindi ko pwedeng pabayaan 'yon sa sahig dahil baka magalit sa'kin ang librarian.
Bumaba ako ng hagdan na walang dalang kahit isang libro. Pinulot ko ang libro at pinagpagan ito dahil medyo maalikabok na. It's like an enchanted book because aside from it's form, it has a unique design. A combination of plants, stones, and hills.
'History Of Three Kindoms'
Hydera Penha is the land of vampires. It is ruled to have three kingdoms in order to contribute the surveillance of each and everyone. The three kingdoms were named as the Slatterahnia, Alcarmenia, and Myrabonia.
Wala akong alam na may ganito pala sa labas ng Academy na 'to. No one even bothered to tell me or give any single details about this so-called-kingdoms. Ang tanging alam ko lang na mayroon sa labas ay ang borders line.
The Kingdom of Slatterahnia is located at the top of the highest hill, in Hydera Penha. It's the biggest palace that was owned by the Vanderhorst family. The highest empire all over the vampire dynasty. They possess the strongest power of a pureblood that is very terrible to conquer.
V-Vanderhorst? Is it... Zandrei's family? Kung gano'n ay isang siyang prinsipe sa pinakamalaking kastilyo na makikita sa pinakatuktok ng bundok.
Do I have to be afraid of him?
The Kingdom of Alcarmenia is located in the middle of the biggest white stones near the East. It's the most attractive palace owned by the Perth family. The second purebloods in the powerful web. They possess the unique abilities that actually supports the highest empire.
Hindi ako agad nakagalaw pagkatapos basahin ang nasa libro. I-It's impossible... But I couldn't deny the fact that Kuya Seven has its special ability to predict the future. Hindi ito basta-basta nakapangyarihan. Isa siyang prinsipe, ang kuya ko.
H-He's a Perth... and my father too. That time when Tito Arthemis heard my surname, he probably get mad. I-I'm a Perth. Pero alam kong ikakahiya nila ako kapag nalaman nilang buhay ang anak ng kambal niya. Hindi ako nararapat sa palasyo nila. Malabo.
The Kingdom of Myrabonia is located in the part of the forest near the West, surrounded by different kinds of flowers. It's the most beautiful palace because of it's rare flowers owned by the Harthille family. They possess the special abilities that gives protection to the other empires.
May kilala kong Harthille pero imposible ring kasama siya sa kahariang tinutukoy. She's just an ordinary girl like me, as what she'd said. She's my best friend, Eurisse.
The powerful web composed by the three purebloods came from different empires. The Slatterhania-Vanderhorst, Alcarmenia-Perth, and the Myrabonia-Harthille.
Binasa ko pa ang ibang tungkol dito para magkaroon ako ng sapat na kaalaman. I want to know everything in this world, my father's home that would never be mine. Halos lahat nga rito ay hindi pa rin ako tanggap. They're just used in my presence but they would never accept me.
Kasalanan ko ba kung mahina ang tiwala ko sa sarili ko?
Siguro hindi nila sinabi sa'kin ang tungkol dito kase hindi naman ako nagtatanong. And if I'm going to ask something, they'll just answer that I should find it by myself. Dahil ba ayaw nilang malaman ko ang lahat kase hindi naman dapat o kailangan kong alamin ito sa sarili ko para maintindihan ko ng mas maayos.
Argh. Naguguluhan na ako.
Alam kong itong nalalaman ko ngayon ay hindi pa nakakalahati sa mga kailangan ko pang malaman. Kung kwento ito ay nasa unang linya pa lang ako. Malayong-malayo pa sa hangganan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabasa dito sa library. 'Yong iba papaalis na at may dumadarating pa pero ako na kanina pa rito ay nananatili pa rin dito sa sulok at nagbabasa. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko kaya hanggat maaari ay patuloy pa tin akong magbabasa.
I woke up when I felt like someone is shaking my shoulders. Napahikab ako at kinusot-kusot ang mga mata ko. When I saw the librarian beside me, I immediately stood up away from her. Kanina pa ba siya dyan? At saka, anong oras na?
"You've been sleeping for almost two hours in this corner of the library. Hinayaan lang kita pero kailangan na kitang gisingin dahil 6:30 na. Students were probably in the dining hall right now. Kailangan mo nang magmadali."
I bowed my head a little and smiled."Thank you, Ms. Librarian. And sorry for the inconvenience."
Kahit na inaantok pa at pagod ay tumakbo ako para makalabas ng West Wing. Ilang milya pa ang tatakbuhin ko para makarating sa East Wing patungo sa dining hall. Kainis na buhay 'to!
Ni hindi ko nga namalayang nakatulog ako eh. I even forgot to eat breakfast and lunch because I'm too busy reading books. Medyo busog pa rin ako kanina dahil sa nainom kong dugo mula kay... Z-Zandrei. But now, I felt empty. A glass of blood from a pureblood vampire couldn't satisfy my hunger for the whole day.
Like duh! I'm not a vampire yet and not so sure about it.
Agad hinanap ng paningin ko ang table ng class namin. And there I saw my classmates so I went to their direction. Hindi na rin masyadong marami ang bampirang nandito. Some of the chairs in each class were vacant. Kasama na rin do'n ang pwesto ng Black Zythe at ang leaders ng bawat class.
Where are they? Tapos na ba silang kumain?
"Niane, why are you late? Halata sa'yo na pagod ka. You should eat first." Tinulak ni Elora ang isang plato ng pagkain at malugod ko naman itong tinanggap.
"Where's Lixe? Napansin kong wala rin ang ibang mga leaders pati ang masters." Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil sa sobrang gutom.
Kahit na ang pagnguya ay hindi ko magawa at halos lunukin ko lang ng diretso ang mga sinusubo ko.
"Grabe! Dahan-dahan lang naman, Niane. Hindi ka naman mauubusan ng pagkain dito." Tumabi sa'kin si Hendrix na mukhang kakarating lang din.
It's not a problem for him. He has a vampire speed. Tama nga si Heaven, lugi talaga ako rito.
"They're busy for such things we don't know. Wala naman kaming masyadong kapit sa mga nasa matataas na posisyon kaya wala kaming nababalitaan. The Hemiones and Deltas might have some informations. Try to ask one of them." He didn't even bothered to look at me.
Now I understand why I heard it from them earlier. Masyado na talagang mapagmaliit ang mga nasa matataas na posisyon.
Why don't they announce to everyone kung ano talaga ang totoong nangyayari sa labas?!
"Isn't that selfish? Hindi nila pinapaalam sa'tin kung anong nalaman nila?" hindi ko na napigilang magtanong.
Natigilan naman sa pagkain si Elora habang si Hendrix ay patuloy pa rin sa pagkain na para bang walang narinig."Niane, hindi tayo pwedeng makialam sa kanila. There are some secrets that they have to keep on their selves. Mga bagay na wala tayong kinalaman at labas na tayo ro'n. We should understand it and trust them. Kahit naman sabihin nila sa'tin wala pa ring mangyayari. We can't help because we don't have abilities like them."
I know. I understand. Everyone needs privacy but we're not talking about them. It's about the killings that is happening outside. Kahit ba ang bagay na 'yon ay hindi umabot sa kanila?!
Mukhang ako lang ang nag-iisang member ng Artilles na may alam tungkol do'n. Kung hindi sinabi sa'kin ni Kuya Seven ay mukha rin akong tanga na walang alam.
"Niane, alam kong mabait ka dahil kita naman sa ugali mo. You have concern to everyone and that's okay. Pero sana ay maintindihan mong hindi tayo kagaya nila. They can do whatever they want and we can't. Kaya nga may class na ginawa para malaman natin kung saan tayo lulugar at kung saan lang ang kaya natin. It's not that we don't have worth, everyone has. Pero kung saan tayo may silbi ay dito lang 'yon sa loob ng Academy, hindi na kasama sa usapan ang nasa labas."
Wala na akong nagawa kundi tumango na lang sa sinabi ni Hendrix. I can't argue with them because they're right. Kahit na may mga gusto pa akong sabihin ay alam kong wala pa rin akong laban sa kanila.
Mas marami silang alam kumpara sa'kin kaya hindi na lang ako magsasalita.
I lost my appetite so I just left the dining room and went directly to my dorm. Nang makapasok ako ay tahimik ang buong kwarto kaya alam kong wala sila rito. I'm sure that they're on the headquarters right now. Katabi lang 'yon ng library pero hindi ako napalingon do'n dahil sa pagmamadali.
I'm already wearing my uniform and heading to our building by myself. Parang naninindig ang balahibo ko nang may maramdaman ako sa likod ko. If I'm not mistaken, someone's following me. Kaasar! Kung kailan wala akong ibang kasabay ay saka naman 'to mangyayari.
Nakiramdam muna ako sa likuran ko at alam kong nakasunod pa rin siya. Hindi ako dumeretso sa building namin at lumagpas hanggang sa makarating kami sa tapat ng building ng Black Zythe. Dito na ako tumigil at huminga ng malalim.
"Why are you following me?" I asked in a serious tone, still turning my back.
Hindi siya sumagot at hindi rin ako nilingon. I'm afraid that this vampire might punch me or worse than that. Natatakot din akong malaman kung sino siya.
When I felt like it was about to touch me, mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inikot hanggang sa mapaluhod ko siya sa harapan ko. Akala ko naman ay magtatagumpay ako pero mas mabilis talaga ang kilos niya sa'kin kaya hawak niya ngayon ang leeg habang nasa likuran ko siya.
"You should've came back here. Kailan ka ba makikinig sa sinasabi sa'yo ni Mavis?"
Damn her! She's attacking me again!
"Siya ba ang nag-utos sa'yo na gawin 'to sa'kin?" Pinilit kong makawala sa mahigpit niyang pagkakasakal sa'kin pero hindi nga dapat maliitin ang kakayahan ng Hemione.
"Syempre, hindi! I can do this without her order. Malayang makakagalaw ang mga Hemione dito sa Academy dahil malaki ang posisyon namin dito. I'm the one who's telling you to get out of here." Malakas niya akong tinulak kaya tumama ang likuran ko sa lupa.
I-I can't stand up!
"I won't follow your order. Not unless it's the head mistress or my leader," matigas ko pa ring sagot habang iniinda ang sakit ng likuran ko.
Mabilis siyang napunta sa harapan ko at itinaas ang collar ng uniform ko kaya parang lumilipad na rin ako. It's just that I couldn't breathe kase nasasakal na ako ng sobra.
"Mamamatay ka na ngayon!"
I closed my eyes and waited for her to punch me when I felt that someone is carrying me. Nang idilat ko ang mga mata ko ay karga na ako ni... Z-Zandrei.
D-Did he just... save me from her?
"M-Master, I'm sorry." The girl kneeled in front of him.
"Who told you to hurt this girl?! Walang sino mang hahawak sa kanya kundi ako lang. Remember that!"
Ginagawa niya ba akong servant niya?
Or
He's considering me as his property?
********************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro