Chapter 31
In the dance of emotions, uncertainty can be a delicate waltz. When feelings towards someone special are a blend of mystery and admiration, it is a beautiful reminder to embrace the one who holds the other piece of you. However, in a situation where competing with feelings occurs, would it be better to accept defeat?
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang ipasok ako ni Tito Art sa training kasama ang mga healers ng palasyo. I also found out that their healing ability is different from what I have. Kumbaga, kung sa akin glowing light, sa kanila naman ay green na umiilaw lang kapag itinatapat na sa sugat. As for me, it suddenly glows before I could place it to the wounded part. Mabilis lang din humupa ang sugat kapag healing ko ang ginamit. While it takes 2 to 3 minutes for them to heal.
However, there are some things I couldn't do compared to them. Aminado naman ako ro'n dahil mas may alam sila kumpara sa'kin. Yes, my healing ability is kinda stronger than them, but they can manage to do it properly with great concentration, which I find hard to do.
"Prinsesa, huwag mong madaliin. Hindi naman nangyayari ang pagpapagaling sa madalian lamang," pangangaral sa'kin ng punong tagapagpagaling rito sa palasyo.
Siya ang namamahala sa mga healers. And now she's teaching me basic skills on how to heal big wounds. Hindi naman talaga bampira ang pinapagaling namin kundi isang bagay lang na may buhay. This is what they used to practice healing abilities for beginners.
"I managed to heal a griffins wing. Why can't I do simple healing like this?!" inis kong tanong sa sarili ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Iba ang pagsasanay mo ngayon, prinsesa. Dinadama ng bagay na 'yan ang kapangyarihan mo. Hindi mo magagawang magpagaling kung wala kang determinasyon na gawin ito."
"Why is that? I am determinated! Kanina ko pa sinasamo na gumaling na ang sugat na 'yan ngunit ayaw naman," I almost sounded surrendering.
"Walang dugong maharlika ang marunong sumuko. Lahat ng gusto mong makamit, pinaghihirapan." She left me here to check for the other beginners like me.
Kung tutuusin, mas malakas naman ako sa kanilang lahat dito. But failing to do just a simple task like this wouldn't prove me as one. May nakita pa akong mas bata kaysa sa'kin at nagawa niya nang maayos ang parehong bagay na ginagawa ko. How is this so hard for me?!
I tried to calm my breathing, feeling everything that surrounds me. 'Yon ang basic na gawin para ipalabas ang kapangyarihang taglay ko. When I felt like my hands were getting heavier as it started glowing like how it used to be, I closed my eyes to concentrate even more. Kapag pumalpak ako sa kalagitnaan nito, makakaramdam ako ng pagkaubos ng enerhiya. And it really happened.
"Magpahinga ka muna, prinsesa. Mamaya mo na ipagpatuloy 'yan. Kung palagi mong ipipilit, unti-unti ring mauubos lahat ng lakas sa katawan mo," payo niya pa sa'kin.
I end up quitting the class because of failure. Sobrang nakakahiya 'yon. Everyone was looking at me doing my healing session and then it didn't work out. Kilala ako ng lahat sa palasyo bilang isang prinsesa kaya ginagawa ko ang lahat para hindi pumalpak. But I did. For countless times already.
"Hindi lahat nakukuha sa madaling paraan," paulit ulit kong bulong sa sarili ko nang makapasok sa silid.
I need to rest for a bit. Kailangan kong bawiin lahat ng lakas na naibigay ko sa pagsasanay na 'yon. I'll consider it as a lesson.
"Mahal na prinsesa, gumising po kayo!"
Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. When I opened my eyes, I saw a servant with her nervous reaction.
"What's happening? Bakit ka ganyan?"
"S-Si prinsipe Seven.. nasa infirmary. Nalason siya ng isang dark vampire na nakalaban niya sa labas ng Ivoire," kinakabahan niyang sagot.
Upon hearing my cousin's situation, I immediately ran off to visit him. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Iniisip ko kung paanong nasaktan siya ng dark vampire kahit na halos araw-araw naman siyang nasa training room upang magpalakas.
"Nasa'n siya?" tanong ko nang harangan ako ng isang kawal. "Let me in."
"Pinapagaling na siya sa loob, prinsesa. Napag-utusan kami ng prinsipe na 'wag kayong papasukin," sagot niya.
I glared at him. "Step aside and you'll live. Disobey me and you'll turn into ashes."
Hindi ko sinasadyang takutin siya ngunit alam kong 'yon lang ang paraan upang papasukin niya ako. When I entered the room, everyone was there. They glanced on me at first and then back to Kuya who's lying on the bed, catching his breathe.
"Kuya! What's his condition?"
Akmang lalapit ako sa kanya nang pigilan ako ni Zandrei. "Don't come near him. Healers can do it. Baka malason ka rin kapag hinawakan mo siya."
I bit my lower lip, trying to stop myself from crying. "What exactly happened?! Bakit siya nagkaganyan?! Magkasama ba kayong lahat?"
"Yes, but we split into three teams for us to easily find the dark vampires roaming around the town hall. Napag-alaman kase ng councils na may ibang nakapasok sa Ivoire," si Aiko na ang sumagot.
"I-I didn't know this would happen. If ony.. I didn't called him to save me," Eurisse who was shaking in fear with Lixe and Heaven comforting her.
"Who's on his team?" I asked.
Heaven hesitated to raise her hand. "Seven, Eurisse, and I. P-Pasensya na, Niane. Lima kase silang sumugod sa'min at hawak ng isa ng Eurisse kaya niligtas siya ng Kuya mo. Everything happened so fast."
"A-Ah.. masakit," Kuya groaned in pain.
"Can't you make it fast?! He's hurting so bad!" I complained, biting my nails while looking at him suffering in so much pain.
I could feel Zandrei's grip on my hand. "J-Just look away. Masasaktan ka rin kapag nakikita mo siyang ganyan."
"S-Stop! Stop it! Ako na ang gagawa! I'll heal him."
Napatingin silang lahat sa'kin, naguguluhan, except for Zandrei who knows everything. Matagal pa bago nila matanggal ang lason sa katawan niya. Baka kung anong mangyari kapag hindi kaagad naagapan.
"Are you crazy?! How can you do that?!" Mavis looked at me with disbelief.
Zandrei loosen his grip on my hand. "Just let her take over. She can do it."
Walang nagawa ang punong tagapagpagaling nang lumapit ako sa kinaroroonan ni Kuya at pumalit sa pwesto nila. My hands were also shaking a bit, afraid that I might not do it right. I inhaled a large amount of air before putting my hands on his bleeding chest. Imbes na pula ang dugo na galing sa malaking kalmot niya ay naging itim ito. I can also see the violent reactions brought by the poison in his body. His veins were starting flow onto his neck.
"Gawin mo na, Niane. May tiwala kami sa'yo. The poison would slowly ate his body system," Xian reminded me.
'Please, heal him. I'm begging you.'
I felt a strong energy entering my body as the scratch on his chest started to close little by little. Kasabay doon ay ang panghihina ng tuhod ko na parang hinuhugot ko ang isang napakalakas na enerhiya mula sa kanya.
"Mahal na prinsesa, itigil mo na ang iyong ginagawa. Lumilipat sa katawan mo ang lason!" sigaw sa'kin ng punong tagapag-pagaling.
"Mali! Stop. Let them finish what you've started," Zandrei tried to warn me.
Unti unting idinilat ni Kuya ang mga mata niya at tiningnan ako. "M-Mali.. please don't. 'Wag mong ipahamak ang sarili mo."
Wala na akong pakealam sa kung anong mangyari sa'kin. Saving him is the only thing I could think of. I don't even care dying right now if it means saving the person who's dear to me.
Imbes na pakinggan ang mga pagbabanta nila ay mas idiniin ko pa ang kamay ko nang sa gano'n ay gumaling ang sugat niya nang mabilisan. My body felt the immense heat and different kind of energy inside me. Binalewala ko ang panghihinang nararamdaman at tiniis ang sakit na namumuo sa loob ng katawan ko. I felt numb as I the glow in my hands stopped and it successfully healed his wound.
I did it. I controlled—
"Damn, Mali! You overdid it!" Zandrei got me before I hit the floor.
—my power for the first time.
I woke up when my body feels so light and the scene earlier flashed back on my head. Agad akong napabalikwas sa kama ko at bumangon. I looked at my body in the full-length mirror, observing if there were changes since I absorbed the poison from his body. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong hindi naman ako napano. The reason why I was confident to do that is because of the book. Nakasulat do'n na kayang tunawin ng healing ability ko ang kahit anong lason na papasok sa katawan ko. Aside from that, the Death Spell is an ability of the dark magic, which allows me to absorb any of it without getting hurt.
Kahit papaano naman ay nakaligtas ako dahil rito. Kung hindi pa, ano na lang ang mangyayari kay Kuya.
"Mali! Thank heavens! Ayos ka lang ba? Ba't parang mas okay ka pa kaysa sa'kin?"
Sobrang daldal niya pa rin kahit na muntik na siyang mamatay sa lason. He's back on being energetic!
I gave him a death glare. "Ano bang tingin mo sa katawan mo?! Bulletproof, huh? Bakit ba kase hindi ka nag-iingat?"
"I am! Everything was just unexpected. May nakita akong papalapit na umatake kay Eurisse kaya nauna ko siyang nailigtas bago sarili ko. Hindi ko naman pinagsisihan," he defended.
I sighed. "Love, huh? Makes everyone crazy like its not a big deal risking lives for it."
"Hindi mo pa kase nararanasan. Mararamdaman mo lang kapag ikaw na din mismo ang nasa sitwasyon ko," he winked at me.
Speaking of. "Where is—"
"Nasa labas kausap si Mavis. He's not cheating on you, promise! May pinag-uusapan lang sila." He even raised his hands like telling the truth.
Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Wala lang din namang epekto sa'kin 'yon. They're best friends too, kagaya namin. There's nothing special.. between us, right? What about that kiss?
Napasabunot na lang ako sa buhok ko bago pa man ako mabaliw kakaisip dito. There's nothing wrong with him talking to her because I don't have any right.. to get jealous. Mavis was there for him when I wasn't around. Kaya baka mas lumalim pa ang samahan na meron sila kaysa sa'min.
Dumungaw ako sa balcony ng kwarto ko para lumanghap ng sariwang hangin ngunit hindi ko inaasahang mahagilap silang dalawa sa baba. Right, they were talking. Its not my intention to eavesdrop on their conversation but I accidentally did.
"Jyron naman eh! Mahal kita, alam mo ba 'yon? More than just a best friend. I have always assumed that you feel the same for me. Ako 'yong nandito no'ng wala siya, 'di ba?" Mavis was crying.
Tama nga ako. That wasn't just a talk but a confrontation. A deep one. Totoo namang siya ang nasa tabi niya no'ng mga panahong iniwan ko siya. Siya ang pumuna sa lahat ng pagkukulang na ko kay Zandrei. Though, we were best friends that time too.
"Yeah, you're right. You were there and I'm always grateful for that. Hinahayaan kitang gawin ang gusto mo dahil ayokong saktan ka, Mavis," mahinahong sagot ni Zandrei sa kanya.
She cried hardly, ramdam ko ang sakit na nilalabas niya ngayon. "You're so unfair! I did my best just for you to see me as the girl who loves you. Hindi pa ba 'yon sapat.. para mahalin mo'ko?"
"Its enough. I can feel it. Hindi lang talaga ikaw ang babae na nilalaman ng puso ko. Mali came first. Kahit na umalis siya, hindi ako nagalit sa kanya. I've always been waiting for her to come back. I'm sorry, Mavis. Hindi ko kayang.. gawin ang gusto mo," he explained.
Lumabas ako sa kwarto ko upang hindi ko na marinig ang usapan nila. I felt bad for her. I am the reason why Zandrei rejected her and she got hurt. Wala akong ginawa pero nasasaktan ko siya.
"Niane! Pwede ka ba naming kausapin?" nagdadalawang isip pa na tanong sa'kin ni Aiko nang makasalubong ko sila sa hallway.
Xian let out a deep sigh. "Look, hindi naman sa ayaw namin sa'yo para kay Jyron. You're kind and softhearted. Kaya nga lang, kaibigan din namin si Mavis at alam namin kung paano siya naghirap para lang makalapit kay Jyron."
"W-Why are you telling me this?" I swallowed hard.
"Pwede bang ikaw na lang mismo ang umiwas kay Jyron? Kapag ikaw ang gumawa, mas mapadadali sa kanya na 'wag nang lumapit sa'yo kase ikaw na mismo ang umayaw," Aiko's eyes were pleading on me.
"Y-You can also lie to him." Bumaling ang tingin ko kay Xian. "Tell him that it was wrong to be with him. Na pureblood siya at ikaw half lang. Oh di kaya sabihin mo na lang na wala kang nararamdaman sa kanya, na hindi mo siya mahal."
"B-Bakit niyo ba 'to ginagawa sa'kin? Ano bang ginawa ko sa inyo?" pagak akong natawa na ikinatigil nila.
Hindi ko rin naman ginusto 'to kahit pa malaki ang sama ng loob niya sa'kin. Even though we're not in good terms. But helping them get together even when its tearing me into pieces. Ano bang tingin nila sa'kin?
"Hindi naman sa may galit kami sa'yo pero nasasaktan din naman kami para kay Mavis. Kahit gano'n siya sa iba, mabait naman siya sa'min." Aiko kept on defending her name.
I looked up to stop myself from crying again. "Eh ako? Is it okay for you guys to see me in pain if I would do that? Ni hindi niyo man lang tinanong.. kung okay lang ba sa'kin. Kung hindi ba ako masasaktan."
"Kahit naman na ipagpatuloy mo ang nararamdaman mo kay Jyron, wala pa ring saysay. Its against the law of Hydera Penha. Magkauri nga kayo, oo. Pero ang pureblood ay nararapat lang sa pureblood din kagaya ni Mavis. You're just a half," Xian sounded like he was underestimating me.
Tiningnan ko sila nang hindi makapaniwala. A-Akala ko.. kaibigan ko rin sila. I thought they would also understand me like what Kuya Seven does. Pero mali pala ako ng hinala sa kanila. I felt betrayed. Hindi ko na alam kung may mapagkakatiwalaan pa ba ako sa kanilang lahat. I was like being pushed away.
"Sana naman maintindihan mo ang ibig naming sabihin—"
"Ako ba inintindi niyo? Baka nga hindi niyo talaga ako tinanggap kung hindi lang dahil kay Kuya at Eurisse. You were just pretending!" putol ko balak sabihin ni Aiko.
"Noong una, oo. We tried to accept you in the group because that was Seven's favor. Kaibigan naman siya kaya pumayag kami. Okay lang sana sa'min kaso no'ng bumalik ka.. parang gumuho ang mundo ni Mavis. Jyron couldn't give her the attention she wanted when he found out that you're back. Nawawalan na siya ng pakealam sa kanya," Xian tried to explain to me.
I smiled bitterly. "They were just best friends. Nilinaw sa kanya 'yon ni Zandrei. Its her who misunderstood. Bakit niyo pinipilit na ako ang may kasalanan?!"
"Ayaw naming nahihirapan si Mavis nang dahil sa'yo. Bakit ka pa kase bumalik?"
Binigyan ko ng isang tingin si Aiko, nagulat sa biglaang pagsabi niya no'n. He's not the friend I used to know. Oo nga't hindi kami naging close talaga pero hindi naman inaasahang ganyan siya magsalita. H-He's just like those vampires in school who bullied me.
"How dare you say that to me? Ano bang alam mo sa'kin?!"
He held his chest, catching his breathe. Nasasaktan ko siya kahit na wala man lang akong sinasabi.
"Niane! Shit, don't do that!" Xian yelled.
"No one could ever tell me what to do!" I hissed out of control.
Nagsidatingan naman kaagad sila. Kuya Seven with Eurisse, pulled me away from them. I stopped what I was doing. Si Lixe at Heaven, hindi makapaniwalang sinaktan ko si Aiko. Mavis was looking at me angrily. And Zandrei.. he was staring blanky, probably mad.
"Niane, hush. Calm down, okay? Tell me what happened?" Eury asked me in a soft voice.
"Hinding ko kayo mapapatawad. Eto na ang huling beses na makikita niyo ako," walang emosyon kong sambit bago kumawala sa pagkakahawak nila.
"Mali, princess." Sinubukan akong habulin ni Kuya ngunit hindi niya nagawa dahil mas mabilis na ako sa kanya.
I didn't know what just happened but I only found myself standing in the forest. Wandering. Gulong gulo na ako. Hindi ko alam ang gagawin. W-Where am I going now? Hindi ako pwedeng bumalik ng ganito sa Zeal. Its dangerous. Ayokong magdala ng problema sa mundong iniwan ko ng payapa.
Nakatayo ako sa harap ng haunted forest, nagdadalawang isip pa kung tatawid ba ako o hindi. I closed my eyes and made my decision. Sana lang hindi nila malaman na nandito ako. Its my choice to leave.
"Anong nangyari dito? Nasaan si Lezonra?" tanong ko kay Carmy, 'yong ahas na naging kaibigan ko noon.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng paraiso na pinagdalhan sa'kin ni Lezonra noon. My lips parted seeing the place surrounded by darkness. This wasn't as beautiful as before. Pati ang tubig na nanggagaling sa falls ay naging itim na. D-Dito nanggaling ang dark vampires na naging kalaban nila Kuya Seven. How come they entered this place?
"Niane! Bakit nandito ka?" That was Alexia's voice.
Napansin kong puro pasa ang nasa katawan niya. "Ang dark vampires ba ang may gawa nito? Where's you brother, Goethe? And Lezonra?"
"Nasa bahay niya si Lezonra, tinamaan siya ng lason ng dark vampire. Si Kuya naman.. malaki rin ang sugat niya sa paa. Kinuha nila ang natitirang kapangyarihan ng mga nilalang dito maliban sa'min," naiiyak niyang paliwanag sa'kin.
"Take me to them."
Matapos kong pagalingin ang sugat ni Goethe at ilipat ang lason sa katawan ni Lezonra papunta sa'kin, pakiramdam ko ako naman ngayon ang nawalan ng lakas. I also healed Alexia's bruises that she got from fighting to save their territory. Eto na nga lang ang naging tahanan ng mga nilalang na ito simula nang ipatapon sila ng mga bampira. And now vampires, were still the reason why they have to suffer like this.
"Kaya pala hindi ka na bumalik ulit dito dahil.. nagbago ka na. May ability ka rin katulad ng mga malalakas na bampira sa labas," hindi makapaniwalang sambit ni Alexia.
I gave her a small smile. "I am the long lost princess of Alcarmenia, Niane Maliseth Azore Perth. Half vampire, and a flesh from a werewolf and hunter's blood."
"A-A werewolf? Can you give a name?" Goethe interrupted. He seems to be fine now.
"Hindi ko alam ang pangalan ng Lolo ko. Pero ang sabi sa'kin, he was once the leader of the pack. Ang Lola ko naman anak ng isang hunter kaya naghahalo ang dugong meron sa katawan ko," I answered.
"Why are you here? Baka mapagalitan ka kapag nalaman nilang nagpunta sa Ivoire ang prinsesa." Lezonra suddenly came out of her room. "Salamat sa pagpapagaling sa'min. If you're not here, maybe were gone now."
"Its nothing. Can I stay here for the meantime? I don't want to go back," nahihirapan kong sabi.
"If that's what you want. You're a princess, after all. Lahat ng gusto mo pwede."
Tatlong araw. Sa loob ng mga araw na 'yon nanatili lamang ako sa Ivoire. I helped them fix their place and tried to turn everything back to normal. Unti-unti ring bumabalik ang namamatay na mga bulaklak na pinanggagalingan ng buhay sa buong lugar. Its getting back to the beautiful paradise they used to live. Pinalitan na rin ni Lezonra ng portal ang daan papasok dito. The portal could be invisible outside.
"Hindi ka ba talaga babalik?"
"Pinapaalis mo rin ba ako rito kagaya ng ginawa nila sa'kin sa labas? I have nowhere to go."
Kahit naman hindi ko tingnan si Alexia, alam kong malungkot siya na iniwan ko ang mga kasama ko sa labas. They made me left them. Do I have to force myself to those people who never did wanted me in the first place?
"Hindi naman sa gano'n, Niane. Baka kase nag-aalala na ang Kuya mo sa'yo." Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang mga sirena na lumalangoy sa tubig. "Sometimes home is a person. Alam mo ba 'yon?"
Of course I do. Sinabi sa'kin 'yon ni Kuya kaya bigla ko siyang namimiss.
"Ewan ko ba. Parang wala na akong tinuturing na tahanan. Palipat-lipat naman ako ng lugar eh, depende sa kung saan ako komportable. I had good memories in Zeal but otherwise in Hydera Penha. Minsan okay sa dormitory sa school pero kapag namimiss ko ang mga magulang ko pumupunta ako ng Alcarmenia." I shrugged off my shoulders.
"Akala ng iba nababalot ng dilim at kalungkutan dito sa Ivoire dahil pinatapon lahat ng nilalang dito. That's what I thought before but I was wrong." Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. "This has been my safest place. Nandito pa naman ang kapatid ko at pamilya ang turing naming lahat sa isa't isa. Others even build their own family here. Tinitiyak ni Lezonra na lahat kami ligtas at namumuhay ng payapa," dagdag niya pa.
I envy her.. no them. Kahit sa ganitong sitwasyon kaya nilang maging masaya. They lend a hand to each other whatever happens. Siguro magiging masaya si Nimfa kapag nalaman niyang dahil kay Lezonra, marami siyang buhay na nailigtas. Isa na siya ro'n. She chose to send her daughter away for the sake of her safety. Gagawin ng isang ina ang lahat para lang sa anak niya.
"Bumalik ka na, Niane. Kailangan ka nila," Lezonra said seriously. "I can feel the danger coming. Masyado nang lumalakas ang dark vampires."
"How am I supposed to stop them?" naguguluhan kong tanong.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "You have to find the silver cross no matter what. Ikaw dapat ang maunang makakita nito bago ang kahit na sino. Its a dangerous thing for vampires. It can annihilate all of them."
"Why does it have to be me?" I asked again.
"Dahil ikaw lang ang may kakayahang gumawa no'n. I bet you already know about the prophecy. Ikaw ang babaeng itinakda upang burahin ang lahat ng masasama. You possess the level of ability that dark vampires have. You're the other half of their power."
"Kung ako ang kalahati ng meron sila, ano na? Am I going to die if they all vanished?" I tried my best no to be affected.
Marahan naman siyang tumango na dahilan upang manghina ang buong katawan ko. "H-Hindi ko alam pero 'yon ang nabasa ko libro. I can read presumptions. Hindi pa sigurado kung tutugma pero sana nga. I don't want you to die either."
Para saan pa at nabuhay ako? Gano'n lang ba ang papel ko rito sa mundo? To be alive just because of the prophecy? Ang pagkabuhay ko ang siyang pagbalik ng propesiya sa mundo. Just how unlucky I am?
"What does it look like? May hint ka ba kung saan ito pwedeng makita?"
What am I even planning to do? Going by myself unarmed?
May ibinuklat siyang libro at binasa 'yon. "It involves the three powerful webs. Vanderhorst, Perth, Harthille. The silver cross lies beneath the name of titles in each Kingdom."
"Anong ibig sabihin? Hindi ko maintindihan."
"Vanerhart. Sa Vanerhart Academy na pinapasukan niyo. Its like a puzzle. The center of the three kingdoms is no other than the school. Marami sigurong nakakaalam ngunit hindi lahat. Ang Vanerhart Academy ay nabuo sa tulong ng tatlong kaharian kaya nakuha nito ang pangalan gamit ang title ng mga namumuno rito," Alexia explained.
Titles are the surnames.
Vanerhart Academy. Shit.
"May nakalagay ba kung saan matatagpuan? The school is too big for me to guess where could it be. Matatagalan ako sa paghahanap lalo na't ako lang mag-isa." I messed up my hair, frustrated.
"You're not alone. You have your friends," Goethe said.
Ipinilig ko naman ang ulo ko. "I don't know anymore. Sinabi ko na sa kanilang hindi na ako ulit magpapakita. It would sound crazy showing up and then asking for them to help me."
"Then you've got no choice. Those dark vampires would keep on coming there until they get what they want. You should be careful too," Lezonra warned me.
"Kahit naman mag-ingat ako kusang lumalapit sa'kin ang panganib," I smiled bitterly.
"Aside from the silver cross, they also want you to be part of them."
Bakit sa lahat ng pumipili sa'kin, kamalasan pa?
***************************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro