
Chapter 3
Dreaming something even though it couldn't be real is already happiness. But what makes it the happiest is that when the dream you've been dreaming for so long suddenly became real in an instant. But how could I be happy if this dream where I am isn't that happy as what I've thought?
Alam ko nang mangyayari 'to kaya hindi na ako nagulat. All of them were staring at me like what those vampires did earlier. Seems like they were scanning me or maybe waiting for my reaction to change. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nila dahil sa sobrang pula nito kaya nakatungo lang ako.
How long are we going to stay like this?
"Oh, I'm sorry. Nakalimutan kong may bago pala tayong kasama sa grupong 'to. Come here, introduce yourself." Madam Crysta gestured me to come closer because I'm still standing near the door, not planning to walk in.
"Uh... H-Hi? I'm Niane Maliseth Azore," I simply introduced myself.
Haggang ngayon ay nakatungo pa rin ako. I'm afraid to meet their eyes, I might feel strange again.
"Maybe they were just shock, Niane. You can seat in any vacant chairs, wherever you want. The head mistress already told me about you so there's no need to explain." No one greeted me or even whispered something so Madam Crysta just welcomed me.
Ngumiti lang ako ng konti at saka tumango."Thank you, Madam."
"Pwedeng sa tabi ko na lang siya umupo? Wala kase siyang kakilala bukod sa'kin, eh."
Nanatili akong tahimik sa tabi ni Lixe habang nakikipag-usap pa siya sa cena namin.
"Sure. Magkasama naman kayo sa dorm kaya ikaw ang aatasan kong magtuturo muna sa kanya tungkol sa iba't ibang bagay na gagawin natin. Maliwanag ba?" panunuri pa ni Madam Crysta.
"No worries."
The whole discussion doesn't seem so boring for me. Hindi kagaya sa mundo namin na pabalik-balik ang itinuturo. Baka dahil rin sa naninibago pa ako rito at wala pang alam sa mga bagay-bagay kaya kailangan kong makinig sa mga tinuturo niya.
"I'll give you an advance lesson and be sure to research some details. Kapag nag-oral tayo mamayang gabi at ni isa sa inyo ay walang makasagot, alam niyo na ang rules."
They all winced and just nodded. Anong klaseng rules ba? Ibibitay niya kaya o babawian niya ng hininga?
"You're so funny, Niane. It's none of the above. Isang toneladang assignment lang naman ang parusa kaya naging gano'ng ang reaksyon nila. Most of the vampires hates lessons and discussions. Nakakabobo raw kase." Mahinang tumawa si Lixe sa tabi ko.
Am I going to tell Heaven that she's reading my mind again?
"Oh, please don't do that. Hindi ko na gagamitin ang ability ko sa'yo, promise."
Napailing na lang ako."Sabi mo, eh. Oo nga pala, pwede mo ba akong samahan sa library mamaya pagkatapos nito? I guess this school has a library, right?"
"Of course, it has. Kahit saan naman sigurong school may library. But Nia, I had to sleep after this. Wala akong lakas para mamayang gabi," nakanguso niyang reklamo.
"Before I dismiss, I'll remind you to read the first book that Viancee Talejandra had published at her young age. I'll discuss it to all of you in our class later. Ang gusto ko lang gawin niyo ay magbasa ng kahit konti man lang para may ideya kayo sa tatalakayin natin mamayang gabi. And now, you can go back to your respective dormitory and have a great rest." She gave us a warm smile before walking out of our room.
"Kaasar! Magbabasa na naman! Makakalimutan din naman mamayang gabi." Isa sa mga kaklase ko and nagsalita at parang naiinis ata siya.
"Madadagdagan pa 'yan kung hindi talaga tayo magbasa. Alam niyo naman si Madam Crysta, mabuti nga at hindi siya kagaya ni Madam Ovrey," singit naman ng isa ko pang kaklase.
"Be careful of your words, guys. Gawin niyo na lang ang sinabi ni Madam." Hinila ulit ako ni Lixe hanggang sa makalabas kami sa building na pinag-aaralan namin.
"Samahan mo ako leader, ah. Madam Crysta said that you should guide me since I'm still new here. Don't worry, pwede ka namang matulog sa library habang nagbabasa pa ako."
"Hmmm, wala naman akong magagawa eh. At saka 'wag mo'kong tawaging leader, tayo lang namang dalawa ang magkasama."
Nakibit balikat na lang ako at sinabayan siya sa paglalakad niya. She looks so tired and her eyes were starting to close. Inalalayan ko na lang siya kaso napahinto ako saglit dahil hindi ko pala alam kung nasaan ang library.
Why so stupid, Niane?!
"Hey, Lixe! Hey! Mamaya ka na matulog pagdating natin sa library. I don't know the way." I started to shake her shoulders a little to wake her up.
Pumipiyok piyok pa ang mga mata niya, which I find cute."Ah, s-sorry. Nakatulog pala ako, hindi ko alam. We're going to follow the West Wing."
Hinawakan niya ulit ako at hinila biglaan kaya mukhang nakaramdam ako ng pagkahilo. I put my palm on my head, feeling sick on what she did.
"Hala! Gosh, I'm really sorry. Dapat pala hindi ko ginawa 'yon. Lagot na naman ako kay Heaven nito," I heard her murmured and carresed my back.
Mabuti na lang at nakaalalay siya sa'kin nang muntik na akong matumba dahil sa pagkawala ng aking balanse.
Ano bang ginawa niya?
I tried to open my eyes and blinked twice to clear my vision. Nakita ko ang tatlong naglalakihang gusali sa harapan namin pero kumpara sa East Wing ay walang nakasulat sa mga building na 'to. Ang alam ko lang ay library ang nasa gitna gaya ng sinabi niya sa'kin.
"D-Did you just... used your vampire speed to get here immediately?" Tumaas ang kilay ko sa kanya.
She gave me her cute smile that I couldn't resist." Uh... y-yes?"
"It's cool but kinda... nerve shaking. Nakakasuka," I winced, mukhang duduwal ata ako."
"Sorry, nakalimutan ko."
I didn't ask some questions anymore because I know she's tired to answer me anymore. Saka na lang siguro kapag fully-charge na siya pero mamayang gabi pa 'yon, kung kailan lowbat ang katawan ko. I don't even know if kakayanin kong pumasok sa school ng gabi.
I haven't tried it in my whole life!
When we finally entered inside, I was amazed on how beautiful the furnitures that were garnished all around the place. Sobrang lawak ng library dito kumpara sa mundo namin. Maybe I should stop comparing our things in their world. Mas mautak sila at makapangyarihan kaysa sa'min.
What made me jump into happiness is when I saw the huge bookshelves that were full of books. Ang taas nito ay hanggang sa bubong kaya napanganga ako sa pagkamangha. It's like the library in my dreams. Definitely.
"Tara, hanap na tayo ng table kase inaantok na talaga ako." Hinayaan ko lang si Lixe na humanap ng upuan sa gitna dahil masyado akong naaliw sa paglilibot para magtingin-tingin ng libro.
"Bagong salta, hindi ba?"
Nahulog ko ang hawak kong libro nang may biglang magsalita sa gilid ko. Because of surprise, I didn't managed to answer her back and immediately picked the book on the floor.
"P-Pasensya na, nagulat lang ako."
Nginitian niya lang ako at bigla siyang nawala sa harapan ko. One thing I knew was someone is standing on my back. It's her.
Anong kailangan niya sa'kin?
Hindi pa rin ako makagalaw hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para humarap sa kanya. Her eyes were red like what vampires did when they saw their prey in front of them. Sharp fangs were out and aiming to bite to suck for some blood.
I seemed like a prey to anyone here.
"S-Stop right there. Labag sa patakaran ang pagpatay ng kapwa mo bampira."
Saan ko ba nakuha ang mga katagang 'yan? Hindi ko pa nga nasisimulang basahin ang students handbook. Ugh.
"Pero hindi ka namin kauri, isa kang tao. Humans aren't allowed to enter our world, it's certainly restricted. Hindi ba 'yon sinabi ng mga kauri mong tao?" She sounds pissed that made me stop for a bit.
"Ang sabi ng karamihan sa mundo namin ay guni-guni lang daw ang mga bampira. Paumanhin kung naisipan ng Tito kong pag-aralin ako rito." Yumuko ako ng konti kahit na isa lang siyang ordinaryong bampira.
Everyone needs to be respected. Kahit na hindi nila respetuhin ang isang taong katulad ko.
"Then get out of here and go back to the place where you came from. Bago mahuli ang lahat dahil tiyak na pagsisisihan mo sa huli kapag nanatili ka pa rito. You didn't know what happened to the first human who entered our world years ago."
Hindi ko mapigilang mapalunok sa sinabi niya."W-What happened?"
"Pinatay siya dahil sa kanyang paglalapastangan na pumasok sa mundo namin."
Napasinghap ako at napaatras sa sinabi niya. Napansin ko na naman ang presensya niya sa likuran ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.
They killed... her? Babae rin siya kagaya ko?
"Bakit hindi niyo na lang siya ibinalik sa mundo niya?! Why did you killed her? She's innocent!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya nang boses, tama lang na kaming dalawa ang makarinig.
She laughed at me sarcastically."Bakit naman namin gagawin 'yon? It's her fault because she didn't find out first before she entered this world. Gusto mo bang mangyari rin sa'yo ang sinapit ng babaeng 'yon?!"
"What class do you belong?" I seriously asked.
Tinaasan niya naman ako ng kilay."Hemione, why? Hindi mo rin ba tatanungin kung bakit ko alam ang mga bagay na sinabi ko sa'yo?"
"B-Bakit? A-Anong kinalamanan mo roon?"
"Lahat alam ang pangyayaring 'yon dahil parte ng History subject namin ang kwentong ng taong 'yon. To tell you honestly, I'm not involved with the incident but my father was the one who witnessed it. Kaya kung ako sa'yo, umalis ka na. Kung ayaw mong magaya sa kanya," she whispered to my ears the last sentence before her presence were gone.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I already thought that vampires were dangerous more than hell but I still entered this place.
Ano nga bang kapalaran ang haharapin ko sa lugar na 'to?
Could I survive here without getting in trouble?
Kahit na natatakot ako ay mas minabuti kong ipagpaliban na lang muna ang sinabi ng babae kanina. I even forgot to ask her name. Pero kahit na anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang misteryoso niyang mukha, kakaibang ngisi, at higit sa lahat ay ang mga sinabi niya na nakapagimbal sa'kin.
I need to calm myself..
Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa librong kailangan kong hanapin. The first published book of Viancee Talejandra. Upon hearing her name, seems like her works are somewhat interesting and admired by everyone. Mas lalo tuloy akong na-curious sa kanya.
But I don't know where should I start finding that book. Sa laki ba naman ng lugar na 'to at napakaraming mga libro, aabutin ako ng ilang taon bago ko mahalughog ang buong library at makita ang librong hinahanap ko.
"Uh... Hi Ms. Librarian. Pwede po ba akong magtanong?" Nagpalinga-linga ako para hanapin ang nagbabantay sa library na 'to dito sa maliit na kwarto ngunit hindi ako makapasok dahil sa nakaharang na isang malaking lamesa na gawa sa marble.
"Anong kailangan mo, hija?"
Napaigtad naman ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. I breathe in and out to relax my organs kase bigla silang nagwala nang sumulpot ang hindi katandaang babae sa harapan ko.
"Gusto ko lang mahanap ang librong kailangan kong basahin para sa klase namin mamayang gabi. It's the book of Viancee Talejandra. Can I know where it is?"
Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago tumango."The author you've mentioned has a lot of works and I don't know which of those books you're looking for. Puntahan mo na lang ang ika-labindalawang bahagi ng mga libro at doon mo makikita ang mga aklat niya."
"Sige po, salamat. Pasensya na sa pag-abala ko sa inyo." Niyuko ko nang konti ang ulo ko bilang paggalang.
"Panganib.." mahina niyang bulong na may kasamang pag-iling.
Kahit nalilito ako ay ipinilig ko na lang ang ulo ko at umalis na para magsimulang hanapin 'yong libro. There were a lot of books in this section so it means that she wrote all of this in her whole life. Lagpas isang daan ata ang lahat ng 'to.
But how could I find the first book that she published if I didn't even know the title of it?
Wala namang binigay na kahit isang hint si Madam Crysta kaya paano ko malalaman ang unang librong nasulat niya? Ang dami ko na talagang katanungan. Aish!
I don't have any choice but to take a look at this books one by one. May numero na nakasulat sa pinakataas ng libro bago ang pamagat kaya baka ito ang nagsisilbing palatandaan ng pagkasunod-sunod sa mga librong naisulat niya.
Hindi naman pala ganoon kahirap na hanapin. Ang problema ko lang ngayon ay kung paano ko aabutin ang susunod na linya dahil medyo mataas na. I look around to find something that I could step on to get the book but I only saw a ladder. No... don't tell me.
Wala na naman akong pagpipilian kaya kinuha ko na lang ang hagdan at nilagay ito sa pwesto kung nasaan ang libro. I inhaled an amount if air before I carefully step on it. Mga dalawa o tatlong hakbang lang ay pwede ko nang maabot ang libro. When I reached the book, I was about to step back when I forgot that I'm using a ladder so I fell on the floor because of out balance.
Masakit ang pagbagsak ko dahil maging ang hagdan ay bumagsak sa paa ko. I bit my lower when I saw a little cut on my knees kaya may konting dugo na lumabas.
Oh shit! B-Blood...
Tatayo na sana ako nang may marinig akong mga kaluskos galing sa iba't ibang sulok ng library. My heart was beating so fast to the point that I stopped myself breathing for a while. Nang makakita ako ng dalawang pares ng paa ay napalunok na lang ako.
I couldn't see her face clearly but what I knew was that she's already carrying me. Dinala niya ako sa silid niya kanina at tumalon lang siya sa mataas na mesa para makatawid kami sa loob.
"P-Please... don't bite me," nanginginig kong sambit.
She slowly walked towards me, still turning her eyes into red and fangs were out."Sabihin mo ang pakay mo rito sa mundo namin. Aren't you aware of the danger that was waiting for you?! Sa loob man o labas nito? Nakakapagtaka na nag-aaral ang isang tao kasama ang mga bampira. Akala mo ba ay tanggap ka rito?"
Napailing na lang ako dahil totoo namang hindi ang sagot sa mga tanong niya. Hindi ko alam. Sa susunod na buwan pa ang kaarawan ko, kung kailan malalaman ko ang totoo.
But... can I stay here for any longer?
"Pakiusap po, 'wag niyo 'kong saktan. Mag-iingat na ako sa mga kilos ko, pangako." Halos magmakaawa na ako sa kanya na hindi ako kagatin o kahit saktan.
Unang araw ko pa lamang ngayon ngunit ganito na ang resulta. How about the next few days? Makakaya ko ba?
"Ano ang iyong pangalan?"
"Niane Maliseth," mahina kong sagot.
"Wala namang espesyal sa pangalan mo. Heto, itakip mo sa iyong sugat at makakaalis ka na." She handed me a band aid and I immediately accepted it.
Hindi na rin dumudugo ang sugat ko at konti lang ang hapdi kaya makakalakad pa ako. Maybe Lixe is worried about me so I need to go back. Sana lang ay hindi niya makita ang maliit na sugat sa tuhod ko.
"Maaari ko bang hiramin muna ang librong 'to para sa klase namin mamayang gabi? Isasauli ko pagkatapos namin itong talakayin," tukoy ko sa librong nasa tabi ko.
She nodded and turned her back on me."At pagkatapos umalis ka na. You're just putting yourself in danger."
Hindi na ako nagsalita pa at umalis na lang sa lugar niya. When I went to the middle of the library where tables and chairs were placed, there were a few students roaming around. I don't know what class do they belong but their stares at me were back again. Kapag napapansin nila ako ay bigla silang titigil at titingnan ako na para bang ibang-iba talaga ako sa kanila. Dapat siguro ay masanay na ako sa ganito.
."Lixe, we're going now. Tapos na ako dito. Sa dorm ko na lang 'to babasahin para makapagpahinga ka ng maayos." Tinapik ko siya ng mahina sa balikat kaya agad siyang nagising.
Humikab pa siya ng konti at kinusot ang mga mata niya bago tumayo."Sige, bilisan natin. I don't have energy, kulang pa."
Hahawakan ko sana ang kamay niya para alalayan siya pero agad akong napabitaw nang maramdaman ang lamig ng kamay niya. Why didn't I felt it earlier no'ng hinawakan ko siya? Gosh! Ang lamig niya naman... p-parang dead.
But if I'm going to let her walk on her own, magmumukha siyang walking dead kung gano'n. Hindi naman pwedeng pabayaan ko siya. Aish.
"Lixe, can you go back to our dorm on your own? Use your vampire speed to arrive there easily. Kaya mo pa naman 'di ba?"
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at tumingin sa'kin."Hmmm, mukhang kaya pa. But, how about you? Hindi mo'ko kayang sundan."
"I'm okay. Magaling ako pagdating sa directions kaya 'wag kang mag-alala. Kabisado ko naman ang building at room natin," I answered smilingly to convince her.
"Sigurado ka, ah?"
"Yeah. You need to rest."
Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako tumayo at naglakad palabas ng library. Sinalubong ako ng hangin na hindi masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig. Tamang tama lang.
I looked up to the blue sky, staring at the clouds that were dancing through the wind. I even noticed the moon at the center of it. It's so beautiful. The moon isn't whole, it's like what we call us the waxing gibbous. Matagal pa ang full moon sa pagkakaalam ko.
Nagpalit ako ng damit pagdating ko sa kwarto ko. I wear t-shirt to hide my birthmark because it's kinda weird at baka magtaka lang sina Heaven at Lixe tapos tanungin ako. I don't even know what's the meaning of this. Basta ang alam ko birthmark ko na 'to.
Sumampa ako sa kama ko at kinuha ang libro. I take a single glance to my silver bracelet, thinking where it came from. Alam kong palagi ko rin 'tong suot noon pa man kasabay ng necklace ko. But mom didn't gave it to me or even dad. This necklace was my father's remembrance and this bracelet is also important to me. Kahit na hindi ko alam kung saan 'to nanggaling o kung sinong nagbigay.
"Behind Her Smile," basa ko sa title ng libro.
A girl who was hated by everyone because she's different from them. She has the angelic face and the purest heart of all but what they see was the danger that she might bring to them. Their treat to her didn't make her upset or even mad, instead she just show them her very beautiful smile. But whenever she turned her back on them, tears were overflowing down to her cheeks. The sadness, loneliness, and pain were mixed. No one knows about the sufferings she had to face day by day. Behind her smile... was the darkest side of hers.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang unang pahina ng libro. I touched my cheeks and I was shocked when I realized that I was crying while reading it. Ni hindi ko nga napansin na umiiyak pala ako.
Who wouldn't be sad if no one knows about her situation? She didn't even get a chance explain her side.
Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong kumalam. Nang makita ko ang oras ay napasapo na lang ako sa noo ko dahil alas dose na pala.
Hindi ba mas mabilis ang oras nila dito kaysa sa Zeal? O baka hindi ko lang namalayan ang oras sa dami ng ginawa ko.
I don't want to go to the dining hall alone dahil baka hindi pa ako nakakain ay busog na ako sa mga titig ng iba. But... maybe they were still sleeping right now kase sa umaga naman daw sila natutulog. Pero kahit na, hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.
I went to the kitchen to find something to eat. Sana kahit bread at jam lang ang meron, okay na ako. I felt relieved when I saw a pork in the fridge. Tamang tama at marunong akong magluto ng beef steak tapos ang kalahati nito ay gagawin kong porkchop. I'm sure they will love this.
"Nia! Nia, wake up! 5:20 na kaya kailangan na nating maghanda."
Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa malakas sigaw ni Lixe. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos kong kumain at magbasa ng libro.
"I'll just take a half bath for 10 minutes. Can you wait for me in the kitchen? Sabay na tayong kumain."
"Okay, sige."
Hindi na ako masyadong nagtagal at agad na sinuot ang uniform ko. I comb my black hair and my bangs on each sides. Kinuha ko rin pati ang bag ko at nilagay sa loob ang librong kaninang umaga ko pa binabasa. I need to get myself ready.
"I thought we're gonna eat dinner together? Mas nauna pa kayong natapos kaysa sa'kin." I sat on the chair in front of them and started to put a rice on my plate.
Grabe! Wala nang laman ang mga plato nila. Did I took so long in my room?
"Sorry, Niane. Breakfast lang kase ang kinain namin kaya gutom kami masyado. I even thought that I'm going to cook food for us but when I opened the fridge, there's already food. Ang sarap mong magluto, ah."
Napailing na lang ako bago kumain. I don't have to ask her kung bakit alam niya. It's because of her ability, literally.
"May dining hall naman, ah. Bakit hindi kayo kumain do'n? All of the vampires were probably eating right now. Gising na ang lahat dahil ngayon ang freedom niyo." Mas binilisan ko pa ang pagkain dahil gutom din ako.
"You are the talk of the town, Niane. Kahit na nandito tayo sa dorm natin, rinig na rinig namin ang mga usap-usapan nila sa dining hall tungkol sa'yo. Some were bad comments, as usual. Baka hindi lang tayo makakain ng maayos do'n, lalo na ikaw."
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan si Lixe."It's either you guys were affected because of your position or kinahihiya niyo ako sa kanila."
They both shook their head on me."No, it's not what we mean. Nakasanayan na rin naming kumaing magkasama dito sa dorm namin gabi-gabi. Hindi ka rin namin kinakahiya dahil sa tao ka. Masyado lang silang overreacting, Niane."
"Hmmm, okay. Sabi niyo eh."
Namangha ako pagkababa naming tatlo dahil sa mga lights na nakapalibot sa buong Academy. Even if it didn't light up the whole place, sakto lang din na mabigyan ng liwanag ang mga daan. As what I've known, vampires eyes were distinct. Mas malinaw pa sa tubig ang paningin nila sa gabi.
Kami pa lang ni Lixe ang tao sa loob ng room pagdating namin and I'm sure that they will be here in a minute. Malapit na kase magsimula ang klase namin kaya hindi na ako magugulat kung darating na rin si Madam Crysta.
"Good evening students. Kumpleto na ba kayong lahat dito?" tanong ni Madam Crysta sa'min.
"Yes, Madam." All of them look so energized.
"Also, wie lautet der Titel des ersten Buches, das Viancee Talejandra veröffentlicht hat?"
T-Teka lang... Bakit may German speaking na nagaganap dito? I'm not even informed that we're going to use a different language in this lesson.
But she's asking about the title of Viancee's first book and no one answered. It's impossible that they didn't understand her. Baka dahil walang nagbasa ni isa sa kanila.
I raised my right hand that's why she pointed me."FEs steckt hinter ihrem Lächeln."
Tama naman siguro ako dahil ilang beses kong nakita ang pamagat ng libro.
"Very excellent, Niane." She looked so amazed and clapped her hands.
"Oh mein! Wie haben Sie Deutsch verstanden?" Lixe whispered beside me, asking how come I understand her.
I just shrugged my shoulders, still focused in front."Ich kann acht Sprachen sprechen, Lixe."
"What?! You know how to speak eight languages? You've got to be kidding me!" hindi niya makapaniwalang sambit.
I'm learning those languanges in my previous school. Hirap nga pagsabayin eh, nakakalito. Mabuti nga at pumasa ako.
"Oo nga. Teka lang, nakikinig pa ako."
"Du bist wirklich grobartig, Nia, erzähl mir ein paar Antworten in unserem Quiz zu diesem Thema. Es ist absolut schwer," she whispered on my ears that made me look at her.
Seriously? Sa'kin pa siya nanghihingi ng sagot.
"Uh... Madam?" Tinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon niya habang nagtuturo siya.
"Yes, Ms. Azore? You want to ask something?"
"I want to go to the CR for a while. May I go out?" I asked in a monotone voice.
Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti at saka tumango."Be sure to get back after 5 minutes."
"B-But I don't have a vampire speed to get back here easily. Pero susubukan ko pong bilisan," kinakabahan kong sambit.
Ang bilis lang naman ng 5 minutes. Gosh!
"Okay, 10 minutes."
Hindi ko alam kung nasaan na ako dahil hindi ko pa naman kabisado ang buong school. Ilang room na rin ang nadaanan ko at halos lahat may klase. I didn't even saw any restrooms here. This is not funny anymore!
I suddenly stopped walking when I heard scratches at my back. Nang lumingon naman ako sa hallway ay wala namang bampira. Nagsisimula na ring magsitaasan ang mga balahibo ko. I felt like something bad is going to happen. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko at halos takbuhin ko na ang buong hallway.
Tatakbo na sana ako nang may biglang humila sa braso ko at isinandal ako sa isang matibay poste. Pinigilan kong huminga nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
He's a guy... wearing a black cape.
He let out his fangs and his grayish eyes were turning into red."Your scent... it's familiar. I want to taste your blood."
*******************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro