Chapter 24
When faced with sudden changes in life, it can be challenging to determine whether they are good or bad. Nevertheless, acceptance is the key to move forward amidst the uncertainties that lies ahead. When you let go what you are, you become who you want to be.
—————————————
"Pwede niyo po ba akong samahan dito na maglaro? Umalis pa kase si Kuya Seven."
Tiningnan lang ako ng tatlong babaeng palaging nakasunod sa'kin dahil sa utos ni Papa. Sabi niya kase hindi ako pwedeng maglakad sa palasyo na ako lang mag-isa. At dahil hindi ako marunong sumuway ng utos, sinusunod ko palagi ang sinasabi niya.
"Ang utos lang sa amin ng iyong ama ang dapat naming sundin. Hindi gawain ng mga tagasunod ang makipaglaro sa paslit na kagaya mo," taas-noong sagot ng babaeng nasa gitna.
Agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon. "Sige po, ako na lang ang maglalaro."
"Bakit hindi mo na lang siya sundin? Prinsesa siya ng ating kaharian."
Nagpatuloy ako sa paglalaro ng ginagawa kong bahay bahayan. There are so many parts to complete the puzzle. Matagal ko itong matatapos kung walang tutulong sa akin na buuin ito.
"Isa lang siyang sampid, and hindi inaasahang bunga ng kasalanan. Hindi siya tanggap ng hari lalo na ng mga councils sa labas."
Hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila kahit na rinig na rinig ko dahil nasa likuran ko lang naman sila. Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng binigay sa'kin ni Tito Arthemis na nakakamanghang mga bagay.
"Iwan na natin siya rito. Limang taong gulang na siya, kaya na niyang mag-isa."
"Baka mapagalitan tayo rito! Paano kung may mangyari sa kanya?" Tiningnan ako no'ng isa bago sumama sa dalawang tagasunod kong nauna.
Baka may iba pa silang dapat na gawin bukod sa pagbabantay sa'kin kaya hinayaan ko na lang sila. Kaya ko na rin naman ang sarili ko at sinanay ako ni Papa na matutong tumayo sa sariling mga paa. Hindi kagaya ni Kuya Seven ay kaya ko nang paliguan at bihisan ang sarili ko, kumuha ng sarili kong pagkain sa mesa, at matulong nang walang nagbabantay.
Hindi na rin naman bago sa'kin 'yon sa tuwing may inaasikaso si Papa at kasama niya rin si Mama. Okay lang din at naiintindihan ko naman.
"Nasaan ang mga tagasunod mo, Niane? Hindi ba't ibinilin kita sa kanila?" Hinawakan ni Papa ang magkabilang balikat ko.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Umalis sila kanina, Papa. Narinig ko kase silang nag-uusap kanina pero hindi ko naman maintindihan. Hinayaan ko lang dahil baka may importante pa silang gagawin."
"What's more important than just following you around? Isa lang ang utos na binigay ko sa kanila at hindi pa nila magawa ng tama."
Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya para hindi na siya magalit. "Wag mo na po silang pagalitan, wala naman silang ginawang masama. At saka maayos lang naman po ako ditong naglalaro kaya wala kayong dapat na ipag-alala."
"Prinsipe Aries, n-nandito na po kayo. I-Iniwan lang po namin saglit ang prinsesa—"
"Pumasok kayo sa silid ng pagtitipon, may pag-uusapan lang tayo," tukoy ni Papa sa tatlong tagasunod ko.
Agad naman silang napatingin sa'kin na animo'y humihingi ng tulong. Kahit naman ako ay walang alam kung ano ang gagawin sa kanila. Pero natatakot ako na baka pagalitan sila ni Papa sa ginawang pag-iwan sa'kin ng mag-isa.
"P-Papa..." Napalingon naman siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.
"Kaya mo bang bumalik mag-isa sa kwarto mo? Pupuntahan kita mamaya." Hinalikan niya ang noo ko kaya napatango na lang ako bago sumunod.
Kinaumagahan ay napansin kong iba na ang mga tagasunod ko. Nagtaka ako at tinanong sila kung nasa'n 'yong mga dati kong kasama at ang sabi nila ay umalis na raw ng palasyo. Sobra akong nalungkot dahil hindi man lang sila nakapagpaalam sa'kin at wala na rin akong pagkakataon na makita sila bago umalis. Wala naman silang sinabi na dahilan sa'kin kung bakit buong maghapon akong nag-isip.
"Niane, anak. Bakit nandito ka na naman sa labas? Nagiging paboritong lugar mo na itong hardin."
"Mama!" Agad na lumiwanag ang mukha ko at tumakbo papunta sa kanya. "Saan ka po galing? Miss na miss na po kita!"
"May ginawa lang si Mama na importante. How's your day?" Sinenyasan niya akong humiga sa hita niya at saka niya pinaglaruan ang buhok ko.
"Mama umalis na 'yong mga dating tagasunod ko. Its so sadden. Nasasaktan po ang bandang dito ko." I pointed the part where my heart is.
"Kahit na minsan pinapabayaan ka nila at hindi pinapansin? Kahit na hindi sila nakikipaglaro sa'yo," she asked me calmly.
I nodded in response. "Oo naman po. Kahit naman gano'n sila hindi naman nila ako pinapabayaan. Sinisigurado nilang ligtas ako para hindi sila mapagalitan ni Papa."
"Ang bait naman ng anak ko." She pinched my cheeks. "Gusto mo maglaro tayo? Si Mama na lang ang kalaro mo ngayon anak."
"Yay! Sige po!"
Wala akong magawa sa loob ng palasyo kay napag-isipan kong maglakad lakas na lang sa loob, nagmamasid sa mga bagay sa paligid na hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Nang mapadaan ako sa isang malawak at madilim na lugar ay hindi naman ako nakaramdam ng kahit konting takot. Sinundan ko ito kung hanggang saan ito patungo kahit na wala na halos akong makita sa daan.
"Pakiusap, mahal na hari. Hahanapin po ako ng anak ko kapag napansin niyang wala ako ng ilang araw," rinig kong sabi ni Mama sa di kalayuan.
"Hindi. Mananatili ka sa silid bilangguan ng tatlong araw dahil pinayagan na kitang lumabas ng isang araw. Alam mo ang kasunduan natin! Ako na ang bahalang magsabi sa anak mo," boses naman iyon galing kay grandpa.
Anong pinag-uusapan nila? Bakit nandito si Mama? Sabi niya may aasikasuhin lang daw siya at babalik kaagad. At saka bakit siya ibibilanggo?
"Grandpa? Anong ginagawa mo kay Mama ko? Bakit nandito kayo sa dilim nag-uusap?" mahinang tanong ko kaya napatingin sila sa'kin.
Akmang lalapitan ako ni Mama para yakapin nang pigilan siya ni Grandpa. Lumapit ang dalawang kawal upang dalhin siya papunta sa isang kwarto na hindi ko na halos maaninag.
"Mama! Grandpa, tulungan niyo po si Mama! Wala siyang kasalanan!" naiiyak kong sigaw.
Tatakbo sana ako para sumunod pero hinawakan niya ako at umiling. "Ang Mama mo ang mananagot sa pagkabuhay mo rito sa mundo. Pagbabayaran niya ang kasalanang pakikibagay sa mundong hindi siya nararapat."
"Hindi pwede! Pakawalan mo ang Mama ko! Papa! Ayaw nilang ilabas si Mama!" Sinubukan kong magpumiglas pero tuluyan na akong nahatak ni Grandpa palabas do'n.
Kinulong nila ako sa kwarto ko at nagbabantay ang mga tagasunod sa labas ng pinto. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak, iniisip kung anong ginawa nila sa Mama ko. Bakit gano'n sila? Mabait naman si Mama kaya hindi ko maintindihan kung anong kasalanan niya.
"Mali? Princess, gising na."
Nagising ako nang may mahinang tumapik sa braso ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at marahan itong idinilat. Nakaupo si Kuya Seven sa sahig at hinihintay akong bumangon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako rito.
"Kuya!" paiyak kong sigaw at niyakap siya. "Kinulong ni grandpa ang Mama ko! Kailangan nilang ilabas si Mama wala siyang ginagawang masama!" singhal ko pa.
Bakas nag pag-aalala sa mukha niya at hinaplos ang buhok ko. "Hush, princess calm down. Nandito na kami ni daddy at pati ang Papa mo. Nasa labas sila at nag-uusap kay dito muna tayo, okay?"
"Bakit gano'n sila sa'min ni Mama? Nagpapakabait naman ako 'di ba? Sinusunod naman ni Mama lahat ng gusto nila kahit pagod na pagod na siya. Hindi na nga siya halos nakakapagpahinga kase nakikipaglaro pa siya sa'kin para bigyan ako ng oras. Kitang kita ko ang sakripisyo niya kaya bakit hindi nila 'yon nakikita?!" Humagulhol ako sa mga yakap niya at walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.
"I will do anything to make you feel better. Sigurado akong ilalabas nila si Tita Lemery mamaya kaya tahan na," pang-aalo niya pa sa'kin.
"S-Sige.. sabi mo eh."
—————————————
"Saan ba tayo pupunta, Kuya? Hindi ba tayo mapapagalitan ni Tito Art?"
Sinama niya akong lumabas ng palasyo nang walang kahit sino na nakakaalam. Ginamit namin ang balcony ng kwarto ko at tinulungan niya akong bumaba dahil vampire naman siya at may angking lakas. Ngunit kinakabahan pa rin ako sa gagawin namin. Ayokong maparusahan si Kuya nang dahil na naman sa'kin. Palagi pa naman ako ang dahilan kapag may nangyayari sa palasyo.
"Malapit na tayo sa tagpuan namin. Ipapakilala kita sa kanya," sagot niya naman na mas lalong ikinalito ko.
Nakarating kami sa isang gubat na napakaganda. May mga nagliliparang iba't ibang klase ng paru-paro at mga bulaklak na nakakabighani kahit na saan ka man tumingin. Dumako ang tingin ko sa isang batang lalaki na nakaupo sa ilalim ng punong may bunga na mansanas. Nakangiting nakikipag-usap si Kuya sa kanya habang wala namang reaksyon ang mukha niya.
"Mali! Halika rito!" Kumaway siya sa'kin kaya agad naman akong lumapit. "This is Jyron Zandrei, the prince from the other Kingdom, Slatterahnia. Kaibigan ko siya kaya gusto kong kaibiganin mo rin siya."
Agad ko naman nilahad ang kamay ko sa harap niya at matamis na ngumiti. "Hi Zandrei! My name is Niane Maliseth Perth, princess of Alcarmenia. Isipin mo na lang na ordinaryo lang ako dahil gano'n naman talaga. Hindi naman ako bampira kagaya niyo."
"A human?" Napasinghot naman siya na parang may inaamoy. "Her blood smells so good. Paano siya nabubuhay sa mundo natin? She's not one of us."
Napatungo naman ako sa narinig at hindi na nagsalita. Napansin naman kaagad 'yon ng pinsan ko kaya binatukan niya si Zandrei. Kahit naman saan ako magpunta 'yon palagi ang naririnig ko.
"Don't be like that in front of my cousin! Anak siya ng kapatid ni daddy. Magiging bampira din siya pagkatapos ng 18th birthday niya. Kinukutya na nga siya ng iba dadagdag ka pa," inis na sabi sa kanya ni Kuya.
"I-I'm sorry... I didn't mean to say that. Nagulat lang ako," nauutal niyang sagot.
Bumalik naman kaagad ang mga ngiti sa labi ko. "Okay lang! Pwede ba tayong maging friends? Nakakalungkot pa rin kase kapag si Kuya lang mag-isa ang nakakausap at nakakalaro ko."
"Sure.. I'd be glad to."
I just pouted in dismay when minutes passed by and I couldn't find Kuya Seven or Zandrei. Naglalaro kase kami ng tagu-taguan at ako ang taya kay hinahanap ko sila. Napapagod na rin ako kakaikot ikot dito gubat pero wala naman akong napala.
"Ang daya niyo naman! Kapag kayo ang taya ang dali niyo 'kong makita. Kapag ako naman ang hirap! Ayoko na nga!" nagtatampong sabi ko at umupo na lang sa gilid.
Mabilis naman silang nagsulputan sa harap ko ng sabay. Tumawa naman ako at lumapit saka ginawa silang taya. That was just a trick and I won! Alam ko kase na hindi nila ako kayang matiis kaya kampante akong magpapakita sila.
"W-What? Naisahan mo kami, Mali." Zandrei shook his head in disbelief.
"Akala ko pa naman surrender na. Ang daya mo rin!" pagmamaktol pa ni Kuya Seven.
I just giggled and stuck my tongue out. "Its because I'm your one and only princess! And you guys are my knight and shining armors."
Nagsitanguan naman sila, sumasang-ayon sa sinasabi ko. I am so lucky to have them both. Bukod kay Mama, Papa, at Tito Arthemis, silang dalawa lang ang malapit sa'kin na naiintindihan ako. Tanggap nila kung ano at sino ako kaya masaya na ako ro'n.
"Bakit ka na naman umiiyak? Did something happened?" tanong sa'kin ni Zandrei at tumabi sa'kin.
Pinunasan ko naman kaagad ang mga luha ko. "Nag-aaway na naman sila sa palasyo, palagi na lang kaya ayokong bumalik do'n. Sina Mama at Papa, minsan ko na lang makita kase kinukulong sila ni grandpa sa madilim na bahagi ng palasyo. Miss na miss ko na sila!"
Pinunasan niya ang pumapatak na mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan ang sariling yakapin siya at humikbi sa mga balikat niya.
"Z-Zandrei... B-Bakit ayaw nila sa'min? Mahirap ba akong tanggapin? Sa tuwing naririnig ko silang pinag-uusapan ako... nasasaktan ako," patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
He caressed my hair, just like what Papa used to do and it makes me feel comfortable. "No, there's nothing. Hindi lang nila makita ang tunay na halaga mo kaya gano'n sila makitungo. Don't worry. Balang araw matatanggap ka ng lahat nang walang pag-aalinlangan."
"Thank you for being here aside from Kuya. Pinapagaan mo ang loob ko." Nginitian ko naman siya kahit na sobrang bigat ng pakiramdam. "Mabuti ka pa, tanggap ng lahat. Marami rin sigurong nagmamahal sa isang prinsipe na katulad mo."
"I don't trust anyone I encounter. It feels like they only want to get close to me because I'm a prince. Ayokong ginagamit ako ng kahit na sino dahil sa kapangyarihang meron ako," seryosong sagot niya.
I patted his head lightly. "Tanggap naman kita kung sino ka. Kung wala ka nang mapagkakatiwalaan, nandito lang ako palagi. Asahan mo 'yan!"
"Ako rin. I'll do the same for you, Mali."
Napakunot ang noo ko nang may marinig akong kaluskos sa labas ng bintana kaya dahan dahan akong bumaba sa kama ko. Isang buong araw akong nakakulong sa kwarto at hindi pinapalabas. Bumubukas lang ang pinto kapag may dalang pagkain ang mga tagasunod ko o kaya'y may sasabihin sila sa'kin.
"Anong ginagawa mo d'yan? Malalagot ka kapag nahuli ka!" mahinang bulong ko kay Zandrei at pinagbuksan siya ng bintana para makapasok.
Pinagpagan niya ang damit niya at nilibot ang tingin sa kwarto ko. "You guys didn't show up in the forest. Ano na namang nangyari?"
"Kinulong ako ni grandpa buong araw dito sa silid ko. Hindi ko alam kung nasaan sina Kuya Seven at Tito Art. Sabi nila nagiging makulit na raw ako kaya dapat akong parusahan," nalulumbay kong sagot.
Nakita ko kung paano bumakas ang inis sa mga mukha niya. "That's not valid. Gusto mo bang bigyan ko sila ng leksyon? I trained to use my ability these past few days."
"Hindi, 'wag! Ayokong masaktan sila dahil sa'kin. Malulungkot din ako," pigil ko sa kanya.
"What? Seriously? They don't even treat you nicely," hindi makapaniwalang sagot niya.
Umiling naman ako. "Kahit na gaano pa kasama ang gawin nila sa'kin, ayokong gumanti. Hindi 'yon ang itinuro ng mga magulang ko."
"Okay, fine. I have something to give you. Maraming gumagawa ng mga bagay sa palasyo namin kaya nagpagawa ako nito." May kinuha siya sa bulsa niya na isang bracelet at nilahad sakin.
"Para saan 'to? Ang ganda naman. Silver pa."
Sinuot niya ito sa kamay ko. "Hindi mo na 'to dapat tanggalin. This will serve as my special gift for you."
"Sige! Kapag suot ko 'to, alalahanin mo ako ha! Hindi rin kita kakalimutan."
——————————————
"Paano ka nakalabas, Papa? Nasa'n si Mama? Okay lang ba kayo?"
Karga ako ni Papa habang naglalakad kami sa isang masukal na gubat. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin kaya sumama na lang ako. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita pati si Mama kaya lubos ang pangungulila ko sa kanila.
"Pupunta tayo sa kaibigan namin ng Mama mo, anak. Magpakabait ka ha? May pag-uusapan lang kami."
Nang makarating kami sa isang lugar na maraming nilalang ang nakatira ay biglang sumaya ang pakiramdam ko. Karamihan sa kanila ay lumapit sa'kin at nakipaglaro. Ngayon ko lang sila nakita pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila.
"Si Niane na ba 'to? Ang bilis niya namang lumaki." Isang magandang babae ang lumapit sa'min kasama ang isang batang babae na medyo malaki sa'kin.
"Lezonra.." tawag ni Papa sa kanya. "Nagiging kamukha na ni Nimfa ang ama niya. Wala ka bang balak na sabihin kay Brandon ang tungkol sa kanya?" sabi niya pa.
Nanatili akong nakatitig sa babaeng kaharap ko. Maya-maya ay bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Binigyan niya ako ng bulaklak na kasing ganda ng mga naririto.
"Ako nga pala si Nimfa.."
"Niane Maliseth.. Niane na lang!"
Bumuntong hininga naman 'yong babae. "Simula nang ipatapon ako rito sa Ivoire, hindi ko na siya muling nakita pa. I don't have plans on telling him about our daughter. Wala na itong magandang maidudulot. Napag-isipan ko nang patirahin mag-isa si Nimfa sa town hall. Nang sa gano'n ay malayo siya sa kapahamakan at mga bampirang maaaring magtangka sa buhay niya. K-Kagaya ni Niane... ayokong kamuhian din siya ng iba."
"Hindi namin ginusto ni Lemery na maging ganito ang buhay ng anak namin. My father won't accept her for now but I'll assure you that he will, sooner or later." Kitang kita ko sa mga mata ni Papa na umaasa siya. "Nandito ako para siguraduhing totoo ang sinabi mo. Magbabago ba talaga ang anak ko pagsapit ng ikalabing walong kaarawan niya?" tanong niya pa.
"Hindi ko maipapangako dahil ang pinsan niya lang na si Seven ang may kakayahang makita ang hinaharap. Ngunit base sa libro na binasa ko, kapag nagkaanak ang isang immortal at mortal, malaki ang posibilidad na magbago ang anyo niya kung mas malakas ang dugo ng immortal. Mangyayari lamang ito sa araw ng paglitaw ng eclipse kaya maswerte siya kung kaarawan niya 'yon. Kasabay ng pagbabago niya ay ang paglalaho ng birthmark at ng binigay mong kwintas na nagsisilbing proteksyon sa kanya," mahabang paliwanag ng babae.
"Mabuti naman at mas mapapanatag ang loob ko kung maging kalahating bampira siya." Tinapunan ako ng tingin ni Papa kaya ngumiti ako sa kanya bago nagpatuloy sa pakikipaglaro kay Nimfa. "I don't think Lemery and I will be on her side that time. Lahat ng counsils, kasama na ang members ng organization, ang mga nasasakupan ng tatlong kaharian, kabilang na ang mga naninirahan sa town hall, gustong parusahan kaming dalawa. Ayokong makita 'yon ng anak namin o kaya naman ay may malaman siya tungkol do'n," dagdag niya pa.
"You can't avoid that to happen. Malalaman at malalaman ni Niane dahil alam naman ito ng lahat. Anong balak mong gawin?" kunot noong tanong ng babae sa kanya.
"Seven had a vision days ago... Ibabalik si Niane sa mundo ng mga mortal, sa pinanggalingan ni Lemery." Bumuntong hininga naman siya bago nagpatuloy. "At bago pa man mangyari 'yon, buburahin ko ang mga alaala niya sa mundong ito para sa kaligtasan niya. Kapag handa na siya, saka babalik lahat sa kanya."
—————————————
Simula nang mag-sampung taong gulang ako ay palaging umaalis si Papa at dinadala niya ako saan man siya magpunta. Siguro ayaw niyang nakikita akong palaging umiiyak pag-uwi niya dahil sa kinukulong ako kapag wala sila or kaya naman nalulungkot at natatakot na saktan nila. Araw-araw ko naman na nakikita si Mama pero mabilisan lang dahil binibisita ko lang siya sa kwarto niya nang isang beses. Sa sitwasyon na ganito, sobrang sakit para sa'kin na makausap lang siya nang gano'n.
"Bakit ka nandito, hija? Nawawala ka ba?" tanong ng isang 'di katandaang babae.
Mabilis naman ako na umiling. "Gusto ko lang po na mapag-isa. Alam ko naman kase na ayaw ng lahat sa'kin kaya hindi ko po pinipilit na makisama."
"Nagiging masama ka lang sa paningin ng iba dahil hindi pa nila nakita ang tunay mo'ng halaga. Kapag dumating ang araw na kailangan ka na nila, saka ka lang nila maaalala," makahulugan niyang sambit.
Anong ibig niyang sabihin? Masyadong malalim naman ang sinabi niya.
"Ate Mali! Tara sa bahay, laro tayo!" rinig kong sigaw ni Jazzy sa hindi kalayuan.
"Hindi naman talaga lahat may ayaw sa'yo, akala mo lang 'yon. Kahit konti lang silang pinapahalagahan ka, tunay din naman at hinding hindi mo malilimutan," dagdag pa ng matandang babae.
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago tumakbo palapit sa kanila. Sumama akong pumunta sa bahay nila dahil alam ko naman na doon ako hahanapin ni Papa kapag hindi niya ako nakita doon sa labas. Medyo mainit din ang panahon at masakit sa balat kaya sumama ako kahit na nakakahiya.
"Magandang araw po, Tito Carl, Tita Danaya," pagbati ko sa kanila.
Agad naman ngumiti si Tita sa'kin at pinaupo ako sa hapagkainan. "Kumain muna kayo ng niluto ko bago maglaro. Your stomach must be full before you'll use your energy."
"May espesyal na bagay din akong dala para sa inyo. Tingnan niyo na lang mamaya." Napangiti ako nang makitang masaya ang kambal sa sinabi ni Tito Carl. "Meron ding para sa'yo, Niane. Maraming salamat sa paglalaan ng oras sa kanila."
"Walang anuman po 'yon. Salamat din po sa pagtanggap sa akin dito."
Sa totoo lang, kapag nandito ako sa kanila nararamdaman ko ang magkaroon ng pamilya. Kompleto din naman kami, may Mama at Papa din ako. Kaso nga lang hindi kami magsyadong nagkakasama dahil... ilang taon na nilang pinaparusahan ang Mama ko. Limang taong gulang pa lang ako naging saksi na ako ro'n. At si Papa naman, ginagawa niya ang lahat makasama lang at makausap si Mama para iparamdam sa kanyang mayroon pang pag-asa.
Minsan naiisip ko rin kung bakit sa ganitong sitwasyon pa ako napunta at hindi sa masayang pamilya kagaya nila Jazzy at Jazzer.
"Maaari ko bang ibilin sa inyo ang anak ko? Kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko bukod sa kapatid kong si Arthemis. Hindi ko muna siya ibabalik sa palasyo. Ngayon lang nagkaroon ng pagpupulong ang councils ng Hyera Penha. Kailangan kong tulungang makalabas si Lemery sa lalong madaling panahon," rinig kong pakiusap ni Papa sa kanila habang nagtatago ako sa likod ng pader.
I-Iiwan niya ako rito? Ano na naman bang mangyayari kapag wala ako ro'n?
"Ano na naman bang nangyayari sa mundo niyo? 'Wag mong sabihing ipagpapatuloy ng ama mo ang hatol na kaparusahan kay Lemery? Hindi ba't noong nakaraang limang taon pa dapat 'yon ipinatupad ngunit hindi natuloy dahil may isang boto mula sa councils ang hindi sumang-ayon sa gagawin nila?" Si Tito Carl ang nagsalita.
"Kaya nga babalik agad ako ro'n upang matiyak ang sitwasyon ni Lemery. Kahit anong gawin nila ay hindi ako papayag sa kahit anong kasunduan nila. Hindi lang buhay namin ang nakasalalay dito kung hindi pati na rin sa nag-iisa naming anak. I won't let them hurt our daughter. Unless they kill me with their bare hands," giit pa ni Papa.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tumakbo papunta sa kwarto dahil hindi ko na kaya pang makinig sa pinag-uusapan nila. I'm old enough to understand them. Hindi na ako katulad no'ng paslit na walang alam sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko. Kahit gano'n paman ay hindi ko kayang magtanim ng galit sa kahit na sino.
Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sakit. Dulot ng pagpapahirap nila sa Mama kong walang ibang ginawa kung ang maging mabuting ina sa'kin. Na ibibigay lahat ng makakaya niya matiyak lang ang kaligtasan ko at hindi ako masaktan. Na hindi bale na lang siyang maparusahan 'wag lang ako.
B-Bakit? Bakit nangyayari sa'kin... sa'min 'to?
"Niane? Hey, baby. Why are you crying? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Papa nang makapasok sa kwarto.
Tinuro ko naman ang bandang dibdib ko. "Dito Papa, masakit.. sobra. Si Mama? Hindi ko na po ba siya makikita? Miss na miss ko na po siya, Papa. Kailan ba tayo magiging masaya?"
"Anak, makinig ka kay Papa. Gagawa ako ng paraan para makasama natin ang Mama, maliwanag? Kaya tahan na, dito ka muna manatili para maging ligtas ka." Pinunasan niya naman ang mga luhang nanggigilid sa mga mata ko.
Tumahan naman kaagad ako kase si Papa na ang nagsabi at naniniwala ako sa kanya. Lahat ng pangako niya tinutupad kaya kampante akong babalikan niya ako, na pagbalik ko magkakasama na kaming tatlo. Kahit labag pa ito sa utos ng kahit sino basta ang ang mahalaga ay makasama ko sila pareho.
"Niane! Halika, naghihintay ang Papa mo sa labas. May kailangan siyang sabihin sa'yo," tawag sa'kin ni Tito Arthemis.
Lumiwanag naman kaagad ang mukha ko. Baka ito na 'yon! Malaya na ba kami?
"Papa! Kamusta po? Nasa'n si Mama?"
"Anak.. tandaan mong mahal na mahal ka namin ni Mama mo. 'Wag kang mawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay dahil palagi kaming nakagabay sa'yo. Pasensya na kung kinakailangan ko 'tong gawin sa'yo." Kahit kailan hindi ko nakitang umiyak si Papa, pero ngayon ay nasaksihan ko ito.
"P-Papa? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Always remember, you hold the key. The only princess of Alcarmenia. I love you, our dearest daughter."
'Yon ang huling sandali na... nakita ko ang mundo kung saan ako nanirahan ng sampung.. masasakit na taon.
"Mama.. Papa.." Naidilat ko ang mga mata ko nang dahil sa hindi inaasahang panaginip.
No. That wasn't a dream. It was my past. The forgotten pieces of my memories.
**************************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro