Chapter 20
Believing in oneself and not depending on others is a strength. It is not about what you can't do but what you achieve by just trying and giving your best. Sometimes we were afraid to try because of the thought that we will not be able to do things right. Yet, weakness is just a matter of what you're afraid to do and not what you can't do.
Dalawang araw na ang nakalipas at hindi na naulit pa ang pag atake na nangyari sa Academy simula no'ng nawala kami. Should I feel relieved? Or scared of what might happen sooner or later. They must be thinking of another move right now.
"Matagal tagal na rin mula no'ng huli kang napadalaw rito. Simula nang mawala ka saglit sa Academy ay wala nang bumibisita rito," sambit ni Ms. Librarian.
I came here not to borrow a book but only to read anything I want here. Tapos ko nang basahin ang "Behind Her Smile" at 'yong pinahiram sa'kin ni Red na galing din dito entitled 'The True Colors Of The Hidden Oath' kaya hindi muna ako kukuha.
"I hope there's a book that tells about my past. I'm tired of asking everyone and receiving no response," I murmured.
"I know someone who can help you. But that woman was thrown away in the Ivoire. No one talks to her," bigla niyang sabi.
Tila hindi ako makagalaw sa narinig ko. Ivoire. The forbidden spot in Hydera Penha. Hindi ko lubos maisip na babalik ulit ako do'n.
"Who is she?" tanong ko na lang.
"Her name is Lezonra Emnace. Isa siyang dating witchcraft sa Clavier Nantes. Naparusahan dahil nagmahal ng hindi niya kauri kaya hindi na siya makakalabas pa ro'n."
Tila hindi ako makapaniwala sa narinig."Anong klaseng nilalang ba ang minahal niya?"
"A vampire."
Wala na siyang sinabi sa'kin pagkatapos no'n kaya hindi na rin ako nagtanong pa at umalis na sa library. I need to find out if its true. Kung totoo ang sinabi niya ay saka na ako mag-iisip ng gagawin ko.
Mabuti na lang at nandito pa rin ang kambal sa Academy. I don't know if I could tell myself lucky that they would come home tomorrow. Kahapon pa na-cast ang invisible ward ng Academy. Makakapag-tanong pa ako sa kanila tungkol sa pakay ko.
"Wala na ba silang ipapagawa sa inyo?" I asked them softly when I came back on my dorm.
Ibinilin silang dalawa rito dahil may kailangan pa ding gawin sina Lixe at Heaven bilang mga leaders ng iba't ibang class. Mas naging busy pa sila simula no'ng makabalik kami rito.
"Nothing, Ate. Uuwi na rin kami bukas kaya hindi na naman tayo magkikita," Jazzy pouted and I find her cute for doing that.
"Its not that we won't get a chance to see each other again. Kapag may oras, bibisita si Ate sa inyo." I played with their hair while sitting on the bed."Can I ask you guys something? I hope you won't mind telling anyone about this."
"What is it all about, Ate?" Jazzer asked.
"Someone told me that there was a woman from Clavier Nantes who got punished in Ivoire. Her name was Lezonra? Do you know something about her?"
Nagkatinginan silang dalawa bago naisipan ni Jazzy na siya na ang sumagot."Y-Yeah. I don't think if you remembered her. Pero sabi nila Mama at Papa, siya daw ang nagbigay ng basbas sa'yo no'ng kakasilang mo pa lang. Your parents were close to her. And that's not the only reason why she's known. Magaling siyang witch sa Clavier Nantes, sabi nila."
"Hindi namin alam ang itsura niya dahil wala pa kami sa mundong 'to nong umalis siya ng mundo namin at nagpunta rito. Nakatanggap na lang ang pinuno namin ng balita na pinatapon na siya sa Ivoire. Because she loved a vampire. Hindi naman kumalat kung sino ang bampira na minahal niya. I was kept as a secret without knowing why," dagdag naman ni Jazzer.
That.. made me speechless. Indeed. S-Siya ang nagbigay ng basbas sa'kin? Pero bakit? Paano? How is she related to my parents. May alam ba siya sa pagkamatay nila?
Damn this! Mas lalong nadagdagan ang puzzle sa isip ko. I haven't solved a thing and it happens that I have to solve another one.
"Why did you even ask, Ate? At saka sinong nagsabi sa'yo tungkol sa kanya? That was a legendary story that everyone might have forgotten. No one brings up that story or even mentioned her name for a long time now." Nagtataka na si Jazzy dahil napatayo siya kaya sinenyasan ko siyang umupo pabalik.
I closed my eyes and sighed."Guys, I really have to know everything. Kung saan nagsimula lahat, ang pinag-ugatan ng mga nangyari, at kung sino ang mga kabilang sa nakaraan ko. If they wouldn't tell me, maybe its the time for me to find it out myself."
"Hindi mo alam kung ano ang panganib na nasa labas, Ate. Just stay here for your safety. Kinakabahan ako sa gagawin mo," Jazzer added.
I assured them that everything will be fine. Nangako naman sila sa'kin na wala silang pagsasabihan, sana nga. I only have a few people I trust. Kapag nalaman nila na tinanong ko 'yon sa kambal, either Lixe read their mind or Master Jyron did something using his ability to see what just happened.
Lumabas muna ako saglit para magpahangin, iniwan muna ang dalawa sa dorm namin. It was late in the afternoon kaya hindi na masyadong masakit sa balat ang init ng araw. I have to clear my mind. Kung anong hakbang ang susunod kong gagawin.
"Mali, don't do it." Biglang sumulpot si Kuya Seven sa harapan ko kaya hindi ko maiwasang mapaatras."I saw from my vision earlier that you're going to Ivoire. You have to listen this time. Kung mapanganib sa labas, lalong lalo na sa lugar na 'yon. Please don't make me worry this much, princess."
Nakatanga lang ako sa sinabi niya. He saw it in the future, na pupunta talaga ako. Well that's what I'm planning but I didn't see this coming. Maybe I am not that lucky this time. No'ng una akong nakapunta ng Ivoire dahil sa pang-uudyok sakin ni Mavis hindi siya nagkaroon ng vision. But now that I'm deciding this on my own, nalaman niya na bago ko pa man magawa.
"There's no place such as safe in this world, Kuya. Hindi naman pwedeng wala akong gawin para sa sarili ko. And I'm sorry.. if I'm making you worry that much," I reasoned.
Napahilamos naman siya sa buong mukha niya. I never saw him frustrated like this before.
"This is another thing, Mali. Hindi biro ang nando'n sa Ivoire. They were creatures who got punished and thrown away."
Mapait naman akong ngumiti."Di ba dapat nando'n ako? Hindi naman ako nararapat kahit saan, nakiki-belong lang din ako. And besides, I'm not afraid of anything."
"Just let her, Seven. She survived the first time she went there. Hindi malabong kaya niya rin ngayon." Biglang sumulpot si Mavis galing sa kung saan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kuya nang marinig 'yon."What did you say?! Nakapunta siya ro'n nang hindi ko alam? How come that you knew but didn't bother to tell me anything?!"
"She's the one to told me about that place and guided me in the forest. The day you guys stopped me from going back to my world, galing na ako ro'n. I'm sorry for not telling you." Napakagat ako sa pag-ibabang labi ko sa sinabi.
Akala ko hindi ko na masasabi sa kanya 'to. Ilang linggo ko nang tinatago at wala naman talaga akong balak na sabihin. If only she didn't show up like this!
Nanatili ang tingin ni Kuya kay Mavis na parang wala lang sa kanya ang nangyayari."She's my cousin, Mavis. My responsibility! Hindi ko siya dapat na pinapabayaan. What if something happened on that day? Do you think I could still forgive you?!"
"K-Kuya.. stop. Pumayag din naman ako sa sinabi niya kase akala ko pabigat na ako sa inyo---"
"That's what she said to make you believe it was true. She made you feel guilty!" He's still on my side, as always.
"Bakit parang kasalanan ko pa palagi kapag may nangyayari sa pinsan mo at kasama ako? I just gave her a suggestion, Seven, and she easily agreed. Hindi ko na problema kung tanga at uto-uto siya!" Mavis yelled.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayang kinwelyohan na ni Kuya si Mavis. I was stunned, unable to do anything. This was the very first time he got mad. And I saw it before my eyes.
"Please, Kuya! Stop it. Hindi na ako aalis, dito lang ako. Just.. just please let her go!" I tried to make him look at me.
Unti unti naman siyang kumalma kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Si Mavis muntik nang bawian ng hininga dahil sa ginawa niya. He's really strong.
"Are you okay? I didn't mean to---"
Winaksi naman ni Mavis ang kamay ko nang akmang tutulungan ko siya."Stop acting as if you care. Wala akong pakialam basta nagsasabi lang ako ng totoo."
"It's fine, Kuya. Calm down," I said softly when he's about to come after her again.
Gosh! Good thing the others weren't here, especially Eurisse. Baka mas malala pa ang ginawa niya kay Mavis kumpara sa ginawa ni Kuya.
Nagpaalam sa'kin si Kuya na may gagawin muna siya kahit na alam kong hindi 'yon ang dahilan. He went to the direction where Mavis headed. Nag-aalala ako sa kung anong maaaring gawin niya kaya palihim ako na sumunod. Dinala ako ng mga paa sa building ng Black Zythe, ang Building-A. Nagdadalawang isip pa rin ako na pumasok pero kalaunan ay ginawa ko rin naman.
"How could you be so selfish, Mavis?! I am very aware that you don't like her because she's a human. Pero alam ko namang meron ka pang ibang dahilan."
I couldn't even recognize his voice, it was so manly. Hindi gano'n ang tono ng pananalita niya sa tuwing kaharap niya ako.
"Gawa-gawa mo lang 'yon," she denied."Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit gano'n ang pakikitungo ko sa pinsan mo. Yes, we're friends. But you guys can't force me to like her."
"You couldn't like her because you knew that she can be better than you. Kilalang kilala kita, Mavis, ayaw mong nilalamangan ka. Si Eurisse lang naman ang tinatanggap mong nakakalamang talaga sa'yo," Kuya Seven said it loud.
W-What? How could she envy me? Dahil ba isa akong prinsesa sa labas? That I have this unique thing I don't even understand? Imposible. Ni wala ngang buong puso na tumatanggap sa'kin kundi sina Kuya lang.
"That's not my concern, Seven."
"Eh ano?" Bakas pa rin ang inis sa boses ni Kuya."You're afraid that Jyron might fall for her? Come on, Mavis!"
"No! That won't happen." I heard something cracked but I didn't take a look at it.
"See? Look at your reaction! You're so damned obsessed with him ever since that you won't let any other girl near him." Bigla akong natigilan sa narinig ko."Don't you ever dare to hurt Mali because of your freaking obsession, Mavis. Walang ginagawa na kahit ano ang pinsan ko. Magkakasubukan talaga tayo."
Bago pa man nila malaman na nando'n ako at nakikinig ay mabuti na lang nakaalis na ako ro'n. Nang makabalik ako sa dorm, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko. I was still processing what I've just heard. Punong puno na talaga ang utak ko sa mga bagay na unti-unti kong nalalaman.
Is he the reason why she's treating me that way? Na baka agawin ko si Master Jyron sa kanya? What the hell?! Sa dami rami ng nangyayari sa buhay ko may oras pa ba akong isipin ang bagay na 'yon?
But if she has feelings for him, does he know anything about it? Siguro naman ramdam niya rin na may nagkakagusto sa kanya. Instincts. Pero si Zandrei.. bakit parang pakiramdam ko wala siyang pakialam do'n. He's getting a bit close to me.
"Argh! Ayoko na isipin!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.
"Ang alin ba?"
Napabalikwas ako sa higaan ko nang makita kong nakatayo si Red sa railings ng balcony ko. Bakit ba pasulpot sulpot sila palagi?
I rolled my eyes on him."Pwede ba, I'm not in the mood to entertain you. Marami akong iniisip."
"Hindi ka makakapag-isip ng maayos kung hindi mo kinakalma ang sarili mo. Just go with the flow," chill niyang sagot.
"Nasasabi mo 'yan kase hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi ko ma-imagine ang gagawin mo if you were me," sabi ko na lang.
"Sige ganito na lang, labas tayo. Gala tayo sa Mall, baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo," he suggested.
Inayos ko naman ang hinihigaan ko, as if I'm ready to sleep."Maybe next time. Galing na ako sa labas, hindi naman nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Just leave me alone for now."
Hindi ko namalayan ang oras kaya paggising ko alas 8 na ng gabi. Shit! I forgot my class! Bakit hindi ako ginising ni Lixe or ni Heaven?! I'm still a student here. Hindi ko pwedeng pabayaan lang din ang grades ko kahit wala namang kasiguraduhan kung saan ako patungo.
"Have you guys eaten? Hindi pa ba sila bumabalik? Bakit walang gumising sa'kin?" sunod-sunod kong tanong sa kambal.
Jazzy let out a sigh."They said you look tired so we didn't wake you up. Kumain na rin kami sa dining hall kanina. We just brought you some food, its in the kitchen."
"Okay, thank you. Makakahabol pa ako sa klase."
Mabilis na pagkain ang ginawa ko dahil patapos na ang second subject ngayon. May 15 minutes nalang kaya aabot pa ako sa pangatlong subject. I have to hurry.
"Ate, just stay here with us. Uuwi na rin naman kami bukas. We're gonna miss you," Jazzer made my heart melt for a second.
Ang kagustuhan kong pumasok kanina ay biglang napalitan ng guilt dahil gusto pala nila akong makasama. I just told them that I won't be attending my class anymore and we'll just spend the whole night together. Sana pala at hindi na lang ako natulog kanina at pinasyal ko sila sa Town.
Bakit hindi ko naisip 'yon?
"Ahh!"
Biglang mag kumalabog sa living room kaya naisip ko kaagad ang kapatid niya."Jazzy?! What happe---Shit!"
Nanlalaki ang mga mata kong nakita na may bampirang nakahawak sa kanya at mabilis na inihagis siya sa ere. Agad naman naalarma ang katawan ko at nasalo ko siya kahit na tumama ng malakas ang likod ko sa pader.
"Ate! Jazzy!" His sister shouted, helping us to stand up.
Dahil sa nangyaring pagtama ng katawan ko ay parang nawalan ako ng lakas sa isang iglap lang. But I need to stay still. I promised to their parents that I will protect them at all cost. Hindi ko pwedeng bawiin 'yon.
"How did you enter the Academy? Its impossible for you to break the invisible ward!" matapang kong tanong sa kanya.
His smile made him look creepier."Hindi mo ba alam na malapit na ang kabilugan ng buwan? Mas lalo kaming lumalakas. Kahit ilang ward ang ilagay niyo, makakapasok pa rin kami rito kung kailan namin gusto."
"Guys, listen. Can you do something to lure him? I need to send you to the headmistress office," I whispered.
Umiling naman kaagad si Jazzy na natatakot na."W-We can't. Nasa office niya ang wands namin to protect it from getting stolen. Wala kaming magagawa."
"S-Stop! Please stop!" I panicked when he started walking on our direction."What do you want? Just.. don't hurt the twins."
Mas lalong lumaki ang ngisi niya kaya humigpit lalo ang kapit ng dalawa sa likuran ko. What am I gonna do in this kind of situation? Siguro okay na lang kung ako lang, pero nandito sila. I can't help but to worry not for myself but for them!
"Run inside my room and lock the door! Wag niyong bubuksan kahit na anong mangyari." Wala akong ibang maisip kundi tanggalin ang kwintas na suot ko na binigay sa'kin ni Papa at sinuot kay Jazzy.
"No! Hindi ka namin iiwan dito! Tumakbo na lang tayo," Jazzer's voice trembled in fear.
I shook my head."Please take care of yourself, listen to me. Wag mong iiwan ang kapatid mo sa loob. At ang kwintas ko, don't take it off. It'll protect you."
Bago pa man sila makapagsalita ay may humablit sa braso ko dahilan para sumalampak ako sa sahig. Dumaing ako sa sakit at hapdi nito. I-Its bleeding. Everyone can smell it. Malalaman din nila Kuya na nanganganib ako.
"J-Just go! Get inside!" Binigay ko ang buong lakas ko para makapasok sila sa kwarto at bago pa man ako makasunod ay sinakal ako ng lalaking nasa harapan ko.
"You're coming with me." His dark expression made me think of one thing.
Death.
Nagising ako sa isang hawla na nakagapos ang kamay pati mga paa ko. This is like a prison made of wood and I noticed that its moving. Nang libutin ko ang paningin sa buong lugar ay tumindig lahat ng balahibo ko. Everything is dark. I couldn't see anything. Ang hawla kung nasaan ako ang tanging may ilaw kaya wala akong ideya kung nasaan ako.
"Shit! Oh God!" Napaupo na lang ako nang mapagtantong nakalutang ang hawlang to sa ere. May tali na nakakabit sa ibabaw nito at isang putol lang babagsak ako sa baba. Ni hindi ko alam kung gaano kataas ang kinaroroonan ko.
Naalala ko ang kambal. Are they safe? Its not guaranteed that I saved them from that vampire. Kung alam ko lang na ligtas sila ay mapapanatag na ang loob ko. But how about me? What will happen now?
I couldn't stop myself from trembling in fear. Ganito na lang palagi ang nararamdaman ko, takot. Takot sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari o ano mang malaman ko tungkol sa'kin. Wala bang kahit konti man lang na magandang maidudulot ang pagpunta ko rito kundi panganib lang?
"Your blood smells so good. Hindi ko lubos maisip kung anong klaseng pagpipigil ang ginagawa ng mga kasama mong sipsipin ang dugo mo." A voice from the dark corner echoed the whole place.
I couldn't tell where he is. Bukod sa sobrang dilim ng paligid at tanging kinaroroonan ko lang ang may ilaw, pakiramdam ko hindi lang siya ang nag-iisang narito. I don't know but I can feel them. Kanina pa tumitindig ang mga balahibo ko simula nang magkamalay ako.
"W-Who are you?! J-Just let me go! I'm just a human. Wala kang mapapala sa'kin," I said in a hoarse voice.
He chuckled."Marami, kung alam mo lang. Hindi lang dugo mo ang hanap namin. We're going to use you as a bait to make them surrender their abilities to our Master."
"They wouldn't surrender anything in exchange of my freedom. I wouldn't let them do that," pangatwiran ko pa.
"Our Master can absorb the abilities of any creature who will step inside this place. Hanggang sa hindi na sila makagalaw at tuluyan nang mawala sa kanila ang kapangyarihang taglay nila," he explained."I bet they wouldn't let their savior suffer in other hands. Alam naman namin na ikaw ang pino-protektahan nila sa Academy."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Banggitin niya pa lang ang salitang Master ay muntik na akong mawalan ng hininga. He might be so powerful. What else could they do if their abilities were taken away from them? N-No.. I won't let that happen..
Please.. I want to get out of here by myself. Kahit sa labas na lang may magligtas sa'kin. I don't want to put someone in danger just to save me from this hellish prison. Kailangang ako mismo ang gumawa ng paraan para makatakas dito.
If I only have my necklace...
I closed my eyes, praying that a miracle will happen. If this was just a telenovela and someone will rescue the main character in the story, but sadly I'm not.
Nakaramdam ako na parang may humihila sa'kin sa hindi ko malamang dahilan. I could feel the extra force exerted towards my body that pulled me out of nowhere. Napasigaw na lang ako nang mapagtantong napunta ako sa gitna nang kagubatan. Mabigat sa pakiramdam dahil sa enerhiyang dumadaloy sa katawan ko kasabay na rin ng pagbagsak ko sa lupa.
"Niane! Pasensya ka na sa ginawa ko."
Napalingon ako at nagulat sa nakita."A-Alexia! H-How come--"
"There's no time to explain, they're coming! Sumampa ka na sa likuran ko, Goethe is waiting!" Her human figure transformed into a werewolf form and throwed me on her back.
Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo hanggang sa matanaw ko sa di kalayuan ang isa lobo na katulad niya, mata niya pa lang alam kong si Goethe 'yon. I still remember him. He used to stare blankly at me the first time we met.
"Mauna na kayo, may limang bampirang nakasunod sa inyo. I'll deal with them," he said with an authority in his tone.
"Mag-iingat ka," I whispered before Alexia ran as fast as she can inside the haunted forest.
"We're near the poisonous lake. Watch out."
Naalala ko pang hindi ako pwedeng huminga hanggang sa makalagpas kami kaya 'yon ang ginawa ko. It didn't took 5 minutes before we finally arrived in Ivoire, the place I was planning to visit again.
Kuya Seven had a vision of me coming here. And it really happened but with a different reason. Hindi ko tuloy maisip kung ano na ang ginagawa nila ngayon. Hinahanap kaya nila ako?
"It's a pleasure to meet the long lost princess of Alcarmenia." Isang boses ang narinig ko galing sa likuran kaya napalingon ako.
I saw a woman wearing all black with a different aura that I couldn't explain. Although she looked so creepy wearing her dark make-up, hindi ko mawari kung bakit hindi naman ako takot sa kanya.
"She's Lezonra, the one who leads all the creatures in Ivoire. Siya ang nag-utos sa'min ni Goethe na puntahan ka." Ni hindi ko nga napansin na bumalik na si Alexia sa dati niyang anyo.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin ulit sa kanya."W-What? Y-You're that legendary witchcraft? Paano mo nalaman ang kinaroroonan ko?"
"Hindi na 'yon mahalaga pa. May kailangan tayong pag-usapan. Sumunod ka sa'kin." She immediately turned her back at me."Hintayin mo na lang ang kapatid mo, Alexia. You guys can go back."
We stopped in front of the dark passage. She's in front of me and I gave a distance between us. Maya-maya pa ay may hinawakan siya sa gilid ng mga halaman na dahilan upang magliwanag ang daan sa harap. I raised my hand to block the light and followed her footsteps. When it vanished, I looked around and was amazed for what I've seen.
This place can be described as a real paradise. Those green water coming from the waterfalls and mermaids playfully made the droplets of water into a bubble. Napukaw din ang atensyon ko nang maramdamang may naglalaro sa buhok ko. Fairies. Kasing laki sila ng kamay ko at nakakaaliw silang tingnan.
"Huwag niyo siyang paglaruan. Bisita ko siya." Mabilis naman silang nagsialisan nang magsalita si Lezonra."Their pixie dust has sleeping magic. Isang oras kang tulog kapag dinapuan ka nito."
Mabilis naman akong sumunod sa kanya habang piangmamasdan pa rin ang paligid. I just noticed the small houses floating above us with small creatures living inside. Dwarfs. Dumungaw sila sa bintana at kumaway, gano'n din ang ginawa ko pabalik. Akala ko ako 'yon pero si Lezonra pala ang binabati nila. That was stupid of me.
"Pumasok ka. Hindi masyadong malaki ang bahay ko kaya pasensya na." Nang tingnan ko siya ay nagbago na ang suot niyang all black kanina.
Kakarating lang namin, bakit hindi ko napansing nagbihis siya. Kung mukha siyang mangkukulam sa labas kabaliktaran siya ngayon. She dressed like an angel, simple but beautiful.
"Bakit hindi ganyan ang suotin mo sa labas? Y-You looked.. a bit creepy earlier," I said.
She gave me a small smile."I did it on purpose. So no one could enter this place with my dark posture. Marami ang takot sa'kin, kung alam mo lang."
"You're the legendary in history afterall."
"Gusto mo bang makausap ang mga magulang mo? I can help you," she said out of the blue.
I was stunned, unable to talk."H-How? W-Why are you helping me?"
"I gave you a blessing the day you come out in this world. Isa ako sa tumanggap kay Lemery noon kaya ako na lang ang nagbigay ng basbas sa'yo dahil walang may gusto. She also helped me on my experiments way back then. Even in just a short period of time, I felt like I had a sister."Tumayo siya at may kinuha sa cabinet niya, isang maliit na keychain."She made this for you but she told me to keep it. Sabi niya babalikan niya, pero hindi niya na nagawa."
"Ang araw ng kaparusahan nila Mama at Papa, na nagbitaw ng salita ang hari upang patayin sila," bulong ko.
"Maiintindihan mo ang mga dapat mong malaman kung sila mismo ang magsasabi sa'yo. Visit the town hall and take this white pearl to my daughter. Ituturo nito kung saan siya nakatira."
M-May anak siya? Nagkaroon ba sila ng anak ng dating bampirang minahal niya?
"She's Nimfa and has the ability of talking to the dead. Necromancy to be exact."
*********************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro