EPILOGO 🔞
EPILOGO
FREDERICK MONTESANO (FRED)
Kakalabas ko lang ng bathroom nang may narinig akong ungol. Napatingin ako sa kama at doon ko natagpuan dalawang gagong adik sa porn, si Vincent at Adam na kasalukuyang nakaupo sa kama ko.
Tiningnan ko sila ng masama para itigil ang panonood pero mas nilakasan nila ang volume nang pinapanood.
"Aaahh! Ooohhh!" rinig kong ungol ng babae.
"Fuck! Tinitigasan ako." sigaw ni Vincent.
"Ang galing ni Tin." sabi pa ni Adam.
Hinayaan ko lang silang dalawa at Pumasok ako sa walk in closet at nagmadaking nagbihis. Paglabas ko ay nanonood pa rin sila.
Lalabas na sana ako ng kwarto ko dahil ayokong marinig at mahawa sa kalibugan nilang dalawa pero napahinto ako sa tanong nila.
"Bakla ka ba?" tanong ni Vincent at ni-pause niya ang video.
"The fuck bro. Are you insane?" sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya para sabihing bakla ako.
"Hindi ka nanonood ng porn. Wala ka ding babae o di kaya girlfriend." sabi ni Adam.
"Bakit pagbakla hindi nanonood ng porn. Wala akong babae dahil nirerespeto sila hindi pinaglalaruan. And lastly, hindi pa dumating ang destiny ko." nakangisi kong sagot.
"Ang korni nung destiny." sabay na sabi nila at napailing na lang ako.
Tumayo si Vincent at inakbayan ako. "Saan ka pupunta? Manonood tayo ng porn. Bibinyagan ka namin." anya at hinila ako papuntang kama. Ipinuwesto nila ako sa gitna at ako pa mismo ang pinahawak ng cellphone.
TIN & DAN: Step Siblings
Pagbasa ko sa pangalan ng pinapanood nila. Ilang saglit pa ay muli nilang ni-play ang video at nakita ko doon ang mga bagay na hindi ko dapat makita.
"Crush ko si Tin." sabi ni Vin at sa hindi malamang dahilan ay kumuyom ang kamao ko. Unang beses ko pa lang naman nakita si Tin pero parang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Vin.
"Hindi pwede." napatingin sa akin ang dalawa sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Adam
"WALA!" sabi ko habang nagkakamot s aylo. "Tumigil na kayo sa kakapanood ng porn. Ang ibig kong sabihin." palusot ko na lamang at lumabas na ng kwarto.
...
"Sir Fred may package pong pinadala sa inyo from your university." imporma sa akin ni Kaye na make up artist ko at ibinigay sa akin ang isang envelope na naka-sealed pa.
Binuksan ko ito at pagtingin ko ay diploma ko sa college sa kursong educ. Umuwi ako ng bahay para ipaalam kina Mom and Dad na graduate na ako ng college pero sa halip na matuwa at maging proud sila ay mukhang mas lalo silang nadismaya sa akin.
"Ang kasal niyo ni Dana ang pinapaintindi ko sa iyo at hindi kung ano." sabi ni Mom. Nasaktan ako pero tumahimik lang ako.
"Walang kwenta." sabi ni Dad at umalis sa hapagkainan at sumunod rin sa kanya si Mom.
Buong buhay ko ay sinunod ko ang desisyon ng magulang ko bukod sa kursong gustong gusto ko. Pangarap nilang maging abogado ako pero hindi iyon ang gusto ko. Ang mgaing guro at magturo ang pangarap ko sa buhay.
Ang pagiging artista ko ay hindi ko rin gusto pero bilang pampaluwag loob sa magulang ko ay ipinilit ko na lamang ang sarili sa industriya kahit hindi ako masaya.
Kailan ko kaya mararamdaman na proud sa akin ang magulang ko. Na susuportahan nila ako sa sariling pangarap at gusto ko. Imbes na matulog sa bahay ay umuwi akong dismayado at malungkot sa condo unit.
VIN:
Club tayo bro?
Gusto ko man na aliwin ang sarili at magsaya pero hindi ko gawain ang mambabae. May problema ako sa magulang ko at hindi nun masusulusyonan ang problema ko.
Halos araw-araw atang nagaaya si Vincent na pumuntang bar at club pero hindi ako sumama sama dahil alam kong babae lang ang ipinupunta niya sa lugar na yun.
ME:
Si Adam ang ayain mo. Wag mo akong hawaan ng kalokohan.
VIN:
Hindi kita hinahawaan ng kalokohan, kagwapuhan lang.
...
Day-off ko sa trabaho kaya nandito lang ako maghapon sa condo unit at dahil sa walang maggawa ay biglang pumasok sa isip ko na tumingin sa porn.
Pagsearch ko unang bumungad sa akin ang Live Show ni Tin. Napalunok ako ng laway ng makita ang halos hubad na niyang katawan. Tanging pribadong parte lang ng katawan niya ang natatakluban ng mainipis na tela pero nabigla ako ng unti-unti niya itong ibinaba.
Napakamot ako sa ulo at hindi mapakali hanggang sa namalayan ko na lang na nag-private message na pala ako sa kanya.
ME:
DON'T
Napasabunot ako sa sarili at tinanong ang sarili kung bakit ako nagmessage sa kanya. FUCK!
TIN:
Hindi ito simbahan at kung ayaw mong makita ang hubad kong katawan ko wag kang manood. Tsaka ako ang hindi kikita ng pera kung susundin kita.
Hinawakan ko ang tigkabilang sentido para magisip ng isasagot sa naging reply niya. Tama naman yung sinabi niya pero...ughhhh I hate myself!
ME:
JUST DON'T DO IT! MS. TIN IMPERIAL! I'm gonna pay you triple of your salary. Just stop on what you're doing and have a conversation with me.
Freat! Hindi ko na talaga alam ang gunagawa ko. Una, pumunta ako dito sa porn sites. Pangalawa, pinigilan ko siya sa ginagawa niya. Pangatlo, nagpakilala ako sa kanya. So stupid Fred!
ME:
DATE WITH ME
TIN:
Ayoko, pasensya na
Sa hindi malamang dahilan ay nalungkot ako ng tinggihan niya ako. Ganun pa man ay hinayaan ko na lamang na tanggapin ang naging desisyon niya dahil baka may rason siya.
Noong araw na yun ay nagpalitan kami ng number. Araw-aaraw ay magkatext kami at hindi ko namalayan na sa mga lumilipas na araw ay may nagbabago na pala. Sa pangalawang pagkakataon ay muli ko siyang inalok na magdate at doon ay pumayag na siya.
At doon nagsimulang magbago ang mundo ko. Hindi lang ang mundo kundi pati tibok ng puso ko. Na hindi ko akalain na sa kanya pala ay magkakagusto ako.
Isang araw naramdaman at nalaman ko na lang na hulog na hulog na ako sa kanya, hindi ko lang siya gusto basta mahal ko na siya. Para akong bakla pero wala eh, tinamaan ako. Tinamaan sa kanya na kahit anong pagiwas ay hindi ka na makakatalas pa.
Niligawan ko siya kahit hindi ko alam kung paano dahil siya ang uanng babae na nagustuhan at mahal ko. Habggang sa tulyan niya akong sinagot.
Ilang buwan kaming halos na magkasama ni Tin. Gustonko palaging nasa tabi siya, kasama siya. Iba yung saya ko kapag naandyan siya.
Kaya naman maaga akong nagpropose sa kanya nun. At ako na nga ata ang pinakamaswerteng lalaki aa mundo noong um-oo siya sa tanong pagpropose ko.
Simple lang ang pagalok ko sa kanya noon pero buong psyo ko iying pinagisipan dahil gusto ko na siya ang babaeng makasama at alayan ko ng pag-ibig habang buhay.
Pero ang lahat ng kasiyahan na iyon ay agad napalitan at unti-unting nagbago ng promal kong ipakilala siya sa maraming tao bilang girlfriend ko.
Nang araw na iyon ay unti-unti nagulo at lumiit ang mundo namin ni Tin. Mahal ko siya per hindi ko kayang tanggapin ang oangaalipusta ng mga tao sa kanya sa kung ano lang ang nakikita ng nga mata nila.
...
Hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahali dahil pang kama ka lang at yung lang ang papel mo sa buhay ko. Pang-alis ka lang ng init sa katawan ko.
Ang mga salitang iyon ang nagtapos ng relasyon namin ni Tin. Hindi ko iyon gusto pero kailangan kong gawin dahil tinakot ako ng magulang ni Dana na ipapapatay ni si Tin.
Kasikatan at kayamanan lamang ang gusto ng magulang ni Dana. Lulong din silang sa ilegal na droga . Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay alam ko na halos lahat ng takbo ng buhay niya. Sa kung paano siya nahihirapan dahil sa magulang niya pero wala ako maggawa bilang kaibigan niya.
Mas pinili kong ako mismo ang makasakit kay Tin kaysa ipapatau siya ng magulang ni Dana. Alam kong duwag ako dahil hindi ko Man lang naggawan ng paraan para pigilan ang magulang ni Dana sa plano nila.
Nang araw na iyon ay ang huling makita ko si Tin. Dalawang araw matapos nun ay nalaman kong sinugod siya sa hospital. Gusto ko siya g makita noon pero pinigilan niya ako.
"Buntis si Tin." sabi ni Pat at pilit akong pinapaalis.
"Tama na iyong si saktan mo siya. Masakit yung ginawa mo sa bestfriend ko Fred. Kung mahal ko siya hindi mo siya sasaktan. Pero ginawa mo kaya umalis ka na." sabi pa niya at nagpatawag ng guard at pinalabas ako ng hospital.
...
THE FAMOUS ARTIST DANA FUENTES DIED TODAY, ACCORDING TO INVESTIGATION SHE COMMITED SUICIDE.
Wala na si Tin pati ba naman si Dana. Bukas aana ang nakatakda ang araw ng kasal namin pero ito Ng nangyari. Kasalanan ko ang lahat. Ang tanga-tanga ko.
Wala akong kain at tulog araw-araw pero sa tulong ng mga kaibigan ko na si Vin at Adam ay pilit nila akong iniintindi at tinulungan. Kung minsan naman ay dumadating din si Pat para tulungan ako.
Sa panahon nalugmok na lugmok ako ay kaibigan ko ang naging sandalan ko.
Wala na akong naging komunikasyon sa magulang matapos na iwan ko ang showbiz. At kahit hindi nila sabihin ay alam kong nadismaya lalo sila sa akin
...
Limang taon ang nakalipas ay nalaman ko na rin kung nasaan naninirahan si Tin. Nang makita ko ang batang babae ay alam kong siya ang anak namin. Alam ko na anak ko siya dahil si Pat ang nagsabi sa akin.
Nang magkita kaming muli ni Tin ay kita ko sa maga niya ang kungkot at galit. Ilang beses kaming nagkauspa peor palagi niyang sinasabi na hindi na maibabalik ang dati.
Hindi ko kinaya ang lahat. Akala ko spaat na ang limang taon na pagpapakahirap ko noon sa impyerno pero hindi pa rin pala.
Kaya sinubukan kong magpakamatay.
Nang magising ako sa hospital ay laking gulat ko na lang nang tawagin ako ng anak namin na si Crisha na tatay.
Pero hindi iyon nagtagal dahil ang kalayaan na hinihingi sa akin ni Tin ay ibinigay ko. Pinalaya ko siya noong araw na nakabalik siya sa bahay nila, kasama ng pamilya niya.
SA UNANG TAON na nakalipas nang palayain ko si Tin ay nagtake ako ng board exam at nakapasa naman ako. Sa pangalawang taon ay doon na ako nagsimulang magturo pero sinong msgaakala na parehas lang pala kami ng paaralan na tinuturuan.
Sa loob ng dalawnag taon na iyon ay may komunikasyon ako sa anak ko na si Crisha. Ang gamit niyang cellphone ay ang sa kapatid ni Tin. At ang lahat ng iyon ay isinekreto namin.
At hindi lang iyon ang nangyari dahil sa loob din ng dalawang taon na iyon ay doon nakipagatos sa akin ang magulang ko. At doon ko unang narinig sa kanila ang salitang matagal ko nang inaantay.
PROUD KAMI SA IYO ANAK.
...
"I miss you." iyon ang unang bungad ko sa kanya noong unang magkita kami.
Kahit ilang taon ata akong mawalay kay Tin ay hindi nagbabago ang pagmamahal ko para sa kanya. Kaya naman ginawa ko ang lahat bumalik lang siya sa akin.
Walang nangyaring ligawan dahil nagpropose agad ako sa kanya at sa tuling iyon nina Mom and Dad.
...
Maaga kaming umalis ni Tin sa wedding reception namin para sa honeymoon namin. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay na pinagawa ko noon.
"Excited ako sa honeymoon natin baby." sabi ko at inirpaan lang ako ni Tin sabay halik sa pisngi niya. Pababa na sana ako ng sasakyan para pagbuksan ko ng pintuan si Tin ng may marinig kaming ingay sa likod.
Binuksan ko ang ilaw sa loob ng sasakyan at parehas kaming nagulat ni Tin nang makita si Crisha.
"Ano po yung honeymoon?" inosenteng tanong niya at napakamot ako sa ulo habang si Tin naman ay napasapok sa noo niya.
"Juice Colored! Akala ko kasama mo ang mga lola mo kanina sa reception. Paano ka napunta dito?" nahahagas na tanong ni Tin.
"Sinundan ko po kayo kanina." nakangiti niyang sabi. "Ano po pala yung honeymoon?" tanong niya ulit at parehas kaming hindi nakagot ni Tin.
Bumaba kami ng sasakyan at nagrequest sa amin si Crisha na tumabi kami sa kanya sa pagtulog.
WALANG HONEYMOON! Sambit ko na lamang sa isipan.
Muling tiningnan ko si Tin at napangiti.
"She's my woman, my lady, my wife."
MISTERCAPTAIN
Professor
Unedited itong Epilogo. Bukas na lang yung Special Chapter.
Salamat sa pagbasa at paghintay nitong update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro