Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8: SAD GIRL

CHAPTER 8
SAD GIRL

    
"Sad girl si bes." pangaasar sa akin Pat. Nandito ako ngayon sa apartment niya kanina pa dahil day off ko.

"Salamat ha." pagpatol ko pa sa kanya.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama niya at tinabihan siya sa sofa na nanonood sa TV. Mas lalong nabusangot ang mukha ko ng makita ko ang artista sa kanyang pinapanood. Si Fred at ang ka-love team niyang si Danica.

Yumakap ako sa beywang ni Pat at isinandal ang ulo sa balikat niya. "Mali naman kasi iyong ginawa mo. Bakit mo siya pinaalis? Kung ako yun sinunggaban ko kaagad iyon ng halik at nakipagjugjugan." mapagbiro niyang sabi. Hindi ko talaga kaibigan ang babaknitang ito.

"Pero seryoso ha, mali iyong ginawa mo. Naawa tuloy ako kay Papa Fred."

"Hindi kami pwede. Pokpok ako di ba?" sagot ko sa kanya.

"Pag mahal, mahal ka. Kahit anong klaseng tao ka pa kung mahal ka mahal ka. Hindi mo iyon mababago. Ikaw kasi ang less heart mo."

"Anong less heart pinagsasasabi mo? Heartless iyon gaga."

"Wow umi-improve ka na sa english ah. Sinadya ko talaga yung less heart kasi akala ko hindi mo mapapansin. Ang taray ni girl." sabi niya pa.

"Like duh I'm excellence kaya."

"Mano-nose bleed ako sa english mo." aniya. Tama ba yung english ko kanina? Parang mali ata hehehe.

I'm excellence kaya. Taena uulit pa yan akala mo ang galing sa english. bulong ng kabilang isipan ko.

Buong maghapon ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan at manood. Nabanggit rin niya sa akin na plano na niyang mag-aral sa susunod na pasukan. Humingi pa nga siya ng tulong sa akin kung anong school ang pwede niyang pasukan. Sana all na lang ako.

Sianbi niya sa akin na susustentuhan siya nung bago niyang klinyente. Wala siyang nabaggit nanpangalan dahil mukhanga yaw niyang ipaalam sa akin pero masaya ako para sa kanya.

Masaya ako bilang kaibiga at parang kapatid na rin para kay Pat dahil kahit paano ay unti unti na niya naggawa ang mga gusto niya, at isa na ng dito ang pag-aaral. Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan na mainggit dahil tulad ko ay gusto ko ring bumalik sa pag-aaral pero hindi ko maggagawa iyon ngayon dahil pamilya muna bago ang sarili. Tsaka ko na lang tutuparin ang pangarap ko kapag nakalabas na ng hospital si nanay at kapag napagtapos ko na ang mga kapatid ko sa pag-aaral.

Sa totoo lang ay napaswerete ng mga nag-aaral ngayon. Hindi tulad ko na kailangan munang unahin ang ibang bagay bago ang sariling pangkagustuhan. Kaya dapat nag-aaral silang mabuti dahil maraming mga tao ang gustong mag-aral pero walang kakayahan na matugunan ang mga pangangailangan para doon.

Gabi na ng ayain ako ni Pat na mamasyal este window shopping dahil wala naman akong pera na panggastos para sa kung ano-ano.

Tulad ng nakasanayan na outfit ko ay nakamask at todo balot ako dahil baka may makakilala sa akin. Pagdating namin sa mall pumunta kami sa National Bookstore dahil bibili na daw siya ng mga school supplies.

Excited much eh hindi pa nga siya nakakapagpaenroll hehehe. Sinabihan ko siya na tsaka na lang bumuli kapag nakapagpa enroll na pero mapilit ang babaknita kaya hinyaan ko na pang.

Patingin tingin lang ako sa paligid habang iniisip na balang araw ay bibili rin ako ng gamit sa pag-aaral ko. Ilang saglit pa ay may humablot sa braso ko.

"Taena." sambit ko.

Paganagat ko ng tingin ay halos kapusin ako ng hiniga sa bilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Fred. Bakit siya nandito? Tulad ko ay nakasombrero siya at nakamask.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa at ilang saglit pa ay niyakap niya ako. Aaminin ko, namiss ko si Fred kahit apat na araw pa lang ang nakalipas sinula noong araw na mangyari yung pagtataboy na ginawa ko sa kanya.

"Nasaan na ba iyong babaeng iyon?" narinig ko ang boses ni Pat kaya agad kong itinulaks si Fred. Hindi naman siya imangal saktong puwesto siya sa likod ko ng makita ako ni Pat.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba pumun–" hindi niya natapos ang sasabihin ng nanlaki ang mata niya. Habang nagsaalita kasi siya kanina ay sinenyasan ko siya na tumingin sa likod ko.

"Owemji! Nandito si Frederick Montesano." malakas niyang sabi at agad kong tinakpan ang bibig niya. Gusto niya atang dumugin kami ng fans ni Fred kaloka.

"Let's talk baby." bulong ni Feed sa tainga ko na nagdala ng kiliti sa buong katawan ko dahil dumikit ang labi niya sa tainga ko. Taena!

"Mamaya na. Hintayin mo kami sa labas ni Pat." sabi ko at sinenysan na siyang unalis at sinunod naman niya ako. Lumapit na ako kay Pat na sandaling umalis kanina.

Papunta kaming counter ay kumuha ako ng dalawang libo at iniabot ito kay Pat.

"Ano ito? May binili ka?" tanong niya at umiling ako.

"Pandagdag." sabi ko.

"Para itong tanga. Hindi na kailangan, itabi mo na lang iyan tsaka nakakahiya rin noh." tanggi niya pero inilagay ko sa palad niya ang pera.

"Wag ka na mahiga mas maganda pa rin ako sa iyo. Ako nga ang nahihiya sa iyo dahil mas matanda ako pero hindi kita matutulungan sa pag-aaral mo dahil wala naman din akong alam kay itong pera na lang tsaka moral support." paliwanag ko at naiiyak siyang niyakap ako.

"Hindi ka artista friend." at tumawa siya sa sinabi ko.

Matapos magbayad ay iiwan na sana ako ni Pat para makapagusap kami ni Fred dahil hindi ako pumayag. Paglabas namin ng NBS ay nanlaki ang mata namin ni Pat ng kunin ni Fred ang mga pinamili niya at siya ang nagdala nun.

"I reserve a slot on restaurant for us."

"Oy hindi kami slut." pagtatanggol ko at nakita kong napasapok si Pat sa kanyang noo.

"Hindi kita friend." natatawang sabi niya sa akin." Ibang slot ang sinasabi niya, S-L-O-T hindi S-L-U-T." Agad aking napapikit sa kahihiyan ko. Tanga lang ang peg.

Hindi namin alam ni Pat kung anong restaurant ang tinutukoy ni Fred kaya sinundan na lang namin siya.

Ilang minuto na paglalakad sa loob ng mall ay huminto kami sa isang restaurant na walang katao-tao. Hindi ata dito masarap walang tao eh. Naupo kami sa apatan, magkatapat kami ni Fred habang si Pat ay nasa gawing kanan ko.

Hindi na ako nagatubili na sabihin ang prder dahil pinangunahan ko na siya na hindi ko alam ang mga pagkain na nasa menu. Si Pat naman ay hindi nahiyanng magorder, sa katunayan niya. ay ang daming inorder at hindi na nahiya, hindi ko talaga kaibigan ang babaknitang ito.

Habang naghihintay ng order ay nabalot lang kami ng katahimikan. "Ehem! Galaw galaw." sabi ni Pat at tiningnan namin siya ni Feed.

Pinalaki niya ang mata at tsaka muling nagsalita. "Joke lang. Punta lang akong banyo." palusot niya at umalis na.

Naiwan kami ni Fred na tahimik st parehas hindi alam ang gagawin. Titigan challenge ata dito. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtitigan hanggang sa nilakasan ko na ang loob ko.

"Fred sorry sa naggawa ko sa iyo noong nakaraan. Nabigla lang talaga ako sa sinabi mo. Alam mo na, maganda lang ako... ay este pokpok tapos ikaw artista. Hindi talaga tayo bagay kasi tao tayo." paliwanag ko habang nakatingin lang sa lamesa. Nahihiya talaga kasi ako sa ginawa ko sa kanya.

"Mali iyong ginawa ko at mali rin iyong nararamdaman mo pa ra sa akin." dugtong ko pa.

"Give me a chance Tin. I will do everything for you baby hmmm...." taena! ang galing talaga nito ni Fred na magpakilig.

"Okay pero wala akong maipapangako sa iyo. Binigyan kita ng chance hanggang dun lang." sabi ko na lamang.

Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti. Buong oras ng pagkakain namin ay nakangiti lang siya at ako naman ay pinipigilan ang ngiti dahil aaminin ko kinilig ako sa kanya. Si Ptat naman ay makahulugang nakatingin sa aking dalawa at tinitimbang kung anong nangyari noong wala siya.

Binigyan ko siya ng chance dahil nakonsesya ako sa ginawa ko sa kanya. Hanggang maaga ay ako na kang ang pipigil sa nararamamdaman ko.



MISTERCAPTAIN
Professor
July 27, 2021

Maraming salamat sa pagbasa! Pasensya kung sobrang bagal pero ita-try kong magupdate ng marami ngayon buwan kasi end of school year namin ngayong May.

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro