Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7: MALI

CHAPTER 7 MALI


Matapos ng nangyari sa amin ni Dan kagabi ay nilinisan niya ako bago tuluyang matulog. Nung una ay sinabi ko na hayaan na lang niya ako dahil inaantok na ako pero nilinisan pa rin niya ako.

Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon ng maligamgam na tubig. Piniga niya iyon at nilinis ang pagkakababae ko na may pinaghalong orgasmo naming dalawa.

"Dan, sorry sa nangyari sa atin kagabi. Mali iyon. Problemado lang talaga ako kagabi kaya..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumapit sa akin si Dan at niyakap ako.

"Naiintindihan ko." sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok. Matapos nun ay muli namin pinagpatuloy ang pagaalmusal.

Tahimik kami pareho habang kumakain. Sa ngayon ay iniisip ko kung paano malalaman ang kalagayan ni nanay. Nakakasiguro kasi ako na kung ano ang ginawa sa akin ng isa kong kapatid ay ganun din ang gagawin sa akin ng isa kong kapatid.

Napitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Napatingin agad doon si Dan. Kinuha ko kaagad ito at sinagot ang tawag ni Fred. Hindi ko alam kung nakita ba ni Dan ang pangalan ng caller o hindi.

"Hmmmm" malambing kong himig.

"Nasaan ka? Nandito ako ngayon sa apartment mo."

"HA?! Wala ako ngayon dyan, umuwi ako dito sa probinsya namin."

"Kailan ang balik mo?"

"Baka bukas."

"I miss you." bakas ang malungkot na boses ni Fred at napangiti ako dahil doon, para kasing lagi na lang niya namimiss hehehe.

"I miss you too. Ibaba ko na. Tawagan na lang kita mamaya." sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad ng pinatay ang tawag.

Napangiti ako ng wala sa oras dahil kay Fred. Para tuloy akong teenager na naman dito na kinikilig. Naglaho bigla ang ngiti ko ng makitang nakatingin sa akin si Dan.

"Sino si Fred?" tanong niya at umiling lang ako.

Akala ko ay magtatanong siya kay Fred pero umalis siya at dumiretso sa banyo. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong nagtampo si Dan sa akin.

Dalawang oras ang nakalipas ay hindi ako nakapagpigil kaya nilapitan ko siya at nagsorry. Nang una ay akala ko'y makikipagtalo siya pero wala siyang sinabi na kahit na ano ay sa halip ay hinalikan niya ako sa noo.

Matapos naming magbati ay humingi ako ng tulong sa kanya. Sinabi ko sa kanya na siya na mismo ang pumunta sa hospital para kamustahin ang kalagayan ni nanay at ng isa kong kapatid. Binaggit ko sa kanya kung anong room number si nanay at kung saang hospital siya naka confine. Walang naging problema pagdating sa mukha ng nanay at kapatid ko dahil minsan ko nang naipakita kay Dan ang family picture namin noon kaya makikilala niya ang mga iyon.

Sumapit ang alas tres y medya ay nakaempake na kami ng gamit ni Dan pabalik sa Manila. Nang makauwi siya galing sa pagbisita kay nanay sa hospital ay nagpasalamat ako sa kanya. Sinabi niyang maayos ang kalagayan ni nanay at ilang buwan na lang daw ang itatagal sa hospital bago siya makalabas. Ang kapatid ko naman na si Christian ay maayos lang rin.

Masaya at nakahinga ako maluwag ng malaman na maayos lang ang pamilya ko. Ganun pa man ay iba pa rin ang pakiramdam na ako mismo ang naroon.

...

Nang makabalik sa Manila ay hinatid ako ni Dan sa apartment ko. Inanyayahan ko pa siya na magkape pero tumangi siya dahil may gagawin pa daw siya.

Pagpasok na pagpasok ko sa apartment ko ay laking gulat ko ng makita si Fred na nakahiga sa kama at basang basa ng pawis dahil sa hina ng hangin na inilalabas ng sira kong electric fan.

Napailing na lang ako sa trip ni Fred.

Bigla akong napahinto sa paghubad ng sapatos ko ng mapaisip ako sa kung paano siya nakapasok dito sa apartment ko. Lumapit ako sa natutulog na si Fred at pinunasan ang mga pwais sa mukha at leeg niya.

Ano ba kasing naisipan niya na pumasok dito?
At bakit niya ako hinintay?

Kumuha ako ng pamaypay at pinaypayan siya hanggang sa masiguro kong naging presko na ang pakiramdam niya.

Pagkatapos nun ay nagpalit na ako ng damit dahil kailangan kong magluto ng ulam para ngayong gabihan. Sardina na may bawang, sibuyas at itlog ang niluto ko dahil woaa naman akong budget ngayong araw.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Gsiing ka na pala." bungad ko sa kanya. Humiwalay ako sa kanya saglit para malayang mailagay sa plato ang niluto kong ulam na sardinas.

Napatawa ako ng wala sa oras ng bigla ng maalala ko ang napanood kong viral tiktok video tungkol sa sardinas, yung....

HI GUYS tara kain tayo ulam namin sardinas tara kain... ulam ko lamang ay sardinas... tara na kain na tayo. Ulan ko nga lamang ay sardinas... tara na kain na tayo... ulan ko nga lamang ay sardinas...

"Why are you laughing?"

"Becos it's more fan in the Philippines." sabi ko sa kanya at napakamot ako sa ulo dahil di ko sigurado kung tama ba ang nasabi kong english.

Pinanood niya lang ako sa paghain ng ulam at kanin sa lamesita ko at pati ang pagkuha ng plato at kutsara. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi siya sanay sa mga gawaing bahay palibhasa laking mayaman.

"Pasensya ka na kung ito lang ang ulam natin. Kumakain ka ba ng sardinas?"

"Uhmm... Ehhh.... hindi eh." nahihiya niyang sgaot.

"Wag kang magalala dahil masarap itong sardinas, kasing sarap ko ito." pagbibiro ko pa pero masarap naman talaga ang sardinas.

Nagsandok siya ng kanin at kongting sardinas. Kakain na sana siya ng pinigilan ko si Fred para magdasal muna. Nabigla siya sa akin pero sumunod naman siya at nagdadal rin.

Habang kumakain kami ay hindi ko pinansin ang pagkain niya dahil baka mas lalo siyang mailang sa akin. Namalayan ko na lang na paubos na ang sardinas na ulam namin ng hindi ko napapansin. Napatingin ako kay Fred na mukhang busog na busog. Uminom siya ng tubig at narinig ko ang pagdighay niya.

"Sorry, nabusog ako." sabi niya at nakangiti akong tumango. "Hindi ko alam na masarap pala ang de latang sardinas." pero mas masarap ako hehehe joke lang po.

Matapos kumain ay tinulungan ako ni Fred na magligpit ng pinagkainan namin. Inaasahan ko na mauupo at maghihintay lang siya sa akin kapag natapos na akong maghugas pero hindi. Inamin niyang hindi siya marunong ng gawaing bahay kaya di niya alam ang gagawin at sinabi niya rin sa akin na kung pwede daw ay turuan ko siyang maghugas.

Itinuro ko sa kanya kung paano maghugas, noong una ay natatawa ako sa kanya dahil hirap at tila hindi siya mapakali sa ginagawa niya pero kalaunan ay nakuha niya rin kung paano.

"Tin..." nahihiyang tawag sa akin ni Fred ng makalabas ako ng banyo. Napakamot pa siya sa ulo bago tuluyang tumingin sa akin.

"Ano iyon?"

Sinundan niya ako papunta sa kama. Naupo ako at tumabi siya.

"T-tin gusto kita." nanlaki ang mata ko at napatingin kay Fred. Ilang sandali lang ay tumawa ako. Tumigil lang ako sa pagtawa ng makita ko ang seryosong mukha niya at hinalikan ako sa balikat.

"I like you Tin." paguulit niya at napailing ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil hindi pwede yung sinasabi niya. Pokpok ako, remember.

"Sorry Fred pero mali yung nararamdaman mo" nahahagas kong sabi. Totoo naman na mali iyon. Hindi kami pwede.

"There's nothing wrong in that, Tin. I like you and no one can stop on that."

"Umalis ka na Fred. Umuwi ka na." sabi ko na lang sa kanya. Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa tumayo ako at hinila siya paalis, nang makarating sa pintuan ay tinulak ko siya palabas.

Hindi na siya nagatubili na magsalita pa at tumalikod na pero nakita ko ang ginawang pagpunas ng kamay sa mukha niya. Umiiyak si Fred.

Crush ko siya. Gusto niya ako. Pokpok ako. Artista siya. Magkaibang-magkaiba ang mundo kaya tama lang ang ginawa kong pagtaboy sa kanya.









MISTERCAPTAIN
Professor
July 27, 2021

Hi Guys! Tara kain tayo sardina ulam hahaha joke lang!Maraming salamat po sa pagkain ay este pagbasa.

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro