CHAPTER 40: MY LADY
CHAPTER 40
MY LADY
HANDA NA AKO. Iyon ang masasabi ko sa mga nakalipas na araw at buwan. Handa na akong maging parte ng buhay ni Fred. Ang ikasal sa lalaking minsan akong sinaktan pero mas doble ang pinaramdam na pagmamahal.
Parte ng pag-ibig ang sakit at iyak. Hindi mo ito maiiwasan bagkus kung mananatili ang inyong pagmamahal ay mapapatawad niyo pa rin ang isa't isa.
Si Fred ang lalaking nagmulat sa akin na sa kabila na pagiging madumi o salot na kung tawagin sa lipunan ay ipinaramdam niya sa akin na karapat dapat akong mahalin.
"Christine, miss na miss ka ng anak kong si Fred. Parang mamatay kapag hindi ka niya nakita at nakasama ng isang araw lamang." natatawang saad ni Mama Freya, ang mama ni Fred.
Palibhasa ay bukas na ang araw ng kasal kaya hindi kami ngayon pwedeng magkita dahil sumunod kami sa pamahiin.
Hinalikan ako ni Mama at niyakap. "Lola, I'm Boothiful." sabi ni Crisha na ngayon ay katabi ko at kumakain ng ice cream na pinadala ni Pat.
"It's beautiful not boothiful." pagtatama ni Mama at pinunasan niya ang nagkalat na ice cream sa bibig ng anak ko.
Hindi ko maitago ang saya noong malaman kong tanggap na ako ng magulang ni Fred. Sa katunayan niyan ay katulong pala ni Fred ang magulang niya noong magpropose siya sa akin na labis ko iyong ikinabigla. Kinabukasan nun ay pumunta ang magulang ni Fred sa bahay at doon sila nakipagayos kay nanay at sa akin.
...
"Proud ako sa iyo anak." sabi ni Nanay habang magkayakap kami.
"Nay, eto na anamn tayo eh. Magdadrama na naman tayo." nakanguso kong sabi at nagsimulang manubig ang mata ko.
"Gusto lang sabihin s aiyo na proud ako. Ano ka ba anak." saway pa niya at pinahid ang mga luha ko.
Magkatabi kami ngayong matulog ni Nanay dahil bukas na ang kasal at ang tanging hiling niya sa akin ay ang makatabi ako sa pagtulog. Alam niya kasing hihiwalay na kami ng anak ko ng bahay kaya naman alam kong mamimiss talaga ako ni Nanay.
Si Nanay ang nagturo sa akin na maging matapang sa lahat ng sitwasyon. Nagkaroon man kami ng alitan noon pero kinalimutan na namin iyon dahil kahit anong mangyari, sa pamilya mo pa rin ikaw uuwi.
Sa bawat pagkadapa at pagbangon ay hahatakin ka pa rin ng sarili mo pabalik sa sariling pamilya dahil doon unang umusbong pagmamahal na kalaunan ay ibinigay natin sa mga taong nakakasalamuha natin.
Mahal na mahal ko si Nanay. Siya ang unang inidolo ko sa buong mundo. Hindi man siya kilala ng lahat ng tao pero nasisiguro kong tulad ng iba ay ang unang inidolo nila ay ang magulang nila.
...
Hindi ako mapakali kay Pat dahil kanina pa ako pinipicturan. Akala mo naman ay photographer eh hindi naman.
Bridesmaid ko si Pat pero parang naging photographer siya ng Weddding Day namin ni Fred. Kung alam ko lang ay sana ay siya na lang ang kinuha kong photographer hahaha.
"Alam kong maganda ako pero hindi mo na ako kailangan na picturan ng napakarami." saway ko sa kanya at natawa ang nagme-make up sa akin.
"Pasalamat ka kasal mo kaya pagbibigyan kita na mas maganda ka sa akin ngayon." sabi niya at napailing na lamang ako.
"Owemji, Friend!" naiiyak na sabi ni Pat habang nakatingin sa akin kung saan suot ko na ang wedding gown. Ilang minuto na lang ay mangyayari na ang pinakahihintay kong ikasal aa taong mahal ko.
"Di pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na? Parang kahapon lang ay kinikilig ka pa sa kakapanood ng mga movie pero ngayon ay ikakasal ka na." tuluyan siyang umiyak at niyakap ako.
"Pangarap ko rin na maikasal sa taong mahal ko." sabi pa niya at tinapik ko ang kanyang likod. "Darating ka rin sa ganitong sitwasyon." sabi ko at pinipigilan ang iyak.
Ikakasal lang naman ako pero bakit ang drama ng mga tao. Bakit para bang mananatay ako?
Naghiwalay kami sa pagkakayakap at padampi dampi niyang pinanusan ang nabasang pisngi dahil sa luha. Buti na lang ay water proof ang make up na ginamit kaya hindi nasira ang make up niya.
Sa kabila nang mga pagsubok na hinarap ko ay nasa tabi ko lang ang mga taong tinulungan at dinamayan ako sa lungkot at saya. Si Pat at Dan na parte ng buhay ko at tinatawag kong kaibigan. Kaibigan sa kabulastugan at kadramahan.
"Mahal kita Tin." sabi ni Pat.
"Baka tayo ang ikasal niyan." sabi ko at parehas kaming tumawa at kasabay nun ay ang pagclick sa camera ng photographer na nasa harapan na pala namin at kumukuha ng shots.
...
Sa kabila ng nangyari sa akin ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng lakas at tapang para harapin noon ang mga problema. Bukod pa doon ay binigyan niya rin ako ng mga taong minahal at mahal ako sa kabila ng aking nakaraan.
Maniwala at magtiwala. Iyon ang dapat tandaan ng kahit sino dahil may plano ang Diyos sa ating buhay, hindi niya tayo pababayaan.
NAPAKABILIS ng oras at hindi ko namalayan na narito na huminto na pala ang sasakyan sa harap ng simbahan. Pinagbuksan ako ng pinutan ng driver at tinulungan na makababa. Sa paglakad ko papunta sa saradong pintuan ng simbahan ay inalalayan ako ng mga staff dahil napakabigat talaga nitong wedding gown ko.
"Are you ready Ma'am?" tanong ng isang staff matapos ayusing ang gown ko at tumango naman ako bikang tugon sa tanong niya.
Kinakabahan at nanginginig ako kahit hindi pa man bumubukas ang pintuan. Nanunubig ang mga mata ko sa labis na saya at pagmamahal na nararamdaman ngayon.
Parang kahapon lang kasi ay takot akong mahalin si Fred dahil alam kong magkaiba kami ng mundo pero heto ako ngayon sa harap ng pintuan ng simbhan at alam kong sa pagbukas nito ay naghihitay siya sa akin sa dulo.
Nagsimulang magbilang ang staff para sa pagbukas ng pintuan.
"Three..."
"Two..."
"One..." at doon dahan dahan na bumukas ang pintuan.
Pagangat ko ng tingin ay una kong nakita si Fred na nagpupunas ng mata niya. Umiiyak ito pero pinapatahan siya ng groomsmen na si Adam, kaibigan din ni Fred.
Hindi ko pa man naggagawa ang unang hakbang ay naiiyak na rin ako. Nakakaiyak naman! Ang ganda ganda ko tapos iiyak lang ako. Juice colored!
Inilibot ko ang tingin sa loob ng simbahan at ang lahat ay nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako at tsaka nagsimulang maglakad.
[TAGPUAN by MOIRA]
'Di, 'di ko inakalang
Darating din sa akin
No'ng ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng "bakit"
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di s'ya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?
Sa paglipas ng mga taon, nagkahiwalay man o nagkasakitan kami ni Fred pero hindi nun natibag ang pagmamahal na binigay namin sa isa't-isa.
Ang mga nangyari sa amin sa nakaraan ang siyang mas lalong nagpatibay at magpapatibay sa pagmamahalan namin ngayon at sa mga susunod na araw.
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan, sinubukan kong lumisan
Nasa kalagitnaan ako at doon sa akin lumapit ni Nanay. Siya ang maghahatid sa akin sa taong mahal at papakasalan ko. Minsan man niyang tinutulan ang pagmamahalan namin pero alam ko na may rason at dahilan siya sa lahat ng iyon.
At tumigil ang mundo
No'ng ako'y ituro mo
S'ya ang panalangin ko
At tumigil ang mundo ko. Walang boses ni Moira dahil si Vincent ang nagkakanta. Siya kasi ang Wedding Singer namin.
Walang perpekto sa mundo. Pero may bagay at tao sa mundo na siyang bubuo sa pagkatao mo. At sa huling paghakbang na ginagawa ko ay ang paglapit ko sa taong bumuo sa akin.
At ang taong iyon ay si Fred.
Umiiyak si Fred na niyakap si Nanay at pilit siya nitong pinapatahan. Matapos nun ay inabot ni Nanay ang kamay ko kay Fred at ngumiti ako doon.
Kasabay ng paglakad namin ni Fred sa harap ng pari ay hindi namalayan na umiiyak na rin pala ako. Hindi kasi ako makapaniwala na eto na yung araw. Araw na mangangako kami ng pang habang buhay na pagmamahal.
Ilang sandali pa ay parehas kaming tumigil ni Fred sa pagiyak ng sinaway kami ni Father. Hindi naman daw kasi kami nandito para pagalitan kaya bakit daw kami umiiyak.
"Hi, Father Dan." ani Fred sabay ngiti. Tumingin sa akin si Dan at ngumiti ako. Inilipat niya ang tingin kay Fred at ngumiti siya dito.
Bago man magsimula ang seremonyas ay hinapit ako ni Fred at may ibinulong.
"This time, there is no pornstar or artist, only teachers and parents." at tumango ako dun sa sinabi niya.
"You complete me and make me a better person. I love you with all my heart and all my soul."
"I love you my lady, my woman, my wife."
"You are my home and my love is yours." sabi ko kay Fred.
T H E E N D
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming Salamat po sa pagbasa. Hindi ko akalain na matatapos ito kasi akala ko relasyon niyo ang natatapos, joke! CHECK MY LATEST VIDEO ON TIKTOK!
Tragic dapat ito eh, naawa ako sa inyo hahaha. Marami aking naisip na tragic ending para dito pero hindi ko tinuloy.
Nasa Author's Note ang mababanggit ang ending sana nito pero bukas ko pa siya ipu-publish dahil wala pa yung epilogo. Sana abangan niyo iyon bukas tapos may Special Chapter din.
Comment kayo kung gusto niyo lang naman. I-comment niyo kung anong masasabi niyo sa ending o di kaya sa kabuuan ng story.
Wag niyo rin kalimutan na magiwan ng message sa message board ko.
Tsaka anong masasabi niyo sa dalawang marupok at sa napakakulit na si Crisha hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro