Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36: NEW

CHAPTER 36
NEW


2 years after...

Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magkita at magkausap kami ni Fred. Ni isang impormasyon ay wala akong narinig pa tungkol sa kanya peeo hiling ko na sana ay nasa mabuting kalagayan siya.

Kinabukasna nang mangyari ang lahat, ang oagalis ni Fred ay doon ko lahat nalaman ang paghihirap ni Fred. Totoo nga ang sinabi ni Pat na nasasaktan din si Fred tulad ko.

Ikwinento sa akin ng mga kapatid ko at pati na rin ni Pat ang nangyari kay Fred noong umalis ako. Sa pamamagitan noon ay nalaman ko kung bakit naggawa ni Fred na subukang patayin ang sarili niya.

Noong umalis ako ay alam ni Fred na buntis ako at si Pat ang nagsabi. Sinubukan daw akong lapitan ni Fred pero pinigilan siya ni Pat. Sinububukan ako ni Fred na hanapin  pero hindi niya ako natagpuan hanggang sa nalaman niyang kasama ko si Dan sa pagalis na siyang halos daw ikabaliw ni Fred.

Walang tulog at kain, iyon ang naging buhay ni Fred noong umalis ako. Hanggang isang araw ay napagpasyahan niyang hanapin ako kay Nanay at sa mga kapatid ko pero wala siyang nakuha kundi ang pananakit ni nanay dahil sa ginawa niya sa akin.

Isang araw bago sana ang kasal ni Dana at Fred ay doon nangyari ang hindi inaasahan ng lahat. Ikinabigla at ikinalungkot ng lahat ang nangyari kay Dana nang matagpuan itong nagpatiwakal.

Nagpakamatay si Dana sa pamamagitan nang pagbitin ng sarili sa lubid. Ang hindi alam ng lahat ay depressed pala si Dana dahil sa expectation ng magulang at pressure ng mga fans. At iyon rin ang naging dahilan kung bakit nadepressesd si Fred.

Ang kwento pa ni Pat ay ilang beses ding sinubukan ni Fred na magpakamatay dahil sinisisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Dana at pagalis ko.

Nakaman ko lang rin kay Pat kung bakit ako naggawang saktan ni Fred. Tinakot at binantaan daw pala si Fred ng magulang ni Dana na kung hindi sila ikakasal ay ipapapatay ako.

Noong una naguluhan ako, kung bakit at paano naggawang magbanta ng magulang ni Dana kay Fred iyon pala ay mag lulong ito sa droga at kasama sa mga sindikato. Isa sa mga lihim ni daw ni Dana.

...

Dalawang taon ko nang pinagmamasdan ang letter na galing kay Dana at hanggang ngayon ay hindi ko ito binubuksan. Si Pat na ang nagbigay sa akin ng letter dahil bago magpakamatay si Dana ay inutusan siya na ibigay ito sa akin. Hindi sa natatakot pero parang ganun na nga.

Binuksan ko ang envelope pero isinara ulit dahil hindi pa talaga ako handa. Kung ano man ang nakasulat sa loob ay sana ay hindi ko ikasasakit o kung ano man.

Sa mga nakalipas na taon ay muli kong pinagpatuloy ang pagtuturo. At dahil nga dito na kami nanirahan ni Crisha sa tunay na bahay namin, na kung saan kasama sila nanay ay lumipat na rin ako ng school kung saan ako magtuturo.

Kasalukuyan kong inihahanda ang baon ni Crisha para sa unang araw nang pasukan. Grade 1 na ngayon si Crisha at accelerated siya nang isang taon kaya naman proud na proud ako sa kanya.

Hindi ko ako nageexpect nang kung ano kay Crisha basta ang sa akin lang ay maging mabuti siyang tao. Ang sobrang talino na taglay ni Crisha ay hindi ko inexpect pero matalino man siya o hindi ay nandito lang ako para suportahan siya sa lahat ng bagay.

"Nay, ang ganda ko dito sa uniform. Excited na rin akong pumasok." sulpot ni Crisha at ngayon ay bitbit na ang bag.

"Magpakabait ka dun. Wag kang mangaaway dahil bad iyon." sabi ko pa tumango siya.

"Nay alis na po kami ng anak ko." paalam ko habang nagdidilig si nanay sa mga halaman niya.

"Magingat kayo."

"Opo, Nay."

"Bye Lola." paalam ni Crisha at kumaway pa ito habang naglalakad kami palabas ng gate.

Sumakay kami nang sasakyan na siyang pinundar naming magkakapatid. Naghati-hati kami para makabili nito para hindi na rin kami mahirapan sa tuwing aalis kami. Kakabili lang nito noong nakaraang buwan at si Chrsitian ang taga maneho namin dahil siya lang naman ang marunong magdrive.

Ang kapatid ko namang si Christina ay humiwalay na ng bahay kasama ang anak at asawa niya. Kakagraduate lang niya last year at ngayon ay may sarili nang trabaho.

"Hello po Tito Christian, ang ganda ko ngayon." sabi ni Crisha at patagong natawa ang kapatid ko doon.

Sobrang taas talaga ng confidence ng anak ko. Buti na lang ay walang nanabunot sa kanya sa tuwing sinasabi niya iyon sa ibang tao.

Nang makarating sa school ay naninibago si Crisha. Sa kabila ng paninibago na naramdaman ng anak ko ay binati niya ang mga nakaksalubong namin, estudyante man o teacher.

Hinatid ko siya sa classroom niya at noong aalis na ako ay napatakbo siya sa akin at pinipigilan akong umalis. "Nay kinakabahan ako." sabi niya.

Bumaba ako para magtapat ang mga mukha namin. Inayos ko ang unifrom niya at hinawakan siya sa balikat.

"Kaya mo iyan anak. Sa una lang mahirap pero kakayanin mo yan. Tsaka hindi dito kailangan ng nanay. Gusto mo ba na ikaw lang ang may katabing nanay dito?"

"Oo naman Nay. Gusto kita katabi." proud niyang sbai at napasapok ako sa noo ko. Juice colored!

Ilang minuto pa akong nagpaliwanag kay Crisha na hindi ako kailangan doon at kailangan niyang matuto magisa. Sa huli ay nakaalis rin ako at nakapinta na sa room ko, na kung saan ako magtuturo.

" Good Morning Ma'am Christine." bati sa akin ng mga estudyante na nasa ika-apat na baitang. Grade 4 ang naatang sa akin na tuturuan at mas madali siya kaysa sa mga Grade 1 na tinutuan ko noon.

At dahil unang araw pa lang ay nauubos ang oras sa pagpapakilala at kaunting pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung anong aaralin nila at ano ang kailangan nilang malaman sa buong taon nang klase.

Sumapit ang breaktime ay dumaan ako sa classroom para silipin si Crisha. Isasama ko sana siya sa pag-snack pero noong makita kong kausap at kakwentuhan niya ang mga kaklase habang kumakain ng snack na inihand ko para sa kanya ay hinyaan ko na lang. Dapat lang siyang matuto na makipagkaibigan at makisama sa kaklase niya.

Lumalaki na talaga si Crisha. Pero s akabila ng lahat ay hindi siya nagalit kahit wala sa tabi niya si Fred.

Papunta na akong canteen nang biglang may tumawag sa akin. "Ma'am Christine." tawag sa akin ng co-teacher.

"Alam mo ba na may bagong lalaking teacher? Sobrang gwapo at yummy daw sabi ng ilang teacher." kwento niya habang kinikilig pa at napailing ako.

"Ang hilig ko talagang humarot. May asawa ka. Oy!." sabi ko sa kanya at natawa siya sa sinabi ko.

"Alam ko pero kwinento ko lang sa iyo dahil alam mo na single ka. Single din daw kasi iyong bagong teacher."

"Wala akong pake kung gwapo o yummy pa yan."

"Pustahan tayo at kakainin mo iyang sinasabi mo." sabi ko pa at matapos nun ay nagpaalam na ako na aalis na habang siya naman ay pupuntang Faculty.

Pagpila ko ay may nasa auanhan ko na lalaking teacher. Likod lang ang nakikita ko kaya hindi ko siya kilala pero mabango siya. Kada hakbang papaunahan ay sinisinghot ko ang pabango niya.

Ngayon lang ako may nakasabay na lalaking teacher sa pila dito sa canteen at ngayon lang din ako haharot.

Pabango pa lang ay mukhang gwapo na. Natigil ako sa iniisip nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ko. Mabango lang naman siya pero bakit ko pa kailanagn singhutin amoy niya. Ang harot lang.

Nabalik ako sa reylaid nang tumama ang mukha ko sa matigas na likuran ng teacher na nasa unahan ko. Napayuko ako habang nakawak sa mukha ko at nahihiya sa nangyari.

Ang tanga mo Christine. Bulong ko sa isipan ko habang nakayuko pa rin.

Nasilip ko naman ang pagharap sa akin nang nasa unahan ko at dahan dahan kong inangat ang ulo para tingnan kung sino siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko ang mukha ni Fred. Nakasalamin ito at mas lalong gunwapo ngayon dahil sa aura niya.

Malakas kong ini-iling ang ulo para siguraduhi na hindi ako na namamalik- mata. Pero hindi talaga ako nagkakamali dahil siya si Fred.

"Sorry." hingi ko nang paumanhin at ngumiti siya.

"It's okay."

Tumalikod siya sa akin nang mapansing siya na pala ang sunod sa pila. Binaggit niya ang order sa tindera habang ako naman ay nakanganga lang na nakatingin sa kanya.

Nang maibigay ang order sa kanya ay muli siyang humarap sa akin at doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin siya.

"Ikaw ba yung bagong teacher?" tanong ko at tumango siya.

Totoo nga ang sbai ng co-teacher ko. Na gwapo at yunmy ang bagong teacher.

Pero paano naging teacher si Fred? Kailan pa siya naging teacher?

"I miss you." nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisngi at muntikan na aking himatayin doon.

Kung nakamamatay lang ang kilig baka kanina pa ako namatay.

Nagpoproseso pa sa utak ko ang sinabi at ginawa ni Fred kaya hindi ko nasagot ang sinabi niya. Napahawak siya sa batok at umalis na.

I miss you too. Iyon sana ang gusto kong isagot pero umalis siya kaagad. Sayang!

Hindi ako makapaniwala na bumalik si Fred.




MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa pagbasa.

Ifo-follow back ko sa wattpad at twitter ang unang maglike sa MisterCaptain facebook page. Search niyo lang sa facebook ng MisterCaptain. Follow and like. Pagkatapos ay magmessage rin s apage kung anong username mo para mafollow back ko kaagad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro