CHAPTER 32: FRED'S PAIN ⚠️
CHAPTER 32
FRED'S PAIN ⚠️ (Trigger Warning)
Kinain ako ng konsensya ko kaya lumabas ako para bumili ng pagkain ni Fred at para na rin sa amin ng anak ko. Sinabihan ko si Fred na bantayan ang anak ko habang wala ako at tumango lang siya sa sinabi ko.
Kalahating oras mahigit ang nakalipas ay nakabalik na akong hospital. Sakto naman na naabutan ko ang doctor na papasok sa room ni Fred pero pinigilan ko siya upang makausap siya sa kalagayan ni Fred at para sa akin na rin i-discuss ang nga kailangang gawin.
"Doc. may kailangan pa po ba? Kamusta po ang kalagayan ni Fred?" sunod sunod kong tanong.
"Ok naman po siya Miss. Marami nga lang tubig na pumasok sa katawan niya kaya nang dalhin siya dito ay halos mawalan na siya ng kulay. Sa ngayon ay kailangan niyang magpahinga inumin ang gamot na irereseta sa kanya."
"Ahh ganun po ba Doc. salamat po."
...
"Bad ka, suntok mo si Father Dan. Hindi tayo bati kahit gwapo ka." rinig kong sabi ni Crisha nang makapasok ako.
Sinubukan ni Fred na lapitan si Crisha pero lumayo ito. "Bad ka! Ayoko sa iyo!" sigaw sa kanya ng anak ko at wala siya roong naggawa kundi ang tumakikod at lumayo kay Crisha.
Nakita ko ang pagpasok ni Fred sa banyo at doon ako kumuha ng tiyempo para kausapin at pagsabihan ang aank ko sa ginawa niya. Kahit nagkamali si Fred ay hindi tama ang ipinakita niyang paguugali dahil sa huli ay kailangan niyang irespeto at igalang ang mas nakakatanda sa kanya.
"Sorry po Nay, hindi ko na uulitin." sabi ni Crisha. Hinalikan niya ako sa pingisi at niyakap. "I love you Nay." aniya.
Naupo ako sa sofa at ikinandong siya habang inaantay namin na lumabas ng banyo si Fred. Nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko at nilaro ang daliri dahil hindi ako mapakali. Baka kung ano na ang nangyari kay Fred sa loob ng banyo dahil sobrang tagal niyang lumabas.
Tumayo ako at sinenyasan si Crisha na maupo lang at hintayin ako. Lumapit ako sa may pintuan ng banyo at nagsimulang kumatok pero walang Fred na sumasagot.
Muli ay kinatok ko ang pintuan ng mas malakas at may kasama ng pagsipa pero wala pa rin talagang sumasagot at hindi pa rin bumubukas ang pintuan.
"Anak pindutin mo yung red button doon." utos ko kay Crisha at tumango siya.
Sinunod ni Crisha ang utos ko habang ako naman ay pilit na binubuksan ang pituan. Ilang sandali pa ay nasira na ng tuluyan ang pintuan at natagpuan ko si Fred na nakahiga sa sahig.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at nanubig ang mga mata nang may bulang lumalabas sa bibig niya.
"Galit sa akin ngayon ang anak ko tapos si Christine ay hindi na talaga ako mahal. Sobrang bigat na parusa nito." mahinang sambit ni Fred at doon tumulo ang mga luha ko.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng banyo at nakita ko sa kanang kamay ni Fred ang isang botelya ng sleeping pills na wala ng laman.
Kung kanina ay nakapagsalita pa si Fred ngayon ay hindi na. Tinapik ko ang kanyang psingi ngunit hindi siya gumagalaw. Ilang saglit pa ay nagsidatingan ang mga doctor at nurse at inasikaso agad si Fred.
Umiiyak ako nang makita ang parang walang buhay na katawan ni Fred. Hindi lang pala siya uminom ng sleeping pills kundi naglaslas din siya sa kanyang palapulsuhan sa kamay.
Pinalabas kami parehas ng anak so room habang inaasikaso si Fred. Napaluhod ako sa harap ng pintuan na nilabasan namin
"Nay wag ka ng umiyak. Hindi ko na aawayin siya." naiiyak na sabi ni Crisha sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry anak." mahinang sambit ko at niyakap rin siya.
...
Kasalukuyang nakaupo ako dito sa waiting area sa labas ng room ni Fred. Tatlong oras na aking naghihintay para malaman ang kalagayan ni Fred pero wala pa ring lumalabas na doctor para i-update ako sa kalagayan niya.
Si Crisha naman ay nakatulog na at pinayagan naman ako ng isnag doctor na patulugin ko muna ang anak ko sa isan sa mga hospital bed na bakante.
Pilit ko na pinipigilan ang emosyon dahil sa nangyari kay Fred. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero ni isa ay wala akong masagot. Alam kong nasasaktan siya pero hindi ko akalain na darating sa punto na ganito.
Isa pa sa inisip ko ay ang sinabi niyang galit sa kanya ang anak niya na alam ko na ang tinutukoy niya ay si Crisha pero paano ba niya nalaman na anak niya rin si Crisha. At sa pagkakatanda ko ay nagsinungaling ako sa kanaya na anak niya si Crisha.
Agad akong napatakbo papalapit sa doctor na kakalabas lang.
"Doc kamusta siya? Gising na ba siya? Anong pwede kong gawin?" tuloy tuloy kong tanong at halos hindi mapakali.
Nakalma na lamang ako nang hawakan ako niya ako sa dalawa kong balikat. "Kumalma ka miss. Sa ngayon ay hindi ko masasabi na maayos ang kalagayan niya pero ang maggawa natin ay ang bantayan siya kung sakali man na bantaan niya muli ang sariling buhay." paliwanag sa akin ng doctor.
"Kaano-ano ka ba ng pasyente?"
"Kakilala lang po." sagot ko.
"Maari bang makausap ko ang magulang niya o kahit sino sa mga kamag anak niya para masabi at maipaliwanag ko na rin ang nangyari. Kailangan namin ipaalam ang ganitong bagay lalo na't nagtangka siya sa sariling buhay niya."
Sa sinabi ng doctor ay tumango na lamang ako kahit hindi ko alan kung paano ko iyon gagawin. Matapos ang paguusap ay pinayagan na akong makapasok sa room ni Fred.
Maputla ang kanyang mukha at may bandage na rin ang palapulsuhan niya sa kaliwang kamay kung saan siya naglaslas.
"Anong nangyari Fred? Bakit mo iyon ginawa?" bulong ko at doon muling tumakas ang mga luha ko.
Ilang sandali pa ay pinanood ko lang siyang natutulog hanggang sa marinig kong magsalita siya ngunit tulog pa rin.
"Iniwan ko si Christine. Nasaktan ko siya. Kasalanan ko lahat. Sobrang parusa naman nito." naiiyak niyang sambit habang ang ulo niya ay hindi makuntento sa isang lugar. Hindi ko alam ang gagawin kaya hinalikan ko na lamang siya sa noo at doon kumalma ang nahihinbing na si Fred.
Naguluhan man at madaming tanong ang pumapasok sa isipan ko pero mas itinuon ko na lang ang sarili sa kung paano makaka-recover si Fred.
Tsaka na ang mga sakit ng nakaraan at ang mga tanong tungkol sa nangyari.
Kinuha ko ang cellphone ni Fred na nasa side table. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang picture namin kung saan nakahalik siya sa pisngi ko. Kuha pa iyon noong kami pa ni Fred, noong mahal pa namin ang isa't isa.
Hindi ako nahirapan na buksan iyon dahil wala namang password. Pumunta agad ako sa contacts upang hanapin doon kung sino ang maaring tawagan at sabihan tungkol sa kalagayan ni Fred.
Nakita ko ang pangalan ng magulang ni Fred at pinindot ko iyon. Sa halip na tawagan ay nagtext na lang ako tungkol sa kalagayan ng anak nila at sa huli ay nagpakilala ako kung sino ako.
...
Alas tres na ng madaling araw ay tulog pa rin si Fred. Agad akong napaangat ng tingin nang bumukas ang pintuan at bumingad sa akin ang mga magulang ni Fred na labis na nagaalala.
Tumayo ako sa kinauupuan at niyuko ang ulo bilang pagrespeto sa kanila. Palabas na ako ng room nang biglang magsalita ang mama ni Fred.
"Thank you and I'm sorry." aniya. Humarap ako sa kanya at tumango lang.
Muling bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan. Ang cheke na 50 million kapalit nang paglayo ko kay Fred. Ang wlaang tahasang sinambit sa akin nilang magasawa na hindi ako nababagay sa kanilang anak at higit sa lahat ay ang husgahan nila ang pagkatao nang dahil lang sa trabaho ko noon.
Paglabas ko sa room ay nagsimulang naglakad ako at nahagip ng mga mata ko si Pat na papalapit sa akin. Nanlaki panang mata namin nang makita ang isa't isa. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Pat, hindi ko na alam ang gagawin ko." humihikbi kong sabi at hinagod niya ang likod ko para pakalmahin.
"Tulad mo ay nasasaktan din si Fred. Noon at hanggang ngayon." sabi ni Pat na siyang nagpagulo sa isipan ko.
Nasasaktan din si Fred.
Paano? Paanong nasasaktan din siya gayong siya ang nang iwan at nanakit sa akin?
Ako yung iniwan. Ako yung sinaktan.
MISTERCAPTAIN
Professor
Sa tingin niyo anong nangyari kay Fred? At anong ibig sabihin ni Pat na nasasaktan din si Fred?
Follow back ko kung sino ang makahula kung anong nangyari kay Dana. (Si Dana po ay yung dapat pakakasalan ni Fred.) Mababanggit kasi sa next chapter kung aning nangyari kay Fred at Dana.
Abangan niyo yung next mga susunod na chapter kasi passkit nang pasakit sa puso. Tsaka wag kayong masyadong magalit kay Fred hahaha kasi tulad ng sabi ni Pat. Nasasaktan din si Fred.
Salamat sa pagbasa! Ma-post ako ng panibagong video sa tiktok about Dating A Pornstar and Our Sweetest Pain kaya pakiabangan.
Tiktok Account: MisterCaptainWP
Twitter: MisterCaptainWP
Facebook Page: MisterCaptain
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro