Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29: BAGAY

CHAPTER 29
BAGAY


Wala ako sa sarili ng magising pero bumangon pa rin ako dahil kailangan kong pumasok para magturo. Sandali akong natigilan nang makita ang sariling repleksyon ng mukha sa salamin. Maga ang mga mata ko at hulo-gulo ang buhok.

Sa pagkakatanda ko ay halos ganito rin ang hitsura ko noong unang araw matapos akong iwan ni Fred. At ngayon na bumalik siya ay unti-unting bumabalik sa akin ang sakit ng nakaraan.

Nagsimula na akong magluto ng almusalan namin ni Crisha pero isa lang ang tumatakbo sa utak ko ngayong umaga –si Fred.

"Crisha, anak gising na." mahinang bulong ko habang tinatapik siya sa balikat.

Nakatatlong tapik pa ako sa balikat niya bago siya tuluyang magising.

"Nay bagay po kayo nung gwapong lalaki kagabi. Parang gusto ko siyang maging tatay." kwento ni Crisha habang kumakain kami. Sa sinabi niyang iyon ay muntikan na akong mahulog sa upuan at maibuga ang kapeng iniinom.

Juice colored! Aatakihin ata ako ng wala sa oras dahil sa anak kong ito. Kung alam lang niya na tatay niya ang bwisit na iyon. Bwisit, manloloko, sinungaling p-pero gwapo. Teka! Hindi iyon kasama, hindi siya gwapo. Bwisit , manloloko at sinungaling ang tatay niya. Walang gwapo na kasama.

Kasalukuyan na naglalakad kami ng anak ko papuntang paaralan. Malapit lang iyon sa aming bahay kaya naman hindi ako nahihirapan. Pero ngayon ay hindi ako mapakali. Alerto ang mga mata, kamay at paa ko. Natatakot ako na baka biglang sumulpot si Fred at guluhin na naman kami.

Flag Ceremony ay pinapila ko si Crisha sa mga estudyante ko. Naroon siya sa pinakainahan ng pila at ginagaya rin ang ginagawa ng mga estudyante ko. Napangiti na lang din ako nang malakas siyang kumanta ng Lupang Hinirang dahilan para lakasan din ng mga estudyante ko ang pagkanta.

Limang taon na si Crisha at Lupang Hinirang ang una niyang nakabisa at natutunan na kantahin dahil palagi ko nga itong isinasama dito sa paaralan.

Matapos ang Flag Ceremony ay nagsibalikan na sa kanya kanyang classroom. Magsisimula na sana akong magturo nang dumating si Glen. Bumati sa kanya ang mga estudyante ko at sinenysan ko naman sila na magbehave.

"Napadaan ka?"

Nagkamot muna siya sa batok at nahihiyang tumingin sa akin. "Happy Valentines Day." aniya sabay abot ng isang malaking bouquet at may chocolates pang kasama.

"Thank you and Happy Valentines Day pero hindi ka na sana nagabala ng ganito."

Sandali kaming nabalot ng katahimikan at mukhang nagkailangan parehas sa sitwasyon.

"Sige, alis na ako." paalam niya at tumango naman ako.

Nagsimula na akong magturo at pilit na itinuon ang atensyon sa mga estudyante. Ang bulaklka at chocolate na binigay ni Glen ay hindi ko kinubo at ang anak ko naman ay nakita kong panay amoy ang bulaklak.

Nang sumapit ang breaktime ay laking tuwa ko ng isa-isa akong binigyan ng mga estudyante ko ng letter na gawa sa colored paper na kulay pula at nakahugis iyon sa puso. At hindi rin nakalagpas sa kanila si Crisha dahil may mga nabgibigay din sa anak ko.

"Thank you, everyone." pasasalamat ko sabay pakita ng mga letter at bulaklak na binigay nila sa akin. "Happy Valentines Day." ani ko pa.

At akala ko ay magtatapos na doon ang lahat pero kumanta sila ng Happy Valentines Day na ang tono ay Happy Birthday. Napailing na lamang ako dahil sa creativity nila.

...

Kinahapunan ay walang pasok dahil nagkaroon ng maliit na celebration para sa aming mga guro. Isinama ko rin si Crisha dahil gusto daw niyang sumama.

Ang selebrasyon ay hindi gaanong kagarbo pero makikita mo sa mga kapwa ko ang saya. Kahit ako ay hindi ko rin maitago ang saya dahil yung mga ganitong pagkakataon ay mawawala talaga ang stress naming mga teacher.

"Nay, kailan kaya natin makikita ulit yung gwapong lalaki? Kasi noong makita at lumapit siya saakin may nararamdaman akong kakaiba dito sa puso ko." pagkwekwento ni Crisha habang sinisipa ang batong maliit na kanina pa niya pinaglalaruan sa pamamagitan ng pagsipa.

Bumuntong hininga ako at hindi alam ang sasabihin sa anak. Alam ko kung ano iyong nararamdaman niya. Lukso iyon ng dugo dahil si Fred naman talaga ang tatay niya.

Naalarma ako nang biglang bumitaw sa pagkakahawak ko si Crisha at tumakbo ito paplayo. Sinundan ko siya ng tingin at laking gulat ko ng makita si Fred na siyang nilapitan ng anak ko.

Agad umusbong ang galit ko nang makita ang sunod na ginawa ni Crisha. Itinaas niyo ang dalawang  kamay ni Crisha na nangangahulugan na buhatin siya ni Fred pero hindi niya iyon maggawa dahil may hawak siyang bouquet.

Halos magkadikit ang kilay ko, pigil ang hininga at pati na rin ang mga luha nang tuluyan akong makalapit sa pwesto nila. Ramdam ko ang kaba at hiya niya ibinigay sa akin ang hawak na bouquet.

"Happy Valentines Day!" aniya at kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya nasampal ko siya sa harap ng anak namin.

"Crisha, pumasok na tayo sa bahay." mariin kong sabi.

Ibinagsak ko ang bulaklak na binigay ni Fred at hinawakan ang kamay ni Crisha para umuwi na sa bahay.

Pagpasok na pagpasok namin ng bahay ay sunod sunod akong tinanong ng anak ko kung bakit ako umiyak, bakit ko daw sinampal iyong lalaki.

Hindi ko nasagot ang tanong niya sa halip ay niyakap ko na lang siya. "Mahal na mahal ka ni Nanay." sambit ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"Mahal din po kita Nanay."

Alam kong hindi dapat iyon nakita ni Crisha pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili kanina.

Gusto kong sigaw sigawan si Fred pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nang maggabihan ay nagsorry ako sa anak ko at sinabihan siyang wag gawin nag ginawa ko dahil masama iyon. Tahimik lang naman siya at hindi na nagtanong ng kung ano pa.

Niyakap ko ang anak ko nang mahigpit dahil natatakot ako sa mga posbileng mangyari sa mga susunod na araw.

Nauna nang nakatulog si Crisha pero heto ako at hatinggabi na pero mulat na mulat. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig pero biglang may kumatok.

Pumunta akong pintuan at sumilip muna sa may bintana para tignan kung sino ang kumatok at si Fred iyon. Binuksan ko ang pintuan at agad niya akong niyakap.

Ang yakap ni Fred ay muling nagdala ng mga alala namin pero nang matauhan ay itinulak ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong at pilit na hinihinaang ang boses.

Nakita ko ang mga mata niyang pagod at nanunubig. Hlatang oinipigilan niyang wag uniyak sa harapan ko. "Tin, magusap tayo please." nagmamakaawa niyamg sabi habang hawak hawak ang kamay ko pero hinila ko iyon.

"Umalis ka na." mariing kong sabi at nabigla ako ng bigla siyang umiyak. Lumuho siya sa akin at niyakap ang dalawa kong binti. "I'm sorry for everything. Just give me a chance to explain. Tin mahal na mahal kita." uniiyak pa rin niyang sabi at isinuksok ang mukha sa binti kong yakap yakap pa rin niya.

"Gagawin ko ang kahat patawarin mo lang ako." dugtong pa niyang sabi pero hindi ko siya pinakinggan. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa mga binti ko at itinulak siya palabas ng pintuan.

"Huli na ang lahat Fred. Mas pinili mo akong saktan at iwan noon kaysa ipaglaban ako." hindi ko namalayan na sa pagsbai kong iyon ay may luhang lumabdas sa aking psingi.

"Bakit? Noong nagmakaawa ba ako sa iyo pinagbigyan mo ako? Lumuhod ako at halos halikan ko ang sapatos mo at ang lupa para lang sa iyon pero anong sinabi mo, pang kama lang ako, na pangalis lang ako ng init sa katawan mo. Hinabol kita pero hindi mo inihinto ang sasakyan dahil mas pinili mo nung araw na iyon na saktan ako."

"At alam mo kung ano yung masakit? Na nandito ka ngayon sa harapan ko na nagmamakaawa sa eksaktong araw na iniwan mo rin ako."

Parehas kaming natahimik at tanging mga hikbi lang namin ang nanaig.




MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming maraming salamat po talaga sa mga nagbabasa at naghihintay ng updates ko.

Shout out po pala kay @Ryo_Jy na siyang pinakamasipag magvote at comment simula pa man noong una. You can also follow her and read her stories kasi magaganda.

Bukas ulit ako ma-update!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro