Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28: BISITA

CHAPTER 28
BISITA

     
"Good Morning Teacher Christine." bati ng mga estudyante ko ng makapasok kami sa room. Kakatapos lang ng flag ceremony.

"Good Morning class."

"Good Morning Crisha and good morning classmates." masiglang bagi nila. Ang anak ko naman ay magiliw na nakanhiti sa mga estudyante ko at kinawayan pa sila.

Sinasama ko parati si Crisha sa paaralan dahil wala sa kanyang magbabantay. Tsaka gusto rin naman niya iyon dahil tuwing breaktime ay nakakahalubilo siya sa mga estudyante ko.

Grade 1 ang tinuturuan ko at kailangan ng mahabang pasensya dahil makukulit ang mga ito. Wala naman akong nagiging problema sa klase dahil masaya ako sa pagtuturo at isa pa, ito ang pinaka pangarap ko.

Nagsimula akong magturo at matapos nun ay binigyan sila ng gawain. Bago maglibot sa buong classroom upang obserbahan sila ay binigyan ko rin si Crisha ng gawain na kung saan tine-trace niya ang sariling pangalan.

Kinahapunan ay hindi ko isinama si Crisha. Iniwan ko siya kay Aling Martha na kapitbahay namin. Tuwing hapon kasi ay natutulog ang anak ko at alam ko rin na pagod iyo ln kanina kakalaro sa mga estudyante ko.

Tulad ng nakasanayan ay maagang natapos ang klase. Alas tres natatapos ang klase ko dahil Grdae 1 lang naman ang tinuturuan ko. Mas maagang natatapos ang klase kumpara sa mga higher grade level. Mag-a-alas quatro na nang makaalis ako ng room dahil nagcheck pa ako ng mga quizzes.

Napadaan muna ako sa canteen para bilhan ng biscuit at inumin si Crisha dahil alam iong maghahanap kaagad iyon ng pagkain.

"Tin." tawag sa akin ni Sir Glen na kasama sina Maam Bianca.

Dahan dahan aking lumapit sa kanila dahil may mga dala akong libro na mabibigat. Pero napuno kaagad ng asaran nang patakbong lumapit si Glen at tinulungan ako sa mga bitbit ko.

"Kamusta si Crisha?" tanong ni Binaca na kapwa guro ko rin at maging si Glen.

"Ayon malikot pa rin at kung minsan naman ay pasaway." natatawa kong sabi at maski sila ay natawa na rin. Kilala rin kasi nila si Crisha na ganun, malikot at pasaway.

Nakita ko naman ang paglipat ng tingin ni Bianca kay Glen kaya napatingin an rin ako. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad na umiwas at ibinaling ang tingin sa iba.

"Magpaligaw ka na kasi Christine." tukso ni Bianca na tatlong taon lang ang tanda sa akin. Nakita ko naman na napakamot sa batok si Glen at nahihiyang ngumiti sa akin.

"Ano ka ba?! May anak na ako." sambit ko sa kanila at naupo sa tabi ni Glen.

"Ok lang naman sa akin." sabi ni  Glen at nanlaki kaagad doon ang mga mata ko.

"Ok naman pala eh. Tsaka gusto rin ata ni Crisha, ng anak mo itong si Glen. Kadalasan nga ay kapag wala iyon sa classroom mo ay sa room ni Glen iyon pumupunta."

Ilang minuto pa ang tinagal ng kwentuhan namin hanggang sa napagpasyahan ko na magpaalam na para umalis. Baka kasi hinihintay na ako ng anak ko.

"Hatid na kita." sabi pa ni Glen at nakita ko ang pagitap sa kanya ni Bianca. "Ang harot mo Sir" biro niya.

"Konti lang" rinig kong bulong ni Glen sabay kindat sa akin.

Hindi na ako nakatanggi sa paghatid sa akin ni Glen dahil naunahan niya akong buhatin ang mga libro. Habang pauwi kami  ay napagusapan namin ang tungkol sa mga estudyante namin at syempre hindi nakalagpas sa uspan namin ang anak kong si Crisha.

"Handa akong maging tatay para kay Crisha." sambit niya at alam ko kung ano ang ipinahihiwatig niya sa sinabing iyon.

"Alam ko pero hindi pa talaga ako handang pumasok muli sa relasyon. Tsaka ayokong paasahin at masaktan ka." paliwanag ko at mapait siyang ngumiti.

Malayo pa man sa mismong pintuan ng bahay ay naririnig ko na ang boses ni Crisha.

"Ang gwapo niyo po. Nasa school lang si mama, siguro naghahanap na ng magiging tatay ko, ang tagal umuwi eh." rinig kong sabi ni Crisha at agad akong kumunot ang noo ko.

Nagkatinginan naman kami ni Glen at tila nagtataka sa mga pinagsasasabi ni Crisha. Napakasaldal at kung ano-ano talaga ang sinasabi ng batang iyon.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Crisha na may kausap na isang lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi ko kilala kung sino pero sa pangangatawan at pananamit niya ay alam kong hindi siya tagarito.

"Mama, nandito ka na. May bisita tayong gwapo." pagimporma niya sa akin sabay lapit.

"May bisita ka pala." sabi ni Glen at bumulong ako sa kanya na hindi ko alam na may bisita ako.

"Teacher Glen." tawag ng anak ko sa kanya sabay kaway. "Pasok ka." paganyaya ko pero tumanggi siya dahil gagabihin daw siya sa daan

"Ingat ka" sabi ko na lang at sinundan siya ng tingin nang naglakad siya palayo.

Pumasok ako sa loob ng bahay at tsaka bumalik sa isip ko ang bisitang sinasabi ng anak ko.

At tumigil ang mundo ko...

Agad akong namutla at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Fred. Gusto kong sugurin siya, sampalin at suntukin siya pero hindi ko maggawa dahil mas inuna kong pigilan ang mga luha ko na pumatak.

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong at naglakad papunta sa kanyang kinauupuan.

"Ang tagal kitang hinanap Tin." sabi niya pa at tuluyan ng  tumulo ang mga luha ko. Muling bumalik sa akin ang mga alaala ng nakaraan. "Bumalik ka na. Maraming naghihintay sa iyo."

"Nanay bakit ka umiiyak?" napatingin ako kay Crisha na hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala.

"Nagpapractice akong umiyak." palusot ko sabay punas ng luha sa pisngi.

"N-nanay.... b-bakit?" nabigla ako ng biglang umiyak si Crisha at nagtatakang tiningnan siya dahil sa sinabi.

"Anong nangyari sa'yo?" nagaalala kong tanong at bigla siyang tumawa.

"Magaling na po ba akong umarte? Pwede na ba akong magartista?" sabi niya. "Gusto ko ding magpractice umiyak."

Juiceko! Nakakaloka itong anak ko. Nagdadrama ako kanina at palusot ko lang sa kanya ang acting skills ko pero hinaya din ako. Moment ko yung kanina pero inagaw niya.

"You're good on acting." papuri sa kanya ni Fred at agad ko siyang tiningnan ng masama.

"Oh my gosh dumugo yung ilong ko nanay. Nag-english siya." sabi ng anak kong konti na lang ay tatampalin ko na ang bibig, joke!

"Ano pang ginagawa mo dito? Lumayas ka na. Wala akong babalikan." galit kong sabi at nagiba bigla ang kislap ng mga mata niya. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko.

"Ihahatid ko na po kayo palabas." maggalang na sabi ng anak ko kay Fred at hinatid nga siya palabas habang ako ay pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit.

Napasandal ako sa pinto ng kwarto at doon ko inilabas ang pagpgligil sa nararamdman ko kanina. Akala ko ay wala na yung sakit pero andito pa rin pala. Akala ko nakalimutan ko na siya pero hindi pa pala.

Hindi ko na siya mahal. Pilit kong pinaniniwala ang sarili doon.

Wala akong babalikan. Hindi ako aalis at masaya na kami ditong naninirahan ng anak ko. Iniwan niya ako at sinaktan pero nandito siya ngayon para pabalikin ako.

Hindi ba niya alam na kapag iniwan mo ay wag mo ng balikan.

Paglabas ko ng kwarto ay halos atakihin ako sa puso nang makita kong nakakalong si Crisha kay Fred at kumakain ito ng ice cream.

"Anak akala ko ba hinatid mo siya palabas ng bahay?"

"Oo nay, hinatid ko siya palabas ng bahay pero bumalik ulit siya. Sinabi niya ililibre niya ako ng ice cream kapag pinapasok ko siya sa bahay ulit. Hindi sana ako papayag dahil estranghero siya pero masarap itong ice cream tsaka ang gwapo niya Nay." napasapok ako sa noo sa paliwanag ng anak ko.

"Doon ka muna sa kwarto mo Crisha, kakausapin ko lang siya." utos ko at agad naman siyang bumaba sa kandungan ni Fred. Hinintay ko muna siyang makapasok sa kwarto bago lumapit sa bwisit na bisita.

Hinila ko ang damit ni Fred palabas at hindi siya umalma doon. Matapos nun ay itnulak ko siya palabas ng bahay.

"Wag ka nang manggulo pwede ba? Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa akin noon?" umiiyak kong sabi at akmang lalapit siya sa akin para yakapin ako pero agad kong isinangga ang dalawang kanay.

"Lumayas ka na. Hindi kita kailangan. Wala ka dapat dito." sigaw ko pa. Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

Lumapit siya sa akin at inilapit ang labi sakto sa aking tainga. "Anak natin siya Tin at hindi ako aalis hanggang hindi ka bumabalik sa akin." bulong niya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Alam niya, alam niyang anak niya si Crisha.

Matapos nin ay umalis siya at halos manlambot ang katawan ko at hindi maisarado ng maayos ang pintuan ng bahay.




MISTERCAPTAIN
Professor
July 28, 2021

Manghuhula po si Fred hahaha.
Ang tanong, paano nalaman ni Fred? May hula ba kayo.

Welcome new readers and followers. Alam kong galing kayong tiktok hahaha. Maraming salamat sa mga nag-add nitong story sa library at reading list st syempre sa mga nagbabasa.

Ma-update ako bukas!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro