Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27: CRISHA

CHAPTER 27
CRISHA

    
Nakangiti ako habang naglalakad pauwi. Pagod man galing ss trabaho pero walang makakapantay sa nararamdaman ko dahil natupad ko na rin ang pangarap ko.

Limang taon ang nakalipas simula ng magbaging buhay ako. Ang iwan ang mundong minsan akong pinatay. At ngayon ay sa simpleng pamumuhay naranasan ko ang kapayapaan at hindi husgahan ng taong nasa paligid ko.

Naglalakad lang ako pauwi sa mumunting bahay namin dahil malapit lang naman itong school. Sa loob ng limang taon ay pinagpatuloy ko ang buhay sa pamamagitan ng pagkamit ng sarili kong pangarap.

Nagaral ako sa college at nagtapos sa kursong Educ. Ngayon ay isa na akong guro na nagtututo sa elementarya.

"Ay lintik." wala sa sarili kong sabi ng makita ko si Crisha na nasasampay ng mga damit na mukhang nilabhan niya.

"Anak bakit mo iyan nilabhan? Ang sabi ko sa iyo ay makipaglaro ka hindi maglaba." saway ko sa kanya.

Pumasok ako sa bahay at inilapag ang aking gamit. Lumabas akong muki at nandun panrin si Crisha na nagsasampay. Limang taon si Crisha at dahil hindi niya abot ang sampayan ay nakatunting ito sa upuan.

Lumapit ako kay Crisha at pinababa siya. Napakamot siya sa ulo ng ako ang nagpatuloy ng pagsasampay. "Nanay pagod ko kaya ako na ang naglaba." pagtatanggol niya sa sarili.

"Hindi ako pagod at tsaka ako ang nanay dapat ako ang naglalaba. Hala makipaglaro ka doon." sabi ko sa kanya sabay turo sa mga bata na naglalaro.

Tinapos ko ang sanpayin at tsaka napagpasyahan na magsaing. Matapos nun ay lumabas ako ng abahy upang magabang sa bangkang papadating.

Ang bahay namin ay malapit sa dagat. Wala ako niong pera kaya napagpasyahan ko na maglako ng isda bilang pantustos sa sariling pabgangailangan. Binibigyan naman ako noon ni Dan pero ayaw kong umasa ng umasa sa kanya.

Nang magsidatingan ang mga bangka na may lulan ng mga isdang napangisda ay agad nagsilapitan ang mga tao.

"Christine, bibili ka ba?" tanong sa akin ni Mang Omeng. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mga isdang nasa malaking palanggana.

Matapos makuha ang isdang nabili ay nakita kong patakbo na lumapit sa akin ang anak ko. "Nay, tulungan na kita." aniya at sinubukang kunin sa akin ang isdang nasa supot na dala-dala ko.

"Ang sabi ko maglaro ka."

"Nay ayokong magloro. gusto kong tunukong sa iyo." pagmamataktol niya pa at nakita ko ang pagsimangot niya

"Panoorin mo na lang ako kung paano gawin ang gawaing bahay." at muling lumiwanag ang mukha niya at nakangiting niyakap ako.

"Lab kita mama."

"Lab din kita."

Malisting nakinig si Crisha sa mga sinasabi ko habang pinapanood niya ako sa gawaing bahay. At ang pagkamangha ay makikita sa kanyang mga mata. Halatang gustong gusto niya talaga na tumulong sa akin.

"Ang sarap ng ulam natin nay pero mas masarap kapag sardinas ang ulam natin." kwento niya habang hinihimas ang tiyan matapos naming kumain ng gabihan.

Sandali kaming nagpahinga at nagkwentuhan ng anak ko tungkol sa mga nangyari sa buong araw namin. Iniwan ko kasi siya rito sa bahay kanina dahil hindi ko siya pwedeng dalhin sa school sa kadahilanan na mago-observe ang principal namin.

Kasalukyan kaming naglalakad papuntang simbahan para bisitahin si Dan. Halos kasi gabi-gabi kaming pumupunta ng anak ko sa simbahan upang tumulong sa paghahanda ng mga pagkain para sa mga sakristan, pari at mga naroroon.

"Nay, bilisan mo." natatarantang sabi niya at para bang may tinatakasan sa kung saan.

"Anak baka ka madapa." sabi ko at pilit na pinapabagal ang lakad.

"K-kasi po sinusundan tayo nung buwan." aniya sabay turo sa napakaliwanag na buwan at natawa naman ako doon.

Ipinaliwang ko sa kanya na hindi kami sinusundan ng buwan pero dahil bata pa siya at hindi siya naniwala sa akin at mas pinaniwalaan ang nakikita. Sumusunod daw talaga ang buwan sa kanya.

Nang makarating kami sa simbahan ay naabutan pa naming abala sa pakikipagusap si Dan sa pamilya at kamaganakan nung taong minisahan at nilibing kaninang umaga.

Si Crisha naman ay magiliw na nakisama at nakipagusap sa mga matatandang naririto sa simbahan. Sinayawan at kinantahan niya ang mga ito na siya namang ikinapapalakpak at ikinatutuwa nila.

Habang ako naman ay tumulong sa pamamahagi nang kakalutong lugaw at tinapay sa mga bata at mga matatandang palaboy na pinatutuloy rito sa simbahan.

"Father" masiglang tawag ni Crisha at patakbong lumapit kay Dan. Nang tuluyang makalapit ay nagmano agad ito.

Matapos ang pamimigay ng pagkain ay sunod namin silang tinulungan sa mga hihigaan nila para sa pagtulog mamaya.

"Father" saad ko sabay mano kay Dan.

Ang pagbabago ko ay kasabay rin ng pagbabago ni Dan. Mula ng umalis kami sa lungsod ng Manila ay siya ring pagiwan namin sa trabahong makasalan ngunit nagbigay tulong sa amin noon.

Nang malaman kong buntis ako ay pumunta kami ni Dan sa isang lugar na kung saan walang nakakakilala at hindi kami huhusgahan. At hanggang ngayon ay naririto kami at patuloy na namumuhay ng payapa.

Sa pagbubuntis ko ay si Dan ang katuwang ko. Sa bawat pangangailangan at paglilihi ay siya ang pumuno. Kasabay ng pagtulong niya sa akin ay ang paglingkod niya sa diyos. Pumasok siya sa seninaryo hanggang sa tuluyan siyang maging pari dito sa baryo.

"Kamusta kayo?" tanong ni Dan.

"Maayos naman kami medyo nangangailangan lang sa pera kasi hindi pa ako sumesweldo eh mag-aaral na si Crisha sa pasukan."

"May pera akong nakatabi dito Tin. Hindi ba't sabi ko magsabi ka sa akin." saad niya.

"Hindi na Father. Malapit na rin naman aking sumweldo. Makakaraos kami."

"Oh sige, pagpalain kayo ng maykapal. Basta bukas ang simabahan sa kahit sinong naangangailangan at handa akong tumulong sa inyo. Kaibigan mo ako Tin at wala doong magbabago kahit ano pa man ang mga pagbabagong nangyari sa buhay natin." seryosong saad niya at hindi ko maiwasan na matawa kay Dan.

Malamang sa malamang kung naririto si Pat at nakita niya ang pinagbago namin ay baka mahinatay iyon sa kakatawa pero ganun pa man ay hinihiling ko na nasa mabuting kalagayan siya at nakaalis na rin siya sa dating mundo niya na tinatawag na club.

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa simbahan hanggang  sa napagpasyahan na naming bumalik ng anak ko sa bahay. Habang tahak tahak ang daan papuntang bahay ay tuluyan na siyang nakatulog sa aking balikat. Marahil ay napagod kanina sa simbahan.

Sa mga nakalipas na araw, buwan at taon ay hindi ko rin maiwasan na isipin ang pamilya ko. Kamusta na kaya si nanay at ang mga akaptid ko. Minsan mang pinapili ako ay tinalikuran ang lahat nang tungkol sa kanila ay hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa pamilya. Nagkataon lang na mas pinili ko ang kasiyahan ko, si Fred na kalaunan ay nauwi sa isang kasi kasinungalingan na siyang ginawa ni Fred.

Ito ang panibagong buhay ko, buhay namin. Masaya ako sa kung ano ako ngayon at kung saan ako narating ng mga sakit ng nakaraan.

Pagpasok ko sa bahay ay dahan dahan kong inihiga si Crisha sa higaan namin. Kinumutan ko siya at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto. "Mahal na mahal kita Crisha, anak ko." sambit ko.

Isinasara ko ang mga bintana at pintuan ng aming bahay pero sandali akong natigilan nang may mahagip ang aking mata. Mata na pamilyar at hinihiling ko na hindi siya iyon at guni-guni ko lang sana.

Pumasok muli ako sa kwarto namin ni Crisha at naabutan ko siya yakap yakap ang sandayan. Mukha siyang nananaginip dahil may binabanggit siya na salita na hindi ko alam kung maibibigay ko sa kanya.

"Gusto ko ng tatay." sambit ng anak ko.

Ang buong gabi ko ay nabalot ng kung ano-anong tanong at takot. Bukod sa gusto ng tatay ni Crisha ay nakita ko rin ang mata ng kanyang tunay na ama. Ang mga mata ni Fred sa ilalim ng dilim.

Hinayaan ko na tumakbo ang mga iyon sa utak ko hanggang sa dalawin ako ng antok.

Sana ay hindi iyon si Fred. Hiling ko bago tuluyang ipikit ang nga mata.



MISTERCAPTAIN
Professor

Happy 3k reads! And road to forever este road to 1k followers na tayo. Welcome new readers and followers.

You can follow me on my social media accounts:

Facebook Page: MisterCaptain
Twitter: MisterCaptain WP
Tiktok: MisterCaptainWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro