Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23: RUMORS

CHAPTER 23
RUMORS


Matapos matanggap ang text ni Fred ay hindi ako nagreply. Itinigil ko rin ang pagiyak ko dahil ayokong magalala sa akin si Pat. Gabi na ng makaalis si Pat, ayaw pa sana niyang umalis dahil nagaalala siya sa akin pero sabi ko ay ayos lang ako.

Ayos lang ako. Iyon ang sinabi ko pilit na pinaniniwala sa sarili pero noong tuluyang umalis si Pat ay doon lumabas ang tunay kong nararamdaman. Umiyak ako ng umiyak habang hinahanpas ang unan dahil sa galit at buong magdamag ay iyon lang ang ginawa ko.

Kinabukasan ay nagisinh ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Maga ang mata ko at masakit ang puso ko dahil sa nangyari.

Napatingin na naman muli ako sa singsing na suot ko at nagbabadya na naman ang mga tubig sa mga mata ko na tumulo. Hindi ko na nakayanan na pigilan pa ang nararamdaman kaya ang hikbi ay nauwi muli sa hagulgol.

Tanghali na ng mapagpasyahan ko na bumangon. Wala ako sa sarili na kumain ng tanghalian dahil patuloy na tumatakbo sa utak ko ang inilabas na statement ni Fred.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng maalala ko ang schedule ni Fred sa mga shooting niya. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa amin.

Dinalian ko ang paghugas sa pinagkainan at matapos nun ay inayos ko na rin ang sarili. Pagkaligo ko ay pinagisipan ko pa ang sasabihin ko at magiging reaksyon kapag nagkita kami.

Alam kong hindi pa kami hiwalay. Mahal ako ni Fred.

Suot ang mask at sumbrero ay sumakay ako ng taxi. Sa mga nakalipas na taon ay nasanay na ako na ganito palagi ang suot ko tuwing lalabas.

Pagdating ko sa lugar kung saan ang shooting ni Fred ay bumungad sa akin ang mga taong nagkukumpulan para manood sa shooting.

Naglakad ako papalapit doon at nakisksik para makarating sa unahan at makita ang nangyayari.

Kasalukuyan na naguusap si Fred at Dana. Ilang sandali pa ay hinalikan ni Fred si Dana. Nakadama ako ng selos pero pinaalalahan ko ang sarili na acting lang yan na kailangan sa movie.

"Cut" sigaw ng direktor sa kanila pero parang gumuho ang mundo ko ng pinagpatuloy ni Fred ang halik kay Dana. Nanubig ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila at tuluyan itong tumulo ng marinig ko ang hiyawan at sigawan ng ilang manonood para sa kanila.

Umiiyak akong umalis doon dahil alam kong pagnagtagal pa lalo ako ay hindi ko kakayanin ang mangyayari.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Dan para puntahan ako rito upang sunduin. Ilang minuto ay dumating siya at ang una niyang ginawa ay niyakap ako.

"Ang sakit sakit Dan." umiiyak kong sbai habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Kaya ko naman tanggapin ang lahat basta magpaliwanag lang siya pero hindi eh."

"Ssshhh" pagtahan sa akin ni Dan habang hinahaplos ang buhok ko.

Umiiyak akong inalalayan ni Dan pasakay sa sasakyan niya. Habang nagdadrive siya ay nakatingin lang ako sa bintana at tinatanong ang saril.

Saan ako nagkamali? Saan ako nagkukang? Bakit?

Umiyak lang ako sa buong biyahe hanggang sa namlayan ko na lang na may tumapik sa balikat ko. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko ay bumungad sa akin si Dan at inabutan ako ng pagkain.

"Salamat." sabi ko at ngumiti lang siya.

Sinimulan ko ang pagkain habang siya naman ay ay pinapanood lang ako. "Nagandahan ka na naman sa akin." 

"Palagi naman." mahina niyang bulong. Sapat lang para marinig ko.

Ilang sandali pa ay may narinig akong tunog at napalingon ako sa kung saan nanggaling ang tunog. Saktong pagtingin ko kay Dan ay pinicturan niya ako. Puno ang bibig ko pero hindi na ako nagatubili na lunukin iyon ng mabilis sa halip ay nagposing ako at tumatawa naman si Dan dahil siguro sa hitsura ko.

Matapos kumain ay tsaka ko lang natanong siya kung nasaan kami. Ang sagot niya ay nasa laguna kami na siyang ipinagtaka ko. Anong gagawin namin dito sa Lagina?

"Pupunta tayong Enchanted Kingdom." saad niya habang nakatingin sa daan. Tumungo na lang ako at pinagmasdan ang nga establisyementong mga nadadaanan namin.

Nang makarating kami ay hindi ko alam ang gagawin. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar. Sandali akong nagpaalam kay Dan para pumuntang CR habang siya naman ay naghahanap ng mapaparkingan.

Palabas na ako ng banyo ng tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at isang message iyon na galing kay Pat. Ang akala kong message ay video pala. Binuksan ko iyon dahil mukha ni Fred ang nasa simula.

Isang patak, pangalawang patak hanggang sa tuluyang maging luha ang nangyari nang mapanood ko ang buong video. Panibagong statement na mula kay Fred na nagsasabing magpapakasal silang dalawa ni Dana.

Magpapakasal silang dalawa ni Dana

Magpakasal silang dalawa ni Dana

Magpakasl silang dalawa ni Dana.

Hanggang kailan ba ako mananatili ang tiwala ko? Hanggang saan ako kayang dalhin ng pagmamahal ko para kay Fred? Konti na lang ay gusto ko ng sumuko, sumuko sa amin.

Paulit ulit na siyang tumatakbo sa isipan ko pero wala akong ibang maggawa kundi ang piliin na wag maniwala hanggang hindi ko pa nakakausap ng harapan si Fred.

Hindi ako maniniwala hanggang hindi siya mismo ang nagsasabi at nagpapaliwanag sa harapan ko tungkol sa mga sinabi niya sa publiko.

Paglabas ko ay inayos ko ang sarili dahil ayokong mahalata ni Dan na muli ako umiyak. Mula sa malayo ay sinalubong ako ni Dan na nakangiti at sinuklian ko iyon ng plastik na ngiti. Nang tuluyang makapalit sa akin ay  inilagay niya ang kamay sa uluhan ko at ginulo ang buhok ko.

Naglakad kami papunta ng entrance ng enchanted kingdom pero bago tuluyang makapasok ay inilahad niya ang kamay sa harapan ko. Tinitigan ko muna ito hanggang sa napagdesisyunan na tanggapin iyon.

Ipinatong ko ang kanang sa kamay niya at magkaholding hands kaming pumasok. At ganun lang kami kasabay ng pagtakbo ng oras. Magkahawak ang aming mga kamay sa bawat rides na sinakyan namin at maging sa pinagkainan namin.

I'm sorry Fred.




M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pagbasa! Sino ang tama at sino ang mali?
Si Fred ba na tapos na ang shooting pero patuloy pa rin ang paghahalik o si Tin na kasama si Dan na magkahawak kamay? Owshie!

Professor

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro