Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: YOU'RE BEAUTIFUL

CHAPTER 2
YOU'RE BEAUTIFUL

"Ate birthday ko na next week. Baka naman may pera ka dyan? Gusto ko kasing magpaparty." sabi ng kapatid ko na si Christina mula sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Akala ba niya ay sobrang dali nitong trabaho ko. Akala ba nila ay matapos akong bumukaka ay masaya ako sa perang nakukuha ko.

Wala naman sanang problema kung magpaparty siya pero hindi man lang ba niya naisip na ang perang pinagkukunan ko ay hindi lang basta basta.

"Sige, susubukan kong magpadala bukas." sabi ko na lamang. Wala rin naman akong maggagawa kundi ibigay na lang din ang kanyang luho. May sasabihin pa sana ako sa kanya kaso agad niyang pinatayan ang tawag.

May mga pagkakataon na malaking pera ang nakukuha ko mula sa kliyente at manonood pero syempre nagiipon rin ako ng pera. Ayoko naman na tumanda sa ganitong sitwasyon, kahit papaano ay gusto kong makaalis sa mundong pinagtatrabahuhan ko sa lalong madaling panahon. Gusto kong makaalis dahil may pangarap ako na gusto ko ring tuparin balang araw.

"Girl, pili ka na rito." sabi sa akin ni Pat sabay pakita ng mga dress niya matapos ang tawag ng kapatid ko.

Nandito ako ngayon sa apartment ng kaibigan ko na si Patricia dahil manghihiram ako ng dress na isusuot ko mamaya para sa date namin ni Fred. Tulad ko ay pokpok rin siya pero ang pinagkaiba nga lang ay sa club siya nagtatrabaho. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya naman ay kung minsan naaawa ako sa kanya dahil napakaaga niyang mapunta sa ibang klaseng trabaho.

Pinasok ni Pat ang trabaho sa club dahil kailangan niya ng pera para mahanap at ang kanyang anak na isang taon ng nawawala. Iyon lang ang nakita niyang paraan para mas mabilis kumita ng pera.

Sobrang nakakalungkot ng sitwasyon niya dahil sino ba naman ang ina ang gustong mawalay sa anak niya. Kaya naman kung minsan ay tinutulungan ko siya sa paghahanap sa kanyang anak pero natatapos ang araw ay wala akong maggawa para pagaanin ang loob ni Pat.

Isa-isa kong tiningnan ang mga dress na nakalatag sa kama niya at namili ng susuotin para sa date namin ni Fred.

Isang buwan na ang nakalipas mula ng maging textmate kami ni Fred. Kung minsan ay magkatawagan kami, hindi ko pa man tuluyan siyang nakikita ng personal pero kinikilig na ako. At sa pangalawang pagkakataon ay inaya niya ulit ako na makipagdate sa kanya. Syempre may landi naan ako sa katawan kahit papaano kaya pumayag na ako, tsaka para makita ko na rin siya sa personal.

"May pera ka naman kasi bakit hindi ka na lang bumili? Kuripot much si Ate Girl." aniya.

"Bakit pagbumili ba ako ng dress hindi na ako magiging pokpok?" sabi ko.

"Shunga, ang ibig kong sabihin ay hindi masama bumili ng pansarili mong gamit. Ikaw nga ang nagtatrabaho para sa pamilya mo pero ni isang beses ay hindi ka pa gumastos ng pera mo para sa sariling kagustuhan mo." pangangaral pa niya.

"Ok lang yun." wala sa sarili kong sabi.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Pat. Ni isang beses nga ay hindi pa talaga ako nakabili ng kahit anong gamit para sa sarili ko. Ang lahat kasi ng pera na sinasahod ko ay diretso sa pamilya namin at pagkain ko sa araw-araw.

Matapos makapili ng damit ay tinulungan na akong mag-ayos ni Pat. Parehas kaming maputi, may katangkaran at balingkinitan ang pero syempre mas maganda ako.

"Baka naman niloloko ka lang na siya si Frederick Montesano na yan." aniya. "Tatawanan talaga kita kapag scam yan hahaha."

Nang matapos ang pagaayos ay ilang minuto rin kaming naghintay sa text ni Fred dahil hindi ko alam kung saan kami magdedate.

"Malay mo sa KFC pala kayo magdate hahaha." biglang salit na naman ni Pat. Minsan talaga ay wala siya g maggawa sa buhay.

"Anong KFC? Sa Kentucy Fried Chicken?" sabi ko.

"Kikiam, Fish Ball at Chicken Ball."

"Eh ano naman ngayon? May nakakatawa ba dun?" seryoso kong sabi.

"Ang seryoso mo girl, pinapatawa lang kita para mawala yung kaba mo." sabi niya pa sabay hampas sa pwetan ko.

"Pupunta na ako." paalam ko sa kanya nang matanggap ang text ni Fred.

"Ingat ka friend. Hindi pa ako nakakapatahi ng damit para sa burol." biro niya pa. Gago! Nagsisimula pa lang yung kwento gusto na niya agad akong patayin.

Nang huminto ang taxi sa lugar na sinabi ko ay bumuntong hininga muna ako bago bumaba. Nanginginig ang mga paa ko habang papalapit sa restaurant na tinext ni Fred.

Sa labas pa lang ay kitang kita na tanging mayayaman lang talaga ang nakakaapsok dito. Mas lalo tuloy akong nanlamig at kinabahan dahil kung siya man talaga si Fred na artista, masasabi king sobrang layo ng agwat naming dalawa.

Nahiya naman ako sa guard na nagbukas ng pintuan ng restaurant. Ngayon lang ako nakapunta sa mga ganitong lugar kaya di ko alam kung ano ang gagawin.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng isang magandang babae. "This way Ma'am." aniya at itinuro sa akin ang direksyon.

Ma'am ang tawag sa akin. Wew!

At tumigil ang mundo. Take note boses yun ni Moira.

At tumigil talaga ang mundo ko nang makita ko ang nakatayo na si Frederick Montesano. Paano ba yan Pat? Nasa akin ang huling halakhak dahil hindi ito scam.

Hindi ko namalayan napahinto pala ako sa paglalakad at bumalik na lamang ako sa katinuan ng maramdaman ko na pumulupot ang kanang kamay niya sa beywang ko at inalalayan akong makarating sa table na pinanggalingan niya.

Dug.Dug.Dug. Sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko ay rinig na inig ko ito.

Inalalayan ako ni Fred na makaupo bago siya maupo sa tapat ko.

"Hey, why are you crying?"

"Wag kang magenglish dahil hindi ako masyadong nakakaintindi ng english. Hindi rin ako marunong magenglish kaya wag mo akong pahirapan." pagtatapat ko sa kanya. "Highschool lang ang natapos ko." dugtong ko.

"I like your honesty, it makes you more beautiful." narinig ko pang sinabi niya. Sinabing wag magenglish.

"Bakit ka nga pala umiiyak?" tanong niya.

"Becos of tirs of cry." pinilit king magenglish.

"Tears of joy yun." pagtatama niya.

"Mali yung itinuro nung teacher ko nung elementary eh."

Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Panigurado ako na noong umulan ng kagwapuhan ay nasalo niya lahat. Sandali akong natigilan sa ginagawa ng inilahad niya ang kamay sa harap ko.

"I'm Frederick Montesano." pagpapakilala niya.

"Ako si Tin." pagpapakilala ko naman at nakipagkamay ako sa kanya. Hindi ko muna pinakilala ang buong pangalan ko dahil mas mabuti na iyon. Nasisiguro ko naman kasi na ito ang una at huling beses na magde-date kami.

Habang naghihintay ng pagkain ay ang dami ko sa kanyang naikwento. Minsan natatawa siya na nagiging sanhi kung bakit lalo ko siyang nagiging crush. Nakakadiri nga lang dahil sa tanda kong ito ay may pa crush-crush pa akong nalalaman.

Naiyak ako kanina dahil hindi ako makapaniwala na ang dating crush ko noon na sa malayo ko lang nakikita ngayon kaharap ko na. Hindi lang kaharap, kadate pa.

"You're beautiful." papuri niya sa akin habang kumakain kami.

"Akala ko my p*ssy is so tight." at bigla siyang nasamid sa sinabi ko.

Bihira lang ako makatanggap ng ganung papuri dahil ang laging sinasabi sa akin ng iba ay 'my p*ssy is so tight'.

"Sorry" paghihingi ko ng paumanhin. May pagkain nga pala sa harap namin.

"It's okay."

Juice ko! Nakakahiya ka Tin!

MISTERCAPTAIN
Professor
July 21, 2021

Btw, gawa gawa lang po ng imagination ko kung paano sumahod si Tin mula sa porn sites. Wala akong alam sa mga ganyan pero ni-imagine ko na lang na para siyang sa youtube hahaha. Kung paano kumita ang mga youtuber.

Salamat sa pagbasa!

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro