CHAPTER 14: VISITS
CHAPTER 14
VISITS
Kakatapos lang ng shooting namin ni Dan ng mapansing kong nakatulala siya sa isang tabi. Abala ang lahat sa pageempake ng gamit kaya walang nakakapansin sa kanga.
Naglakad ako papalapit kay Dan at nakita ko ang pagpahid ng luha niyang pumatak. Nang makita ako ni Dan ay mataman lang siyang ngumiti.
"Ok ka lang?" tanong ko.
"Ang gwapo ko." pagiiba niya at sinuntok ko siya ng mahina sa balikat. "Seryoso ako Dan. Ok ka lang ba talaga?" tanong kong muli.
"Ang gwapo ko nga." sagot niyang muli pero kita ko ang panunubig ng mga mata niya.
Sa pangatlong beses ay muli ko siyang tinanong. "Ok ka lang?" at doon na siya tuluyang uniyak at niyakap ako. Hindi man alam ang dahilan ng problema niya ngayon pero naiiyak na rin ako sa kanya. Kaibigan ko si Dan kaya nasasaktan ako para sa kanya.
"Itinakwil na ako ng pamilya ko." umiiyak niyang sabi habang hinihinas ko ang hubad niyang likod, naka boxer short lang kasi siya habang ako naman ay nakasuot lang ng t-shirt walang kahit na panloob na suot.
"Hindi lang siguro nila maintindihan bigyan mo sila ng panahon na iproseso iyon." pangangaral ko. Kung ano yung nararamdmana ni Dan ay ganun din ang naramdaman ko noong itinaggi ako ng kapatid ko.
Ilang minuto kaming nanatiling ganun hanggang sa napagpasyahan namin na umalis. Dumiretso kami sa pad niya at doon niya muling nilabas ang sama ng loob.
Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan ko na unalis sa pad ni Dan. Siniguro kong okay siya sa pagalis ko dahil ayaw kong maiwan siya na magisa at solohin ang problema.
Walang malas na tao. Maaring nagkamali ka pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka ng kwenta.
Napatingin ako sa cellphone ng tumunog ito. Agad kong biniksan ang message ng makita ang pangalan ni Fred.
Fred:
I love you Christine.
Me:
I love you too Fred.
Papauwi na sana ako sakay ng taxi ng bigla kong maisipan na bumisita sa shooting place nina Fred. Sinabi ko ang address ng shooting place nina Fred at agad iniba ng driver ang daan na tinahak namin.
Alam ko ang schedule ni Fred sa lahat ng shooting at pictorial kahit mga lugar na mga pupuntahan niya ay alam ko dahil ganun siya ka-open sa akin. Siya mismo ang nagsabi ng lahat sa akin, ng mga ginagawa niya. At sabi pa niya ay pwede akong bumisita.
Ito ang inang beses kong bibisita dahil andun pa rin sa sarili ko ang takot na husgahan ng mga taong nasa paligid sa oras na makilala nila ako.
Pagbaba ko ng taxi ay dahan dahan akong naglakad papalapit sa mga taong nagkukumpulan na mukhang nanonood ng shooting. Nang makalapit ay agad kong nakita si Fred at ang ka-love team niyang si Dana.
"Hindi kita kailangan. Umalis ka na. Ginamit lang kita at hindi kailanman kita mamahalin." maemosyon na sigaw ni Fred at hinabol naman siya ni Dana.
"Maawa ka Fred, wag mo akong iwan. Mahal kita." umiiyak na sabi ni Dana habang nakaluhod sa harap ni Fred.
"Cut" malakas na sigaw ng director at agad nagsilapitan ang mga assistant ni Fred sa kanya. Todo alalay ang nga ito at panay ang punas sa pawis niya.
Ilang kinuto ang lumipas ay pinagmasdan ko lang si Fred. Bawat galaw niya ay sinundan ko ng tingin. Kasalukuyan siyang nakatapat sa isang electric fan at nakatingin sa cellphone. Kumunot naman ang noo ko ng makita siyang nakangiti, ngiting halos mapunit.
Hindi ko alam kung ano ang tinitingann niya sa cellphone pero nakasama ako ng selos kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
Mula sa malayo ay kita ko ang pagsagot niya sa tawag ko. Kung ano yung ngiti niya kanina habang tinitingan ang cellphone ay ganun pa rin ang ngiti niya ng sinagot ang tawag.
"Baby." bungad niya mng sabi.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Nakita ko ang pagkagat niya sa labi at napakamot sa batok bago siya sumagot.
"Tinitingnan ang stolen pictures mo sa cellphone ko." ata agad ako dung kinilig. Taena! Maling hinala ako. Akala ko ay may babae siya.
Napasapok ako sa noo ko dahil mali ang ginawa kong pagduda sa kanya.
"Baby? Are you there?" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita muli si Fred. Sa sobrang kilig ko ay nakalimutan kong kauspa ko nga pala siya sa cellphone.
"I'm here on your shooting place baby." matary kong page-english. Duh! Umaasenso na ako hahaha.
"What?!" bigla niyang sabi at pinatay ang tawag.
Nakita ko ang paglingon lingon ni Fred sa paligid at mukhang hinahanap ako. Nakisama ako sa mga tao para hindi niya ako makita. Ilang sandali pa ay hindi ko na siya nakita.
Nasaan na kaya iyo?
"I got you baby." rinig ko at agad may humawak sa kamay ko. Napatingin sa amin ang mga tao at agad akong hinila ni Fred papunta sa sasakyan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tingin na ibinigay sa akin ng mga tao kanina. Buti na lang ay naka-mask ako.
Mula sa loob ng sasakyan ay nakita ko ang paglapit ng mga tao dito sa sasakyan at ang ilan pa ay may mga dalang camera.
"I'm glad that you visit me baby." sabi niya at hinalikan ako sa labi.
"Bakit mo iyon ginawa? Baka kung ano ang isipin nila." nagaalala kong sabi. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil paano kung masira ang reputasyon niya nang dahil sa akin.
Dapat pala ay hindi ko na sinabing nandito ako para hindi na niya ako nilapitan. Ayan tuloy, nagkagulo ang mga tao at ang isa pa nito ay ano na lang ang sasabihin nila kay Fred.
"You're my girlfriend at wala aking pakialam kung anong isipin nila." paniniguro niya at hinila ako papalapit sa kanya para mayakap.
Kung nakakamatay lang siguro ang kilig baka matagal na aking patay. Juice colored!
Napatingin kami sa unahan ng sumakay, driver niya ata. Walang sinabi si Fred na kahit ano bagkus ay agad umansar ang sasakyan para lumayo sa mga taong nagkukumpulan sa labas ng sasakyan.
Huminto kami sa isang building at matapos nun ay sinundan ko lang siya habang ang driver naman ay naiwan sa loob ng sasakyan. Sumakay kami ng elevator at huminto ito sa pinaka top floor ng building.
Namangha agad ako sa nabungaran dahil sobrang ganda at lawak nitong room. Sa mga TV lang ako nakakakita nito. "Dito ka nakatira?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuuan.
"Nope. Dito lang ako tumutuloy at bigira din akong umuwi." sabi niya habang nagpapalit ng damit.
Nang tuluyan siyang makapalit ay lumapit siya sa akin at hinapit ako papalapit sa kanya. Mahigpit siyang nakahawak sa beywang ko habang nakatingala ako sa kanya.
"Ipaglalaban kita kahit mundo pa ang kalaban. Ganun kita kamahal Christine Imperial." at hinalikan niya ako sa noo.
Niyakap ko siya at idinantay ang ulo sa dibdib niya. Ag swerte swerte ko kay Fred. Kinapa ko ang singsing na suot at bigla aking napaisip.
Mayaman o mahirap kapag nagmahal ka, nagmahal ka at hindi kasama doon ang estado at katayian mo sa lipunan.
Sumapit ang gabi ay sinabi sa akin ni Fred na dito na magstay dahil gusto daw niya akong kasama. Buong maghapon ay wala kaming ginawa kundi ang maglambingan at maglandian.
Sa totoo lang ay nakakatakot ako kanina na gunalaw dito dahil baka may mabasag o masira ako, wala pa naman akong perang pambayad.
Hindi na kami luamabs at nagluto na lang din kami ng gabihan. Napatawa pa nga ako ng makita ang board cabinet niya na puno ng sardinas na de lata.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang hinihintay si Fred na naliligo. At dahil wala akong maggawa ay binuksan ko ang TV.
Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin ang isang TV News na nagpapakita ng larawan namin kanina ni Fred. Maraming sinasabi ang nagbabalita pero halos hindi ko iyon maintindihan at tanging nakatingin lang sa larawan namin na nakunan.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Natakot ako bigla dahil hindi man kita ang mukha ko sa larawang nakunan ay sigurado akong mag-aani ito ng iba't ibang reaksyon.
MISTERCAPTAIN
Professor
July 29, 2021
Salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro