Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13: SWEET

CHAPTER 13
SWEET
   
     
Nandito ngayon si Pat sa apartment ko dahil hindi daw siya papasok sa trabaho. Napatingin ako sa kanya na tila pa lumilipad ang isipan sa kung saan.

"Ok ka lang?" tanong ko kay Pat na kanina pa nakatulala.

Alam ko na may problema siya pero hinihintay ko lang siya magsalita pero hindi naman siya nagkwentong kahit ano kaya ako na ang nagtanong.

"Namimiss ko lang iyong anak ko. Nasaan na kaya siya? Nasa mabuting kalagayan kaya siya?" malungkot na sagot niya at bigla siyang umiyak.

Naaawa ako kay Pat dahil hindi niya gusto at inasahan ang nangyari sa anak niya. Sa pagkwekwento niya sa akin ay kinuha ang anak niya bilang bayad sa utang ng magulang niya na matagal ng hindi nababayaran. Basta naabutan na lang daw niya na wala na at kinuha ang anak niya nung nga taong pinagkakautangan ng magulang niya.

Niyakap ko si Pat at hinimas ang likod. Hindi pa man ako ina na katulad niya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Niyakap ko lang siya at hinayaan na umiyak hanggang sa makatulog.

Pinagmasdan ko si Pat na kasalukuyang natutulog dito sa kama at makikita mo talaga ang pagod at sakit sa mikha pa lang niya. Agad naman akong napatingin sa pintuan ng bumukas iyon.

Lumapit sa akin si Fred at agad akong hinalikan at niyakap. "Is there a problem?" nagaalala niyang tanong at dumiretso kami sa sofa para doon magusap.

Sinabi ko sa kanya ang problema ni Pat at mataman naman siyang nakinig pero hindi ko inasahana ng ang isinagot niya sa akin. Sabi niya ay tutuling na rin siya sa paghahanap sa anak ni Pat, tatawagan daw niya yung private investigator niya mamaya.

Isang buwan mahigit ng maging kami ni Fred pero habang patagal. ng patagal ay pasweet ng pasweet siya. Ramdam kong pagiging sinseridad niya sa lahat ng sinasabi at pagmamahal niya.

"Salamat. I love you Fred."

"I love you too Christine." at kinilig ang burat ko doon, ay pasensya pasmado bibig.

Christine Imperial ang buong ngalan ko. Bagay na tanging pamilya ko lang ang nakakaalam pero kasama na ngayon si Fred doon. Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Pat ang buong panglan ko pero hindi rin naman siya nagtatanong dun.

Sumapit ang gabihan ay parehas kaming nagluto ni Fred ng kakainin namin habang si Pat ay tulog na tulog. Marahil ay wala siyang sapat na tulog nitong nga nakaraan makakiha lang ng malaking pera dahil sabi niya ay gusto na niyang mahanap ang anak sa lalong madaling panahon. Nagbibigay ako sa kanya ng pera para pantulong pero tinatanggihan niya kaya wala rin akong maggawa.

Inihain namin ni Fred ang ulam na niluto na sinigang na isda at sardinas. Matapos nun ay ginising ko na si Pat para kumain.

Kadalasan ay dito na kumakain at tumutuloy si Fred. Natawa pa nga ako sa kanya dahil gustong gusto niya ang sardinas na de lata.

"Alam mo dapat sa susunod ay ikaw na ang maging ambassador ng sardines, tutal paborito mo." sabi ni Pat sa kanya at sabay sabay kaming natawa sa sinabi niya.

"By the way Pat, I just want to help you for searching to your son." sabi ni Fred sa kanya at nakita ko ang pagliwanag ng mata niya. "Actually, kakatawag ko lang dun sa private investigator kanina. Wag kang magalala dahil alam na nila ang gagawin. Sasabihan na lang kita kapag may update na." dugtong ni Fred.

Nakita ko ang pagtubig ng mga mata ni Pat at ilang sandali pa ay tuluyan ng tumulo ang luhang pinipigilan niya. Lumapit siya kay Fred at niyakap ito.

"Akin yan." mataray kong sabi at agad siyang humiwalay sa pagkakayakap.

"Kalma baby, sa'yo lang ako." sabi ni Fred.

"Alam kong papalicious itong si Fred pero hindi siya aagawin sa iyo. Bestfriend tayo eh, walang agawan." sagot ni Pat. "Sana all na lang sa inyo." dugtong pa niya.

...

Matapos namin kumain ay naboluntaryo na si Pat na siya ang maghugas. Nagpaalam na rin siya sa amin ni Fred na uuwi na siya matapos ang hugasin pero sabi namin ay ihahatid na namin siya dahil balak rin naman namin na lumabas.

"Bye girl." paalam ni Pat at niyakap ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

"Bye." sabi ko at lumipat ako sa unahan ng sasakyan.

Binuksan muli ni Fred ang makina ng asakyan at nagsimula ng magdeive papunta sa private property niya. Doon kami kadalasan na nagdedate ni Fred nang dahil na nga rin sa estado namin.

Nang makarating kami ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at magkahawak kamay na naglakad papunta sa nag-iisang bench.

Umupo kaming dalawa at agad kong idinantay ang ulo sa balikat niya. "Tin, ayaw mo bang unalis dyan sa trabaho mo? Magpatuloy ka na lang kaya sa pag-aaral?" sabi ni Fred habang nakawak sa kamay ko at hinahalik halikan iyon.

"Gusto ko pero paano ang pamilya ko?"

"Ako ang bahala. Ako ang magpapaaral sa iyo." sabi niya na para bang siguradong sigurado sa sinabi niya pero umiling ako.

"Boyfriend kita hindi sugardaddy." natatawang sabi ko at tumawa rin siya.

"That's not what I meant. I just want you to think of yourself first. Lagi na lang pamilya mo tsaka tutulungan naman kita."

Nanahimik lang ako at pinoproseso ang sinasabi niya. Gusto ko man na umo-oo sa offer niya pero pinigilan ko dahil hangga't maaari ay ayaw kong nakadepende sa kanya. Kapag kaya ko kaya ko.

"Ayoko." sabi ko at napabuntong hininga na lamang siya.

"Fine, I understand baby but always remember that I'm always here hmmm." wika niya at hinalikan ako sa sentido.

"English ka na naman ng english susundutin ko yang ilong para iyan ang dumugo." biro at pinisil lang niya ang pisngi ko sabay halik.

"I wish we can stay like this forever."

"Yun din ang kahilingan ko Fred, mahal kita."

"Mahal na mahal kita Christine."

Ilang minuto kaming tahimik habang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng bituin. Hinihiling ko na sanay ay marinig ng mga bituin ang kahilingan ko sa buhay at kahilingan ni Fred.

Nakadantay pa rin ang ulo ko sa balikat ni Fred at siya naman ay nakahawak pa rin sa kamay ko pero nabigla ako ng may ilagay siya sa kamay ko na maliit na bagay.

"Para sa iyo ito." agad akong unahos ng upo at tiningnan ang bagay na iyon. Isang singsing na mukhang mamahalin.

"Bago pa lang tayo Christine pero nakikita ko    na ikaw ang magiging asawa at magiging ina ng mga anak ko." nanubig ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano ba ito kasal agad?

"Ikaw ang gusto ko at mahal ko kaya ipinapangako ko na sa pamamagitan ng singsing na ito ay ikaw lang kahit anong mangyari."

Tuluyan na akong uniyak at niyakap siya ng mahigpit. Mahal niya talaga ako eh. Nang bumitaw ako sa pagkakayakap ay pinunasan niya ang luha ko.

"Will you marry me, my baby Christine?" ngumiti ako at tumango.

"Yes." bigkas ko pa habang sinusuot niya ang singsing sa daliri ko. Matapos nun ay hinalikan niya ako at tinugon ko iyon. Nang matapos ang halikan namin ay halos habol hininga kami.

"Ang sarap mo..." at agad ko siyang hinampas sa dibdib.

"Ang sarap mong mahalin Christine Imperial." sabi niya pa at hinalikan niya ako sa noo."

Mahal ko si Fred at siya rin ang nakikita ko na magiging asawa at ama ng magiging anak namin. Mabilis man ang nangyayari sa relasyon namin at dahil iyon s amahal namin ang isa't isa.

May mas sasaya pa ba sa araw na ito? Dahil sa totoo lang ay halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Totoo nga na sa likod ng pighati ay may saya.

Masayang masaya ako ngayong araw na ito at sana ay tuparin nga ni Fred ang pangako niya sa akin.




MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa pagbasa!

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro