CHAPTER 11: WORK
CHAPTER 11
WORK
Isang linggo ko nang hindi nakikita si Fred. Totoo nga ang sinabi niya na magiging busy siya sa mga susunod na araw. Kahit miss na miss ko siya ay wala akong maggawa kundi ang panoorin na lang ng paulit ulit ang ilang pelikula at telyeserye niya pati ang mga commercial niya ay hindi ko pinalagpas.
Buong lingo ay tanging trabaho ko ang naglibang sa akin sa nababagot kong buhay. Iyon rin ang nagging daan para 'wag kong masyadong isipin si Fred.
Kakatapos lang ng shooting ko ngayong araw at kasama ko ngayon si Kuya Michael na isa ding pornstar tulad ko. Nandito pa rin kami sa loob ng building at kasalukuyang kumakain dito sa cafeteria.
Kung ikukumpara sa buhay namin ni Dan ay maalwas ang buhay niya. Anak siya ng isang teacher at isang nurse. Naka-graduate siya ng college at may maayos na trabaho noon pero mas pinili niya ang maging pornstar.
Nakakapagtaka man pero wala naman ako sa posisyon para pigilan sa gusto niya. Sadyang gusto daw niyang maging pornstar talaga.
"Kamusta kayo ni Dan?" tanong ni Kuya Michael habang kumakain kami.
"Tao pa rin hahaha" pabalang kong sagot at napailing siya sa akin.
"Sinagot mo na ba si Dan? Matagal ka na 'nung gusto. Sa katunayan nga ay one-fourth ng sweldo niya ay ibinibigay sa iyo. Sinasabi niya kay boss na ilagay iyong one-fourth ng sweldo niya sa bank account mo. " pagkwekwento niya at nanlaki ang mata ko doon dahil hindi ko iyon alam.
"Anong sabi mo?" gulat kong sabi kahit may laman pa ang bibig ko ng pagkain. Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa amin ang iba.
"Basta yun. Wag mong sabihin na ako nagsabi sa iyo. Halos alam ng lahat ng staff at nagtatrabaho dito ang tungkol doon. Alam ng lahat na patay na patay iyon sa'yo."
"Juice colored si Dan. Anong trip niya sa buhay."
"Isa pa, matagal na sana iyon maalis dito sa porn sites pero hinihintay ka lang niya. Gusto kasi niya na sbaay daw kayong dalawa na umalis sa mundong ito."
Napailing ako sa nalaman at kasabay 'nun ay nang matanaw namin si Dan na kakapasok lang dito sa cafeteria. Nakangiti ito at mukhang may hinahanap.
"Dan" tawag ko at agad umalis si Kuya Michael. Sira ulo yun ah! Ang bilis naman niyang kumain.
Nagpalinga linga pa si Dan hanggang sa makita niya ako. Nakangiti siyang lumapit sa akin at ninakawan ako ng halik sa pisngi.
Nang maupo siya sa tabi ko ay nakihingi siya ng pagkain pero kalaunan ay bumili na din siya ng sarili niyang pagkain. Nagpa sobra pa ito ng order ng pagkain at binigyan ako.
Kinausap ko siya tungkol sa nalaman ko at inamin niyang totoo iyon, iyong kwento sa akin ni Kuya Michael. Naiinis ako habang pinagsasabihan siya dahil sa ginawa niya. Sinabi ko rin na na itigil na ang ginagawa at 'wag dumepende sa akin pero nakipagtalo siya sa akin.
"Mahal kita Tin hayaan mo akong iparamdam iyon sa iyo. Handa akong masaktan. Handa akong umasa. Please lang, hayaan mo akong mahalin ka." seryosong sabi ni Dan sa akin. Napabuntong hininga ako at kinuha na ang gamit.
"Ihahatid na kita." sabi pa niya sabay hawak sa braso ko.
"Wag na Dan. Kaya ko ang sarili ko." mariing sabi ko.
"Tin ilang araw kang pagod at walang tulog. Ilang oras lang ang naging pahinga mo nitong nakaraan. Baka kung anong mangyari sa iyo pag-uwi. Ihahatid na kita." wala akong naggawa kundi ang sundin ang sinabi niya.
May punto sinabi ni Dan. Sa katunayan ay buong linggo akong pagod at konti lang ang pahinga. Ni hindi nga ako nakauwi sa apartment dahil konting oras lang ang pahingang binigay sa akin. Hindi ko naman maggawang magreklamo dahil mataas ang kikitain ko at malaking dagdag iyon sa bahay na pinapagawa ko para sa amin.
Aaminin ko ay kanina pang umaga masama ang pakiramdam ko pero tiniis ko lang at dinaan sa patubig tubig. Kung minsan ay nakakaramdam ako ng hilo pero pilit ko itong pinipigilan.
Nang makarating sa apartment ko ay pinagbukas ako ni Dan ng pintuan. Hindi na ko rin siya inimbita sa loob dahil gusto kong magpahinga mag-isa.
"Tawagan mo ako Tin kapag may problema." sabi ni Dan at tumango na lang ako.
Diretso akong nahiga sa kama at ramdam ko ang bigat at pagod. Niyakap ko ang teddy bear na nasa tabi ko at naamoy ko ang pabango ni Fred.
"Miss na kita Fred." bulong ko bago tuluyang makatulog.
...
Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko. Nilalamig din ako ngayon at tila ba may aircon dito sa apartment ko pero wala naman. Nanginginig akong inabot ang cellphone at sinagot ang tawag ng kapatid kong si Christina, iyong kapatid kong babae.
"Hello" sagot ko.
"Ate kailangan ko ng pera ngayon para sa bayarin sa school." mariin niyang sabi.
Napaubo ako dahil sa nararamdaman at sinubukan kong 'wag iyon sa kanya iparinig. " Susubukan kong magpadala bukas."
"Eh bukas namin iyon kailangan. Hindi ka ba pwede ngayon magpadala?"
"Christina ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Bukas na lang."
"Tangina na naman ate. Wala kang kwentang kapatid." sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya at agad pinatay ang tawag.
Napaluha na lamang ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. Ako pa talaga ang walang kwenta. Oo, pokpok ako pero hindi naman sa kung saan napupunta ang pera na sinusweldo ko. Wari'y ba sana ay inintindi niya muna na may sakit ako at hindi talaga ako makakalabas para makapagpadala ng pera sa kanila.
Nakatulugan ko ang pagiyak at nagising na lamang dahil sa sikat ng araw. Agad akong napabalikwas ng mapagtantong umaga na. Napakatagal ko pa lang nakatulog. Wala rin akong nagging kain mula kahapon.
Naupo ako mula sa pagkakahiga at may bimpong nalaglag sa harapan ko. Kinapa ko ang aking noo at nagtaka ako kung bakit basa ito.
Agad akong nagtungo sa kusina ng may marinig na ingay mula doon. "Are you okay? How do you feel?" bungad sa akin ni Fred at chineck pa ang temperatura ko gamit ang likod ng kamay niya.
"Nasa Pilipinas tayo wag kang puro english. Paduguin ko ilong mo sa english ko." pagbibiro ko. Hinalikan niya ako sa noo at tsaka binalikan ang kanyang niluluto.
"I cooked Chiken Soup."
"Ang taray 'nung chicken soup para sa nagkasakit, lugaw lang yan sa aming mahihirap, tangi." sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
"What's tangi?" tanong ni Fred at natawa ako. Ang taray ng pagkakabigkas niya ng tangi. Ang tangi lang naman ay ibang salita sa 'baliw'.
"Baliw." Sagot ko.
Inilapag niya ang nilutong chicken soup sa lamesa at sabay kaming kumain. "Salamat sa pag-alaga sa akin ha."
"My pleasure, pero may kasalanan ka sa akin." sabi ni Fred at napatigil ako sa pagkakain.
"Ha?" kunot noo kong tanong.
"Sabi kong wag kang magpagod sa trabaho dahil magpapakasal pa tayo tapos nabungaran kita dito na nanginginag sa lamig."
"Sorry na." sabi ko.
"Give me a kiss."
"Hindi pa ako nagtotoothbrush." nahihiya kong sabi habang siya ay nakanguso na at hinintay na halikan ko siya.
"It's okay." syempre maharot ako, hinalikan ko si Fred bilang pasasalamat na rin sa ginawang pag-alaga niya sa akin.
Matapos kumain ay pinagpahinga niya ako at siya ang naglinis lahat ng pinakainan namin. Nang mainom ko ang gamot na ibinigay niya ay tsaka lang ako nahiga. Ilang sandali pa ay tinabihan niya ako sa kama at niyakap ako mula sa likod.
"I'm sorry kung naging busy ako nung nakaraan. Promise babawi ako sa iyo." bulong niya.
"Tunog boyfriend ah." makahulugan kong sabi.
"Of course I know that you will gonna say yes to me." mayabang na sabi niya at inirapan ko lang siya. Advance mag-isip ang artistang ito.
Agad nahinto ang pag-uusap namin nang makarinig ng katok. Niluwagan ni Fred ang yakap sa akin at tumayo para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.
Paniguradong si Pat iyon.
Ilang sandali pa ay para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang bulto ni Dan. Nagaapoy ang kanyang mga mata na nakatingin kay Fred. Inilipat niya sa akin ang tingin at kita ko ang pagkadismaya niya.
Wrong timing naman eh.
MISTERCAPTAIN
Professor
July 27, 2021
Salamat sa pagabasa pati na rin pala sa mga nagvo-vote at nagco-comment. Hindi ako nageexpect ng vote at comment kasi sapat na sakin ang may nagbabasa pero salamat talaga.
FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro