Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue


Nakapamaywang na ako sa harap ng tricycle habang ilang beses ko nang tinatapik ang aking napakagandang sapatos sa sobrang inip. My god! Malelate na ako sa party. Sayang lang ang make up, gown at sapatos ko kung mahuhuli lang rin ako.

"Tatay naman! Bilisan mo na! Huling huli na ako, wala na akong aabutan!" sigaw ko sa aking ama na kanina pang nag aayos ng kanyang buhok sa salamin. Bakit ba kailangan pa niyang mag ayos? Ako lang naman ang aatend ng party?

Napairap na lang ako nang nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.

"Ang ganda ng anak ko! Mas maganda ka pa kay Cinderella!" natutuwang sabi ni tatay na inaayos ang kanyang kurbata na hindi naaayon sa kanyang suot na damit.

Papasok na sana ako sa tricycle namin nang hulihin ni tatay ang aking kamay para alalayan ako.

"Hayaan nyong alalayan ko kayo mahal na prinsesa" itinaas ko ang baba ko at hinawi ko ang aking nakalugay na buhok.

"Maraming salamat" pakikipaglaro ko sa aking tatay. Hanggang sa makapasok ako sa tricycle ay inalalayan ako ni tatay na parang isa siyang tagasunod ng prinsesa. Dapat lang talaga ako niyang alalayan, baka masabit pa ang kulay asul kong gown na nirenta pa namin kahapon mula sa pinanalunan niya sa sabong.

Sinimulan na niyang paandarin ang kanyang ilang taong tricycle na mas matanda pa sa akin. Masasabi ko na mas mabuting itapon na ito dahil mas madalas pa ito sa talyer kaysa sa mga oras na nagagamit sa kalsada. Haist.

Malaki ang pasasalamat ko at nakarating naman ako ng maluwalhati sa party ng kaibigan ko sa kabila ng tricycle na anumang oras ay nagbabadyang tumigil. Napakasaya ko ngayong gabing ito, akala ko ay hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa ganitong engrandeng pagdiriwang dahil sa kakulangan ko sa mga kasuotan.



"Susunduin na lang kita mamaya" sabi sa akin ni tatay na mabilis ko namang tinanguhan.

Nagsimula na akong magtatakbo sa mataas ng hagdanan papunta sa gusaling pinagdadausan ng kasiyahan. Nginitian ko pa ang dalawang lalaking nakabihis nang pansundalo na siyang nakatanod sa pagitan ng napakalaking pintuan.



"Magandang gabi!" sabay na bati nila sa akin kasabay nang pagbubukas nila ng pintuan.

Agad sumalubong sa akin ang napakaliwanag na ilaw at masisiglang musika na siyang bumubuhay sa buong pagdiriwang. Pilit kong hindi inalis ang ngiti sa aking mga labi nang mapansin na halos lahat ng mga taong nagkakasiyahan sa ibabang bulwagan ay nakatuon ang atensyon sa akin. Ang ilan ay may mga nakaawang na bibig, nagbulung bulungan at pagtataka sa kabila ng mga maskarang nakatakip sa kanilang mga mata.

Damn, it is because I am late?

"Aurelia!" napatingin ako sa kaibigan ko na nangniningning sa kulay pula niyang gown.



"You're so beautiful! Loka hindi dyan ang daan! Come down!" bumaba na ako sa hagdanan kung saan nakaabang na ang kaibigan ko.



"My god! Is that a glass shoes?! Saan mo nabili 'yan?" tanong niya sa akin nang mapansin niya ang sapatos habang humahakbang ako.



"Hindi ko alam kay Tatay, pinag ipunan niya ito nang tatlong buwan. Birthday gift niya rin sa akin" ngumisi sa akin si Sabina.



"Ang sweet naman ni Tito" umikot na lang ang mga mata ko.



"Oo, sweet din siya sa mga sasabungin niyang manok. May birthday gift din sila, alam mo na? mga kapatid ko ang mga manok na 'yon" sabay kaming nagtawanang dalawa sa sinabi ko. My Dad and his roosters, ang karibal ko sa kanyang atensyon.

Humiwalay na sa akin si Sabina nang may magyaya sa kanyang magsayaw. Nanatili na lang muna akong patikim tikim ng mga desserts hanggang sa may lumapit sa aking lalaking akala ko ay lumabas sa isang 'fairytale book' dahil kulang ang katagang 'prinsipe' para itawag sa kanya.



"Can I dance with the most beautiful girl tonight?" sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaawang ang bibig. Sino ang lalaking ito? Nakakasalubong ko kaya siya sa school? He's so damn tall, sexy voice and his body built is damn oozing with hotness.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya. At iginiya na ako sa gitna nang mga nagsasayawang magpareha. Nanatili kaming magkakatitigan, kahit ang mga mata niya ay talagang nakakapang akit. Anong mayron ako para isayaw ako ng lalaking ito?



"Sa St. Luciana University, ka rin ba pumapasok?" tanong ko sa kanya.



"Oh, I am not studying anymore. Naimbitahan lang ako dito" so he could be 20 or 21? Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.



"What about you? Anong year mo na?" tanong niya sa akin.



"I'm 3rd year college"



"Oh, isang taon ka pa palang papasok. Nakakatamad 'yan" nakita ko siyang ngumisi sa sinabi ko.



"So you don't find this party boring? Kasi 'yong mga graduate dito ayaw na ayaw na nilang mag aattend ng mga ganito" ngiwing sabi ko.



"Sa una na bored ako. Until you appeared up there, smiling beautifully. Parang gusto ko ulit pumasok, we can be classmates" napairap na lang ako.



"Sweet talker huh?"



"Uhuh? Not really, nagsasabi lang ako ng totoo. If you don't mind, can I ask you something?" nag isip muna ako nang ilang segundo bago ako sumagot sa kanya.



"Sure"



"Do you have a boyfriend? Suitors? Or anything?"



"Wala" mabilis na sagot ko.



"Oh, good thing. Mag aral ka muna para sa kinabukasan" nagulat na lang ako nang pisilin niya ang ilong ko. He's not the flirty type.



"What about you? May girlfriend ka ba?" nakita kong bahagya siyang napakagat labi sa tanong ko na parang nawiwili.



"Wala rin, pihikan yata ako sa mga babae" bahagya siyang natawa sa sinabi ko.



"Can I see you?" natigilan siya nang iangat ko ang kamay ko mula sa balikat niya para hubadin ko ang maskara niya.



"Wai—" hindi ko na tuluyang nahawakan ang maskara niya nang mamatay ang ilaw.

What happened?

Pakinig ko na rin ang pagkakaguluhan ng mga tao sa pagkapatay ng ilaw. Pero agad nawala ang atensyon ko sa namatay na ilaw nang magtindigan ang mga balahibo ko. Mabilis lang naman akong hinapit ng misteryosong lalaki para mas mapalapit sa kanya.

Anong ginagawa niya?



"I am sorry.." bulong niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa baba ko para iangat ang ulo ko. At tuluyan na akong nawala sa aking tamang pag iisip nang maramdaman kong may lumapat na labi sa aking birheng mga labi.

Napahawak na lang ako sa braso niya, bakit niya ako hinahalikan? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong isang simpleng babae na nakatanggap ng halik mula sa kanyang prinsipe. Marahan lang ang naging halik niya sa akin, nagawa pa niyang haplusin ang aking mahabang buhok bago siya muling bumulong sa akin.



"You're beautiful.." nanatili akong naestatwa sa mga nangyayari. Ni hindi ko na marinig ang sigawan nang mga tao.

Pero tuluyan na akong nawala sa pagkakatulala nang bigla na lang akong mawalan ng balanse dahil sa kung sinong humawak sa paa ko. Fuck! My butt!



"Aray!" daing ko. Bakit ako pinabayaang bumagsak ng lalaking ito?



"Oh fuck!" narinig ko ang boses nang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong may kumuha ng isang sapatos ko. What the hell?



"Ang sapatos ko!" sigaw ko.

Biglang nabuksan ang ilaw, kasalukuyan na akong nakalugmok sa sahig. Nasaan ang lalaki? Nasaan ang sapatos ko? Ang tanging naabot lang nang mga mata ko ay ang papalayo niyang pigura habang dala ang napakaganda kong sapatos.

What the fuck? Pinilit kong bumangon para habulin ang lalaki. Anong kailangan niya sa sapatos ko? Kaya niya ba ako isinayaw ay dahil sa sapatos ko? Palabas ba ang lahat? Bakla ba siya? Bakit kailangan niya ng sapatos ko?



"Wait! Sapatos ko 'yan!" halos lakad takbo ako para lamang abutan ang lalaki. Nakaabot kami sa labas at nasa napakahabang hagdanan na kaming dalawa. Patuloy lang siya sa paglalakad nang mabilis na hindi man lang lumilingon sa akin.



"Ang sapatos ko! Gago ka!" malakas na sigaw ko. Pinag ipunan pa 'yan ng tatay ko! Napansin ko na lang na naluluha na ako, anong kailangan niya sa sapatos ko? Ilang buwan 'yang pinag ipunan ni tatay! Pinagpaguran ni tatay ang sapatos kong 'yan. Bakit hindi na lang siya bumili? Mukha naman siyang mayaman?!



"Gago ka! Sapatos ko 'yan! Ibalik mo!" sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang isa ko pang sapatos. Halos tumalon ako nang tumama ito sa ulo niya. Tang ina mo! Tang ina mo! Gago ka! Manloloko!



Humarap siya sa akin at pinulot niya ang ibinato kong sapatos sa kanya. Nagawa pa niyang tumango sa akin na parang isa siyang prinsipe ng nakaraan. Naaasar ba siya?

Kumaway pa siya sa akin hanggang sa tigilan siya nang isang napakahabang sasakyan na akala ko ay sa telebisyon ko lang makikita.



Tuluyan na akong nawalan nang pag asang habulin siya nang makasakay na siya sa kanyang sasakyan tangay ang aking mga sapatos.



Nanlalambot akong napaupo sa mahabang hagdanan. Ang magaganda kong sapatos ay naglaho na nang parang bula.



Kasabay nang pagluha ko ay ang pagtunog ng napakalaking orasan hudyat nang pag aalas dose. Tapos na ang pagdiriwang na ito para sa akin.



At nang gabing 'yon umuwi ako nang tapak. Hindi dahil lasing ako kundi dahil itinakbo ang sapatos ko ng lalaking inakala kong aking prinsipe..



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro