Chapter 60
My fairytale has its own twist.
It was our date, a sweet cute date with my prince.
Simula nang magkabati kami, ilang beses na kaming lumabas para mabawi ang dalawang taon naming pangungulila sa isa't isa. Kahit abala kami sa aming mga trabaho pilit pa rin kaming naghahanap ng oras sa isa't isa.
We really missed each other.
Sa bawat paglabas namin ni Rashid, napapansin ko na mas gusto talaga niya sa lugar na malawak at maraming halaman. Maaliwalas, sariwa ang hangin at tahimik. He loves the color of green, Rashid loves nature.
Agad itong mapapansin ng mga taong malapit sa kanya.
Buong akala ko ay dadalhin niya muli ako sa Leviathan kung may malawak na lupain dito na may nagsabog ng mga bermuda at magagandang puno kung saan dito kami tumitigil.
Nagtaka pa ako nang lumampas kami sa lugar na madalas naming puntahan.
"Where are we going Rashid?" ngumiti lang siya sa akin na lalong nagpasingkit ng chinito niyang mata.
"Somewhere fun.." ngumuso ako sa sinabi niya.
"You're thinking about something else Rashid, right?"
"I am not Aurelia, you silly nurse.." akala ko ay sa kambyo siya hahawak pero kumunot ang noo ko ng sa hita ko siya humawak. Dati pa niya itong ginagawa sa akin, akala ko nakalimutan na niya.
"Oh, sorry baby. Akala ko kambyo, my bad.." ngising sabi niya bago niya tinanggal ang kamay niya sa hita ko.
"Kailan pa naging kambyo ang legs ko Rashid?" tinawanan lang ako ng lalaking laging niaaway.
Mga kalahating oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa lugar na sinasabi ni Rashid. Nakaharap kami sa malaking bahay na kasalukuyan nang napapalibutan ng napakaraming abalang manggagawa.
"Kanino ang malaking bahay na ito Rashid?" namamanghang tanong ko. Kahit hindi pa ito masyadong gawa, agad masasabing magiging maganda ang resulta ng bahay na nasa harapan ko.
"Ours baby, para kay Aurelia at sa magiging anak namin ang bahay na ito." Sagot niya habang nakangiti siyang nakatitig sa bahay.
"Rashid.." ramdam ko na nag iinit ang sulok ng aking mga mata habang nakatitig sa lalaking pinakamamahal ko.
"But I want you to see this first, my favorite place.." hinuli ni Rashid ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. Tumatango kay Rashid ang bawat manggagawa na nakakakita sa amin.
"Boss Rashid.."
"Misis ko.." agad na sabi niya kahit hindi naman siya tinatanong. Tipid lamang akong ngumingiti sa nakakasalubong namin.
Hinayaan ko siya Rashid na hinalahin ako nang makakita ako ng hindi kalakihang greenhouse.
"You really love plants Rashid, you love greenhouses. Dinala mo na rin ako sa ganito noon."
"Mahilig maghalaman si mama noon at tinuturuan niya ako." Kibit balikat na sabi niya.
"Isa pa, sa greenhouse ako unang niyakap ng babaeng mahal ko. Sa green house, ang babaeng mahal ko ang unang humalik sa akin." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"And you first called me baby inside a greenhouse, Aurelia. I won't ever forget that, so I made one to cherish the memories.."
"Rashid.."
Pagkapasok namin ay may pinindot sa may tagiliran si Rashid, hindi nagtagal ay mga sprinkler na lumabas sa iba't ibang direksyon para diligan ang mga berdeng halaman. Kaunti lamang ang may kulay dahil karamihan talaga ay berdeng kulay lamang ang makikita.
"I wonder, bakit gusto mo sa tahimik na lugar Rashid?"
"Because I am tired of harsh noise baby, sometimes I want to be peaceful.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
"I don't understand Rashid.." humarap siya sa akin at mabilis niya akong kinabig papalapit sa kanya.
"I want our first night here baby."
"Sa paligid ng mga petchay at mustasa?" ngiwing tanong ko sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi.
"I am kidding baby, just promise me that you will still take good care of this greenhouse when I'm not around. Okay?" hindi ko gusto ko punto niya.
"You're not going anywhere Rashid, right?" umiling siya sa akin at muli niya akong hinalikan sa akin labi.
"Kapag nasa trabaho lang ako, wala tayong kakainin kapag hindi mo inalagaan ang greenhouse." Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Kailan pa naging vegetarian ang lalaking laging niaaway?"
"I am not.." mas inilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"Soon, I'll have my sweetest meat. Wearing a nurse uniform.." naitulak ko na siya nang bahagya niyang kagatin ang tenga ko.
"Cinderello!" tinawanan niya lang ako.
"I love you Aurelia, I love you.."
Lalo akong napahagulhol nang maalala ang araw na dinala ako ni Rashid sa lugar kung saan kami bubuo ng pamilya. Pero papaano pa kung ganito na ang nangyayari?
Nakuha ko na kung bakit sa bawat paglabas namin ay gustong gusto niya sa tahimik na lugar, maaliwalas at mahinahon. Dahil ilang taon na siyang nabuhay sa mundong putok ng mga baril ang paulit ulit na naririnig.
Hindi ko na magawang makapagsalita habang hinihintay ko ang sunod na sasabihin ng lalaking nasa telepono. Nakikilala ko siya, minsan ko na siyang nakitang kasama ni Rashid at nasisiguro kong magkakasama sila sa trabaho.
I heard Enna and Hazelle's voice, the almighty Cap but where's my Rashid?
"What are you talking about? Gusto ko siyang makausap, nangako siya sa akin. He did promise that he'll come back for me, hindi na niya ako iiwan. What are you talking about? Where's Rashid?"
"I'm sorry Aurelia, but this is our job.."
"Cap, atleast let her see Rashid. Bago natin siya dalhin sa HQ.." mas lalong nangatal ang pagkatao ko sa narinig ko. Bakit sila ang magdadala kay Rashid? Hindi ba pwedeng pumunta na lang si Rashid ng kanya?
"What happened to him? Is he badly hurt? Where is he?" sunod sunod na tanong ko.
"Nasaan ka ngayon Aurelia? We'll pick you up." Sagot sa akin ng Cap na tinatawag nila.
Sinabi ko na daanan na lamang nila ako sa tapat ng hospital. Pinagtitinginan na ako ng mga taong nagdadaan dahil sa walang tigil kong pag iyak habang hinihintay ang susundo sa akin. Hindi ko na mapigil ang luha ko, alam kong kakaiba na ang kutob ko, hindi na tama ang nararamdaman ko.
Dapat sinunod ko na lang ang nararamdaman ko, dapat pinigilan ko na lang siya. Dapat hindi ko na lang siya hinayaan sa gusto niya. Sana lumingon man lang ako sa pag alis niya, hindi man lang kami nakapag usap ng maayos, hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Pinupunasan ko na ang luha ko nang may tumigil na malaking Ford pickup na kulay silver. Agad bumaba ang bintana nito at sumalubong sa akin ang magandang mata ng isang lalaking minsan ko nang napagmasdan. Bumaba din ang bintana sa likuran.
"Sumakay ka na Aurelia." Sabi sa akin ni Enna.
Sana ay pupunta ako sa likuran nang umiling si Enna at sabihing sa unahan ako para makausap ako ng maayos ng Cap nila.
Umikot ako at wala sa loob na akong pumasok sa sasakyan nila. Magsasalita na sana ako nang marinig kong tumutunog na naman ang telepono ko. Nakita kong pangalan ni Tita Tremaine ang tumatawag.
Dito ko na mas nakumpirma na tama na ang hinala ko, bakit ako tatawagan ni Tita Tremaine? Saka lamang siya tumatawag sa akin kung may balita na siyang tungkol kay Rashid.
"Pick it up.." umiling ako sa sinabi ni Cap.
"It's his stepmother.."
"Oh, yes. She's already aware."
"Aware of what?" nanghihinang tanong ko.
Hindi ako agad sinagot ng lalaki pero ilang saglit lang ay bumuntong hininga muna ito at nagsimulang magsalita.
"There are numbers of snipers all over the place, I told him that I'll be the one to go first. All he needs to do is to clear my field but he insisted to switch with my place. Siya ang unang sumugod sa area.." ayoko nang makinig dahil mas nasasaktan lamang ako pero ano ang magagawa ko kung ito ang katotohanan?
My beloved Cinderello was made for guns.
"We tried to cover him, we tried to help him but we're being surrounded by our enemies. Hindi namin agad nasundan si Rashido.." mahinang sabi ni Hazelle.
"We waited for back up before we entered their headquarters and there, we saw his—" hindi niya natuloy ang pagsasalita niya dahil humagulhol na ito ng pag iyak.
"That day was supposed to be his last day as a Sous L'eau agent but it turned out that—" ilang beses nahampas ng lalaking nagmamaneho ang kanyang manibela.
Wala nang tigil sa pagsikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. Bakit si Rashid pa? Bakit kung kailan maayos na kaming dalawa?
Tinatanggap ko na kung anong klaseng trabaho siya, handa na akong tanggapin ang kanyang nakaraan. Handa na akong mahalin ang lahat sa kanya pero bakit naman ganito? Bakit paulit ulit na lang akong naiiwanan? Durog na durog ang puso ko. Hind ko na alam kung papaano pa ito maayos, hindi ko na alam kung papaano pa ako muling magsisimula.
Gusto ko nang sumunod sa kanya para mawala na itong sakit na nararamdaman ko. Ano na lang ang buhay na mangyayari sa akin? Mahal na mahal na mahal ko si Rashid, bakit lagi na lang akong paulit ulit na iniiwanan?
"Nasaan ang katawan niya?" nanghihinang tanong ko. Malabo na ang mata ko dahil sa walang tigil kong pagluha.
"Sa isang maliit na chapel, ang pamilya niya ang pumili ng lugar na ito. You need to see him right now Aurelia, papalitan na namin ang katawan niya kinabukasan." Wala sa sarili akong tumango habang nakatitig ako sa ilaw ng truck na nakakasalubong namin.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang sasakyan hanggang sa maging bako bako ang daan, mas lalo pa kaming bumagal nang umulan dahilan kung bakit naging maputik ang daan, wala na kami sa highway.
"Nandito na tayo Aurelia.." tipid na sabi ni Cap. Tahimik kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at eksaktong pagbaba ko ay lumubog sa putik ang mga paa ko.
Ilang beses kong pilit inangat ang paa ko at sa pang apat na subok ko pa tuluyang naangat ito. Mabagal na akong naglalakad hanggang sa makita ko na ang chapel na sinasabi nila. Lahat ng nakikita kong tao ay nakasuot na ng itim. Napako ang mga paa ko at hindi ko na magawang maglakad pa, napaupo na lamang ako sa isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga tuhod.
"Rashid!"
"Cinderello! I can't look at you inside that coffin. Ayoko na, ayoko na..ayoko na. Sobrang sakit na Rashid, sobrang sakit na Rashid.." Iritado kong hinubad ang sapatos kong punong puno ng putik at muli akong humagulhol ng pag iyak.
Muli akong sumubsob sa aking mga tuhod.
"I love you Rashid, I love you Rashid..mahal na mahal kita Cinderello..why? Why did you leave me? Nangako ka sa akin, nangako ka sa akin Rashid.." basang basa na ang mukha ko dahil sa walang tigil kong pagluha.
"Baby.."
Napamulat ako nang may marinig akong boses. Unti unti akong nag angat ng paningin at mas lalong nagtuluan ang mga luha ko. Agad akong tumayo at itinapon ko ang sarili ko sa kanya.
"Rashid!" nagulat siya sa ginawa ko dahilan kung bakit natumba kami sa lupa. Ilang beses kong hinawakan ang mukha niya.
"You're real, you're real Rashid.." paulit ulit na sabi ko.
"Ofcourse, what's wrong with y---" hind ko na siyang pinatapos dahil inilapat ko na ang mga labi ko sa kanya.
Alam kong nagulat siya pero hindi din nagtagal ay hinaplos na niya ang aking buhok. Kapwa namin habol ang aming paghinga nang magbitaw ang aming mga labi.
"Hindi mo na ako iiwan Rashid, hindi mo na ako iiwan. I'll tie you up, hindi ka na aalis sa tabi ko." Narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.
"What happened to you Aurelia? Anong sinabi nila sa'yo? Pinasusundo lang kita." Muli akong sumubsob sa dibdib niya. Nanatili akong nasa ibabaw niya.
"They told me that you're already dead! Sinabi nila sa akin na nabaril ka daw ng sniper!"
"What the hell? I am the sniper.."
"Wag ka na ulit umalis Rashid, huwag mo na akong iwan. Rashid dito ka na lang sa tabi ko. Lalambingin kita araw araw, hindi ako magagalit kapag lagi ka na lang niaaway, hahalikan kita anumang oras. Huwag mo lang akong iwan, hindi ko na kakayanin Rashid.." halos magmakaawa na ako sa kanya. Hinding hindi ko na siya hahayaang umalis.
"Baby, hindi na ako aalis. I'll be forever yours, you'll be my forever mission.." nag angat muli ako ng tingin sa kanya.
"Let's get up baby, may nanunuod sa atin.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Bumangon na ako at mabilis na rin nakatayo si Rashid. Pansin ko na wala na rin tao sa chapel. Mas pinagmasdan ko pa ito, chapel ba talaga ito?
"So they are not mourning inside that chapel Rashid?" tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa chapel na wala nang laman. Kumunot ang noo ko nang mas mapagmasdan ko pa ito. Chapel ba talaga ito? Narinig ko itong bumuntong hininga.
"It's not a chapel baby, it's a tool room for gardening. Kaya pala sila nandyan lahat, why am I not aware of this?" kunot noong sabi niya.
"Who are they Rashid?"
"My comrades, kicking me out." Ngising sagot niya sa akin bago niya ako binuhat.
"Bakit ka tapak?" natatawang tanong niya sa akin. Ibinaba niya ako sa may upuan malapit sa isang malaking puno. Madilim ang lugar na ito kaya hindi ko masyadong maaninaw kung saang lugar na ba kami.
"You know I hate making cheesy surprises but my friends, Enna and Hazelle insisted this.." isang beses lamang ipinitik ni Rashid ang kanyang daliri at napatingala na lamang ako nang unti unting nagliwanag ang malaking puno dahil sa mga nakasabit na ilaw dito at maliliit na telang puti.
"Rashid, it's beautiful.." ngiting sabi ko habang pinagmamasdan ito.
Naramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko.
"But you're always the most beautiful Aurelia Hope. My beautiful Hope.." pansin ko na may itinatago siya sa kanyang likuran.
Hanggang sa lalong lumukso ang puso ko nang lumuhod siya sa aking harapan.
"Alam kong ito ang pinakamagandang bagay na maibibigay ko sa'yo Aurelia.." napahawak na lang ako sa bibig ko nang ilabas niya mula sa kanyang likuran ang magandang pares ng sapatos.
My glass shoes.
"Here I am Aurelia, the prince who stole your glass slippers. Kneeling in front of you, asking you to marry me. I love you baby..I love you so much.."
"Rashid.."
"Will you marry me baby?"
"Yes! Yes Rashid.." hinawakan ni Rashid ang paa kong napupuno ng putik at dahan dahan niya isinuot ang mga sapatos sa akin. Kapwa kami ngumiti sa isa't isa bago niya ako siniil ng halik. Hinding hindi ako magsasawang humalik sa lalaking niaaway dahil kahit habangbuhay ko pa itong gawin. I love him so much.
Natigil kami sa paghalik sa isa't isa nang makarinig kami ng palakpakan, nakapalibot na sa amin ang lahat ng mga nakaitim na kasabwat, maging si Enna at Hazelle na kapwa na nakahilig kay Cap na patay malisya.
Ngumisi sa akin ang dalawang babae habang tumaas ang middle finger ni Rashid sa mga ito.
Mas lalo akong namangha nang mas nagkailaw na ang buong paligid.
"This place.."
"Yes, nasa harapan tayo ng bahay natin Aurelia." Inabot ni Rashid ang kamay ko para alalayan akong tumayo, pumalibot ang braso niya sa bewang ko bago tumugtog ang pamilyar na kantang nakakapagpaalala sa akin kung gaano ko kamahal ang lalaking kayakap ko.
"I am marrying the prettiest boy.." hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko habang mabagal kaming nagsasayaw.
"You're not bothered with them Rashid?"
"Nah, kakalimutan na rin nila ako. Pagkatapos ng gabing ito, wala na silang nakikilalang Rashido. That's the rule." Napatitig ako sa kanya.
"I'm sorry.."
"No, don't be sorry baby. Masaya ako sa desisyon ko Aurelia.." muli kong inihilig ang sarili ko sa dibdib niya.
"Nang gabing 'yon Aurelia, ipinasa na sa akin ng tatay mo ang sapatos. Ako na ang sasabay sa mga hakbang mo, ako na ang magsisilbing mga paa mo kapag napagod ka sa patuloy mong paglalakad.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kilala mo si tatay?"
"I'll tell you the long story baby, soon." Muli niya akong hinalikan sa aking mga labi.
"Pero ilang taon bago ko naibalik ang sapatos sa'yo Aurelia, hindi ko pa ito kayang ibalik sa'yo dahil alam ko sa sarili kong magkaiba pa ang daang hahakbangan natin. We still have our different paths, we still have our conflicting ways baby."
"Rashid.."
"But tonight, I am now returning it to you baby. Dahil alam kong sa pagkakataong ito kaya ko nang sabayan ang bawat hakbang mo, kaya ko nang maglakad sa daraanan mo at handa na akong samahan ka kung saan ka man dalhin ng mga pangarap mo."
"Rashid.." lumuluha na akong nakatitig sa kanya.
"Your father didn't leave you alone baby. Iniwan ka niya sa akin Aurelia, sinigurado niyang may prinsipeng luluhod sa'yo na hindi mapapagod suotan ka ng sapatos, hindi mapapagod sumuporta sa'yo sa bawat hakbang mo sa buhay. Prinsipeng mamahalin ka habang buhay." Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko.
"I love you so much Rashid..I love you Cinderello. Marry me soonest baby.." ngumiti siya sa sinabi ko.
"Who am I to decline your request Aurelia? I am just the prince who stole your glass slippers, who's madly inlove with you.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro