Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Nakailang mura na ako habang hinahampas ako ng malakas na hangin na may kasamang ulan. Kung hindi lang ako nahihiya kay Tita Tremaine, hindi na muna ulit ako magtuturo kay Anastacio dahil sa ulan na ito. Mas gusto ko na lamang tumigil sa bahay at matulog, masyado akong napagod sa midterms namin.

Kailangan ko ng tulog pero higit na kailangan ko ang pera. Lalo na at may pinag iipunan ako, dapat mapaayos ko na ang bubong ng bahay bago magbagyuhan.

Napabuntong hininga na lamang ako, naaawa na rin ako sa sarili ko. Gusto ko nang makagraduate at makapagtrabaho para mapaayos ko na ang bahay na iniwan ni tatay.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng gate ng mga Villegas habang hinihintay na buksan ito para sa akin. Nakakunot na ang noo ko, nasabi ko na kay Tita Tremaine na tuturuan ko si Anastacio ngayon kahit malakas ang ulan pero bakit parang nakalimutan niya na ata ako?

Napatili na lang ako nang muling humampas ang malakas na hangin, dahilan kung bakit nabaliktad ang payong ko. Oh god! Mababasa na talaga ako. Bakit kasi ang tagal buksan ng gate? Para na akong basang sisiw dito.

Muli pa sana akong magdodoorbell nang mabuksan na ang gate at nagulat na lang ako nang hindi katulong o si Tita Tremaine ang nagbukas nito.

Sumalubong sa akin ang singit na mata ni Cinderello, nakakulay gray siyang kapote habang may hawak na napakalaking payong. Takot na takot mabasa ang prinsipe ng mga sapatos.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko na isa lamang ang suot niyang bota habang ang isa naman niyang paa ay nakasuot lamang ng tsinelas Hindi ko maiwasang hindi matawa, hindi pinatawad ni Anastacio maging ang bota niya.

"Nakakatawa ka pa?" seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa sira kong payong.

"Sumukob ka na" hindi na ako nagdalawang isip at mabilis akong sumukob sa payong niya.

Pero agad akong nagsisi nang mapasobra ang paglapit ko sa kanya. Halos gahibla na lamang ang distansya namin sa isa't isa habang magkatitig ang aming mga mata. Pakiramdam ko ba ay biglang nawala ang ingay ng pagpatak ng ulan dahil sa mga mata niyang lumulusaw sa akin.

Have I seen his eyes before? Bakit parang pamilyar ito sa mas malapitan?

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pagtibok ng puso ko. What's this Aurelia?

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. At habang tumatagal ang titigan namin dalawa, unti unti kong napapansin ang pagkunot nang noo niya na parang may pilit siyang inaalala.

Sa pagkakataong ito mas napagmasdan ko nang malapitan ang mukha ni Cinderello. Kung nakakatulala na ang kanyang mga litrato, papaano pa sa personal?

Napansin ko na unti unting umangat ang isa niyang kamay na akmang hahawakan ang pisngi ko, dito na ako napaatras mula sa kanya. Bakit niya ako hahawakan?

Para siyang natauhan sa ginawa kong pag atras at napatitig na lang siya sa nakaangat niyang kamay na mabilis niyang binawi.

"Use this umbrella.." mabilis niyang inabot sa akin ang payong at nagmadali na siyang tumakbo papunta sa bahay.

"Weird.." nasabi ko na lang habang sinusundan siya ng tanaw.

Nang makarating na ako sa loob ng bahay, nasa may entrance pa din si Cinderello na wala nang suot na kapote. Bahagya niya pa akong nilingon kaya muli kaming nagkatinginan pero siya itong unang nagbawi sa amin. Hindi ko makuha ang ikinikilos nitong si Cinderello.

Bigla na lang siyang tumikhim sa kanyang eksaheradong paraan na lalong nagpangiwi sa akin. Ano ba talaga ang pinaglalaban nitong si Cinderello?

Napansin ko na lang na patakbong papunta sa direksyon namin si Anastacio na may dalang towel na mas malaki pa yata sa kanya. Akala ko ay kay Cinderello niya ito ibibigay dahil napansin ko na tumingin sa kanya si Anastacio pero nagulat na lang ako nang sa akin lumapit si Anastacio, ako ang binigyan niya ng towel.

"Thank you Anastacio, ang sweet mo naman" pinisil ko pa ang ilong niya dahil sa tuwa ko. Sinimulan ko nang punasan ang sarili ko, mabuti na lang at hindi ako sobrang nabasa.

Nagsimula nang maglakad si Cinderello.

"Wala si Tremaine. Isang linggo siyang nasa Singapore, kami lang ni Anastacio ang tao dito ngayon" sabi niya habang nagsisimula na siyang tumaas ng hagdan.

Tumango na lamang ako habang pinupunasan ang buhok ko. How about Anastacio's brothers?

"Nasaan sina Drizello at Augusto?" tanong ko sa kanya.

"Sila ba ang tuturuan mo?" mabilis na sagot niya sa akin. Nahihimigan ko na iritado na naman siya. Hindi ko talaga mahuli ang timpla ng ugali nitong si Cinderello.

"Hindi pwedeng curious lang?" sagot ko sa kanya. Dito na siya humarap sa akin at lalo na namang sumingkit ang mga mata niya.

"Anastacio, nasaan ang mga kapatid mong mukhang gangster?" nagawa niya pa akong irapan bago siya bumaling kay Anastacio na nakatungo na lang naman.

Umiling lang si Anastacio sa kanya bilang sagot. Malamang tinakot na naman niya ang bata. Sino ba ang hindi matatakot sa kanya? Para lagi siyang galit sa mundo.

"Hindi ka ba marunong magtanong sa kanya nang maayos? Sa tono mo hindi ka talaga sasagutin ng bata" pilit kong pinahinahon ang boses ko. Ayaw kong salubungin ang init ng ulo niya. Ang lamig na nang panahon bakit hindi ba dinamay ang ulo nitong si Cinderello?

"Ganito na akong magsalita Aurelia" matabang na sagot niya sa akin.

"Hey, Anastacio. I am asking you, where's your handsome brothers?" tanong muli niya sa bata na mas lalo lamang tumungo.

"Enough. I am not curious anymore" madiing sabi ko.

"Good" maiksing sabi niya. Nagsimula siyang bumaba sa hagdan at mabilis siyang nakarating sa harapan ko. Inagaw niya lang naman ang towel na hawak ko.

"Wait, hindi pa ako tapos dyan" aagawin ko pa sana nang itaas niya ito para hindi ko maabot.

"This is mine. Bakit towel ko ang ibinigay mo sa kanya Anastacio?" iritadong tanong niya sa kawawang bata.

Napapikit na lang si Anastacio sa takot kay Cinderello na malapit lang sa kanya. Kaya hindi na ako nagulat nang umalingawngaw ang malakas na pag iyak ni Anastacio.

Halos manlisik na ang mga mata ko kay Cinderello na kunot noong nakatitig kay Anastacio na umiiyak.

"Ilang taon ka na ba? Bakit nagpapaiyak ka pa ng bata?! Inaaway mo pa ang bata! My god! You're damn impossible!" niluhod ko si Anastacio at sinimulan ko nang punasan ang luha niya. Shit! Hindi pa naman ako marunong mag alo ng batang umiiyak.

"Anong ginawa ko?" tanong niya na parang wala siyang masamang ginawa.

"Hindi mo alam ang ginawa mo? Wala ka talagang nalalaman?!" sigaw ko sa kanya. Tumayo na ako at itinago ko sa likuran ko si Anastacio na iyak nang iyak.

"Wala akong ginawa" diretsong sagot niya sa akin.

"Wala?! Ano ang tawag mo dito? Anong tawag mo sa batang umiiyak na ito?" itinuro ko si Anastacio na nakayapos na sa mga binti ko.

Kung ako si Tita Tremaine, Augusto at Drizello hinding hindi ko pagtitiyagaan ang ugali nitong si Cinderello, hinding hindi ko siya titiisin. Maghahanap na lang ako ng apartment na titirhan para hindi ko na makita ang mukha niya.

"Nagtanong lang ako sa kanya, masyado lang iyakin ang batang 'yan" pakiramdam ko ay lalong tumaas ang presyon ng dugo ko. Malamang bata ang pinag uusapan namin dito.

"Hindi siya iyakin. Sa totoo lang napakabait niyang bata pero may tao na hilig na hilig siyang paiyakin! Akala mo ba hindi ko napapansin? Tinatakot mo lagi ang bata! Pinandidilatan mo ng mata, pinagtataasan mo ng boses! Kung may galit ka sa mommy niya huwag mong idamay ang bata! wala naman siyang ginagawang masama sa'yo! My god! Bata itong pinaiiyak mo! Walang bait! Ilang taon ba ang agwat niyo?!" mahabang sabi ko kay Cinderello na halos kapusin ako nang hininga.

Lalong lumakas ang pag iyak ni Anastacio kaya lalo akong nataranta. Pinakaayaw kong makakita ng mga batang umiiyak, masyadong mababaw ang luha ako at malaki ang posibilidad na mapaluha din ako. Damn.

"Lagi niya akong ni aaway Ate Aurelia, hindi ko naman siya ni aano.." mas nahabag pa ako kay Anastacio nang ipahid niya ang mga kamay niya sa kanyang mga luha habang sinisinok siya. Kawawa naman ang batang ito, masyado na siyang inaapi ni Cinderello.

"Tahan na Anastacio, gusto mo magtagal muna dito si Ate Aurelia?" sinimulan ko nang punasan ang luha niya.

"What a scene.." pakinig kong bulong ni Cinderello na tuluyan nang pumutol sa kaunting pasensiyang mayroon ako. Ubos na ubos na, sagad na.

Mabilis akong tumayo at humarap sa kanya. Huminga ako nang malalim at wala pang ilang segundo ay lumipad ang isang malakas na sampal sa pisngi niya.

"What the---" gulat na sabi niya sa ginawa kong pagsampal sa kanya.

"Napaka immature mo! Nakakairita ang ugali mo! Ayaw mong magpatalo kahit sa bata! Anong gusto mong patunayan?! Hindi ba at ikaw na?! Bakit may mga taong gustong gustong magpaiyak ng bata? Hindi ka ba naaawa sa bata? Tumutulo na ang luha dahil sa takot sa'yo!" mabilis kong pinahid ang luha ko sa aking mga mata. Ito ang kinatatakutan ko, masyado akong nadadala.

"What the—" nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa akin na umiiyak na rin. Mabilis kong binuhat si Anastacio.

"Tayo na sa room mo Anastacio, galit tayo kay Kuya Rashid! Inaaway niya tayo! We hate him! Akala niya naman gwapo siya! Hindi naman siya gwapo!" tulala siya ngayon sa amin ni Anastacio.

Nang lalampasan na namin siya ay dinilaan pa siya ni Anastacio na natural na ginagawa ng mga bata sa kanilang mga kaaway. Habang ako naman ay eksaheradang umirap sa kanya na lalong nagpaawang ng bibig niya.

Pero wala pa man kami ni Anastacio sa kalagitnaan ng hagdan ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Cinderello.

"Pinaiyak ko ba ang magtutor? Sorry na, hindi na uulit si kuya Rashid.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro