Chapter 59
Chapter 59
Isang linggo nang wala si Rashid, ilang araw na rin akong hindi nakakakain at nakakatulog ng maayos. Ito na ang kinatatakutan ko, dapat mas pinigilan ko na siya nang gabing 'yon, dapat nagmakaawa na lang ako sa kanyang huwag niya akong iwanan. Dapat gumawa ako ng paraan para hindi na siya matuloy sa huling misyon niya.
Nangako ka na naman sa akin Rashid, nangako ka sa akin na babalikan mo ako. Nangako ka sa akin na ako na ang pipiliin mo, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na pagpaparamdam mula sa'yo?
Natatakot na ako sa lumilipas na araw, alam kong sa pagtagal ng panahon na hindi mo pagpaparamdam sa akin, impossibleng---
Napasubsob na lamang ako sa lamesa habang iniisip ang aking problema.
"Nurse.."
"Nurse.."
"Nurse.." agad akong nag angat ng ulo nang may kumulbit sa akin. May batag pilit ngumingiti sa akin at base sa kanyang mga mata ay kagagaling lang siya sa kanyang pag iyak.
"Saan po dito ang chapel? Ipagdadasal ko lamang po si tatay." Sa pagkasabi niya ng tatay ay agad niyang nakagat ang kanyang pang ibabang labi para pigilan ang kanyang pag iyak.
Dumating na ang kasamahan kong nurse na kakatapos lamang mag rounds kasama ng ilang doctor sa bawat kwarto.
"Hindi ka pa ba labas Aurelia? Overtime ka na." Tipid akong ngumiti sa kasamahan ko bago ko kinuha ang bag ko.
"Aalis na ako, ihahatid ko lang sa chapel ang batang ito." Tumango sa akin ang mga kasama ko.
"Let's go.." nauna na akong naglakad sa bata pero pansin ko na agad siyang humabol sa akin at sabayan akong maglakad.
"Ang ganda mo naman po Ate nurse, paglaki ko gusto ko rin maging nurse kagaya mo. Gusto kong gamutin si tatay." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ng batang babae. Bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya?
Nagulat siya sa akin nang hinawakan ko ang kanyang kamay habang naglalakad kami pero hindi din nagtagal ay kusa na rin humawak ang kanyang mga kamay sa akin.
Lumipat lamang kami sa kabilang building ng hospital, nagtungo kami sa ikalawang palapag hanggang sa makarating kami sa chapel. Siya na mismo ang kusang bumitaw sa akin at nagmadali na itong nagtungo sa pinakamalapit na upuan at lumuhod dito.
Naaawa ako sa kanya, kahit saglit lamang kaming nag usap ramdam na ramdam ko ang dinadala niya sa kanyang murang edad. Higit siyang mas bata sa akin nang maranasan ko ang sitwasyong kinakaharap niya ngayon.
Sa halip na umalis ay tumabi ako sa kanya at lumuhod kasama niya.
"Ate nurse, hindi ka pa umaalis?"
"I'll pray with you, sabay nating ipagdasal ang tatay mo." Ngumiti ito sa akin at ilang beses siyang tumango.
Huminga ako ng malalim bago ko ipinikit ang aking mga mata. Nagpasalamat ako, humingi ng tawad at humiling ng ilang kahilingan. Gabay para sa kaligtasan ng ama ng batang kasama ko at paulit ulit na paghingi ng lakas ng loob para sa anumang balitang maaaring matanggap ko.
Ilang beses ko nang hiniling na sana ay makaligtas ang lalaking pinakamamahal ko, sana ay makabalik siya sa akin na walang kahit anong masamang nangyari sa kanya. Hindi ko na yata kakayanin kung muli na naman akong maiiwan.
Halos kalahating oras ang itinagal namin ng batang babae bago siya nagpaalam na babalik na siya sa tapat ng operating room, itinanong ko sa kanya kung anong sakit ng tatay niya. Sinabi niyang sa puso.
"Nasaan ang mga kamag anak nyo? Bakit ikaw lang?" umiling lang ito sa akin at mukhang ayaw niyang magkwento.
"Nakakain ka na ba?" hindi ito sumagot sa akin.
"Let's go, wala rin akong kasabay kumain." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Pansin ko ang pag aalinlangan niya pero nang ngumiti ako sa kanya ay kusa niyang ibinigay sa akin ang kanyang kanang kamay.
"Bakit ang bait mo sa akin Ate nurse?"
"Dahil nakikita ko sa'yo ang sarili ko." Tipid na sagot ko sa kanya.
Malapit lang ang Mary Mediatix Hospital sa Jollibee kaya dito ko na dinala ang batang babae. Hindi naman siya pilian sa pagkain kaya hindi ako nahirapan sa kanya.
Hinayaan ko muna siyang kumain bago ako nagtanong sa kanya.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Erica po ate nurse."
"Oh, you can call me Ate Aurelia.."
"Hi po Ate Aurelia! Salamat po sa pagkain, kahapon pa po akong hindi kumakain." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng bata. Papaano naoperahan ang tatay niya?
Hindi ko siya magawang tanungin tungkol dito.
"Buti na lang Ate Aurelia, may health card na laging hinuhulugan si tatay. Dahil sa health card niya tinanggap siya ng hospital." Alam kong hindi sasapat ang health card para sa gastusin sa malakihang operasyon. Papaano pa makakabayad ang mag ama?
Humigop muna ako ng coke bago ako muling nagtanong sa kanya.
"Pumapasok ka sa school?" mabilis itong tumango sa akin.
"Kaso lagi akong absent para magtinda ng sampaguita, tumulong din po ako sa pagtitinda ng bulaklak sa flower shop na malapit sa bahay namin, hindi na kasi makapagtrabaho masyado si tatay." Nasa mga pitong taong gulang pa lang siguro siya pero masyado na siyang namulat sa kahirapan.
"Pero mag aaral pa din po akong mabuti! Magiging nurse din po ako katulad mo Ate Aurelia.." muli akong ngumiti sa sinabi niya.
"Hihintayin kita.." inubos niya muna ang coke niya bago ito mabilis na tumayo at nagulat na lamang ako ng tumabi ito sa akin. Tinanggal niya ang maliit na hair clip niya na kulay asul sa kanyang buhok.
"Ito lang ang maibibigay ko sa'yo Ate Aurelia, salamat ate sa dasal at pagkain. Ikaw ang pinakamabait na nurse na nakilala ko."
"No, it's okay. Hindi na kailangan.." umiling siya sa akin.
"Sa'yo po 'yan Ate, bigay pa po 'yan sa akin ni kuyang mahilig sa straw. Ang bait bait nyo pong dalawa." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What? Kuyang mahilig sa straw? Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?" tanong ko. Iisa lang ang kilala kong mahilig sa straw. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.
"Si kuya Rashid, lagi siyang bumibili ng sampaguita sa akin at ng magagandang bulaklak bago siya pumasok ng sementeryo. Inuutusan niya rin akong bumili ng yakult at zesto para sa straw." Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya.
"Saang sementeryo?"
"Sa Ravenhearst Cemetery po, malapit po dito ang bahay namin." Natigilan ako sa sinabi ni Erica. Kung ganon si Rashid ang nagdadala ng bulaklak sa mga magulang ko? Hindi ba at hindi natuloy ang pagpunta namin sa mga magulang ko? Papaano niya nakilala? Ipinilig ko ang ulo sa huli kong tanong dahil alam kong mabilis lang niya itong malalaman.
Pero bakit niya madalas na dinadalaw?
"Bakit po ate?"
"Oh, wala." Tumayo na rin ako.
"Bukas duty ulit ako, siguradong nandito ka pa rin. Lapitan mo lang ako, gusto ko kasing may kasabay akong kumain." Umiling na sa akin ang batang babae.
"Wala na po akong mabibigay na hair pin Ate Aurelia, maraming salamat po ulit.."
"Hindi mo na kailangang magbayad, here.." Hindi na niya tinanggap ang hair clip dahil nagmadali na itong umalis.
Napatitig na lamang ako ang magandang hair clip na ibinigay ni Rashid sa kanya. Kailan pa nahilig sa bata si Rashid?
Itatago ko na sana ito nang bigla na lamang may bumangga sa aking malaking lalaki dahilan kung bakit nabitawan ko ang hair pin at hindi sinasadyang maapakan ito ng lalaki.
"No!" hindi ko na pinansin ang naagaw na atensyon ng mga tao.
"Kuya! Bakit mo naman inapakan?!" nag init ang sulok ng mata ko nang makita kong putol na ito at ang maliit na asul na bato nito ay natanggal na.
"Oh, sorry miss. Babayaran ko na lang.." Kinuha ko na lamang ito sa sahig at nagmadali na akong lumabas sa jollibee.
Lalong naging hindi maganda ang pakiramdam ko. Kahit ang tibok ng puso ko ay hindi na tama. Tatawid na sana ako nang biglang may ambulansyang bumusina nang malakas sa akin at nagmamadali na itong makarating sa hospital.
Hindi lang isa kundi apat na magkakasunod na ambulansya ang dumating, saan nanggaling ang mga ito? Bigla na lamang humakbang ang mga paa ko pabalik sa hospital, gusto kong makilala ang laman ng ambulansya. Hindi na maganda ang kutob ko sa mga oras na ito.
Nakatayo lamang ako sa gilid ng bukana ng emergency room habang pinagmamasdan ko ang ipinapasok na pasensiya na punong puno ng dugo. Hindi ko nakikilala ang unang dalawang babae, hind ko rin kilala ang lalaki sa pangatlong ambulansya. Nangangatal na ang mga tuhod ko habang ipinababa na ang pasyente sa huling ambulansya.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang hindi si Rashid ang nakita ko. Ano na ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganito na ang naiisip ko? Sa halip na umuwi ay natagpuan ko na lamang muli ang sarili ko sa maliit na chapel ng hospital.
Bigla na lamang akong napahagulhol ng pag iyak. Hindi na talaga maganda ang kutob ko, sana tiningnan ko na lamang siya sa pag alis niya. Sana niyakap ko siya nang mahigpit para hindi niya ako iniwan.
Saan at kanino ako magtatanong tungkol sa kanya? Wala akong kahit anong ideya. Sumasakit na ang dibdib ko sa kakaisip ng posibleng mangyari sa kanya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak nang maramdaman kong may tumatawag sa aking telepono. Hindi nakarehistro ang numerong nakikita ko. Nangangatal ang kamay kong sinagot ito.
"Aurelia.." parang piniraso ang puso ko nang hindi boses ni Rashid ang narinig ko. Kundi boses ng umiiyak na babae.
"Fvck, hindi ko masabi Hazelle.."
"Karapatan niyang malaman Enna, ito ang trabaho ni Rashido.."
"Give me the phone.." pakinig ko ang boses ng lalaki. Umaagos na ang luha ko.
"Cap.."
"Just give me the fvcking phone.."
"Aurelia, I'm sorry. He couldn't make it.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro