Chapter 58
Chapter 58
Pakinig ko ang papalayo niyang mga yabag mula sa akin. Gusto kong lumingon sa kanya, gusto ko siyang makita bago siya pumunta sa kanyang delikadong trabaho. Sa trabahong laging nakasangla ang kanyang buhay.
Sinubukan kong lumingon sa kanya pero niyakap niya ako at ipinatong niya ang baba niya sa balikat.
"Don't look baby, don't look. Ayoko nang nakikita mo akong umaalis. Ayoko nang maalala mo ang ginagawa ko sa'yo noon."
"Rashid, pwedeng huwag ka na lang umalis? Dito ka na lang, hindi na maganda ang kutob ko sa paraan ng pamamaalam mo. Ayoko dito ka na lang, sabihin mo sa kanilang hindi mo kaya. Dito ka na lang sa akin Rashid." Paulit ulit na sabi ko.
Naramdaman ko na lamang ang paghalik niya sa aking pisngi.
"Baby, nakapangako ako sa kanila. Huling beses ko nang gagawin ang trabahong ito, hanggang dito na lang ako sa huling misyong ito. Babalik ako Aurelia, pangako."
"Is it a dangerous mission Rashid?" tanong ko na umaasang maganda ang kanyang isasagot sa akin.
"My mission is always dangerous Aurelia, it will never be safe. But I promise, I will come back. So please, don't look baby. Okay?" Marahan na lamang akong tumango sa sinabi niya.
"I love you Aurelia Hope.."
Kagat labi akong nanatiling nakatalikod sa kanya habang nagsisimula nang humina ang mga naririnig kong yabag sa kanya. Lumayo na naman siya sa akin.
"Please be safe Rashid.."
"I will, I will baby.."
Ito na lamang ang huling salitang narinig ko mula sa kanya hanggang sa marinig ko na ang ingay ng tumatakbong sasakyan dala ang lalaking pinakamamahal ko.
Lumuluha akong humarap sa tahimik at madilim na kalsada, gusto ko siyang pigilan at yakapin nang mahigpit para huwag na siyang umalis pero alam kong napakaimportante sa kanya ang trabahong ito. Isang importanteng bagay na parte na ng kanyang pagkatao na handa niyang iwanan para lamang sa pagmamahal niya sa akin.
Wala sa sarili akong umuwi ng bahay dahil sa mga nalaman ko, hindi lamang ang buong pagkatao ng lalaking mahal ko ang nalaman ko ngayong gabi kundi, maging ang ilang taong katanungan ko tungkol sa aking sapatos.
Siguro ay nakakatawang isipin na dahil lamang sa isang sapatos ay ganito na ang nararamdaman ko, magagawa ko bang sisihin ang sarili ko? Saksi ako kung papaano nagpakahirap nang ilang beses ang aking ama para maibigay lamang ang regalong pinapangarap niyang maibigay sa akin, at sa kaalaman pang ito ang huling pinaghirapan niya bago nila ako iwan at lisanin ang mundong ito.
It was my father's last happiness. At hindi ko akalain na napakaraming buhay ang nakasalaylay sa isang simpleng sapatos lamang.
Noong una ay halos isumpa ko si Rashid nang malaman kong siya ang kumuha pero matapos kong malaman ang kanyang dahilan, halo halo nang emosyon ang nararamdaman ko.
Nahiga na ako sa kama at natulala na lamang ako sa kisame, papaano pa ako makakatulog ngayong gabi sa kaalamang ang lalaking pinakamamahal ko ay nakasalang sa pagitan ng buhay at kamatayan?
Inaamin ko sa sarili ko na hindi ko pa rin gusto ang trabaho niya, pero nahigitan ng pagmamahal ko sa kanya ang pagkamuhi ko sa trabahong meron siya. I love Rashid so much and I am willing to accept everything about him.
Isa pa nangako na siyang iiwanan na niya ang kanyang trabaho, magiging nakaraan na lamang ang parte ng pagkatao niyang ito.
Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay ilang beses akong nanalangin na sana ay makauwing ligtas ang lalaking mahal na mahal ko mula sa pinakahuli niyang misyon.
--
Tanghali na akong nagising kinabuksan dahil halos madaling araw na ako nakatulog. Agad kong hinagip ang telepono ko para malaman kung may natanggap ba akong message mula kay Rashid. Sinabi niyang kagabi ang huling misyon niya, posible kayang umabot ito ngayong umaga?
Tumawag ako sa aking trabaho para sabihin na hindi ako makakapasok, nagdahilan na lamang akong masama ang pakiramdam ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako magiging epektibo sa aking trabaho ngayong araw.
Kalahating araw yata akong tulala sa aking telepono at naghihintay ng balita tungkol kay Rashid. Sinubukan ko nang tumawag kay Tita Tremaine at nagbabakasakaling tumawag na sa kanila si Rashid.
"Tita Tremaine.."
"What's wrong Aurelia?" nag aalalang tanong sa akin ni Tita Tremaine.
"Hindi pa po talaga tumatawag si Rashid?"
"Nagpaalam siya sa akin noong nakaraan pa na mawawala siya ng isang linggo, hindi pa siya napapatawag sa akin. Nagtalo na naman ba kayo?" Umiling ako na parang kaharap ko lamang si Tita Tremaine.
"No, hindi naman po. Pasensiya na po sa abala Tita, sige na po hindi ko na kayo aabalahin."
"Alright Aurelia, if you have problem with Rashid you can always come to me. We'll talk about it."
"Thank you po Tita."
"No problem hija, ayokong hahantong na naman sa paghihiwalay ang problema nyo. Once is enough."
"Yes po Tita, salamat po."
Hapon na nang naisipan kong lumabas ng bahay. Agad napansin ng kaibigan ko na medyo matamlay ako kaya isinama niya ako sa mall, hindi ko tuloy alam kung papaano ako tatago kapag may mga katrabaho akong pwede kong makasalubong.
"Ano na naman ang problema mo Aurelia? Sadya ba na ganyan lagi kapag sobrang gwapo at chinito ng boyfriend?" abala na siya sa pamimili ng kanyang damit.
"Siguro? Kaya huwag kang pipili ng chinito, marami silang sekreto." Tipid na sagot ko sa kanya.
"Pero?" itinaas niya ang kilay niya sa akin. Ngumiti ako sa ibig niyang sabihin.
"Masarap magmahal ang mga lalaking chinito, lalo na kapag laging niaaway." Sabay kaming natawa ni Ana sa sinabi ko.
Alam na niya ang niaaway ni Rashid, dahil sa kanya ako madalas nagkukwento ng mga kaartehan ni Cinderello.
"Yun naman pala, baka kaunting tampuhan lang 'yan Aurelia. Mahal na mahal ka ni Villegas, kilala siya sa bayan natin na laging nasa ibang bansa ikaw lang ang nakapagpatigil sa kanya dito sa Pilipinas. He won't stay and play like a baby if he's not madly in love with you." Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Ana.
Ilang boutique pa ang pinuntahan namin bago kami kumain, nagkwentuhan at nagtawanan bago kami umuwi. Wala pa rin akong tigil sa pagsulyap sa aking telepono pero kahit isang message mula kay Rashid ay wala pa rin akong natatanggap.
Naglalakad na kami sa loob ng compound namin nang mapansin kong may lalaking nakatalikod at nakaharap sa aking bahay na parang may hinihintay. Kahit malayo ang aming distansya, kilalang kilala ko ang paraan ng pagtindig niya. Ilang buwan na ba nang huli ko siyang nakita.
"Oh, the ex. Saka na ako pupunta sa bahay mo Aurelia." Mabilis akong iniwanan ni Ana.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at mukhang naramdaman ako ni Bello kaya humarap itong nakangiti sa akin.
"Bello.."
"How are you Aurelia?" mas bumilis na ang mga hakbang ko hanggang sa yakapin ko na siya.
"I am fine, ikaw? Kamusta ka Bello? Bigla ka na lang nawala." Narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.
"Sadyang nawawala ang mga nasasaktan, nagpapakalayo." Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Dito na lang ba tayo sa labas Aurelia? You're not going to ask some coffee? For old times sake, doktora." Ngumuso ako sa kanya.
"Doktora na naman, nag aaral pa lang ako Bello." Ngumisi lang siya sa sinabi ko.
Kumalas na ako ng yakap sa kanya at mabilis kong binuksan ang pintuan..
"Come in Bello.."
"Mas gumanda ka ngayon Aurelia."
"Thank you.." Naupo na lamang siya sa sala habang nagdiretso ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang dahilan ng pagpunta niya dito. Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay namin dahil sa biglaan niyang desisyon na pag iwan sa akin, wala akong makapang sama ng loob sa kanya. Sa katunayan, masaya pa akong dumalaw siya ngayon.
Dalawang tasa ng kape ang dala ko, inabot ko sa kanya ang isa at naupo na rin ako sa sofa.
"Kailan ka pa dumating?" panimula ko.
"Kahapon lang." Tumango ako sa sinabi niya.
"Kamusta ang pagtigil mo sa ibang bansa?" Pansin ko na nakatitig lang siya sa akin.
"Good, ikaw? Sinunod mo ba ang talagang gusto mo? You look happy right now Aurelia, happier when I'm with you."
Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang pagitan namin.
"Bello.."
"I am just checking you if I did the right decision."
"But Bello, I am telling you honestly. I did love you.."
"Yes, alam ko Aurelia pero alam kong mas mahal mo siya. Pinakawalan kita dahil ayokong makulong sa isang relasyon na may lalaking higit na nakakapagpatibok ng puso mo kahit pag aari na ka. I'll just torture myself while loving you, we'll just torture ourselves."
"Bello.."
"I am also here to apologize, alam kong mali ang biglang pag iwan ko sa'yo. Yes, I did the same. Iniwan din kita pero alam kong mas mapapabuti ka sa pag iwan ko sa'yo."
"You don't need to apologize Bello, kung hindi dahil sa'yo mahihirapan akong magpatuloy nang mga panahong iniwan ako ni Rashid. You're my not knight in shining armor, my savior."
"Yes, your knight and savior who can't win your heart." Natatawang sagot niya sa akin.
"Bello.."
"I am here for proper closure, gusto kong malaman kung masaya na ang babaeng mahal ko. I am happy for you Aurelia, mapapatay ko ang gago kapag pinakawalan ka pa niya." Ininom na niya ang kapeng tinimpla ko bago ito tumayo.
"Napadaan lang ako Aurelia, i lock mo na ang pinto gabi na." Inihatid ko na siya sa labas.
"Maraming salamat Bello, maraming salamat."
"It's my pleasure Aurelia.." bahagya niyang hinaplos ang pisngi ko.
"Can you call my name again Aurelia?" hindi na ako nag isip at mabilis kong binanggit ang pangalan niya.
"Dash Anthony.."
"No Aurelia, it's Bello..your almost prince.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro