Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

Chapter 57


Nakatitig lamang ako kay Rashid habang pilit kong tinatanggal ang posas niya sa akin. Ano na naman ang sinasabi niyang ito sa akin?

He did-- what? Stole something from me?

Naupo na rin siya sa lamesa, kinuha niya ang baril na nasa kanang bewang niya at pinili niya itong hawakan at ilang beses ihagis at saluhin nang paulit ulit.

"Matagal na ako sa trabaho kong ito, tulad nga ng sinabi ko sa'yo dito na ako lumaki at mas nagkaisip." Panimula niya. Alam kong kahit anong gawin ko sa posas na ito ay hindi ako makakatakas na sa kanya. Kaya kahit ayaw ko siyang pakinggan, pinili ko na lamang manahimik at makinig sa paliwanag niya.

"Sous L'eau is an organization of skilled agents, nandito na ang pinakamamatalino, pinakamagagaling at pinakabihasang tao sa larangang kinabibilangan ko . We are not just discovered by chance Aurelia, this organization has a keen eye in identifying who's the most qualified of all. They are not looking for aged and skilled persons, but those kids who have a highly intellectual mind. Ang Sous L'eau mismo ang nagpapalaki sa kanilang mga tauhan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Papaano? Hindi ba at nito lang namatay ang kanyang ama? Papaano siya nahawakan ng organisasyong ito?

"How is that possible Rashid? You still have your father back then."

"I was a rebel Aurelia, pinababayaan na ako ni daddy noon. Hindi na niya nalaman na may malaking tao na palang nakalapit sa akin at inalok ako ng bagay na maaaring magamit ko para mapaghigantihan ang pagkamatay ni mommy. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit ako sumali dito." Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"My mom was murdered Aurelia, nasabi ko na sa'yo ito noon."

"Kung ganon---" hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko sa kanya.

"Yes baby, I didn't hire people to hunt those fvcks who killed my mother. I did kill them with my own hands."

"Rashid.."

"And I don't regret what I did baby, they deserved that. My mom was just doing her job to serve people, by reporting the truth, by giving people them the rightful information. Anong karapatan ng mga sindikatong itong patayin ang isang taong marangal na nagtatrabaho? Hindi ko sila inubos para lamang sa sarili kong kagustuhan at paghihiganti, ginawa ko ito dahil alam kong ito ang tama. Ilang taon na silang naghahari harian sa mundong nagbubulag bulagan, napakarami nang tao ang patuloy nilang nabibiktima, sa tingin mo ba ay mahihintay pa nito ang batas? Ang gobyerno na inaakala mong tama? Aurelia, hindi lahat ng may hawak ng batas ay tama. Karamihan sa kanila ay mga bahag ang buntot at pinipili na lamang manahimik at huwag sumali sa mga gulo para lamang mapahalagahan ang sarili nilang posisyon at kapangyarihan." Hindi ko akalain na maririnig koi to mula sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko naisip na dadating sa puntong magkakaroon kami ng ganitong klaseng usapan. Wala akong salitang masabi sa kanya.

"Wala na akong pakialam kung ilang beses nang naligo sa dugo ang mga kamay na ito, kung ilang beses na itong umagaw ng buhay ng tao. Dahil hindi makakayang dalhin ng konsensiya ko at nang buong pagkatao ko na magbulag bulagan katulad ng gobyernong inaakala mong tama. I am trained to kill baby. At hindi ko pinagsisihan na pumasok ako sa mundong ito. Ang bawat pagpatay ko ay may matinding dahilan Aurelia, isang buhay na inagaw ko kapalit nito ay kalayaan nang hindi lamang sampung inosenteng buhay."

"Tell me what happened two years ago, may kinalaman ba ang trabaho sa biglang pagkawala mo? Ito na ba ang matindi mong dahilan kung bakit lagi ka na lamang biglang nawawala?" tanong ko sa kanya kahit isinasampal na sa akin ang kasagutan. Tumango siya sa akin.

"Last two years ago, our agency experienced the worst of the worst Aurelia. Our first unit commander was identified by the toughest syndicate. Ang sindikatong hindi namin mapabagsak sa napakatagal ng mga panahon ay nagawang makilala si Cap at nadukot siya kasama ng babaeng mahal niya. Dito na ako nagsimulang matakot Aurelia, siya na ang pinakamagaling sa ahensya namin pero nagawa pa rin siyang madukot ng mga kalaban. Ano pa ako? Mamamatay ako sa kaalamang may mangyayaring masama sa'yo. Naiwan ang lahat ng tungkulin sa akin, habang hawak ng kalaban si Cap sa akin dumepende ang buong Sous L'eau, hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ibig sabihin nito Aurelia, sa paglaki ng responsibilidad ko ay sa pag init ng mata ng mga taong may may galit sa aming ahensya. Anong magagawa ko kapag dumating na sa panahong ako naman ang makilala nila? Na ang kanang kamay na siyang pansamantalang humahawak sa ahensiyang surot sa kanilang mga mata ay may kanyang kahinaan rin? Aurelia, ikaw ang kahinaan ko. Mababaliw ako kapag ikaw ang sinaktan ng mga sindikatong buong buhay ko nang isinumpa. Baka mabaril ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo."

"Rashid.." napansin ko na lumuluha na ang aking mga mata.

"Hindi kita gustong iwan Aurelia, kahit kailan hindi ko inisip na iwan ka. Alam ko sa sarili kong ang trabaho ko ang iiwan ko kung papipiliin ako sa pagitan nyo. Everything was already set up, magpapaalam na ako sa Sous L'eau para yayain ka nang magpakasal pero nagsunod sunod ang problema sa ahensiya. Hindi makakaya ng konsensiya ko na magsayang kasama mo habang unti unti nang bumabagsak ang pamilyang nagpalaki at umaruga sa akin. Kaya pinili kitang layuan, Aurelia dahil magiging delikado ang buhay mo kapag nakilala nila ako. Itinatak ko na sa isip ko na pipiliin kita sa tamang panahon."

"But you could have to do in a nice way Rashid! Hindi basta mo na lang akong iniwan ng dalawang taon na walang kahit anong paliwanag. Sa mismong graduation ko pa na sobrang dami mong ipinangako. Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin Rashid. Sige may rason ka para din ito sa akin, pero masakit pa rin Rashid. Hindi mo naramdaman ang naramdaman ko nang araw na 'yon." Wala nang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya nang akma niya itong pupunasan.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga panahong 'yon Aurelia. Halos sumabog na ang utak ko sa patong patong na problema. Dumadagdag pa ang baliw na si Courtney."

"Sinabi mo sa aking pinatay mo siya, why? Bakit humantong sa pagpatay Rashid?!"

"Hindi ako ang direktang pumatay sa kanya pero ako ang isa sa dahilan kung bakit siya napatay. Balak ko na rin siyang patayin noon, pero may nakauna sa akin."

"What?"

"Courtney is also an agent Aurelia, but she's in our competing agency. Pero maling mali ang paraan ng mga operasyon nila kaya kahit kailan ay hindi nagkasundo ang mga ahensiya namin. Minsan ko na siyang natulungan sa isang operasyon dahil pareho kaming ipinadala sa isang bansa. We had few talks, drinks and---"

"Huwag mo nang ituloy Rashid."

"Nakatanggap ka ng video Aurelia, hindi ba?" agad bumalik ang galit at sakit na naramdaman ko noon nang maalala ko ang halikan nila ni Courtney.

"Ilang taon na akong lumayo sa kanya. She's damn obsessed with me. At ang nakita mo sa video Aurelia, pananakot niya sa akin. I kissed her because someone got your head that time. That psychopath Courtney asked a damn sniper to blackmail me. Kung hindi ko siya hahalikan ng oras na 'yon, hindi na kita makikitang buhay. Nangako siya sa akin na pagkatapos nang halik na mangyayari sa amin ay titigilan na niya ako, alam ko sa sarili kong hindi siya nagsasabi ng totoo pero wala akong magagawa, may tao nang nakaabang sa'yo. I did kiss her and make her damn lips bleed with my anger." Kitang kita ko ang pagtatangis ng bagang niya habang nagkukwento.

"Pagkatapos kong lumabas sa condominium niya pinangako sa sarili kong ako ang papatay sa kanya. Walang kahit sino ang pwedeng magbanta sa buhay ng babaeng mahal ko. Nagplano na ako ng gabing 'yon, pumunta ako sa pinakamalapit na hotel at inayos ko na ang mga kagamitan ko. Everything was all set up, my long range gun is fired up. Nakapwesto na rin ako habang sinisilip ang ulo niyang pasasabugin ko. Wala na ako sa sarili kong katinuan Aurelia, sinabi ko sa'yong mababaliw ako kapag may nagtangkang manakit sa'yo."

"Rashid.."

"I was about to pull the trigger when someone appeared inside her room and killed her for." Napansinghap ako sa sinabi niya.

"Pagkatapos ng gabing 'yon, dito na sumabog ang lahat Aurelia. Ang lahat ng problemang hinarap ko sa loob ng dalawang taon, hindi ko na ako nakapag isip ng tama Aurelia kaya basta na lang kita iniwan. I am so sorry baby. Hirap na hirap na ako ng mga panahong 'yon."

"Kung ganon sino ang pumatay kay Courtney?"

"Ang lalaking pumatay sa kanya ay ang lalaking nagnakaw ng kanyang sapatos. The newest Sous L'eau agent and he's going to take over my position." Ilang minuto akong natigilan sa sinabi niya.

"Siya rin ba ang taong maaaring kumuha ng sapatos ko?" nangangatal na tanong ko.

"No, he's not. I did." Bigla na lamang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"Go to hell Rashid! Go to hell! Anong kailangan mo sa sapatos ko?! Bigay 'yon ng tatay ko! huling regalo na sa akin ni tatay ang sapatos na 'yon!" pilit akong nagpumiglas sa posas niya pero hindi ako makawala.

"I'm sorry baby. I was in my mission that time, I'm so sorry.."

"Ito ba ang pinagmamalaki mong trabaho? Hindi mo alam na sa simpleng bagay na kinukuha dahil sa trabahong 'yan may taong lubos na maapektuhan. It was not just the shoes Rashid! It was the memories, my father's effort. Kita ko ang paghihirap niya para lang maibigay niya sa akin ang sapatos na 'yon, ang saya saya niyang nang isuot ko ito. Ang sapatos ang huli bagay na binaggit niya sa akin dahil tuwang tuwa siyang binigyan niya ako ng regalo! Rashid, importante ang sapatos sa akin! Importante 'yon dahil ito ang huling pinaghirapang ibigay sa akin ni tatay bago niya ako iniwanan.." lalo akong napahagulhol sa pag iyak. Bumalik na naman ang lahat ng sakit.

It was not just the material shoes, but the real value of it.

"I'm sorry baby. Hindi ko ginustong kuhanin sa'yo ang sapatos, pero may habol akong numero dito na hindi basta makikita ng mga mata. Nasa misyon ako ng mga oras na 'yon. We need to detonate a bomb that time baby, I am tasked to find the combination of numbers while comrades are sweating to death waiting for me." Paliwanag niya sa akin.

"The bomb was made by another psychotic criminal, a damn old man who loves games and giving clues. Maraming madadamay na buhay kapag hinayaan naming sumabog ang bomba. I'm sorry Aurelia, but your glass slipper is my key that night. Your shoes will save lives, sorry for stealing it from you."

"But why in my damn shoes Rashid?! Bakit sapatos ko pa?" sigaw ko sa kanya.

"I don't know baby, maybe fate? Ikaw lang ang babaeng nakatakdang nanakawan ko ng sapatos."

Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng malakas na busina ng sasakyan.

"They're here." Tipid na sabi niya. Pansin ko na kinakalag niya na ang posas ko.

"Baby, tonight will be my last mission. I did promise to Sous L'eau that this will be the last. They will set me free after this, are you willing to wait for me? May babaeng babalikan pa ba ako matapos kong talikuran mundong akala ko ay mamahalin ko habang buhay? Are you going to accept my past Aurelia? Are you going to accept the prince who stole your glass slippers?"

Tahimik lamang akong nakatitig sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Hindi na rin ako babalik sa Sous L'eau kahit hindi mo ako tanggapin Aurelia." Tumalikod na siya sa akin at nagsimula na siyang maglakad.

Sumikip ang dibdib ko at agad akong tumalon mula sa lamesa at mahigpit kong niyakap si Rashid mula sa kanyang likuran. Habang wala akong tigil sa pag iyak.

"Balikan mo ako Rashid, balikan mo ako. I will accept you baby, I will accept your past, your everything." Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa sa lahat ng mga inamin niya ngayong gabi. Ramdam kong mahal na mahal ako ng lalaking ito, gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Ayoko nang mawalay sa lalaking kayang gawin ang lahat para sa akin, ayoko nang mawalay sa lalaking mahal na mahal ko. Dapat kong tanggapin kung ano siya, dapat kong mahalin ang buong pagkatao niya.

Kinalas niya ang yakap ko sa kanya at humarap siya sa akin. Pumikit ako nang halikan niya ang noo ko, ang aking mga mata, ang aking ilong hanggang sa aking mga labi.

"I will come back. I love you so much Aurelia.." Pilit niyang pinagsalikop ang damit kong pinunit niya.

Palabas na kami ng lumang bahay nang sumalubong sa amin si Enna na ay hawak ng jacket, nakaitim din siya katulad ni Rashid.

Si Rashid mismo ang nagsuot nito sa akin.

"We'll go now baby, turn around." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero wala akong nagawa nang hawakan niya ang balikat ko at itinalikod niya ako.

"Huwag mong panuorin ang pag alis ko. Just stay here and let me go first, don't look baby. I'll always come back to you, I love you Aurelia.." 


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro