Chapter 54
Chapter 54
Simula nang muling maglapat ang mga labi namin ni Cinderello, hindi lang iisang daang 'niaaway' ang narinig ko mula sa kanya. Sa isang araw ay hindi yata maaaring hindi niya mas pasisingkitin ang kanyang mga mata at walang tigil na bubulong na parang sa akin na parang musmos na bata na ni api at ni away na naman.
Hindi lang niaaway ang bumalik, maging ang straw niya na may yakult at ang kamay niyang hindi niya lagi maigalaw. Sa madaling salita, bumalik ang lahat ng kaartehan ni Rashid Amadeus lumalandi na naman Villegas.
Kasalukuyan kaming katulong ng kabataan sa pag aayos ng bandiritas na siyang isasabit namin sa daan dahil sa nalalapit na piyesta sa buong bayan ng Enamel.
Marami kaming katulong na kabataan sa mga oras na ito, simula sa aming Presidente na si Autumn na nangunguna sa iba't ibang maliliit na proyekto ng bayan. Agad kong napansin na kanina pang nakaaligid sa kanya ang kilalang pasaway na anak ng congressman na si Dwight. Ang cute na si Euphie na minsan ko nang nakasabay sa isang parlor kasama ang mga kababata nito na si Triton at Ahmed na ipinakilala niya sa akin kanina. At isa pang pares na pansin ko na kanina pang naglalambingan.
"Aurelia, malapit na ba tayong matapos? Puro mga teenager ang mga kasama natin dito. We're out of place here, baby." Bulong sa akin ni Rashid.
"Excuse me? Ikaw lang po Cinderello ang matanda sa atin. I am just twenty, teenager pa rin ako. Besides, one to two years lang ang tanda ko sa kanila, ikaw ba? " Ngumisi sa akin si Rashid habang naiiling. He's only twenty three, masyado siyang paranoid.
Nakaakyat ako sa may hagdan habang abala ako sa paglalagay ng aluminum na bandiritas sa tali habang nakahawak si Rashid sa hagdan.
"Aurelia, can I kiss your legs?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at muntik na akong mawalan ng balanse.
"Rashid!" tipid akong sumulyap sa mga kasama namin at napahinga ako ng maluwag nang walang nakarinig sa sinabi ni Rashid.
"Be careful baby, what's wrong with you?" natatawang sabi niya sa akin na parang wala siyang sinabing kalokohan.
"Don't you dare Rashid! Hawakan mo ang hagdan huwag ang legs ko!" napalakas ang boses ko. Dahilan kung bakit sumipol si Triton at si Dwight.
"Mabuti na lang at hagdan ang hinahawakan ko, right commander?" ngising tanong ni Dwight kay Autumn na nakakunot ang noo.
"Alright, I'll try to be good." Napairap na lang ako sa sinabi ni Rashid. Pansin ko na hindi lang ako ang nakaakyat sa hagdan maging si Autumn habang nakaalalay sa kanya ang anak ni Congressman. Si Euphie naman ay nasa baba habang si Ahmed ang nakaakyat, pansin ko na kay Euphie ang atensyon ni Triton at hindi sa hagdang hawak niya. At ang huling pares ay dalawa silang nakaakyat sa hagdan at mukhang nagkakatulakan pa.
"Aurelia, bilisan mo na. I thought we'll have our date today?"
"Wait lang Rashid, we need to help them." Nagmamadali na nga ako sa ginagawa ko. Nakakahiya naman kung hindi ko tatapusin itong ginagawa ko.
"Aurelia, hindi ka muna majorette sa fiesta okay? Kailangan kasi ng maraming magandang babae para sa parada. Isa ka sa napili ko, ikaw rin Euphie at ikaw Farrah. You can also include them as your escort." Itinuro niya ang mga lalaking kasama namin.
"I have two friends Autumn." Tipid na sabi ni Euphie na parang nahihirapang pumili sa dalawang kasama niya.
"You can have them both. Pwede naman dalawa ang partner sa parada, baka may magkasamaan pa ng loob sa inyo." Tipid na ngumiti si Autumn sa mga ito.
"You'll join Rashid?" tanong ko sa lalaking nakahawak sa hagdan.
"If you're going to join, then I'm in baby." Tumango ako sa sinabi ni Rashid.
"Sure Autum, we're in."
"Thanks"
Narinig ko na pumayag na rin si Euphie at si Farrah.
Mas binilisan ko na ang pag aayos dahil hindi ko na mapigilan si Rashid sa paghalik halik niya sa likuran ng binti at hita ko. Kung hindi siya nahihiya na baka makita siya ng mga kasama namin, ako hiyang hiya na.
Ako ang unang namaalam sa kanila at hinila ko na palayo si Rashid. Katulad ng dati ay mas pinili namin na magdate sa ilalim ng isang puno at maraming nakalatag na pagkain. Ito ang lugar kung saan kami unang nagdate noon. Pareho kami ng gusto ni Rashid, ayaw namin ng maraming tao.
Kasalukuyan siyang nakayakap mula sa likuran ko at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Nakatayo kaming dalawa habang tanaw ang kalawakan ng mga berdeng damuhan na halatang alagang alaga ng may ari ng lupaing ito.
"Thank you for giving me chances, Aurelia." Hindi ako sumagot sa kanya.
"Sabihin mo lang sa akin kung kailan mo gustong malaman ang lahat. Handa na ako Aurelia. I will accept all your hatred baby, but promise me that you won't leave me for who am I."
"Rashid.." simula nang maging ayos na kami, sinabi ko sa kanya na huwag niya munang sabihin sa akin ang gusto kong malaman. Gusto ko munang mag ipon ng lakas kung sakaling makumpirma ko ang iniisip ko.
"Simula nang makilala kita Aurelia, nawala ang inaakala kong mamahalin ko habangbuhay. Isang ngiti mo lang gusto ko na itong iwanan, isang tawag mo lang sa pangalan ko gusto ko nang bitawan ang mga bagay na akala ko ay hindi na mawawala sa aking sistema. Gusto ko ikaw na lang ang mamahalin ko, gusto ko boses mo na lang ang tatawag sa pangalan ko, gusto ko ikaw na lang ang hahawakan ko Aurelia.." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ng lalaking laging niaaway.
"I've crossed another path and that's you Aurelia. A very beautiful path that I can't lose the track." Ramdam kong mas humigpit ang yakap niya sa akin habang marahan na siyang humahalik sa leeg ko.
"I love you so much Aurelia..so much baby."
"Rashid.." Hindi ko na namalayan na mas inihilig ko na ang buong katawan ko sa kanya.
"No baby, you don't need to answer. I won't rush you baby, alam kong nahihirapan ka pa rin sa mga salitang ito dahil sa mga ipinaranas ko sa'yo. I'll wait until you say that three words again." Humarap na ako sa kanya at inihawak ko ang mga kamay ko sa balikat niya.
"Habang naghihintay tayo ng oras kung kailan magiging handa ka na sa mga sasabihin ko. Ipinapangako kong hindi ako magsasawang mahalin ka.." hinalikan niya ang noo ko.
"Lambingin ka." Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.
"At mag paaway sa'yo nang paulit ulit.." mabilis niyang hinalikan ang mga labi ko. Napairap na lang ako sa ngisi niya.
"You're silly Rashid, ikaw naman ang nang aaway sa atin." Tumawa siya sa sinabi ko.
"Let's eat baby.." ilang beses ko siyang nahampas sa balikat niya nang buhatin niya akong bigla.
"Rashid! Ibaba mo na ako! I can walk."
"Naglalambing lang ako. Ni aaway mo na naman ako baby.." Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko at mas hinigpitan ko ang mga braso kong nakakawit sa kanya.
"Hindi ako mapapagod awayin ka Rashid.."
"Yes and I'll forever accept that baby. You know, Cinderello is made for you, baby. I am made for you. Si Cinderello lang ang pwedeng awayin ni Aurelia Hope Lorzano." Bahagya akong ngumiti sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
"I miss you Rashid, I miss you so much baby.." bulong ko sa kanya.
Hindi na kami nakakain ng maayos ni Rashid nang sandaling makabalik kami sa ilalim ng puno dahil naging abala ang mga labi naming awayin ang isa't isa hanggang sa kapusin kami ng hininga. We kissed like there's no tomorrow. How I miss my Cinderello's lips.
Dumating na ang piyesta at nakahilera na ang napakaraming kadalagahan sa kanilang naggagandahang saya. At halos matulala na lamang ako sa lalaking laging niaaaway habang nakasuot siya ng barong tagalog.
Rashid Amadeus Villegas, the Cinderello and the pretty boy, chinito, with small scar below his lips and his sexy messy hair is now damn endorsing a barong tagalog.
Hindi ko akalain na titingkad din ang kakisigan ni Rashid sa barong tagalog. Hindi halata sa suot niyang lagi siyang niaaway at umiinom ng yakult na may straw.
Magarbong asul na saya ang suot ko, minsan nagtataka na ako kung bakit laging asul ang suot ko. Pansin ko na nakasuot ng kulay pink na gown si Euphie na kumaway sa akin, si Autum na pinahalong yellow at blue. At si Farrah na nakasuot ng green.
"Wow, most of the girls are so beautiful Aurelia." Nakapamaywang si Rashid sa kanyang barong tagalog habang nagmamasid sa mga babae. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ofcourse, you're the most of the most baby." Kumindat siya sa akin at inilahad niya ang kanyang braso para ikawit ko dito ang akin.
Nagsimula na kaming pumarada sa buong kalsada ng Enamel, may dalawang lalaking bantay sa magkabila namin ni Rashid na may dalang malaking arko at mga bulaklak na palamuti nito.
"I like this fiesta" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rashid.
"Taon taon nangyayari ito, taga rito ka sa Enamel. Hindi mo alam?"
"Lagi akong nasa ibang bansa." Tipid na sagot niya sa akin.
"Oh, so let's enjoy this." Ngising sabi ko sa kanya.
Habang pumaparada kami ay may mga kumukuha ng litrato, may nasa unahang dyip kung saan nakasakay ang mga matatanda na nagsasalita ng mga dasal.
Pansin ko na buong parada ay nakangisi si Rashid. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanya, bakit sa tagal niya sa mundong ito ay hindi niya pa nararanasan ang saya ng isang piyesta?
Natapos ang parada at nagsisimula na kaming magtungo sa malaking chapel.
"Rashid, bumili tayo ng bulaklak. Mag alay tayo sa birhen." Tumango ito sa akin. Dalawa ang binili niyang bulaklak at tig isa kami.
"Anong gagawin natin dito Aurelia?"
"Mag aalay tayo, luluhod tayo sa altar habang nakanta silang lahat." Hinayaan ko munang may ilang pares na maunang mag alay sa amin para makita ni Rashid ang gagawin.
"Just like that Cinderello, kapag chorus na ng kanta ng matatanda itataas natin ang bulaklak." Tumango ito sa akin.
Nang wala nang tumatayo ay hinila ko na si Rashid sa harap ng altar. Sabay kaming lumuhod sa harap ng lamesa na may mga nakatirik na kandila habang nasa unahan nito ang birhen.
Kapwa kami nakatitig dito, napakarami kong hiniling para sa akin at sa lalaking mahal ko. Sana kung anuman ang bagay na maaari kong malaman sa hinaharap sana ay magawa ko itong matanggap.
Nang nagchorus na ang kanta ng matatanda ay sabay naming inangat ni Rashid ang bulaklak. Pero bigla na lamang lumukso ang puso ko nang marinig ko ang bulong niya sa akin. Dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.
"I love you Aurelia.." Tipid akong ngumiti at sumagot ako sa kanya.
"I love you too Rashid.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro