Chapter 53
Chapter 53
Limang buwan na simula nang maghiwalay kami ni Bello at ngayon ay maglilimang buwan na rin siyang wala sa Pilipinas. Ilang araw matapos ang hiwalayan namin ay nabalitaan ko na lamang na lumipad na ito sa ibang bansa.
Sinubukan ko siyang tawagan ng ilang beses sa una hanggang sa pangatlong buwan niya sa ibang bansa pero kahit isa ay wala siyang sinagot sa akin. Iniwan niya rin ako katulad nang kung papaano ako iniwan ni Rashid noon. Nangako rin siya sa akin na hindi niya ako iiwanan pero ano itong nararanasan ko? Ito at walang pinagbago, palagi na lamang iniiwanan.
Nanatili pa rin si Rashid na kapitbahay ko sa loob ng limang buwan. Hindi na kami nag uusap pero hindi maaaring hindi ko siya mahuhuling nakatitig sa akin sa bawat araw na magkikita kami. Nagtataka na ako kung saan pa siya kumukuha ng pambili ng pagkain niya. Hindi na yata nagtatrabaho ang magaling na lalaki.
Nang bigla siyang umamin tungkol kay Courtney, nagmadali na akong lumabas ng kwarto at tumakbo na hindi naririnig ang paliwanag niya. Hindi ko matanggap na ang lalaking minahal ko ay kayang pumatay ng tao at hindi ko lubos maisip na ako ang posibleng dahilan kung bakit siya kumitil ng buhay.
Ngayong handa na siyang ipaliwanag sa akin ang lahat ako naman itong natatakot sa pwede kong malaman.
Naglalakad na ako palabas ng bahay nang matigil ako nang makita kong naglalakad na walang damit pang itaas si Rashid mula sa tindahan habang umiinom ng yakult. At hindi siya gumagamit ng straw, hindi ko maiwasang itaas ang kilay ko. Kailan ba siya natututong uminom ng walang straw?
Straight niya itong ininom at basta na lamang niyang itinapon ang bote. Tumapat pa siya sa init ng araw habang pinupunasan ng braso niya ang kanyang labi at marahang naglalakad.
Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pumapasok sa isip ko, bakit parang nakakakita ako ng komersyal ng energy drink sa kanya? Yakult lang naman ang ininom niya. Umismid ako at ipinilig ko ang ulo ko. He's not hot, no way.
"Where are you going?" tanong niya sa akin nang halos magkasalubong na kami.
Hindi ko siya pinansin at akmang lalampasan ko na siya nang humarang siya sa harapan ko. Agad sumayad ang ilong ko sa pawisan niyang dibdib dahilan kaya mabilis akong napaatras.
"What's wrong with you Rashid?! Dadaan ako." Pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang pawis niyang nanunulay mula sa leeg niya na unti unting bumaba sa kanyang dibdib at mas bumababa pa sa namumutok niyang a--- Napapikit na lang ako at agad kong inangat ang paningin ko sa kanya.
He's damn grinning.
"I missed you baby, it's been five months. Mag usap na tayo."
"Hindi ba at sabi ko sa'yo na hayaan mo muna akong mag isip?" muli akong humakbang sa kabilang direksyon pero hinarangan niya na naman ako.
"You are thinking for five months baby."
"Rashid, I need to go."
"Baby.."
"Rashid.." matigas na sabi ko.
"Where are you going?" muling tanong niya sa akin.
"Bakit mo kailangang malaman? Dapat ko ba itong sabihin sa'yo?" natahimik siya sa sinabi ko.
"Move, mahuhuli na ako."
"Aurelia.." muli na namang sumayad ang tungki ng ilong ko sa dibdib niya.
"Oh my gosh! Bakit ka ba kasi nakahubad Cinderello?!" huli na bago ko bawiin ang sinabi ko. I did call my endearment to him.
"Sinong nakahubad Aurelia? Sinong nakahubad?" ngising tanong niya sa akin. Mas inilapit niya sa akin ang kanyang mukha kaya muli akong umatras.
"Wala akong sinasabi." Lumayo ako sa kanya pero hinarangan niya na naman ako.
"You slipped your tongue baby. You missed your Cinderello, I miss you too Aurelia. I miss you so much, huwag mo na akong awayin." Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. At muling bumalik ang lahat ng mga salitang ginamit niya sa akin para mabaliw ako ng lubusan sa kanya.
Lalo pa akong naalarma nang mas makita ko nang malapitan ang mukha niya at ang maliit na pilat niya sa ibaba ng kanyang labi.
Huminga ako nang malalim at marahas kong hinampas ang dibdib niya.
"Awayin mo ang sarili mo!" hindi na niya ako naharangan dahil nagmadali na akong lumampas sa kanya pero hindi nakatakas sa aking mga tenga ang marahan niyang pagtawa.
Ngayong araw ay lalabas kami ng Ate at mommy ni Bello dahil bihira na daw kami nakakagala na magkakasama simula nang maghiwalay kami ni Bello. Hindi ko man gustong sumama sa kanila, wala akong ibang magagawa. Kailangan kong tanggapin ang imbitasyon nila para hindi naman ako lumabas na masama ang ugali at walang pakisama.
Sinabi nilang dadaanan na lamang nila ako kaya hinintay ko na lamang sila. Hindi din nagtagal ay nakikita ko na ang sasakyan nila.
"Hop in Aurelia." Ngising salubong sa akin ni Shaira, ate ni Bello.
Sumakay na ako sa likuran at agad pinatakbo ni Tita Dianna ang sasakyan.
"Manuod muna tayo ng movie, then we'll go shopping." Kumindat sa akin si Tita sa rearview mirror.
"Alright, I'll go anywhere."
Si Shaira ang pumili ng movie at mukhang action pa ang napili nito na agad kong hindi nagustuhan. Hindi ko alam kung bakit hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.
Pumasok na kami sa sinehan at naupo kami sa labas.
"What is this movie all about aside from action?" tanong ko kay Shaira. Nasa gitna nila akong dalawa.
"It's all about an agency. His hidden past, forgotten memories and unsolved mysteries. Dating agent ang bida." Tumango ako sa sinabi nito.
"Siguro cool magkaroon ng agent na boyfriend, he'll do everything for your own sake."
"Papaanong cool? Your life will be endangered if you did love an agent." Tipid na sagot ko. Narinig kong tumawa si Shaira.
"Don't be so serious, I am just kidding Aurelia."
Ngayon ko lang nalaman na pangalawang movie na pala ito. Kasalukuyan nang nasa car chase ang scene at hinahabol ng maraming sasakyan ang sasakyan ng bida. Ang babaeng mahal nito ang nagdadrive at ang lalaking dating agent ang walang tigil sa pagpapalitan ng putok ng baril.
Umabot na sa nakalayo at nabaril na ng bidang lalaki ang mga sasakyang nakasunod sa kanila pero nang sandaling nasa tulay na sila ay may sniper na agad bumaril sa kanila dahilan kung bakit nahulog sa tulay ang sasakyan nila at nahulog sila sa tubig.
Agad nakalas ng lalaki ang kanyang seatbelt pero nang sandaling pilit niyang tinatanggal ang seatbelt ng babaeng mahal niya ay pansin niyang hindi na ito gumagalaw. Nagawa niya pa itong ilabas at paulit ulit niya itong binigyan ng hangin.
But the girl is not responding, she was shot on her head. Siya ang tinamaan ng bala mula sa sniper. Kusa na lamang tumulo ang luha ko nang huling halikan ng lalaki ang babaeng mahal niya bago niya ito iniwan sa ilalim ng tubig.
"What's cool with that Shaira? What is so cool with that? She was killed because she did love an agent!" pansin ko na napapalingon sa banda namin ang ilang nanunuod ng sine.
Bakit ako sobrang apektado sa pinapanuod kong ito?
"Come on, Aurelia. This is just a movie, ano ka ba?" Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy ako sa panunuod.
The guy is so skilled in killing people. At halos karamihan sa bigating tao ay natatakot sa kanyang pangalan. Papaano pa siya mabubuhay ng normal kung ganitong klaseng buhay ang pipiliin niya? Paaano niya pa maiisip na magkaroon ng pamilya kung ganitong mundo ang pinili niya?
Totoo ba talagang may mga taong ganito? Ano ang mga bagay na nagtulak sa kanila para pumasok sa trabahong ganito?
I will never like killings and it is damn against my principle. Ginawa ako para pahabain at magdugtong ng buhay ng tao na siyang kabaliktaran ng mga taong ito na sa isang sandaling kalabit lang ng gatilyo ng baril ay agad nakakaagaw ng buhay.
Natapos namin panuorin ang movie na mabigat ang dibdib ko. Pinili namin na kumain muna.
"You hate the movie, right Aurelia?" tumango ako.
"I hate violence, I hate killings Shaira. Alam mong isa ako sa alagad na nagdudugtong ng buhay ng tao. Buhay ang pinakamahalagang prinsipyo ng propesyon ko. Kahit ano pa ang dahilan, hindi dapat pumapatay ang tao." Agad kong pinilig ang ulo ko nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Rashid.
Ilang beses ko man pilit tanggalin ang tumatakbo sa isip ko hindi ko pa rin matanggal ang imahe ni Rashid habang pinapanuod ko ang mahigit isang oras na movie sa loob ng sinehan. Bakit siya ang nakikita ko?
"Oh sorry for that. Next time, we'll just choose romance or comedy." Agad na sabi ni Tita Dianna.
Habang hinihintay namin ang pagkain ay kumunot ang noo ko nang hawakan ni Tita ang kamay ko.
"Isa pa nga pala kung bakit ka namin inimbitahan Aurelia, dahil gusto kang kamustahin ng anak ko."
"Talaga po?" bahagya akong ngumiti dito.
"Aurelia, gusto niyang magpatuloy ka sa kung anong gusto ng puso mo. Hiniwalayan ka ng anak ko Aurelia hindi dahil para mahirapan ka kundi para mapalaya ka sa inaakala mong iyong nararamdaman."
"Tita.."
"Napakabait na bata ng anak ko Aurelia, siya ang tipo ng taong hindi marunong magpumilit. Kapag alam niyang hindi na kaya, siya na mismo ang tumitigil. Alam mo ba kung bakit siya biglang naglayas noon at naging kapitbahay mo? Dahil sinubukan naming ipakasal si Shaira noon sa isa sa anak ng kasosyo namin sa negosyo. Hindi pumayag si Anthony sa paraang ito at sa halip na makipagtalo siya sa amin at magkasakitan kami ng masasakit na salita, umalis ito at lumayo sa amin. Tinakot niya kaming mawawala siya sa amin kapag pinilit namin ang ate niyang makasal sa lalaking hindi niya mahal. Ayaw na ayaw ni Anthony na pinipilit ang isang tao sa bagay na hindi nito ginusto." Nakatitig lang ako kay Tita.
"Sa kaso niyong dalawa, kita ko na pareho nyong sinubukan. Sinubukan niyang pag ibigin ka at alam kong sinubukan mo rin mahalin ang anak ko. I can see the sincerities in your eyes the way you look at him. I know you tried Aurelia, I know that you did love him but not as strong just like the first. Binitawan ka ng anak ko dahil alam niyang higit kang sasaya dito. Gusto niyang gawin mo kung ano ang itinitibok ng puso mo, huwag mong sayangin ang sakrispisyo niyang masaktan at iwan ka para lamang maging masaya ka."
"Tita.."
"Alam kong bumalik siya Aurelia, ang lalaking higit mong minahal kaysa sa anak ko. Tandaan mo hindi siya babalik kung hindi siya handang ipalawag ang lahat. Give him a chance, everything has its own reason. Posibleng may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ito nagawa sa'yo na babaeng mahal na mahal niya."
"It's not too late Aurelia, find your love. Yes, it's always painful but there's always ending after the pain. Please always remember that."
Marahas na akong tumayo at ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"Maraming salamat po. Kailangan ko nang mauna." Tumango silang dalawa sa akin.
Nagmadali na akong sumakay sa dyip pabalik sa amin. Kumunot ang noo ko nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong.
Tama ang sinabi ni Tita at ni Shaira, hindi ko na itatago ang bagay na pilit kong ibinabaon nang napakatagal na panahon dahil sa huli ako lamang ang magsisisi at mahihirapan.
Hindi na ako nag abalang tumakbo at hinayaan ko nang mabasa ako ng ulan. Kahit napakarami nang pumapasok sa isip ko tungkol sa pagkatao ni Rashid, handa na akong sumugal ulit. May dahilan ang lahat.
Habang basang basa na ako ng ulan napansin ko may tumatakbong aso tangay ang isang sapatos. Unang tingin ko pa lamang dito alam kong mamahalin ito at isa lang ang kilala kong tao na kakayang bumili ng mamahaling sapatos katulad nito at isa lang rin ang taong kilala kong mahilig mawalan ng sapatos.
Agad kong hinarang ang aso at inagaw ko ang sapatos na tangay niya hindi naman ito nagalit sa akin dahil kilala na ako nito.
"Bad dog!" hindi ako pinansin ng aso dahil tumakbo na ulit ito.
Eksaktong tumatakbo na si Rashid na nakapayong habang kunot na kunot ang noo.
"Fvck that dog!" itinago ko sa likuran ko ang kanyang sapatos. Nanlaki ang mata niya nang makita niya akong basang basa.
"Aurelia!" nagmadali siyang lumapit sa akin at pinayungan niya ako.
"What happened to you? Basang basa ka." Sa halip na sumagot ako sa kanya ay ngumisi lamang ako.
"Niaaway ba ng aso ni Aling Berta si Cinderello?" napatitig lang siya sa akin sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala.
"Aawayin mo na ba ulit ako Aurelia?" dahan dahang umangat ang kanang kamay niya sa mukha ko at isinumping niya ang buhok ko.
Tumango ako sa kanya habang nakangisi.
Impit akong napatili nang hagipin niya ang bewang ko at siilin niya ako ng halik. Tuluyan na niyang binitawan ang hawak niyang payong at muling naulit ang panahong niyakap niya ako sa ilalim ng ulan.
Habang marahan niya akong hinahalikan ay ramdam kong inagaw niya sa akin ang kanyang sapatos na hawak ko sa aking likuran bago siya kumalas ng halik sa akin. Nakapatong ang noo niya sa noo ko at muling niyang pinaglaro ang tungki ng ilong namin na lagi niyang ginagawa noon. Bahagya siyang ngumuso sa akin paraan kung paano siya maglambing sa akin noon.
"Niaaway nyo ako ng aso, baby.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro