Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51


Kasalukuyan ko nang hinhintay si Bello, ngayong gabi kami mag cecelebrate ng anniversary namin. At ilang beses ko nang minura ang sarili ko nang maalalang wala man lang akong regalo na maaaring ibigay sa kanya.

Ako na mismo ang nagtanong sa kanya tungkol sa regalong gusto niya pero ako lang pala ang makakalimot. Damn it.

Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa biglaang pagbabalik ni Rashid. Hindi dahil may nararamdaman pa ako sa kanya kundi dahil masyado na siyang nakikialam sa buhay ko.

Masyado niyang ipinipilit ang bagay na alam niyang imposible nang mangyari. Mahal ko na si Bello. Si Bello ang mahal ko.

Nang may kumatok na sa pintuan ay agad na akong tumayo para pagbuksan ito. Lumapad ang ngiti ko sa mga labi nang makitang si Bello ito.

"Happy anniversary, my love." Ako na mismo ang unang humalik sa kanya.

"You're so beautiful Aurelia." Nakangiting sabi niya sa akin habang pinagmamasdan niya ako.

"Thank you." Inilahad na niya sa akin ang kanyang braso at nagsimula na kaming maglakad.

Pinagbuksan niya ang ng pintuan at nagawa niya pa akong halikan sa aking pisngi bago ako makapasok.

"Pagbibigyan kita nang maraming halik ngayon Bello." Pagbibiro ko sa kanya habang binubuksan na niya ang makina.

"Sounds fun." Kumindat siya sa akin bago niya pinatakbo ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta Bello?"

"A certain restaurant." Ngumuso ako sa sinabi niya.

Tumagal nang kalahating oras ang biyahe namin nang makarating kami sa restaurant na sinasabi niya.

"Oh, mukhang pinaghandaan ng kung sino ang araw na ito." Pagbibirong sabi ko. Ikinawit ko na ang aking mga braso sa kanya at humilig ako sa kanya habang naglalakad kami.

Sa tuwing kasama ko si Bello, laging panatag ang tibok ng puso ko. Laging kalmado at walang halong takot. Walang kirot at hapdi dahil alam kong mahal niya ako at alam ko sa sarili kong mahal ko rin siya.

Bello is an ideal boyfriend. He's caring, loyal and not a damn liar. He won't ever hurt me. I can't let him go, hindi ako tanga para bitawan ang lalaking nandito lagi para sa akin at kahit kailan ay hindi ako iniwanan.

Sinalubong kami ng unipormadong waiter at itinuro nito ang lamesa na para sa amin. Pero kapwa kami natigil ni Bello nang makita namin na sa katabing lamesa nito ay si Rashid. Nakikilala ko ang babaeng kasama niya. She's Enna, his workmate.

Nagtangkang ngumiti sa akin si Enna pero wala akong balak sumagot sa kanya ng ngiti. Ayokong makipagplastikan, gusto kong malaman nila na ayaw ko ng presensiya nilang dalawa.

"We can change our seats Aurelia." Umiling ako kay Bello.

"No, it's fine."

Hindi na nagsalita si Bello at nagpatuloy kami sa lamesa. Ramdam ko na nakasunod ng tingin sa akin si Rashid at hindi ko tinangkang salubungin ito. Sa halip na pansinin ang presensiya ng mga tao sa kabilang lamesa pinili ko na lamang makipag kwentuhan kay Bello habang hinihintay ang pagkain namin.

"I'll have my one week vacation Bello, we can go to beach together. Are you free by next week?"

"Oh, I'll find time for that. One week vacation? Just two of us?" pumangalumbaba ako at ngumisi sa kanya.

"Yes, only two of us. Ayaw mo ba?" ilang beses siyang napalunok sa sinabi ko.

"Are you sure Aurelia? You're like a lamb asking to play with the wolf. Be careful for what you wish for my love. One week is dangerous for you." Naiiling na sabi niya bago siya sumimsim ng red wine.

"Uhuh? I am now talking with the most gentleman guy on Earth." Pagbibiro ko sa kanya.

"I am not Aurelia, I am not. I just know my limitations." Tipid na sagot niya sa akin.

Simula rin nang naging kami ni Bello, bihira lang siyang nagbigay sa akin ng motibo na gusto niyang lumampas sa halik ang mga nangyayari sa akin. He's always this gentleman.

Mag sasampung buwan na kami bago siya nagsimulang humalik halik sa akin. Since our relationship started he's always restraining himself from me. Para akong babasaging bagay na pinag aalinlanganan niyang hawakan. Kaya madalas ay ako ang mas dumidikit sa kanya.

"But I am not giving you limitations Bello, you are my boyfriend." Nakarinig kami nang marahas na paggalaw ng upuan sa kabilang lamesa.

Pansin ko na naglalakad na papalayo si Rashid. Muli ko sanang haharapin si Bello nang bigla na lamang bumalik sa alaala ko ang huling beses na tinalikuran ako ni Rashid. Napakuyom ang kamao ko nang paulit ulit na naman itong bumabalik sa alaala ko.

I tried to bury these damn scenes. Bakit bumabalik na naman? Agad kong hinagip ang baso at straight akong uminom ng tubig.

"Is it because of him again Aurelia?"

"No!" halos sigaw na sagot ko sa kanya.

"Calm down love, nagtatanong lang ako." Mahinahong sagot niya sa akin. Agad akong naalarma at hinawakan ko ang kamay ni Bello.

"It's always you, Bello. Nothing else, sorry love. Nabigla lang ako sa tanong mo, naiinis ako dahil parang hindi mo ako pinagkakatiwalaan. I love you Bello, I love you." Paulit ulit na sabi ko.

"I trust you Aurelia, I trust you." Hinalikan niya ang kamay ko.

Nakahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Pansin ko na nagsasayawan na ang ilang sa mga lamesa kanina dahil nagsimula nang tumugtog ng sweet music ang banda na nasa stage.

"Why don't we dance?" ako na ang unang tumayo para hilahin si Bello.

I encircled my arms around his nape while his arms on my waist.

"Happy anniversary to my handsome boyfriend." Ngising sabi ko sa kanya.

"Happy anniversary Aurelia." Mas dumikit ako sa kanya at inihilig ko ang sarili ko sa kanya.

"I love you Bello." Bulong ko.

"I love you more Aurelia."

Ilang minuto siguro akong nakahilig sa kanya nang biglang tumaas balahibo ko nang umalingawngaw ang kantang ilang beses ko nang isinumpa.

I lie awake at night
See things in black and white
I've only got you inside my mind
You know you have made me blind

Sunod sunod nagbalikan sa alaala ko ang lahat nang nangyari sa pagitan namin ni Rashid. Ang pagtawag ko sa kanya ng kuya, ang pakikipag away niya kay Anastacio, ang pagiging masama ng ugali niya at ang unang sampal ko sa kanya.

I lie awake and pray
That you will look my way
I have all this longing in my heart
I knew it right from the start

Gusto ko nang takpan ang tenga ko. Habang bumabalik ang mga bagay na gusto ko nang ibaon sa limot, ang pagluluto niya, ang paglambing niya sa akin, ang pagtawag niya ng baby, ang pagpapansin niya sa kwarto ni Anastacio, sa ilalim ng ulan at maging ang pagnguso at paggamit niya ng straw.

Shit, stop the damn music.

Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy

Bumalik ang eksena namin sa greenhouse, sa kotse, sa ilalim ng payong at ang maging ang paulit ulit na pagpapalitan namin ng halik. No! no, hindi na si Rashid. Hindi na siya.

"No, no, please stop the song. Ayoko nang kantang 'yan."

"What Aurelia?" nagtatakang tanong ni Bello. Sa halip na sumagot ako sa kanya at mabilis akong tumingkayad at sinimulan kong makipagpalitan ng halik sa lalaking mahal ko. Wala na akong nararamdaman sa lalaking iniwan ako! Wala na akong nararamdaman sa kanya.

Ramdam kong tumugon sa aking paghalik si Bello pero siya rin ang unang kumalas at hinawakan niya ang mga braso ko para salubungin niya ang aking mga mata.

"You are not thinking of me Aurelia, nasasaktan ako." Tipid siyang ngumiti sa akin habang marahan niyang hinaplos ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at ilang beses akong umiling sa kanya.

"No! Anthony, what are you talking about?"

"Hihintayin kita sa upuan namin. I ruined your lipstick." Hindi na ako nakapagsalita dahil iniwan na niya ako sa dancefloor. Nagmadali na akong umalis dito at padabog akong nagpunta sa restroom.

Halos iumpog ko na ang sarili ko sa pader ng banyo dahil sa sobrang frustration.

"You love him Aurelia! You love him! What the hell is wrong with you?" impit akong napasigaw sa sobrang pagkainis ko sa aking sarili. Pabalik balik ako nang paglalakad sa banyo. Hindi ko na alam kung papaano ko haharapin si Bello.

"Dalawa silang sinasaktan mo Aurelia. Huwag mong lokohin ang sarili mo."

"Hindi ko kailangan ang opinyon mo." Matigas na sagot ko kay Enna na alam kong sinadyang pumunta dito.

"Alam kong may karapatan kang magalit sa kanya pero hindi mo ba alam na may rason ang lahat ng mga bagay? Aurelia, mas higit na nasaktan si Rashid nang iwan ka." Gusto kong matawa sa sinabi ni Enna.

"What? Naglolokohan ba tayo? Siya ang nang iwan? Siya ang nasaktan? Nakita mo ba ako nang araw na iwan niya ako? Alam mo ba kung ilang pangako ang itinapon niya nang araw na iwan niya ako? At ngayon babalik siya? Ngayong may taong hindi ako kayang saktan? Taong mahal na mahal ako? Damn it, I am not foolish to fall in his trap again. Once is enough, once nga ba? Ilang beses na akong nagpakatanga kay Rashid. Ayoko nang maulit pa, ayoko na."

Mabilis kong inayos ang sarili ko at nagmadali akong bumalik kay Bello. Pansin ko na nakabalik na rin sa kanyang upuan si Rashid at pinupunasan niya ang ilong niyang dumudugo. Napatitig rin ako sa mapulang kamao ni Bello sa lamesa.

"Kumain ka na Aurelia." Tipid na sabi nito.

Tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Gumagawa ako ng pag uusapan namin ni Bello pero agad niya rin itong tinatapos na parang wala na siyang ganang makipag usap sa akin.

Nakasakay na kami sa sasakyan nang lakas loob akong nagtanong sa kanya.

"Are we good Bello?"

"Yes, are we good Aurelia?"

Hindi agad ako nakasagot sa kanya.

"Bello.." Ngumiti lang siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko bago niya pinatakbo ang sasakyan.

"Gabi na, iuuwi na kita."

Walang nagsasalita sa amin habang nasa biyahe at nang nasa tapat na kami ng compound namin pakinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Aurelia, I think it's time. Let's end this, niloloko lang natin ang sarili natin." Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Anthony!"

"Aurelia, you know how much I love you. Mahigit isang taon din akong nakipaglaban sa alaala niya sa'yo pero wala, wala akong nagawa."

"Bello! No! I thought you trusted me? Pinaniniwalaan mo ako hindi ba? Mahal kita, mahal na mahal. You can't leave me, mahal kita Bello." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko ito sa aking pisngi.

"Minahal mo ako pero higit pa rin siya Aurelia, ipinaglaban kita. Alam kong lumalaban ka rin at pilit mong gustong ibaling sa akin ang lahat pero hindi ito ang gusto ng puso mo Aurelia."

"I trust you love but not your heart owned by someone else." Mahigpit akong umiling sa kanya habang lumuluha.

"Akala ko ba hindi mo ako iiwanan Bello? Akala ko mahal mo ako? Iiwanan mo rin ako katulad ni Rashid, iiwanan na naman ako ng taong mahal ko. Iiwan na naman ako." Paulit ulit na sabi ko.

"Dahil mas mahihirapan ka sa tabi ko Aurelia. Do you think we have a perfect relationship Aurelia? Kung bakit hindi tayo nagtatalo sa loob ng isang taon? Dahil lagi mo akong pinapaburan sa lahat ng bagay kahit ayaw mo, lahat ng gusto ko sinusunod mo, ginagawa mo ang lahat para wala tayong pagtalunan kahit alam kong hindi mo na gusto. You're all doing this because you're just afraid of being left behind. Natatakot kang magtalo tayo at maiwan ulit, nakakalimutan mo nang ipakita sa akin ang totong ikaw para lamang mapanatili mo akong nasa tabi mo. You're not giving me all your emotions Aurelia, all you did was to please me for me to stay beside you."

"No! What are you talking about Bello? Ilang beses ko nang sinabing mahal kita. Mahal kita."

"Pero mas mahal mo siya Aurelia, hindi ako. Hindi ako susuko kung alam kong may pag asa ako pero sa isang taon nating pagsasama, sa ilang beses na nakakatulog ka sa upuang 'yan. Kahit kailan hindi ko narinig na tinawag mo ang pangalan ko. It was also his name Aurelia." Natigilan ako sa sinabi niya at naalala ko ang sinabi ni Rashid.

"No, wag mo akong iwan Bello. Hindi ko na mahal si Rashid, hindi ko na siya mahal." Hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko.

"Tama na Aurelia, we need to stop this. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

"No, no Bello. Mahal din kita." Ilang beses ko siyang hinalikan pero siya na ang umiwas sa akin at marahan niyang hinaplos ang labi ko.

"I won't ever forget that I was once Dra. Lorzano's boyfriend."

"Bello.." tipid siyang ngumiti sa akin.

"Kailangan ko nang tanggapin Aurelia, na kahit kailan hindi ako ang ititibok ng puso ng magandang doktorang nasa harapan ko."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro