Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5


Hindi ko hinintay na bumaba si Cinderello, bakit ko naman siya hihintayin? Alam niya naman kung nasaan ang kusina ng sariling niyang pamamahay. May paghintay hintay pa siyang nalalaman.


Nasa dulo nakapwesto si Tita Tremaine, katabi ko naman si Anastacio sa pagkain habang kaharap ko ang mga kuya niya na halinhinan ang pagsulyap sa akin. Simula nang kumain ako dito, hindi na ako nabusog. Sino ba ang mabubusog kung alam mong may sulyap ng sulyap sa'yo?


Susubo na sana ako ng pagkain nang mapansin ko na parang natigilan ang lahat sa taong pumasok sa dining area. Nang lingunin ko ito, agad nagtama ang mga mata namin ni Cinderello. Nakataas na naman ang kilay niya sa akin na sinagot ko lang naman ng pag irap.

Pero hindi ko pa rin maiwasang paglandasin ang mga mata ko sa ayos niya ngayon, nakaputing sando at jogging pants siyang itim. Mas lalong nadepina ang maganda niyang katawan at ang napakaputi niyang kutis, mukhang mas maputi nga sa akin si Cinderello. Nanatiling magulo ang buhok niya na kahit pasadahan ng kanyang kamay ay hindi maaayos. May suot din siyang silver na dog tag.


"What?" tanong niya sa amin na nakatitig sa kanya. Bumalik na naman ang tono niya.

Agad siyang humagip ng upuan at walang habas niyang inilagay ito sa gitna ng mga upuan ni Drizello at Augusto. Aalma pa sana ang mga ito nang pandilatan sila ng mata ni Tita Tremaine.

Kaya walang nagawa si Drizello at Augusto kundi tumayo at bahagyang ilapat ng posisyon ang kanilang mga upuan. Kaya ang nangyari, pinaggigitnaan nilang dalawa si Cinderello.

Dyosko, lalong lumitaw ang kagwapuhan at ang maputing kutis ni Cinderello nang tumabi siya kay Drizello at Augusto. Talagang magtataka ang kahit sino kapag sinabing 'magkakapatid' ang mga ito.


"Anastacio, itinago mo na naman ba ang sapatos ko?" iritadong tanong niya sa batang katabi ko. Sa pagsingkit ng mga mata niya sa pangangatal naman ng mga kamay ni Anastacio na may hawak ng kutsara at tinidor.

Bakit hindi na lang siya kumain? Tinatakot niya pa ang bata.


"Anong gusto mong kainin Rashid?" tanong ni Tita Tremaine. Tumayo na ito na parang handang lagyan ng pagkain ang plato ni Cinderello.


"Gusto ko 'yong kinakain niya.." itinuro ni Rashid ang pagkain na nasa plato ko. Tinolang manok lang naman ang pinili kong kainin sa dami ng mga pagkaing pagpipilian.

Halos irapan ko siya nang hindi man lang gumalaw ang kamay niya para magsalok ng sarili niyang pagkain. Dinaig niya pa siya ni Anastacio na marunong nang kumuha ng pagkain. Wala bang kamay itong si Cinderello? Nakahain na ang pagkain, bakit hindi na lang siya magkusa?


"Enough, tama na 'yan" bahagya pa niyang tinabig ang kamay ni Tita Tremaine na nakapagpakulo ng dugo ko.

Oo, humingi ako ng 'sorry' sa kanya noon dahil sa pakikialam ko gayong wala naman akong nalalaman sa buong sitwasyon nila. Pero itong nakikita ko ngayon? Damn. Nag eeffort na sa kanya si Tita Tremaine para kuhanin ang loob niya, siya pa rin itong nananatiling bastos. Sumosobra na talaga siya.

Kitang kita ko ang pagpipigil ni Drizello at Augusto sa kanilang mga sarili. Kung magkakataong pagtutulungan nila ngayon si Cinderello, baka kampihan ko pa silang magkapatid.


"Tita, isundo nyo na po ang pagkain nyo.." mahinang sabi ko kay Tita Tremaine na naglalabas na naman ng bagong pagkain. Ngumiti lamang ito sa akin.


"May gusto ka pa ba Rashid?" tanong ni Tita Tremaine.


"Kumain ka na, baka akalain ng bisita natin masama ang ugali ko. Hindi ba 'Kuya Rashid'?" inulit na naman niya. At halos maasar ako sa naniningkit niyang mga mata na parang laging nakakaloko.

Sasagutin ko dapat siya nang hawakan ni Anastacio ang damit ko, may pinapaabot na pagkain bata.


"What do you want?" ngiting tanong ko sa bata. Itinuro ni Anastacio ang ham.


"Gusto ko rin ng ham Tremaine" halos magsalubong na ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Cinderello. Tama ba ang lasa kapag pinagsama ang ham at tinola? Gago ba siya?!


"Ibigay mo na sa bata.." matabang na sabi ko dito. Iisa na lang ang slice ng ham.


"Oh, iilan lang ang naluto kong ham. I'll cook again" tatayo na sana si Tita Tremaine at muling ititigil ang pagkain nang mabilis akong magsalita.

Napakawalang hiya talaga nitong si Cinderello.


"No Tita. Kumain ka na lang po.." mabilis kong kinuha ang ham at inilagay ko sa plato ni Anastacio.


"Anastacio, is it okay kung hati kayo sa ham ni kuya Rashid?" napapikit na lang ako sa huli kong nasabi. Fuck! Inulit ko na naman.

Tumango na lang sa akin si Anastacio, takot na lang niya dito kay Rashid Cinderello Amadeus.


Nasa kalagitnaan ako nang paghahati ng ham nang marinig ko ang pagtawa ni Cinderello. Narinig na naman kasi niya ang 'kuya' kinikilig yata itong si Cinderello kapag tinatawag ko siyang kuya.

Nang mapatitig kaming lahat sa kanya dahil sa pagtawa niya ay mabilis siyang tumigil at mukhang natauhan. Eksaherado siyang tumikhim na parang wala siyang ginawang pagtawa.


"Give me my ham" bahagya niyang itinulak papalapit sa akin ang plato niya. Dahil medyo malayo siya ay tumayo pa ako para mailagay sa plato niya ang ham na gusto niya. Inagawan pa talaga ang bata.

Nang mailgay ko na ang inuungot niyang ham ay nagsimula na siyang kumain. Nakita ko pa ang pagngiwi niya nang sabay niyang isubo ang kanin na may sabaw ng tinola at ham. Anong lasa ngayon Cinderello? Sige, makipag agawan pa sa bata. Tang ina mo.

Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko pero hindi pa rin ako mapakali dahil sa pagsulyap ng magkapatid na Drizello at Augusto.


Kapag inaangat ko ang paningin ko ay mabilis na nag iiwas ng tingin ang magkapatid na akala naman nila ay hindi napapansin. My god! Pakainin nyo naman ako, wala pang kalahati ang nakakain ko.

Sinubukan ko muling sumubo ng pagkain nang mapansin ko na sumulyap na naman sa akin ang magkapatid. Nang iangat ko ang paningin ko, mabilis na naman nilang iniwas ang mga mata nila sa akin. Napansin ko na napapalingon na rin si Cinderello sa mga katabi niya na may nakakunot na noo kapag sumusulyap ang mga ito sa akin.


Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pero hindi ko pa rin maiwasan mapasulyap kay Cinderello, ramdam ko na sumusulyap na din siya sa akin. Kung pwede ko lamang pag umpog umpugin ang tatlong ito nagawa ko na.

Nang aabutin ko na sana ang baso ko, nakita kong lalong kumunot ang noo ni Cinderello habang magkasunod niyang sinulyapan si Drizello at Anastacio. Halos kilabutan ako nang sabay ngumiti sa akin si Drizello at Augusto.

Ano ba ang problema ng mga ito sa buhay nila?


Napapikit na lang ako nang marinig ko na padarag binitawan ni Cinderello ang kanyang kutsara at tindor.


"Nawawalan ako nang ganang kumain, lumipat kayo ng pwestong dalawa" sumandal sa kanyang upuan si Cinderello habang hinihimas ang kanyang sentido na parang napakalaki ng problema niya.


"Rashid, kumakain kami. Hindi mo ba nakikita?" matigas na sagot ni Drizello.


"Kumakain din ako. Tremaine, pagsabihan mo ang mga anak mo. Minsan na lang ako sumabay kumain, gani---" hindi na pinatapos ni Tita Tremaine si Cinderello sa pagsasalita.


"Sige na Drizello, Augusto. Pagbigyan nyo na ang kapatid nyo.." umismid si Rashid sa sinabi ni Tita Tremaine na 'kapatid'

Walang nagawa si Drizello at Augusto kundi sumunod sa gusto ni Cinderello.

Ang nangyari hindi na tumuloy kumain si Drizello habang nasa isang sulok naman si Augusto na nasa kaparehong linya namin ni Anastacio, sa posisyong hindi niya na ako masusulyapan.


"Walang 'Thank you, Kuya Rashid'?" sinadya pa niyang palambutin ang boses niya na parang babaeng naglalambing.

Napapangiwi na lang ako sa kanya, pinaalis niya ba ang mga kapatid niya para sa akin o gusto niya lang akong solohing asarin?

Ako na ngayon ang nahihiya kay Tita Tremaine na parang nababaguhan sa ikinikilos nitong si Cinderello. Baka kung ano na ang isipin niya.


Sa halip na sakyan ang pang aasar niya ay hindi ko na lang siya pinansin. Bakit parang napakatagal na nang kainang ito? Palibhasa masyadong pa importante itong si Cinderello.

Kahit si Anastacio na sobrang lakas kumain ay nawalan na nang ganang kumain dahil sa presensiya nitong si Cinderello na talagang nakakasira ng sistema sa pagkain.


"Ayaw mo na bang kumain Anastacio? Hindi ka pa bumubulos.." nakatungo na ang bata na parang nawalan na talaga ng gana. Kung ako ang tatanungin mas mabuting dalhan na lang ng pagkain itong si Cinderello sa taas.

Sinisira niya ang mood ng hapagkainan.


"Baby, ayaw mo ba ng pagkain?" kahit si Tita Tremaine ay nagtataka na sa kanyang anak.


"Gusto mo subuan ka ni Ate Aurelia?" tumango naman sa akin si Anastacio.

Pero ito na naman po si Cinderello at padabog na naman niya binitawan ang kanyang kutsara at tinidor.


"Ilang taon na ba si Anastacio, Tremaine? Bakit kailangang subuan?" bakit ba napakapakialamero nitong si Cinderello?


"Bakit, ilang taon ka na ba 'Kuya Rashid'? Bakit kailangang ipaglagay ka pa ng pagkain sa plato? Nakikipag agawan ka pa ng ham sa bata" iritadong sabi ko.

Hindi niya ako sinagot at tumayo na ito.


"Sa labas na lang ako kakain. Tremaine ayusin mo ang mga anak mo. Nakakatatlong subo pa lang si Aurelia.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro