Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49


Simula nang naging kami ni Bello, umalis na siya sa apartment dahil alam niyang hindi magiging maganda ang tingin ng mga tao sa akin kung mananatili kaming magkapitbahay lalo na at wala akong magulang.

Kaya tuwing sabado na lamang siya dumadalaw sa akin. Sabay naming dinidiligan ang mga tanim naming rosas sa tagiliran ng bahay, araw araw ko naman itong dinidiligan pero sabado ang araw namin ni Bello, gusto niyang sabay kaming magdidilig ng halaman.

Maaga pa lang ay pumupunta na sa bahay si Bello dahil maganda daw diligan ang halaman sa umaga, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kahit sa tanghali na lang pumunta para hindi na niya kailangan gumising nang maaga pero masyadong siyang mapilit.

Nagpainit na ako ng pandesal at inihanda ko na rin ang titimplahin kong kape. Pagkatapos ko dito ay hinihintay ko na lang si Bello habang nakaupo akong nakapangalumbaba sa may pintuan.

Pero hindi din nagtagal ang paghihintay ko dahil nakikita ko na ang boyfriend ko na nakangisi na rin sa akin. Tumayo na ako at namaywang ako sa kanya.

He's just wearing a simple white shirt and shorts but damn, he's too handsome.

"Good morning beautiful Aurelia." May itinaas siyang supot ng tinapay.

"I told you not to buy. Bumili na ako ng pandesal." Umirap ako sa kanya bago kami pumasok ng bahay. Nagdireto kami sa kusina para sabay kaming mag almusal.

"Bonete itong dala ko, palit tayo." Natatawang sabi niya.

"Alright, uubusin mo ang binili kong pandesal. Huwa—" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Huwag puro gym ang inaatupag mo Bello, kumain ka rin." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Just kidding Aurelia." Mabilis niya akong kinabig at hinawi niya ang ilang hiblang tumabing sa mukha ko bago niya hinalikan ang aking noo.

"Hindi ba at tinatanong mo sa akin kung bakit gusto kong laging pumunta dito ng umaga? It's not because of the flowers Aurelia, I just want to see you every morning." Napapikit ako nang mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi.

"Naglalambing na naman po si Bello." Natatawang sabi ko. Hinawakan ko na ang mga balikat niya at pinaupo ko na siya.

"Sit there, ipagtitimpla kita ng kape."

Nakatitig lang siya sa akin habang pinagtitimpla ko siya, tinikman ko muna ito kung may lasa bago ko ibinigay sa kanya. Pinagmasdan ko siya nang humigob na siya ng kape.

"How was it? Kulang sa asukal?" tanong ko sa kanya.

"No, it's okay." Tumango ako sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain dalawa pero pansin ko na pasulyap sulyap sa akin si Bello na parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Bello?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi ka ba kinakausap ni Villegas, Aurelia?" natigilan ako sa tanong niya.

"What? Wala na kami ni Rashid. Nagkamustahan lang kami nang birthday ni Anastacio. That's all, don't be bothered. Mas minahal kita kaysa sa kanya. Maybe it was just a puppy love." Kibit balikat na sabi ko.

Pumiraso ako ng tinapay at isinubo ko kay Bello na ngumunguyang tumango sa sinabi ko.

"I'm glad, first love is my greatest fear Aurelia. Once it was awakened again, it's damn difficult to beat." Natahimik ako sa sinabi ni Bello.

Siya ang kaisa isang tao na nakasaksi kung paano ako nahirapan kalimutan ang nararamdaman ko para kay Rashid, siya ang taong nakakita kung gaano ako sobrang nasaktan. Naiintindihan ko kung bakit siya nakakapagsalita sa akin ng ganito.

"I love you Bello. Please don't doubt that." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Wala na akong nararamdaman nang makita ko si Rashid, everything is all fine. Wala na akong makapa na kahit emosyon sa kanya. He's just my past, my bittersweet memories. You are my sweetest present Bello." Ngumiti ako nang malapad sa kanya. Agad din siyang ngumisi sa akin.

"Finish your foods, ayokong nagugutom si Bello ko." Itinukod ko ang aking mga braso sa lamesa at ako naman ang humalik sa kanyang noo.

"I love you too Aurelia, always."

"Yes Bello, always."

Tinapos na namin ang pagkain bago kami lumabas ng bahay. Si Bello ang nag ayos ng hose na siyang gagamitin namin sa pagdidilig.

"Ang dami na pala natin natatanim Bello." Natutuwang sabi ko.

"I am tired of giving you flowers Aurelia. It is better if we grow the flowers together." Kumindat sa akin si Bello.

Sinimulan ko nang diligan ang mga rose na nagsisimula nang tumubo, dinidiligan ko na rin ang harapan para hindi na masyadong maalikabok. Nakayakap lang sa akin si Bello habang hawak niya ang kamay kong may hawak na hose at ilang beses siyang nagnanakaw ng halik sa aking mga pisngi.

"Bello, baka makita tayo ng mga kapitbahay." Natatawang sabi ko.

"They're all busy." Bulong niya sa akin.

Napasinghap na lang ako nang halikan ni Bello ang leeg ko.

"Bello!" sa kanya ko itinapat ang hose kaya siya ang nabasa ng tubig. Agad akong kumalas sa kanya habang tumatawa.

"Hindi ko po sinasadya." Nagbibirong sabi ko na nagpasingkit sa kanyang mga mata.

"Gusto mo pala ng basaan Aurelia." Agad akong naalarma nang humakbang na papalapit sa akin si Bello.

"Hey, ako na ang maglalaba ng damit mo. Ayaw ko ng basaan Bello." Natatawang sabi ko habang naglalakad na ako ng mabilis pero hindi din ako nakalayo dahil hindi na abot ng hose ang dapat tatakbuhan ko.

"Gotcha!" mabilis nahuli ni Bello ang bewang ko at inagaw niya ang hose na hawak ko. Napatili na lang ako nang binasa ako ni Bello mula sa aking ulo.

"Oh my gosh! Ang lamig ng tubig! Bello! Stop it!" sabay na kaming tumawang dalawa habang nag aagawan kami ng hose.

"Babasain mo pa ako Aurelia?" pilit kong inagaw ang hose sa kanya pero mas inangat niya ito.

"Bello! Give me that! You're unfair!" ilang beses akong tumatalon sa kanyang habang nakaangat ang hose na halos pareho na kaming nababasa.

"Maligo na tayong sabay Aurelia." Ilang beses kong hinampas ang dibdib niya.

"Perv!"

"I am not! Hindi ba naliligo na tayo?" tumatawang sabi niya habang pilit ko pa rin inaabot ang hose.

"Bel—" natigil ako sa pag agaw ng hose kay Bello nang marinig ko ang malakas na boses ni Aling Berta.

Mukhang may kukuha na nang pangatlong apartment, umalis na kasi ang umuupa dito kahapon. Ang bilis naman.

Kahit kailan ay napakalakas pa rin ng boses ni Aling Berta na hindi pa rin nagbabago.

"Two months advance, one month deposit. Ikaw ang magbabayad ng ilaw at tubig, wifi zone naman dito hijo. Sigurado ka ba na ngayon lang tayo nagkita? Bakit parang pamilyar ka?" Dito na kami tuluyang napalingon ni Bello.

Agad kumunot ang noo ko nang makilala ko ang lalaking kausap ni Aling Berta. What is he doing here?

Tipid lang itong lumingon sa amin ni Bello bago ito humarap kay Aling Berta at tamad na dumukot ng pera.

Ramdam ko ang paghigpit ng braso ni Bello sa aking bewang.

"Gaguhan? Anong ginagawa mo dito?" iritadong sabi ni Bello. Ramdam ko na gusto na agad makalapit ni Bello kay Rashid.

"Bello, no." Bulong ko sa boyfriend ko. Hinawakan ko ang braso niya para pilit siyang pakalmahin. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit nandito si Rashid. Anong gusto niyang mangyari?

Pansin ko na may sinabi pa si Rashid kay Aling Berta para tuluyan na itong umalis at iwan kami na may pagtataka sa kanyang mga mata. Mukhang hindi ko na magugustuhan pa ang susunod na mangyayari.

"Nakakagago ka Villegas!" ako na ang yumakap kay Bello para awatin siya.

"Anthony, calm down please." Iritadong binitawan ni Bello ang hose na hawak niya at mariin siyang nakipagtitigan kay Rashid na ngayon ay nakatitig sa mga braso kong nakapulupot kay Bello.

"Rashid, anong ginagawa mo dito?" kalmadong sabi ko. Tamad niyang itinuro ang apartment na dati rin inuupahan ni Bello.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Bello nang nagtaka siyang muling humakbang.

"Bello, please. Don't mind him." Kilala ko si Rashid, magaling siyang umubos ng pasensiya ng tao.

"Wala pa akong ginagawa, nagkakaganyan ka na." Hindi ko na napigilan si Bello dahil mabilis na itong nakakalas sa akin at agad siyang nakalapit kay Rashid. Isang malakas na suntok ang tumama kay Rashid dahilan kung bakit ito bumagsak sa lupa.

Agad siyang pumangibabaw kay Rashid at pinaulanan ito ng suntok. Pansin ko na hindi lumalaban si Rashid.

"Bello!" agad akong tumakbo papalapit dito para awatin siya. Pero agad na akong pinigilan ng kaibigan kong si Ana habang nagsisimula nang umawat ang ilang mga kapitbahay namin sa kanilang dalawa.

"Back off Villegas! She's already mine!" Hindi na ako makalapit kay Bello dahil mga kalalakihan na ang pumipigil sa kanya.

Nanatiling nakaupo si Rashid habang nagpupunas ng dugo sa kanyang mga labi. Kahit siya ay matalim na rin ang titig kay Bello.

"What the hell is happening? What is this Aurelia? Past and Present?" bulong sa akin ni Ana. Hindi ko siya nagawang masagot.

Nagsisimula nang tumayo si Rashid habang marahas tinanggal ni Bello ang mga kamay na pumipigil sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong natahimik sa mga nangyayari.

Hahakbang na sana ako papalapit kay Bello nang marinig kong nagsalita si Rashid.

"Call me an asshole. But fvck, I want you back Aurelia." 


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro