Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Chapter 48


Isang taon na naman ang nagdaan, ang bilis talaga ng oras. Marami na akong napagdaanan at marami na akong natutunan sa buhay.

Life's goes on and on. Kahit ilang beses akong iwan ng mga tao, hindi ko dapat hayaang pati panahon ay iwanan ako. Kailangan kong sumabay sa agos ng buhay dahil alam kong ito ang tama at dapat kong gawin.

Kanina pa akong naghihintay sa may tapat ng gate habang nanghahaba ang leeg sa pagtanaw sa boyfriend ko na sobrang tagal dumating.

Today is Anastacio's birthday party and Tita Tremaine invited us. Matagal na rin alam ni Tita Tremaine na wala na kami ni Rashid, hanggang ngayon ay nasa ibang bansa pa rin daw ito at bihira nang umuwi sa Pilipinas.

"Come on Aurelia, dadating din si Dash. Mangangalay ka sa paghihintay sa kanya." Umiling ako kay Tita Tremaine.

"Nah Tita, mahiyain po si Bello. Baka po hindi siya pumasok dito kapag hindi niya agad ako nakita." Tumango na lamang sa akin si Tita Tremaine.

"By the way Aurelia, uuwi ngayon si Rashid. Are you two, okay?" Mabilis akong tumango sa sinabi ni Tita Tremaine.

"We're great Tita." Tipid kong sagot. Siguro naman ay ayos na kami ni Rashid, dalawang taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap. Siguro, kagaya ko ay ibinaon na rin niya sa limot ang lahat. Katulad ko ay may nakilala na rin siyang ibang babae na kayang intindihin ang bigla niyang mga pagkawala.

"Good, babalik lang ako sa mga bisita." Ngumiti na lang ako kay Tita Tremaine.

"Where are you Bello?" tiningnan ko ang telepono ko pero wala siyang text sa akin.

Agad kong sinagot ang telepono ko nang makita kong tumatawag si Bello.

"Where are you? Bakit ang tagal mo?" sa halip na sagutin niya ako ay narinig ko siyang tumawa.

"Miss na ako ni doktora."

"Stop calling me doktora Bello, nag aaral pa lang ako." Ngusong sabi ko sa kanya.

"Why? I want to call you like that. Malapit na ako, wait for me okay?" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Always.." sagot ko sa kanya.

"Yes, always Aurelia." Nakangiti kong pinatay ang telepono ko habang hinihintay ko siya. Nabili niya kaya ang regalo na pinabibili ko para kay Anastacio?

Abala ako sa pagtanaw sa may kalsada nang may tumigil na magandang pulang sasakyan sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bumagal ang pagbubukas ng pintuan nito maging ang unti unting pagbaba ng driver nito.

"Rashid.." bigla ko na lang nabanggit ang mga pangalan niya.

Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman ko nang magtama ang aming mga mata.

"Bab--"

Lumapad ang ngiti ko nang makita ko na ang sasakyan ni Bello sa kabilang kalsada.

"Bello!" sigaw ko sa lalaking kanina ko pang hinihintay at kumaway pa ako dito para agad akong makita.

Hindi ko na nahintay makatawid si Bello, agad na akong humakbang para salubungin siya.

Saglit lang akong tumigil nang malalampasan ko na si Rashid na nakatingin sa akin na hindi ko mabasa ang ekpresyon.

"Hi Rashid, long time no see." Ngising sabi ko bago ko siya nilampasan para salubungin si Bello na kanina ko pang hinihintay.

"You're late!" salubong ko sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi. Bago siya sumulyap sa aking likuran.

"Si Villegas ba ang lalaking 'yon?" lumingon ako kay Rashid na pumapasok na sa gate.

"Yes, umuwi daw ngayon sabi ni Tita Tremaine." Tipid na sagot ko. Pansin ko na pinakatitigan na ako ni Bello na parang tinitingnan niya ang reaksyon ko.

Ngumuso ako sa kanya bago ko siya niyakap.

"Bakit ganyan ka tumingin sa akin? Naiinis ako Bello." Dalawang beses niyang hinalikan ang noo ko.

"Why? I am just staring at you because you're so beautiful. Masama ba?" inirapan ko siya bago ko hinuli ang mga kamay niya.

"Let's go, I know you're hungry. Kanina ka pa rin itinatanong sa akin ni Drizello at Augusto." Nang nakalipas ng dalawang taon naging magkalapit si Bello, Drizello at Augusto.

"Talaga? Baka magyayaya na naman ng basketball. Matagal na rin kaming hindi nakakapaglaro, abala na kami sa trabaho." Ngumuso ako sa sinabi niya.

Simula nang makatapos kami ng pag aaral, naging abala na rin si Bello sa kanyang trabaho. He's now handling his family business.

"Why are you late Bello?" baka akala niya ay nakakalimutan kong late siya.

"Bumili pa po ako ng pinabibili mo. Hindi ko na nakuha sa kotse sa pagmamadali ko sa'yo." Natatawang sabi niya.

"Kukunin ko na lang mamaya." Ngising sabi ko sa kanya.

"Iiwan mo ako mag isa dito Aurelia? Wala akong kakilala dito."

"Ang drama mo Bello. Umupo ka na, ako na ang kukuha ng pagkain mo."

"Sweet girlfriend, gusto kong sumabay sa'yo."

"Kumain na ako Bello." Hindi niya sinunod ang sinabi ko at sumama siya sa akin sa buffet.

Lumapit na kami dito at sinimulan ko nang magtakal ng pagkain sa kanya.

"Ano pa ang gusto mo Bello? You eat a lot, huwag puro gym ang inaatupag mo." Muntik ko nang mabitawa ang sandok na hawak ko ng halikan ni Bello ang pisngi ko.

"Damn, I am so lucky to have you Aurelia. That one, gusto ko rin." Umirap ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagtakal ng pagkain.

"You're treating me like a kid Aurelia." Naiiling na sabi niya.

"What about sweets? Anong gusto mo Bello?" tanong ko sa kanya. Nakangiti lang sa akin si Bello.

"I don't need any sweets anymore Aurelia, you're already my sweetest sweets. Let's go." Pansin ko na napapangisi na rin sa amin ang nagcacater.

Naupo na kami sa pinakamalapit na lamesa habang abala ang karamihan sa mga bisita sa panunuod ng magic show ng isang kilalang magician ng Pilipinas.

"Malapit na tayong mag isang taon Bello, what do you want?"

"Injection" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Bello.

"Are we talking about green here Bello?" tumawa lang siya sa akin.

"No, I am not." Pansin ko na namumula siya.

"Sure, I can give you injection Bello." Nasamid siya sa sinabi ko.

"I am just kidding Aurelia, I can wait." Kumuha siya ng tissue at pinahid niya ang labi niya.

"I am talking about a pen which is designed like an injection Bello. Maraming ballpen sa hospital na ganon. Duh? Bello, iba na ang nasa isip mo. Isusumbong kita kay Tita." Sabay kaming nagtawanan dalawa.

Pinagpatuloy ko ang panunuod sa pagkain ni Bello nang maramdaman ko na naman na parang may nakatitig sa akin.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa paligid pero wala naman nakatitig sa akin.

"What's wrong Aurelia?" tanong sa akin ni Bello. Hindi ko sinasadyang mag angat ng paningin.

I saw Rashid leaning against the terrace baluster with a wine glass on his hands and he is sharply looking at me. What's wrong with him?

Naalarma ako nang lilingon na si Bello sa direksyon ni Rashid. Agad kong sinubuan ng piraso ng cupcake si Bello na kanina ko pang hindi nauubos.

"Nothing." Kibit balikat na sagot ko. Pinakatitigan muna ako ni Bello bago siya nagpatuloy sa pagkain.

Binalak ko na manuod na lang muna ng magic show nang humarang si Tita Tremaine sa harapan ko.

"Aurelia I'm sorry to bother you and Dash, pwede mo bang kuhanin ang mga give aways ni Anastacio sa loob? Kausap ko lang ang event organizer. Is it okay Dash? Pasensiya na sa abala Aurelia." Pansin ko na nakatingin na kay Tita Tremaine ang event organizer.

"Sure, no problem po Tita."

"Thank you Aurelia, lalapitan ko lang ang organizer. Thanks Dash." Sabay kaming ngumiti ni Bello kay Tita Tremaine.

"I'll just go inside, you wait for me. Okay?"

"Always.."

"Yes, always Bello." Ngising sagot ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Tita at hinanap ko ang mga give aways ni Anastacio.

Napansin ko agad si Rashid na nakaupo sa sofa habang nakataas ang paa, ang bilis niyang lumipat ng posisyon. Parang kanina ko lang nasa taas siya at nakatanaw sa mga tao kanina. May hawak siyang baso at umiinom siya ng wine.

"Are you looking for this?" narinig kong sabi niya. May itinaas siyang dalawang malaking paperbag na hindi man lang lumilingon sa akin.

"Anastacio's give aways?" hindi siya sumagot sa akin. Lumapit na ako sa kanya at akmang aaabutin ko na ang paperbag nang ilayo niya ito sa akin. Dahan dahan niyang ipinatong ang ulo niya sa sandalan ng upuan para salubungin ang mga mata ko.

"How are you Aurelia?" tipid akong ngumiti sa kanya bago ko hinawakan ang paperbag. Akala ko ay bibitawan na niya ito pero madiin pa rin ang pagkakahawak niya dito.

"I am doing great Rashid, what about you?" sinubukan kong hilahin sa kanya ang paperbag pero hindi niya pa rin bitawan.

Binitawan na niya ang paperbag at muli niyang inabot ang nakapatong na baso sa lamesa at straight niya itong ininom.

Wala na akong balak pahabain ang usapan namin at nagsimula na akong humakbang papalayo sa kanya.

"I know this is too late Aurelia but do you want to know what happened last two years ago?" natigil ako sa paglalakad at bahagya akong lumingon. Huminga muna ako ng malalim bago ako ngumiti sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Hindi na kailangan Rashid, lumipas na ang mga taon. Siguro nangyari talaga ang lahat para mas makilala ko si Bello. Thank you for the memories Rashid and welcome back." Nagsimula na akong humakbang papalabas nang nagsalita ulit siya.

"Inaaway mo rin ba siya katulad ko Aurelia?" gusto kong tumawa ng pagak sa sinabi ni Rashid.

"Hindi ako ang nang away sa atin dalawa Rashid. Ikaw. Kung sasasagutin ko ang tanong mo, hindi ang sagot ko. Kahit kailan hindi ako inaway ni Bello. Never. Masarap magmahal ang mga lalaking hindi nang aaway. I can't let him go, thank you for leaving me Rashid."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro