Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47


Ngayon ang araw ng death anniversary ni tatay. Bumili ako ng magagandang bulaklak at ilang kandila na siyang lagi kong dinadala kapag dadalaw ako sa mga magulang ko.

Ang bilis ng panahon, mag iisang taon na pala akong nag iisa sa mundong ito.

Ibinaba na ako ng tricycle driver sa sementeryo. Tulad nang inaasahan ko, iilan lang ang taong makikita ko dito dahil hindi naman araw ng mga patay. Bakit nga ba nagsisiksikan ang mga tao sa iisang araw kung pwede naman dumalaw sa kahit anong araw?

Ipinilig ko ang sarili ko at pinagpatuloy ko na lamang maglakad at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa lapida ni nanay at tatay.


Napatigil ako sa aking paghakbang nang makakita muli akong ng sariwa at magagandang bulaklak sa lapida ng mga magulang ko. Kagaya ng nakaraang kaarawan ni tatay, araw ng mga patay at maging noong pasko. Lagi na lamang may kung sinong nauuna sa akin. Pero sino? Wala akong nakikilalang kamag anak na maaaring mabigay sa mga magulang ko nito.

Inilagay ko na rin ang mga bulaklak na hawak ko at nagtirik na ako ng kandila. Ilang minuto lamang akong tumitig sa lapida bago ako nagsimulang nagsalita.


"Kamusta tatay? Masaya ba kayo nanay kung nasaan kayo ngayon? Masaya ako dahil magkasama na kayo. Alam kong miss na miss nyo na ang isa't isa. Pero hindi nyo ba ako tatanungin? Miss na miss ko na rin po kayo. Sobra." Akala ko matatabunan ng panahon ang pangungulila ko sa aking mga magulang pero sa tuwing dumadalaw ako dito, kumikirot pa din ang dibdib ko.


"Kung itatanong nyo naman po ang trabaho ko, ayos naman po nay, tay. Hindi ako nahuhuli sa pagdating at lalong wala akong nagiging problema sa pasyente, sa mga doktor o sa kapwa nurse na kasama ko. Mahal ko ang trabaho kong ito. Masarap sa pakiramdam na may nagagawa ka para madugtungan ang buhay ng isang tao. Hindi man direkta pero sa kaunting ginagawa ko, gumagaan ang loob ko. Masaya akong ito ang propesyon na kinuha ko." Ngumiti ako sa kanila.


"Alam nyo po ba unti unti ko nang napapagawa ang bahay natin? Hindi ba ito ang gusto mo tatay? Hindi na natulo ang bubong, nagpapakisame na rin po ako. Hindi na ako kinakabahan kahit sobrang lakas ng ulan tatay." Naupo na ako sa bermuda at marahan kong hinaplos ang magkatabing lapida ng mga magulang ko.


"Nakakakilala na rin ako ng mga bagong kaibigan." Tumigil muna ako ng ilang minuto at ngayon naman ay pinagmasdan ko ang bulaklak na galing mula sa hindi kilalang tao. Kinuha ko ito para pagmasdan at hawakan.


"Sino kaya ang nagbibigay nito sa inyo tatay? Nanay? May mga kamag anak ba tayo na hindi ko nakikilala? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit kahit minsan ay hindi kami mag abot?" nagtatakang tanong ko na parang may makakasagot sa akin.

Napakagaganda ng mga bulaklak na ibinibigay niya sa mga magulang ko, kahit ang mga naunang bulaklak na binibigay niya ay alam kong hindi din biro ang halaga. Ibinaba ko na ito at ibinalik ko sa dati.


"Kung itatanong mo naman po sa akin tatay kung may manliligaw ba ang anak nyo, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako hinihiwalayan ni Bello. Kahit ilang beses ko siyang sinabihan na wala pa sa plano ko na makipagrelasyon ulit, lagi pa rin siyang nakaalalay sa akin na walang hinihinging kapalit sa akin. Alam kong hindi ito tama pero hindi ko siya mapigil. Kung sana mas nauna kong napansin si Bello, kung sana sa kanya na lang ako nahulog." Mapait akong napangiti sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kinakausap ko ang mga magulang ko ay hindi pwedeng hindi masasali ang lalaking mag iisang taon na rin akong iniwan. Naglaho na lang nang parang bula na wala man lang magandang paliwanag na iniwan sa akin.


"Tay, Nay natatakot na akong umulit, natatakot na akong baka magising na naman ako at nakadepende ako sa isang tao. Natatakot na akong masaktan. Alam kong mabait si Bello, maalaga at maalahanin pero hindi ba at ganito rin sa akin si Rashid noon? Natatakot na ako." Napasubsob na lang ako sa aking mga tuhod.

Alam kong maling itulad si Bello kay Rashid dahil magkaiba silang tao pero hindi na maalis ang takot ko. Takot na takot na akong magmahal ulit.

Dahil ang mga taong minamahal ko ay bigla na lang akong iniiwan mag isa.


"Alam nyo po ba Nay, Tay hanggang ngayon hirap na hirap pa din akong kumain mag isa sa bahay. Mag iisang taon na rin akong walang kasalo sa lamesa, bakit nyo kasi ako maagang iniwan nanay? Tatay?" Hindi ko alam kung hindi pa rin ako makaahon sa kanila, siguro dahil magkakasunod akong iniwan. Akala ayos na pero hindi naman pala.

Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mga mata at pilit akong ngumiti sa kanilang mga lapida.


"Nay, Tay. Nag iipon na rin po ako ngayon, binabalak ko pong ituloy ang pag aaral ko. Gusto kong maging doktor at magdugtong ng buhay, bagay na hindi ko nagawa nang ikaw ang nakaratay sa kama tatay."


"Huwag kayong mag alala Nay, Tay. Hindi ko lahat inaasa sa aking ipon ang lahat dahil napaka imposible nitong suportahan ang pag aaral ko pero hindi ba at nakapagtapos ako gamit ang scholarship? Ito rin ang gagamitin ko para maabot ang pangarap ko. Gusto kong magkaroon kayo ng anak ng doktora."

Humampas ang banayad na simoy ng hangin na parang binigyan ako ng basbas ng mga magulang ko. Ramdam ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko habang yumayakap sa akin ang malamig na hangin.


"Aalis na po ako Nay, Tay. Dadalaw po ulit ako." Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko.

Nang nagsimula na akong humakbang ay napansin ko agad si Bello na papalapit sa akin. Papaano niya nalaman na nandito ako?


"Aurelia"


"Bello? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.


"Itinanong ko kay Ana."


"Today is my parent's wedding anniversary, they are inviting you." Ngising sabi niya sa akin.


"Pumunta ka dito para lang imbitahin ako? You can just text me Bello, nag abala ka pa." Nahihiyang sabi ko.


"No, you're never been a bother to me Aurelia. Alam mo 'yan." Natahimik ako sa sinabi niya.

Nakalabas kami ng sementeryo at ilang beses na akong napapasulyap sa lalaking kasama ko. Magkaibang tao si Rashid at si Bello, bakit ko pilit inilalayo ang sarili ko sa taong wala naman dahilan kung bakit sobrang nasaktan ang puso ko? Siya ang taong laging sumasalo sa akin at laging nakaalalay sa tuwing iniiwan ako. Bakit ko inilalayo ang sarili ko sa taong hindi ako kayang saktan?


"Bello, salamat sa lahat. Thank you for loving me." Mahinang sabi ko.


"Hindi 'yan ang gusto kong marinig." Natatawang sabi niya. Hinuli na niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.


"Let's go, nandito nakaparada ang sasakyan ko." Hinayaan kong magkahawak ang aming mga kamay habang nakasunod ako sa kanya.

At habang nakatitig ako sa likuran ng lalaking may hawak sa aking kamay, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang may kung sinong nagmamasid sa akin. Pilit kong inilibot ang aking mga mata at ang tanging napansin ko lamang ay itim na sasakyan na kasalukuyan nang tumataas ang bintana.

Bumubuntong hininga na lamang ako, masyado na akong nag iisip. Pinagbuksan ako ng sasakayn ni Bello at agad akong sumakay dito.


"Matagal ko nang hindi nakikita si Tito at Tita, pati na rin ang dalawa mong kapatid na babae. Nakakahiya naman na bigla akong magpapakita ngayon."


"What's wrong with that? You're busy with your work. I heard you're planning to continue—" hindi ko siya pinatapos dahil agad akong nagsalita.


"Yes, dahil mabait ka. Bibigyan kita ng discount sa tuwing magpapatingin ka sa akin." Tumawa siya sa sinabi ko.


"I'm happy that you're now continuing your dreams Aurelia, mukhang ipapasa mo na sa iba ang titulo sa pagiging pinakamagandang nurse. Soon, you'll be the prettiest doctor alive." Hindi ko maiwasang mapairap sa sinabi niya.


"Bello, ilang taon pa ang lilipas. Napakatagal pang panahon." Naiiling na sabi ko.


"But that's my Aurelia's dream, I know you'll fulfil it. That's why I admire you, a lot. Hindi ka lang maganda, punong puno ka ng pangarap at napakabait mo rin hindi ka kagaya ng mga babaeng nakikilala ko." Ngumiti siya sa akin nang lumingon ako sa kanya.


"Papaano mo ako nakilala Bello? Hindi naman ako sikat sa school." Kunot noong sabi ko.


"Who told you? Everyone is admiring you. Hindi ako isa sa kanila noong una, akala ko maganda ka lang na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. I hate famous girls Aurelia and I never liked them, until you came."


"It was during our school intramurals, natatandaan mo ba? Kasama ka sa tatakbo sa relay at nangunguna na ang section nyo. Nang malapit nang iabot sa'yo ang stick ng kasama mo. Bigla na lamang may nag collapsed sa labas ng race track, sa halip na itakbo mo ang stick na dapat iaabot sa'yo, sa babaeng hinimatay ka tumakbo para tulungan ito. Pinahanga mo ako ng araw na 'yon, hindi mo nga itinakbo ang baton na ibinibigay sa'yo na kasama mo, itinakbo mo naman ang puso ko. Funny but yes, I fell in love with on that day." Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa sinabi ni Bello. Hindi ko nakakalimutan ang araw na 'yon.


"That's why I am so happy that you're chasing your dreams. Aurelia you are born to save lives." Tuluyan nang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

Alam ng lalaking ito kung saan ako masaya.


"Yes. Samahan mo ulit ako Bello sa susunod na pag akyat ko sa entablado." Kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan ko ang kamay niyang nasa kambyo.


"Bello, tulungan mo akong mahalin ka." Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya.


"Always.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro