Chapter 46
Chapter 46
Nakaharap ako sa salamin habang inaayusan ako ng kaibigan kong si Ana ang aking buhok, may kaunting make up na rin ako na sinabi kong huwag masyadong kapalan. Hindi ko rin pinalagyan ng kahit ano ang aking mata dahil alam kong kahit anong gawin kong pagpipigil pilit pa rin bubuhos ang aking mga luha anumang oras.
"Are you sure Aurelia? Kahit si mama na lang ang magsabit sa'yo."
"Don't worry Ana, nangako sa akin si Rashid na dadating siya. Siguro ay makikita ko na lang siya sa school na hinihintay ako." Pilit akong ngumiti sa harap ng salamin. Nagkibit balikat na lang ang kaibigan ko sa sinabi ko.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sana biglang dumating si Rashid at ipaliwanag niya sa akin ang lahat. Kahit mukhang nakapa imposible nang mangyari dahil parang nakalimutan na niya ako at ang mga sinabi niya sa akin.
Napakarami niyang ipinangako ngayong araw na ito at natatakot akong basta na lamang itong maglaho nang parang bula. Natatakot ako na tuluyan nang isampal sa akin ang katotohanan.
Pinagmasdan ko ang singsing na nasa aking daliri, nagawa ko itong itapon pero ito at pinahirapan ko lamang ang sarili ko para hanapin ito. I can't really let him go. I love him so much and I am damn willing to accept him again and again and again.
Simula nang mamatay ang tatay ko si Rashid ang kauna unahang taong muling nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga, pagmamahal at walang katapusang kaligayahan. Masyado pang mahina ang puso ko nang una ko siyang makilala at siya mismo ang naging pondasyon nito habang unti unti akong bumabangon mula sa pagkawala ng aking ama.
At ngayong nararamdaman ko na unti unti nang lumalayo ang taong siyang naging pondasyon ng aking puso, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko nang maramdaman pa ang sakit ng isang taong naiwan, hindi na kakayanin pa ng aking puso.
Hindi ko na kayang muling maiwan, ang sakit na nang una niya akong iwanan, bakit kailangan mong ulitin Rashid? Bakit kailangang bumalik ka pa sa akin kung iiwan mo rin naman ako? Nasasaktan din ako Rashid, nasasaktan din ako sa paulit ulit mong ginagawa sa akin.
Siguro nga ay tanga ako at dakilang martyr dahil sa sandaling magpakita at magpaliwanag siya na kahit alam kong purong kasinungalingan lamang ay handa pa rin akong tanggapin siya.
Ayokong lumayo sa akin si Rashid, handa akong tumanggap ng kahit anong paliwanag mula sa kanya, katulad ng dati. Hindi ba at nasasanay na ako sa kanya? Hindi man siya tumigil sa patuloy na paglilihim at pagsisinungaling sa akin, wala na akong magawa dahil masyado na akong nilamon ng pagmamahal ko sa kanya, na sa kaunting paliwanag niya ay agad ko siyang napapatawad.
Gusto kong murahin at saktan ang sarili ko kung bakit hinayaan kong malunod ako nang ganito katindi pagdating sa kanya. Masyado na akong nagpapakatanga sa kanya, masyado na akong nagpapakabulag kahit nakahain na sa akin ang lahat. Pero hanggang sa mga oras na ito patuloy pa rin akong umaasa na dadating ka Rashid.
"Okay na Aurelia." Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Masaya sana kung si tatay ang kasama ko sa araw na ito. Lumapit na ako sa litrato ng aking mga magulang at hinalikan ko ito.
"Nay, Tay gagraduate na po ako. Sa inyo ko po isasabit ang medalyang matatanggap ko." Bahagya kong hinaplos ang litrato nila bago ako bumaling sa kaibigan ko.
"Saan ka sasakay Aurelia? Gusto mo ipahatid muna kita kay Papa?" Umiling ako sa kaibigan ko. Kinuha ko na ang aking toga.
"Marami ka nang nagawa para sa akin, salamat." Sabay na kaming lumabas ni Ana nang bahay at eksaktong paglabas namin ay paglabas na rin si Bello sa kanyang apartment na suot na ang kanyang toga.
"You look so beautiful Aurelia." Ngiting sabi niya sa akin. Pansin ko na tumingin siya sa kanyang wristwatch.
"Bakit wala pa ang boyfriend mo? Mahuhuli ka sa pagmartsa, sumabay ka na sa akin. Just text him." Agad hinawakan ni Ana ang balikat ko.
"Come on Aurelia, sumabay ka na kay Dash. Baka nasa school na talaga si Rashid." Hindi na ako nakipagtalo pa at sumabay na ako sa kotse ni Bello.
Habang nasa biyahe kami ay pansin ko ang pagsulyap niya sa akin ng ilang beses.
"Are you okay Aurelia? Kanina ka pang tahimik." Tipid akong ngumiti sa kanya.
"I am fine."
"Nag away ba kayo ng boyfriend mo? Pansin ko na ilang araw ka na niyang hindi hinahatid sundo."
"No, nasa trabaho lang siya pero dadating din siya ngayon. Nangako siya sa akin." Bakit ko pa ba pilit kinukumbinsi ang sarili ko na makakarating siya? Pinahihirapan ko lang ang sarili ko, sinasaktan ko lang ang sarili ko.
"Oh okay. Kung ako ang boyfriend mo hindi ko iisipin na malate. I'll be the proudest boyfriend. Hindi ka lang maganda Aurelia, matalino ka rin." Biglang kumirot ang dibdib ko sa narinig ko, sinabi din ito sa akin ni Rashid.
"Thank you Bello."
"You're welcome Aurelia." Ngising sagot niya.
Nakarating kami sa school at nagdiretso na kami sa college lobby ni Belo hanggang sa may sumalubong sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay kanyang pamilya.
"Akala ko mamaya ka pa, ikaw talaga Dash." Pansin ko na napapasulyap sa akin ang mommy at ang kapatid na babae ni Bello.
"Is she your girlfriend Dash? Bakit hindi mo man lang ipakilala sa amin?" Ngumiti sa akin ang mommy niya.
"No, she's just my friend." Tipid akong ngumiti sa kanila.
"Nagsimula din kami sa friends ng daddy mo." Malisyosang sabi ng mommy niya.
"Come on mom, may boyfriend na siya." Nahihiyang sumulyap sa akin si Bello.
"Oh" sabay muling tumingin sa akin ang mga kamag anak ni Bello.
"Sige po, pupunta na po ako sa mga kaklase ko. Pumipila na po yata ang course namin." Tumango lang ang mga ito sa akin at tipid akong ngumiti sa kanila bago ko sila iwan.
Pansin ko na nagsisimula ang mga kaklase kong magsuot ng kanilang mga toga at halos lahat sila ay tinutulungan ng mga kasama nila, kung hindi mga magulang , kapatid, lola at lolo o kaya mga pinsan. Hindi lang mga labi nila ang nakangiti sa mga oras na ito maging ang kanilang mga mata ay kumikislap dahil sa kasiyahan.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at umaasang pinagmamasdan niya lang ako mula sa malayo para kanyang surpresahin pero tatlong beses ko nang sinuyod ang buong kabuuan ng College Lobby, wala akong makita kahit anino man lang niya.
Ramdam kong nag iinit na ang sulok ng aking mga mata habang mag isa kong isinusuot ang aking toga. Punong puno ng tawanan at masasayang kwentuhan ang aking buong paligid pero ito ako at tahimik na kumikirot ang dibdib. Ito na naman, nararamdaman ko na naman ang pag iisa.
Wala magulang na yayakap para sa aking unang tagumpay, walang kapatid na kukuha ng aking mga litrato, walang mga lolo at lola na magpapaulan sa akin ng mga halik, mga pinsan na siyang ng mang aasar at magpapatawa sa akin at walang Rashid na nangako sa akin ng lahat.
Pansin ko na nagsisimula nang maglakad ang mga estudyante sa graduation hall kaya sumunod na rin ako. Hanggang sa makapasok kami at magsimula ang program. Habang nagsasalita ang mga guest speaker ay wala akong tigil sa pagsuyod sa mga taong nasa loob at umaasang nandito lamang si Rashid.
"Rashid, nasaan ka na ba?" pinunasan ko ang takas na luha sa aking mata.
Nang nagsisimula na ang tugtog ng pagmamartsa ay mas lalong kumirot ang dibdib ko, muli kong inilibot ang aking paningin pero nabigo ako.
Hindi ko na napigil ang luha ko at nagsimula na itong umagos, agad akong yumuko para punasan ito. Dapat hindi ka na lang nangako Rashid, dapat hindi mo na lang ako pinaasa, dapat hindi ka na lang bumalik kung iiwan mo lang ulit ako.
Kasalukuyan na kaming pumipila at nagsisimula nang lumapit ang kani kanilang kamag anak para samahan ang bawat estudyante sa pagkuha nito ng diploma at tanging ako lamang sa aking linya ang walang kasama. Pansin ko na marami na rin napapatingin sa akin na binalewala ko na lamang.
Umuusad na ang pila at habang papalapit na ako sa entablado ay mas lalong kumikirot ang dibdib ko. Nangako siya sa akin na sasamahan niya ako sa pag akyat dito, nangako siya sa akin na sasasamahan niya akong abutin ang aking diploma pero ano itong ginawa mo sa akin Rashid? Muli mong ipinamukha sa akin na mag isa na naman ako.
"Lorzano, Aurelia Hope" Tipid akong ngumiti sa mga nakipagkamay sa akin, hindi na ako tumigil sa unahan para sa litrato dahil mabilis na akong bumaba ng stage.
Sa halip na bumalik sa aking upuan ay nagdiretso na lamang ako sa banyo at impit akong nag iiyak sa loob ng isang cubicle. Mag isa na naman ako, mag isa ka na naman Aurelia.
Ano ba ang nagawa ko? Bakit lagi na lang akong iniiwanan? Naging mabuting anak ako kay Tatay pero iniwan niya ako, naging mabuti din naman ako kay Rashid pero bakit niya ako iniwanan? Panay ang paghagulhol ko sa banyo, sa sakit sakit na. Nangako siya sa akin, nangako ka sa akin Rashid. Ano itong ginagawa mo sa akin?
Gusto ko na lang umuwi, hindi ko na ito kayang tapusin, pilit ko lang sinasaktan ang sarili at aasang hahabol siya at magpapaliwanag. Bakit? Bakit ganito siya sa akin? Mahal na mahal ko siya, kahit kailan hindi ko siya sinakal, totoo ako sa bawat araw na kasama ko siya at halos ibigay ko na sa kanya ang lahat. Bakit nagkaroon pa siya ng lakas ng loob iwan ako at mangako sa isang bagay na hindi niya kayang panindigan?
Ilang beses kong hinampas ang dibdib ko dahil sa sobrang pagkirot nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko, hindi ko na mapatigil, wala na akong magawa. Halos mapiga na ang panyo ko dahil sa dami ng iniluha ko.
Habang abala ako sa pagpunas ng aking mga luha ay nakarinig ako ng ilang malalakas ng katok sa aking pintuan.
"Aurelia, you need to come out." Kumunot ang noo ko. Who is she?
"No, I want to stay here. Hindi na ako makakaakyat, masama po ang pakiramdam ko." Namamaos na sagot ko.
"Aurelia please come out, hindi kami aalis dito hanggang hindi ka pa lumalabas." Sino ba ang mga taong ito?
Nanatili akong nasa loob habang pinakikiramdaman ang dalawang boses mula sa labas pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagkatok sa aking pintuan kahit ilang minuto na ang nakakalipas. Pilit kong tinuyo ang aking mga luha at lumabas na ako sa cubicle.
Napatitig ako sa dalawang babaeng nasa harapan ko. Ang mama at ate ni Bello.
"Tinatawag na ang mga Cumlaude, you need to be there." Nakailang pag iling ako pero sabay nilang hinila ang braso ko. Kapwa sila nasa magkabila ko.
"Why are you doing this? Gusto ko na pong umuwi."
"Because my son likes you." ngising sabi sa akin ng mama ni Bello.
"My brother likes you, I like you and we like you." Natatawang sabi ng Ate ni Bello. Eksaktong tinawag ang pangalan ko bilang cumlaude. Mas hinigpitan nilang dalawa ang paghawak sa aking braso at wala na akong nagawa nang makaakyat na kami sa stage.
Ang mama ni Bello ang nagsabit sa akin ng medalya habang nasa baba ng stage si Bello na may dalang camera. Ayoko sanang magpakuha ng litrato pero hindi ako nakapalag sa dalawang babaeng nasa aking pagitan. Pilit nila akong pinangiting dalawa.
Bumaba kami ng stage na kumikirot pa rin ang aking dibdib.
"Naawa kayo sa akin."
"No!" sabay silang hindi sumang ayon sa sinabi ko.
"Nagpapalakas lang kami para kay Dash." Sagot ng ate ni Bello.
"Chin up, hindi dapat umiiyak ang matatalinong batang katulad mo." Ngiting sabi ng mama ni Bello.
Hinatid nila ako sa aking upuan bago sila bumalik sa kanilang pwesto kanina. Pilit hinanap ng aking mga mata si Bello sa kanyang linya at nang makita ko siya ay nakatitig din siya sa akin.
"Congratulations" alam kong ito ang sinabi niya kahit hindi ko narinig mula sa malayo.
"Thank you Bello." Ngumiti siya sa akin.
Natapos ang graduation na mabigat pa rin ang dibdib ko, pero bahagya itong nabawasan nang pagaanin ito ng pamilya ni Bello.
"Join us Aurelia." Anyaya sa akin ng mommy niya. Tipid akong umiling gusto ko nang umuwi.
"Salamat po, baka po sa susunod na lamang. Maraming salamat po kanina." Tipid akong ngumiti.
"No worries hija, Dash sumunod ka na. Kinukuha lang ng Daddy mo ang sasakyan."
"I have my car mom, sunod na lang ako. I'll be quick." Tumango na lamang ang ate at mommy niya sa kanya bago na naunang maglakad ang mga ito.
"Ihahatid muna kita Aurelia."
"No, it's okay. Hinihintay ka na rin ng parents mo, maaga pa. Makakauwi ako mag isa." Hindi sumagot sa akin si Bello.
"Salamat nga pala Bello, alam kong ikaw ang nagsabi sa mommy at ate mo na puntahan ako. Salamat." Nang mapansin niyang lumuluha na naman ako ay mabilis niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit.
"Bello, nangako siya sa akin na dadating siya. Nangako siya, naghintay ako pero bakit hindi siya dumating? Bakit?" Sa halip na sagutin niya ako ay walang tigil siya sa paghaplos sa aking buhok.
Kumalas ako ng yakap kay Bello nang marinig kong tumutunog ang aking telepono, halos mangatal ang kamay ko nang makita kong si Rashid ang tumatawag dito.
"Don't call answer it Aureli—" Hindi ko pinakinggan si Bello dahil agad ko itong sinagot.
"Rashid?" umiiyak kong bungad sa kanya. Wala akong naririnig na boses niya kundi malalakas na ingay ng sasakyan.
Awtomatiko akong tumanaw sa labas ng gate ng school at halos matulala na lang ako nang makita kong nasa kabilang kalsada ang sasakyan ni Rashid habang nakasandal siya ditong hawak ang kanyang telepono.
Mga nagdadaanang mga sasakyang ang nakapagitan sa aming mga mata.
"Rashid.."
"I'm sorry, I'm sorry baby for everything. I'm breaking up with you." Nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa sumakay na siya sa kanyang sasakyan at tuluyan na akong iniwan.
I damn pity myself for loving an evil Cinderello.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro