Chapter 42
Simula nang araw na 'yon hindi na humiwalay sa akin si Rashid. Mag dadalawang linggo na niya akong hatid sa hospital kung saan ako nag oojt. Pilit niya akong nilalambing at sinusuyo sa kahit anong paraan niya pero hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kanya.
I am still mad at him. Very very mad.
Sa tingin niya ba ay madadala ng paghatid sundo niya ang lahat ng galit ko? Ang lahat ng pagsisinungaling niya sa akin? Sa nakikita ko sa kanya ngayon wala pa rin siyang balak sabihin sa akin ang totoo.
He keeps telling me that he'll tell me the truth at the right time. Kailan pa ang right time na sinasabi niya? Kapag malulunod na ako sa mga lihim at kasinungalingan niya? Habang hindi niya muna sinasabi ang totoo ay gagawa muna siya ng napakaraming kasinungalingan sa mga katanungan ko?
Dahil alam niyang maaga akong gumigising, maaga pa lang ay nagbabantay na siya sa akin sa tapat ng pinagtitindahan ko ng halo halo noong bakasyon.
Palabas na ako sa compound namin at pansin na agad ako ni Rashid na nakasandal sa kanyang kotse, humihikab pa ito na mukhang kulang sa tulog. Nang makita niya ako ay tumuwid siya ng pagkakatayo at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Good morning, my beautiful baby.." hahawakan niya sana ako nang mabilis akong dumistansya mula sa kanya.
"Good morning? Seriously Rashid.." hindi ko siya sinulyapan at nagdiretso na akong sumakay sa sasakyan niya. Mabilis naman siyang umikot at naupo na siya sa driver's seat.
Akala ko ay paandarin na niya sa akin ang sasakyan nang may iabot siya sa aking rose. Tinanggap ko ito na hindi nagsasalita sa kanya, lagi itong may note at binabasa ko lang ito kapag nakakalabas na ako sa kanyang kotse.
"Kumain ka na ba Aurelia? We can drive thru, anong gusto mo?" nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sa totoo lang hindi pa ako nakain at nagugutom na ako.
"Kumain na ako.."
"Are you sure? Alam mo namang ayaw kong magugutom ka.."
"Bakit kailangan mo pa akong sunduin araw araw Rashid? Hindi mo naman ito ginagawa dati, masyado ko nang naabala ang tulog mo.." narinig ko siyang bahagyang tumawa sa sinabi ko. What's funny?
"Nakita mo lang akong humikab, nakahanap ka na agad ng butas para hindi kita ihatid. I am fine baby, gusto kong makita ng mga doktor o nurse ng hospital na 'yon na may boyfriend ka na. They need to back off.." umirap ako sa sinabi niya.
"Boyfriend na sinungaling.." pahabol ko.
"Baby..."
"Oh sorry, hindi ka nga pala sinungaling.." matabang na sabi ko.
"Aurelia.." hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.
"Let's stop this conversation Rashid, ayoko munang magtalo tayo. Marami akong gagawin sa hospital ngayon.." hindi na ito sumagot sa akin.
Nagpatuloy siya sa pagdadrive at habang kapwa kami tahimik dalawa bigla na lamang tumunog ang telepono niya. Pansin ko na ito, sa tuwing hinahatid o sinusundo niya ako hindi maaaring hindi tutunog ang telepono niya at ni minsan ay hindi niya pa ito sinasagot, sa halip ay lagi niya itong pinapatay.
"Bakit hindi mo sagutin Rashid? Araw araw na lang 'yan. Don't worry I won't listen.."
"It was just a nonsense call baby.." nonsense? Lie or truth?
"Nonsense calls everyday.." naiiling na sabi ko.
"Baby, can we talk? Kausapin mo na naman ako.."
"Rashid please, ayokong masira ang araw ko.." malamig na sabi ko. Bumuntong hininga siya at ipinagpatuloy niya na muli ang pagdadrive.
Nakarating na kami sa hospital, nagmadali na akong lumabas ng kotse niya.
"Huwag mo na akong sunduin, hindi ko alam kung anong oras ng labas ko ngayon.." akala ko ay aalis na siya pero nagpahabol siya ng salita sa akin.
"I'll wait, kahit gaano pa katagal. I love you.." hindi ko nagawang sumagot sa kanya. Naiinis pa rin ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng trabaho nang kulbitin ako ng isa sa mga kasama kong nurse at sinabing may deliver daw sa akin. Napairap ako nang malamang galing ito kay Rashid, napakaraming pagkain na parang magpapakain ako ng napakaraming nurse sa hospital.
"Ang dami niyan Aurelia, ayaw ka talagang gutumin ng boyfriend mo.." nagkibit balikat ako at itinabi ko na ang mga pinadeliver niya.
"Huwag na kayong bumili ng pagkain, sabayan nyo na lang ako.." kinuha ko na ang rose na ibinigay sa akin ni Rashid. Lagi ko itong tinatanggap dahil may pinagbibigyan ako nito.
Nagtungo ako sa isang private room dala ang tray ng gamot, thermometer at ilang medical record ng pasyente. Inilagay ko na rin sa tray ang rose na ibinigay sa akin ni Rashid.
"Pupuntahan ko lang ang Room 357.." paalam ko sa mga kasamahan ko na nasa nurse station. Sa akin naka assign na magpainom ng gamot sa batang nasa kwartong ito.
"Good morning Bianca.." pilit ngumiti sa akin ang batang babae na kitang kita na ang panghihina. Pain reliever ang gamot na lagi kong pinapainom sa kanya.
"Ate Aurelia!" kahit ang mga magulang niya ay natutuwa sa tuwing pumapasok ako sa kwartong ito.
Naupo ako sa hospital bed at inangat ko ang rose na ibinigay niya sa akin.
"Look what I've got for you.." inabot ko sa kanya ang rose.
Pinilit ko ang sarili kong hindi maluha habang nakikita ang pangangatal ng kamay niya. Mag iisang buwan pa lamang ako sa hospital at napakarami ko nang nakikitang iba't ibang klase ng pasyente. Mukhang kailangan kong turuan ang sarili kong maging matatag sa mga bagay na nakikita ko.
"It's so beautiful.." tuwang tuwang sabi ng bata.
"Just like you.." mahinang sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.
"Salamat hija.." ngumiti ako sa sinabi ng kanyang ina. Pinainom ko na ng gamot si Bianca at nagpaalam na ako sa kanila.
Pagkalabas ko ng kwarto ay binasa ko na ang note ni Rashid.
'You are making her happy. You're the best nurse in the world baby, I'm so proud of you..'
Papaano niya nalaman? Oh god, Rashid. You're impossible.
Buong maghapon tulad nga ng inaasahan ko ay naging abala ako. Kung sabagay, hospital ito at hindi ito nawawalan ng dumadating na mga pasyente. Gabi na nang matapos ang shift ko, grabe ang pagod ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga sasakyang nakaparada, hindi ko makita ang sasakyan ni Rashid. Baka hindi na niya ako susunduin ngayon dahil sa sinabi ko, maglalakad na sana ako sa sakayan nang may sumagi sa aking mga mata.
Is that Rashid's car? Maglalakad na sana ako papunta dito nang makarinig ako ng malakas na pag iyak ng bata. Kumunot ang noo ko nang makitang nanggagaling ito sa sasakyang ito. Imposibleng kay Rashid ito, bakit naman magkakabata? Tumalikod na ako para maglakad na sa sakayan pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay narinig ko ang tawag sa akin ni Rashid.
"Aurelia! Baby, where are you going?" pakinig kong sigaw ni Rashid. Nangunot ang noo ko nang makumpirma kong kay Rashid nga ang sasakyang may narinig akong batang umiiyak.
Nagpunta na ako sa sasakyan niya at halos magulat ako nang may makitang may batang mukhang nasa buwan pa lamang na nasa rocker nito. Nasa shotgun seat ang bata at pilit nilagyan ng seatbelt ang rocker nito. Basa pa ang pisngi nito galing sa luha at mukha tumahimik lang sa pag iyak dahil sa tangay nitong tsupon. The baby could 9-10 months?
"Rashid, don't tell me..." napapaatras na ako.
"No! He's not mine, he's my neighbor's kiddo. Inihabilin sa akin.." naningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Kailan ka pa pumayag na mag alaga ng bata Rashid?! Don't tell me nagsisinungaling ka na naman sa akin.." tinalikuran ko ang sasakyan niya at naglakad na ako ng napakabilis. Bakit ang lakas ng loob niyang ipakita sa akin ang anak niya sa ibang babae?!
"Baby wait!" hindi agad ako nakalayo nang mahabol ako ni Rashid.
"He's not mine baby. He's not mine!" paulit ulit niyang sinasabi sa akin. Pinaghahampas ko siya, baka nagsisinungaling na naman siya sa akin.
"Aurelia, listen baby..." hindi ko siya tinitingnan.
"Aurelia.." nagulat ako nang bigla niya akong kinabig at siniil ng halik. Oh my god! We're in public place.
"Rashid!" sigaw ko nang pilit kong nahiwalay ang labi ko sa kanya.
"Ikaw lang ang pwedeng maging ina ng mga anak ko. Okay? He's not mine baby, inihabilin lang siya sa akin.." pilit niya akong pinapakalma.
"Kailan ka pa tumanggap ng bata Rashid?! You hated kids!" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Wala akong pagpipilian, nanganganak ngayon ang mommy niya. And daddy is with her right now.." paliwanag sa akin ni Rashid na hindi ko pa rin mapaniwalaan. Nanganganak? Wala pa yatang isang taon ang batang ito, nanganganak na naman?!
"Papaano mo sila nakila—" kapwa kami napalingon ni Rashid nang marinig namin ang pag iyak ng bata.
Nanlaki ang mata ko nang makitang sarado ang lahat ng bintana. Oh my god!
"Rashid! Anong gagawin mo sa bata?!" halos tumakbo ako para makarating sa sasakyan ni Rashid.
"Open it! Damn, papatayin mo ang bata Rashid!" mabilis tinanggal ni Rashid ang pagkakalock. Kinuha ko ang bata at sinimulan kong pahanin.
"Bakit sa'yo inihabilin?!" malakas na sigaw ko dito.
"Ako lang ang kapitbahay nila?"
"What?"
"Hindi siya tagarito Aurelia, that baby was from Leviathan. Kapitbahay ko ang mga magulang niya sa bahay ko sa Leviathan.." halos himatayin ako sa sinabi ni Rashid.
"Ibiniyahe mo ang bata nang matagal na oras?!" anong pinaggagawa nitong si Rashid?!
"I guess, yes?" ngising sagot nito.
Hindi na ako nakapagsalita sa mga nalalaman ko. Bakit hinayaan ng mga magulang ng batang ito na si Rashid ang mag alaga?
Sumakay na ako sa likuran ng sasakyan habang buhat ang batang pinapatulog ko na.
"Saan mo dadalhin ang batang ito Rashid?"
"Ibabalik ko sa Leviathan, sa akin muna daw siya ng tatlong araw. Doon muna kami sa Villa ko.." hindi ko maisip kung anong mangyayari sa bata kung si Rashid lang ang kasama nito sa loob ng tatlong araw.
"Idaan mo muna sa bahay, kukuha ako ng damit. Sasama ako.." mahinang sabi ko. Sabado na bukas, kung tatlong araw pwedeng lumiban na lang ako ng lunes.
"No need baby, I bought you new clothes.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.
"Why do I have this feeling that you are using this innocent baby, Rashid?" bakit ang advance naman niya. Naipamili niya na agad ako ng damit.
"What? No way.." god! This baby was a trap.
"That baby needs my care for a while. If he needs a father's care, he also needs a mother's care.." kung makapagsalita siya para siyang isang responsableng ama na nag ampon ng bata. If I know.
"Bahay bahayan Rashid? Nagsisimula na akong magtaka kung nanganganak nga ba ang totoong ina nito o hiniram mo lang ito para madala mo ako sa villa mo. Hindi pa rin kita kakausapin, akala mo magagamit mo ang bata.." madiing sabi ko.
"Pwedeng ihatid na kita pauwi kung 'yan ang iniisip mo.." sa tono niya parang napakasama kong tao. Shit, bakit nga ba hindi na ako nasanay sa mga gawain nitong si Rashid? Siya lang naman lagi ang niaapi sa aming dalawa.
Biglang umiyak ang bata kaya agad akong naalarma.
"Oh, anong gusto ng baby.." pilit ko siyang pinapatahan. Pagod na siguro ito sa kakabiyahe niya. Papatayin ni Rashid ang bata.
"Niaaway kasi ni mommy si daddy. Kaya umiiyak si baby.." matabang na sabi ni Rashid habang nagdadrive. Grabe, ako na lagi ang masama. Ako na lang ako ang nang aaway!
"This is not ours Rashid! Saan nanggaling ang mommy at daddy mo?!" iritadong sabi ko. Ito na naman po si Rashid Amadeus Villegas at ang kanyang laging niaaway. Pilit ko pa rin pinapatahan ang bata, naaawa na ako dito.
"But we can have our own baby. Bati na tayo Aurelia, please? Huwag mo na akong awayin. I miss you so much.."
--
Ventrecanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro