Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41


Nagbabad ako sa kanyang bath tub. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na siya na ang bahala sa mga damit ko, hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.

He tried to explain but I refused to listen. What will happen to me? Maniniwala na naman ba ako sa kasinungalingan niya? He will supply me with his lies again and again and again? Hindi ako tanga, alam ko kung nagsisinungaling sa akin ang tao o hindi at paulit ulit na niya itong ginagawa sa akin.

Ano na lang ang tunay sa kanya? His love for me? Tunay pa ba ito kung paulit ulit niya akong pinaglilihiman at pinagsisinungalingan? I am hurting but I can't just leave him. Dahil alam ko sa sarili kong mas lalo akong masasaktan kapag tuluyan na akong napahiwalay sa kanya.


Mas inilubog ko ang sarili ko sa tub. Can he just stay as my cute loving Rashid? Na pagiging baby niya lang ang problema, ang pagkaubos ng yakult niya sa refrigerator at kung papaano siya makakatanggap ng paglalambing sa akin. Can I just scratch all his revenge? All his secrets? All those stuffs that I can't understand? Ayos pa naman kami dati. I was Anastacio's tutor, he was the annoying keep who keeps knocking the door. We're fine, happy, laughing and smiling. Wala namang ganito dati, why suddenly all of these shits?

Kasalukuyan pa rin akong nakalubog sa tub at bumuga ako ng hangin. Ayoko pang umahon, can I just stay here for a while?


"Aurelia?" am I hearing his voice?


"Aurelia! Bakit ang tagal mo na dyan?"


"Baby, answer me or else I'll break this door!"


"Aurelia!" nakakarinig na ako ng malalakas na katok.

Bakit nakaramdam ako ng biglang pagkaantok? I want to close my eyes. Nakarinig ako ng isang malakas na dagasa. What is that? May kaaway ba si Rashid sa labas?


"Fvck! Baby!" naramdaman kong umangat ang katawan ko mula sa tubig. I can feel his warm arms around me and his lips on mine.


"Baby, baby! Oh god, what did I do to you? Fvck.." agad akong inubo nang inubo habang nasa kandungan ako ni Rashid.


"What happened?" nanghihinang tanong ko.


"I'm sorry, I'm sorry Aurelia. I'm sorry Aurelia for everything, I'm sorry baby.." he's embracing me tightly with my whole naked body.


"Nakatulog yata ako Rashid, I'm sorry. Can you hand me a towel?" kaswal na sabi ko. I felt so weak.


"Baby.." hinawi niya ang basa kong buhok.


"Please? Hand me a towel. Don't look at me.." binitawan niya ako at tumayo siya para kumuha ng towel. Nang iabot niya ito sa akin ay nakalihis ang mga mata niya. Pero alam kong nakita na niya ang dapat niyang makita. He already did see my whole body.

Hindi ko alam kung bakit parang wala na akong maramdaman tungkol sa bagay na ito. Maybe because I am too drained? Lumabas akong nakatapis, pansin ko na nakahanda na sa kama ang mga damit ko na hindi ko kung saan kinuha ni Rashid. Halatang mga bago pa ang mga ito at hindi pa nagagamit.


"Pagkatapos mong magbihis Aurelia, mag uusap tayo.." lalabas na sana siya nang magsalita ako.


"Anong pag uusapan natin Rashid? I am fine.." tipid na sagot ko sa kanya.


"Fine? Aurelia you are not fine! I am not fine! We are not fine baby! Stop acting like this baby. You almost drown yourself because of me..fvck!" lumakas na ang boses niya sa akin. Nagmadali siyang lumapit sa akin at pinaupo niya ako sa kama. Tumabi siya sa akin at kinuha niya ang mga kamay.


"Come on, slap me Aurelia. Hurt me baby, I deserved that. I'm sorry for everything, it's just that---" sa halip na sampalin ko siya at tinakpan ko gamit ng isang daliri ko ang labi niya. Ilang beses akong umiling para pigilan ang pagsasalita niya.


"No, no please Rashid. Stop explaining baby, hindi ako nagtatanong. Ayoko nang may marinig pa sa'yo. If you can't tell it, then fine. Just, just stop explaining, hindi ako nagtatanong..." I have this intense feeling that he'll suddenly disappear if he did try telling me all his secrets.

Ganitong ganito rin ang nangyari noon. I insisted him, pinilit ko siyang sabihin sa akin ang gusto kong malaman. He told me about his revenge and then what? Halos tatlong buwan siyang nawala dahil dito na wala man lang matinong paliwanag nang bumalik siya.


"Baby. I'm sorry, if you're worried about Courtney? She's nothing compared to you. Yes, she's my past but you are now my everything. Wala nang makakapalit sa'yo Aurelia. You know how much I love you.." lumalabas na sa sarili niyang bibig ang kasinungalingan. Akala ko ba Rashid hindi mo kilala si Courtney? Now she's your past?

Tumango na lang ako sa kanya. Ito na lang ang kaya kong gawin sa ngayon. I will just nod, I don't want to ask again and be answered by endless lies.


"I promise, I'll explain everything to you. Just give me t—" hindi ko siya pinatapos dahil paulit ulit kong hinalikan ang mga labi niya. Give him time? Halos araw araw na kaming magkasama, lagi ko siyang binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa akin ng tungkol sa lahat pero kahit ay hindi niya pa rin binibigyang linaw.


"Inuulit ko Rashid, I didn't hear anything. I am fine and what happened in your bathroom was just an accident, inantok lang ako. Now go, magbibihis na ako.." mahinang sabi ko sa kanya habang nakatitig ang kanyang mga mata sa akin.


"Aurelia, please listen to me. You are not fine baby.." naubos na ang natitirang pasensyang mayroon ako. Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Rashid kasabay ng pagtulo ng mga luha.


"I told you, I am fine! I am fine! Bakit ba ayaw mong maniwala?!" ilang beses kong pinaghahampas ang dibdib niya habang walang siyang ginagawa.


"Wala nga sabi akong narinig! I am not asking you to damn explain Rashid! Fvck! I am sick with all your lies! Paulit ulit na lang Rashid! Paulit ulit ka na lang ganito! Hindi mo ba alam na nasasaktan din ako sa paulit ulit mong pagsisinungaling sa akin?" humagulhol na ako ng pag iyak sa dibdib niya habang panay pa rin ang paghampas Sko sa kanya.


"Baby, I'm sorry.." hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko habang panay pa rin ako sa paghampas sa dibdib niya.


"I did accept you again na parang walang nangyari. Rashid, it was almost three months pero may narinig ka ba sa akin? Sinumbatan ba kita Rashid nang nawala ka? No! Halos hindi pa ako mapakali kapag hindi kita nadadalaw o naaalagaan sa bahay ng katrabaho mo na naging kaibigan mo, na may mga pulis or whatever fvck who they are! Wala akong reklamo sa'yo Rashid kahit litong lito na ako kasi mahal kita. I almost gave myself to you last night! Because I am totally hopeless Rashid, hindi ko na alam ang ginawa mo sa akin kung bakit ganito na lang ako sa'yo. Mahal na mahal kita Rashid, ikaw na lang ang mayroon ako sa mundong ito. I don't have my relatives, wala akong mga magulang o kapatid. I am all lost without you, tapos ito pa ang igaganti mo sa akin? Lies? Rashid ayoko nang makarinig ng kahit ano mula sa'yo dahil paulit ulit ka na namang magsisinungaling sa akin! Napapagod din ako baby. Enough with your lies.." halos hingalin ako sa dami ng sinabi ko. Bumuhos na ang kanina ko pang nararamdaman.

Hinuli niya ang dalawa kong kamay at mariin niya itong hinalikan bago niya muling sinalubong ang aking mga mata.


"I want to be honest with you baby. But I can't, I want you to be safe. Mas mahalaga ang kaligtasan mo.." what? What the hell is he talking about?


"Hindi kita maintindihan Rashid! Lahat na lang ng bagay may itinatago ka. What's with that masked guy? Bakit ikaw ang punterya? What's with this girl Courtney na bigla na lang lumabas? She even stripped in front of you! Ano na lang ang mangyayari sa inyo kung wala ako dito? Rashid, tama bang ikaw ang minahal ko?" natulala na siya sa itinanong ko.


"My love for is always genuine from the very beginning baby. I love you Aurelia and you know that. It's just there are some things that I can't tell you yet.." huminga ako ng malalim at hindi ko na siya sinagot.


"Can you go out? Magbibihis lang ako. Let's stop this discussion Rashid, gusto ko nang umuwi.." nang tangka niya akong hawakan ay tinabig ko ang kamay niya.


"Please? Nilalamig na ako, gusto ko nang magbihis.." malamig na sabi ko. Hindi na rin nagsalita si Rashid at iniwan niya na ako sa kwarto niya. Siya na mismo ang nagsarado nito.

Nagmali akong lumapit sa pinto at inilock ko ito. Sumandal muna ako sa likuran ng pintuan hanggang sa unti unti na lang akong mapaupo.


"I want to hate him, I want to curse him for lying but I just can't, I love him.." stupid Aurelia. Stupid!

Isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga tuhod. Siguro nahayaan ko pa ang bigla niyang pagkawala, ang ilang mga kasinungalingan niya pero ngayong may babae nang naghubad sa harapan niya? Fvck!

I was about to stand up when I heard his voice outside. Talking on his phone.


"Fvck, I will definitely kill that bitch.." Damn, I am hearing my baby's dark side. Sa halip na makinig pa sa kanya ay nagbihis na ako, hindi pa ako tapos ay kumakatok na si Rashid.

Binuksan ko na ang pintuan.


"I want to go home.." muli niyang tinangkang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito sa kanya. Nagdireto na kami sa sasakyan niya at naging tahimik kami sa buong biyahe.

Nang tumigil na sa tapat ng lugar namin ay mabilis na akong bumaba.


"Aurelia..."


"Please Rashid. I had enough today.." malakas kong ibinagsak ang pintuan at nagmadali na akong maglakad papalayo sa kotse niya. Hindi ko pinansin ang tawag niya sa akin.

Nang makarating ako sa bahay ay biglang tumunog ang telepono ko. I was expecting Rashid's name but it was an unknown number. There's an attachment, a damn picture.

It was Courtney's half face until her bare shoulder, na pagkakamalang nakahubad. Sa likuran nito ay nakatalikod ang hubad na katawan ni Rashid. Talagang nagawa pa niyang kumuha ng litrato? Anong pinalalabas niya sa akin na may nangyari sa akin?

Is she damn insane? I was here! Iritado akong nagreply sa kanya.


"Fvck off! He's mine!"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro