Chapter 39
Chapter 39
This might be the flirtiest day of my entire life. I never expected that a time will come that I'll be doing these silly childish things.
Anong dapat kong asahan? I just fell in love with Rashid, ang lalaking laging niaaway na nag uumapaw sa kalandian. Never in my whole life did I imagine seeing myself flirting endlessly with a guy.
Ilang taon akong ilag sa mga lalaki, walang amor at walang pakialam sa kanila. I have never been attracted to them no matter how handsome, charismatic or even sexy they are.
Oh well, Rashid Amadeus Villegas was an exception. He's a damn pretty sexy boy.
Kasalukuyan kaming kumakain ng inihanda niyang mga pagkain. Tinola at ham, isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. He's a good cook, lamang niya sa mga napapanahong gwapong lalaki ngayon.
I am sitting on his lap while we're eating together in one plate, one spoon and one fork. I am spoon feeding him while he's busy stealing kisses on my face, neck and even on my hair.
"Rashid! Mag aamoy tinola ako na.." ibinaba ko ang hawak kong kutsara nang bahagya niyang kagatin ang tenga ko.
"Hmm, hindi pa naman.." nagtaasan ang mga balahibo ko nang kagatin niya na naman ako.
"Rashid!" hinawakan ko ang tengang kinagat niya.
"Nikagat ko ba ang baby ko? I can't remember.." painosente niyang tanong sa akin. Siya ang humawak ng kutsara at kumuha siya ng pagkain.
"Eat.." kusa kong binuksan ang bibig ko para subuan niya ako. Ngumisi siya habang ngumunguya ako. Akala ko ay kakagatin niya na naman ang tenga ko pero bumulong siya sa akin.
"Mahal na mahal kita Aurelia.." para akong matutunaw sa ibinulong niya. Kung sana lagi na lang kami ganito, hindi siya biglang mawawala at wala siyang mga itinatago sa akin.
Inagaw ko sa kanya ang kutsara at siya naman ang sinubuan ko.
"I love you too.." bulong ko rin sa kanya. Ako na mismo ang lumapit sa mukha niya at pinaglapat ko ang dulo ng ilong namin na siyang lagi niyang ginagawa sa akin. We played our nose until we laugh at each other.
Nagpatuloy kami sa pagkain, sinusubuan ko siya, sinusubuan niya ako. Kung saan saan na nakakarating ang halik niya sa akin at minsan ay napapatili na ako dahil nanggigigil na siya at nakakagat niya ako.
"Rashid! Sinusubuan na kita, bakit ako pa rin ang pinapapak mo?! Niaaway mo ako.." tumawa siya sa sinabi ko.
"Baby, matagal na kitang gustong kagat kagatin nang ganito. Why did you call me 'kuya' that day huh? Pinangako ko sa sarili kong makakakagat ako sa'yo nang tawagin mo akong kuya.. " mapaglaro at malambing niya akong kinakagat kagat sa aking leeg na lalong nagpakiliti sa akin. Humigpit ang mga braso niya sa akin dahilan kaya mas nagagawa niya ang gusto niya.
"Oh my god! Rashid naman, are you a vampire?" inilag ko ang leeg ko sa kanya habang natatawa. Amoy tinola na talaga siguro ako. Damn Cinderello.
"Niaaway mo na naman ako Aurelia.." ngumuso na naman siya sa akin na parang batang aping api.
"Bakit lagi na lang ako ang nang aaway dito Rashid? Can we just eat, kinakagat kagat mo pa ako.." ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Hindi ba maglalambingan lang tayo maghapon Aurelia?" umirap ako sa kanya.
"We are, ano pa ang ginagawa natin? Sitting on your lap, eating in one plate, spoon feeding each other. Rashid, kapag may nakakita sa ating mga single siguradong sisigawan na tayo ng walang forever.." paliwanag ako sa kanya na agad nakapagpakunot sa kanyang noo.
"Bakit may nadamay na mga single Aurelia? Tayo lang dalawa ang tao dito. And we're not single, we're couple baby. You have my ring, you are my soon to be my wife. Masama ba na maglambing sa'yo?" kumuha siya ng bagong ham sa isang plato at sumubo siya nito.
"Kahit kailan ay hindi ka naglambing sa akin Aurelia. It was always me.." nagtampo na ang lalaking laging niaaway.
"Niaaway na naman ba kita kuya Rashid?" ngising tanong ko sa kanya. Ikinawit ko ang mga dalawang braso ko sa batok niya. Sumipol si Rashid sa sinabi ko.
"Gustong makagat ng baby ko.." ngumisi na rin sa akin si Rashid.
"Let's eat ham.." sabi ko sa kanya. Ako na kumuha sa isang plato at isinubo ko ang kalahati nito. Tumaas ang kilay ni Rashid at mukhang nakuha niya ang gusto kong mangyari. Kumagat din siya sa ham na subo ko at unti unti namin itong kinakain hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
"Hmm, we should always eat ham baby.." hinalikan niya pa ako sa pisngi.
"Papaano mo ba gustong lambingin Rashid?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng tubig, halos masamid siya sa tanong ko.
"You should discover it baby. Dapat sa halip na niaaway mo ako ay araw araw mo akong nilalambing.." pinagsalin niya na rin ako ng tubig at uminom na rin ako.
Nang matapos akong uminom ay agad kong napansin na gusto na naman niya akong halika. Hindi ako nagreklamo at hinayaan ko ang mga mata kong pumikit at hintayin ang mga labi niya. Nang ramdam ko na ang init ng paghinga niya sa mukha ko at sumasayad na ang matangos niya ilong sa akin ay kapwa kami napamulat dahil sa doorbell.
"Fvck.." bababa na sana ako sa kandungan ni Rashid nang humigpit ang yakap niya sa bewang ko.
"We'll check it together.." ngising sabi niya. Muli akong napatili nang buhatin niya ako at maglakad kami sa may puntuan ng condo niya.
"Rashid! I can walk, kanina mo pa akong buhat.." hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa may entrance ng condo niya. May pinindot siya sa isang maliit na monitor at nang lumabas kung sino ang nasa labas nito ay napatalon na ako sa pagkakabuhat niya sa akin.
"I will hide!" Tita Tremaine is outside.
"It's fine, alam ni Tremaine na girlfriend kita. What's wrong Aurelia?" may pinindot si Rashid sa may monitor at nagsalita siya.
"Why are you here?" tanong niya kay Tita Tremaine.
"May kailangan lang akong sabihin sa'yo hijo.." sagot sa kanya ni Tita Tremaine.
"Is that important?" tanongg ulit ni Rashid.
"It's urgent..." sagot nito.
"Wait.." may pinindot ulit si Rashid.
"I'll open this.."
"Magtatago ako Rashid, she can't see my like this. Nakakahiya baka kung anong isipin ni Tita, yes we almost did it but.." ngumisi siya sa akin bago niya pinisil ang baba ko.
"Alright, hide inside my room.." muling nagdoorbell si Tita Tremaine. Hindi na ako nakasagot kay Rashid dahil nagmadali na akong pumunta sa kusina dahil sa pagkataranta ko.
Pinili kong magtago sa gilid ng malaking refrigerator, pakinig ko na ang boses ni Tita Tremaine.
"Parang ilang taon na nang huli kong nagpunta dito hijo.."
"Why is she here?" she?
"Nandito pala ako para magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi. Hindi mo ako hinayaang maglakad ng tapak.." seriously? She's damn here?!
"Is this what you called urgent Tremaine?" matigas na tanong ni Rashid. Gusto ko tuloy umalis sa likod ng refrigerator at hatakin si Rashid at suotan ng damit. He is damn topless in front of that girl's eye.
"No hijo, may sasabihin din ako sa'yo. It was about last night, why don't we talk in your dining area? Para naman matikman natin ang dala nitong si Courtney, she's just being thankful hijo.." wow! So naipagluto na pala niya agad si Rashid. How nice of her.
Nakakarinig na ako ng yabag papunta sa kusina. Bigla akong kinabahan bakit hinahayaan sila ni Rashid?
"Hey wait, not there!" pagpigil ni Rashid.
"It's fine hijo kung makalat.." agad kong napansin ang likuran ni Rashid.
"You can sit there in front girls, medyo madulas dito. May natapong tubig.." pagsisinungaling ni Rashid. Kung ang dating Rashid ang kaharap ngayon ni Tita Tremaine, he'll definitely drag them out forcefully but my baby did change. Ibang iba na siya ngayon.
"I heard you like cookies so I did bake some, I hope you'll like it.." masiglang sabi ni Courtney.
"I didn't ask you.." matabang na sabi ni Rashid.
"She's just being nice.." pagsabat ni Tita Tremaine. Hindi sumagot si Rashid pero nagsalita ulit si Tita Tremaine.
"How's Aurelia, Rashid? Naihatid mo ba siya kagabi? I hope she's fine.." Tita Tremaine is always nice to all. Pero natatakot ako na baka iba ang maiparating nito kay Courtney. Tita Tremaine is not pushing her for Rashid, she respected our relationship.
"She's---" magsasalita na sana si Rashid nang magsalita si Courtney.
"Why don't you try my cookies, they're all sweet. Taste it.." may narinig akong pagbubukas ng parang aluminium foil, walang nagsasalita ng ilang minuto pero mabilis din nagsalita si Courtney.
"How was it?"
"Good.." sagot ni Rashid.
"Thank you! You know my hobby is baking, I can make cookies for you. It's fine since I am baking for Anastacio, I can also give his kuya.." what the fvck?! That 'kuya' Shit.
"No need, about that urgent Tremaine? I need to know, marami pa akong gagawin.." malamig na sabi ni Rashid.
"Yes, about that hijo. Wala ka bang kagalit? Nahuli ang lalaking nanggulo sa party at sinabing nagpag utusan lang siyang guluhin ito. To pissed Rashid Amadeus Villegas.." natigilan ako sa sinabi ni Tita Tremaine.
"Where is he?" seryosong tanong ni Rashid.
"He's now in police station and he's---" hindi na siya pinatapos ni Rashid.
"Alright, I heard enough Tremaine. You can go, bring these cookies Courtney. Hindi ko rin ito makakain. I'll go check him by myself.." pinagtabuyan na sila ni Rashid. Nanatili akong hindi gumagalaw sa pagkakatago ko habang nagtataka sa mga narinig ko.
Kilala ng lalaking nagnanakaw ng sapatos si Rashid?
"Baby.." inangat ko ang paningin ko at inilahad na niya ang kamay niya sa akin.
"What's that Rashid? May kilala ka bang gagawa nito? Any idea about that masked guy?" umiling sa akin si Rashid.
"Honestly, I don't really know baby. Kaya makikipagkita ako sa kanya ngayong araw, I need to ask him.." tumango ako sa kanya. Kinabig niya ako ay mahigpit na niyakap.
"Don't think too much okay?" ngumuso ako sa sinabi niya.
"That Courtney, she's really interested in you.." matabang na sabi ko.
"But I don't like her Aurelia.." umirap ako sa sinabi niya. I trust him but not the woman.
"So hindi tayo maghapong maglalambingan, pupuntahan mo pa ang lalaking nanggulo kagabi hindi ba?" tanong ko sa kanya.
"I can postpone it, you know that baby.." kapwa kami napalingon ni Rashid sa labas ng kusina nang makarinig kami ng panibagong doorbell.
"Seriously? Ano pa ang kailangan nila?" iritadong ginulo ni Rashid ang buhok niya. Sabay kaming nagpunta sa harap ng monitor, hindi si Tita Tremaine kundi si Courtney.
"No, huwag mong bubuksan.." malamig na sabi ko.
"Yes.." may pinindot si Rashid.
"What?" sabi nito kay Courtney.
"Nahulog ko yata ang hikaw ko sa loob Rashid, that was my mother's gift. I am sorry but can I enter? Mabilis lang ako pangako.." sigurado akong nagsisinungaling siya.
"Magpapalinis ako, ibibigay ko na lang kay Tremaine kapag nakita ng maglilinis.." sagot sa kanya ni Rashid. Inakbayan ako ni Rashid para iparating sa akin na okay lang ang lahat.
But it is damn not! This Courtney is hitting on him!
"I am annoyed Rashid, gusto ka niyang agawin sa akin.." halos napapadyak ako sa sobrang inis.
"Alam mo namang hindi ako magpapaagaw. I am all yours Aurelia Hope Lorzano.." mabilis niya akong hinalikan sa labi. Muling may pinindot si Rashid bago siya nagsalita.
"Go home Courtney, bukas na bukas ay malalaman mo kung may nakitang hikaw dito.." kumulo ang dugo ko nang umiling si Courtney.
"Please? Mahalaga sa akin ang hikaw na 'yon, hindi ako mapakali kapag hindi ko ito suot. Rashid please? I won't do anything unnecessary. I just want to get my lost earring. Please? Hindi ako aalis dito, hindi ako aalis dito. Please let me look for it.." halos magmakaawa siya. She's a good actress!
Damn it, I want to pull her hair.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro