Chapter 36
Chapter 36
Kasabay nang pagutgtog nang napakagandang kanta ay ang unti unting pagsikip ng dibdib ko. Ilang beses ko na itong itinatanong sa sarili ko simula nang pumasok kami sa lugar na ito.
Why am I keep seeing that masked guy on Rashid? Bakit pilit nagsusumiksik sa isipan ko ang imahe ng lalaking nagnakaw ng sapatos ko habang isinasayaw ako ng lalaking mahal ko? Why to all people? Bakit si Rashid?
Kung alam ko lang na muling babalik sa akin ang alaala ng gabing 'yon hindi na lang sana ako sumang ayon sa pagsama dito.
"Baby.." hahawakan na sana ni Rashid ang mga pisngi ko nang agad akong umatras at tinabig ko ang kamay niyang hahawak dapat sa akin.
"Aurelia.."
"Don't touch me Rashid, just answer me.." pansin ko na napapasulyap na sa amin ang ilang nagsasayaw.
"Answer what Aurelia? What's wrong with you baby?" nang muli siyang hahakbang papalapit sa akin agad akong umatras muli.
"I said don't touch me! Hanggang dyan ka lang Rashid! Just answer me! Is this our first dance?" nagtuluan na ang mga luha ko. Bakit napakalakas ng kutob ko na si Rashid at ang lalaking nagnakaw ng sapatos ko ay iisa?
"Baby.." nahihirapan na siyang tawagin ako.
"Why can't you just answer me Rashid?!" lumalakas na ang boses ko.
"Aurelia, baby.." ilang beses akong umiling sa kanya. Bakit kahit hindi ko naririnig sa kanya ang sagot ay nakikita ko na ang gusto kong malaman sa mga ikinikilos niya?
"Why? Why Rashid?!" hinayaan kong tumulo ang mga luha ko at mabilis akong tumalikod sa kanya para lumayo.
"Aurelia.." hindi ko siya nilingon at nagmadali na akong maglakad. Lakad takbo ako habang umiiyak. Wala na akong pakialam sa atensyong naaagaw namin ngayon. I am in pain, hindi ako makapaniwalang ang lalaking pinakamamahal ko ay ang taong kumuha ng kahuli hulihang alaala ng aking ama.
"Baby.." nakasunod pa rin siya sa akin.
"Fvck! Leave me alone Rashid! Leave me alone!" takbo lang ako nang takbo hanggang sa bigla na lang namatay ang ilaw. What the hell? Again?!
Nagmadali akong umupo at iniyakap ko ang mga braso ko sa mga binti ko. Not again, is he going to steal my shoes again? Kaya ba siya nakipagmabutihan sa akin? What's with the shoes? I don't get it.
Nanatiling nakapatay ang ilaw, nakakarinig na rin ang ng bulungan hanggang sa may marinig kaming sigaw ng isang babae. Kung ganoon may ibang babae na siyang biktima? Is he done with me?
"Aurelia.." pansin ko na bahagyang nagliwanag ang katawan ko. Lumuhod siya para magpantay kami. Nakuha na niya ba ang sapatos? Bakit nandito siya sa harapan ko?
"I said leave me alone, you liar!" sigaw ko sa kanya. Pakinig ko na nagkakagulo na rin ang buong party, ganitong ganito ang nangyari noon.
"Aurelia let me—" hindi ko siya pinatapos dahil agad kong hinubad ang dalawang sapatos ko.
"Here! Sa'yo na! sa'yo na! Sa'yo na ang sapatos ko! Uuwi na lang ulit akong tapak! uuwi na lang ulit akong tapak Rashid! Alaala 'yon ng tatay ko Rashid, alaala 'yon ni tatay.." ilang beses kong inihampas sa dibdib niya ang mga sapatos ko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi niya sinasalag ang bawat paghampas ko sa kanya at hinahayaan niya lamang ako.
"Bakit mo ginawa 'yon? Out of fun? Experiment? Hindi ko maintindihan Rashid.." napasubsob na lang ako sa mga palad ko habang iyak ako nang iyak.
"I'm sorry Aurelia.." pilit akong nagpapalag nang yakapin niya ako pero wala akong nagawa. Sa halip ay lalo akong napahagulhol ng pag iyak nang halikan niya ang ibabaw ng ulo ko.
Nabuhay ang ilaw at isa muling malakas na sigaw mula sa isang babae ang dahilan kaya kumalas ako ng pagkakayakap kay Rashid.
She's running barefooted with her beautiful dress. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. What the hell is going on here?
"He stole my shoes!" malakas na sigaw niya habang may itinuturo. Napasinghap na lang ako nang makitang may tumatakbong lalaking nakamaskara tangay ang magandang sapatos ng babae.
He's running towards our direction.
"What the fvcking hell?" pakinig ko ang mura ni Rashid habang habol ang tingin sa lalaking simpleng nakakaiwas sa mga taong akma siyang huhulihin. Siya ang lalaking nagnanakaw ng sapatos?
But I thought? Muli akong napatingin ako kay Rashid na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa lalaking hinahabol na ng mga security guard. It couldn't be, I thought the masked guy was Rashid?
Nang malapit na sa posisyon namin ang lalaki ay agad tumayo si Rashid na parang inaabangan na ito.
"Rashid.." kinakabahang tawag ko sa kanya. Hindi niya pwedeng gawin ang iniisip ko, ano na lang ang mangyayari kung may baril pa lang hawak ang lalaking ito?
Walang tigil sa kapipito ang mga security guard habang hinahabol ito.
"Rashid!" sigaw ko sa kanya nang humarang ito sa dadaanan ng lalaking nagnanakaw ng sapatos. At sa isang iglap ay kapwa na lamang silang natumba ni Rashid at ilang beses silang gumulong at nagpaulan ng suntok sa isa't isa.
"Who are you?!" malakas na sigaw ni Rashid. Nakapangibabaw na si Rashid sa lalaki at nagpapaulan na ng suntok. Nagkakagulo na ang lahat ng mga bisita, dumadami na rin ang mga security guard.
Ano ba talaga ang nangyayari? Who is this guy? Agad nakabawi ang lalaki at siya naman ang nakapangibabaw. Siya naman ngayon ang nagpapaulan ng suntok kay Rashid.
"Rashid!" sigaw ko ulit. Hindi ako makagalaw sa mga nangyayari, what the hell? This is more than a Cinderella story! Wala ito sa libro, wala ito sa libro. Bakit may ganito?
Isang malakas na pito ang nakapagpatigil kay Rashid at sa lalaking nakamaskara. Dahan dahang itinaas ng lalaking nakamaskara ang kanyang kamay tulad ng gustong mangyari ng mga security guard. Pero masyadong mabilis ang mga pangyayari at kung kumilos ang lalaking nakamaskara ay parang hindi na siya natatakot sa nguso ng baril na nakatutok sa kanya.
May isang security guard siyang naagawan ng baril at itinutok niya ito sa sentido nito.
"Drop your weapons or I'll blow his head" nagsisigawan na ang mga tao sa nangyayari. Habang ako ay tulalang tulala na. Hindi makakilos ang mga security guard habang kilik ng lalaki ang isa kanyang hostage na may nakatutok ng baril.
Nagsimula na itong humakbang paatras at kung hindi ako nagkakamali ay papunta ito sa bintana. Is he going to jump and kill himself just for the sake of damn shoes? Nang sulyapan ko si Rashid ay nanatili na rin itong nakaupo na parang hindi na rin alam ang nangyayari.
Nasa mga kamay na muli ng lalaki ang mga sapatos. Hindi ito kapareho ng sapatos ko pero masasabi kong mamahalin ito, anong kailangan niya sa mga sapatos?
Panay ang pagsunod sa kanila ng mga security guard na wala namang magawa. Napapansin ko na ilan sa mga bisita at nag aalisan na dahil sa takot, ang iba ay kanya kanyang tago at karamihan ay tulalang gaya ko.
"Bitawan mo ako!" sigaw ng security guard na hawak ng lalaki. Agad siyang itinulak nito sa kanyang kasamahan at halos magsigawan ang lahat nang makita itong tumalon sa bintana.
We're in 16th floor! Agad nagtakbukhan ang mga security guard para silipin ang bintana pero iisa lamang ang nakita ko sa kanilang mga mata gimbal, gulat at matinding pagtataka.
"Nawala! Nawala siya!" sigaw ng isang security guard. Nagtakbuhan na ang mga ito sa elevator at sa mga hagdanan para agad na makababa. Ilan na lamang ang nagpaiwan dito.
Pero ang siyang nakapagpatulala sa akin? That mask guy locked his eyes on me and blew me a flying kiss. Kung ganoon, it was not Rashid? It was him! He recognized me!
Pansin ko na pinauuwi na ni Drizello habang kausap na ni Augusto ang mga pulis. Siguradong magiging malaking balita ito. Isinuot kong muli ang mga sapatos ko at ramdam ko na naglalakad na papalapit sa akin si Rashid. Pinili kong hindi salubungin ang mga mata niya nang makalapit na siya sa akin.
"I'm sorry about what happened Aurelia, ihahatid na kita pauwi. We'll find the reason behind all of this.." naguguluhan ako sa mga pangyayari. Kung hindi si Rashid, bakit hindi niya agad sinabi? Why did he act so strangely? Dapat sinabi niya na hindi niya ako naiintindihan ang mga sinasabi ko.
"Baby, let's go.." muli sanang luluhod sa akin si Rashid nang makarinig kami ng malakas na pag iyak ng babae. Nang lingunin namin ito, siya ang babaeng ninakawan ng sapatos. Pinupunasan na ni Anastacio ang luha nito habang hinahaplos ni Tita Tremaine ang likuran nito.
"What was that all about Tita? I'm scared, natatakot po ako Tita.." iyak ito nang iyak.
"Aurelia, baby let's go.." saglit lang itong sinulyapan ni Rashid. At akmang bubuhatin na sana ako nang umiiling ako.
"No, I can walk Rashid.." malamig na sabi ko dito. Bumuntong hininga ito ay inalalayan niya na lang akong makatayo.
"Tremaine, we'll go first.." paalam ni Rashid pero hindi kami natuloy nang pigilan kami ni Tita Tremaine.
"Hijo anak, if you don't mind. Aurelia.." nag aalinlangan pa si Tita Tremaine sa kanyang sasabihin pero natutunugan ko na ang mangyayari.
"Kuya Rashid, can you carry Ate Courtney please? Wala kasi siyang shoes.." sabi ni Anastacio.
"What? Just ask Drizello or Augusto. Ihahatid ko pa si Aurelia.." hinagip ni Rashid ang kamay ko.
"No, it's okay. You can carry her.." malamig na sabi ko. Hindi ko sinalubong ang mata ni Rashid.
"Thank you Aurelia hija. Sa sasakyan lang naman, abala si Drizello para asikasuhin ang mga bisita. While look, Augusto is busy with the cops questions.." tumango ako sa sinabi ni Tita Tremaine.
"I won't, si Aurelia lang ang binubuhat ko.." pagmamatigas ni Rashid.
"It's okay Tita. Kaya ko naman po maglakad ng tapak.." kahit sino naman hindi ba? I even run barefooted in the hospital during that night.
"Aurelia hija.."
"Tremaine!" iritadong sabi ni Rashid.
"Just carry her Rashid, it's fine.." sagot ko. Iritadong humakbang si Rashid papunta sa babae at binuhat ito. Napaalam na si Tita Tremaine sa kanyang dalawang anak bago kami makasakay lahat sa elevator.
Pansin ko na isinampay ng babae ang kanyang mga kamay sa leeg ni Rashid. He's carrying her like a bride. A grrom carrying his barefooted bride. Para siyang isang prinsesa na buhat ng isang makisig na prinsepe. Napakaswerte naman niya nang mawalan siya ng sapatos may bumuhat sa kanyang lalaki pero ako noong gabing 'yon? Natasak pa yata ng bubog ang paa ko.
"Ate Courtney is my new tutor.." ngising sabi ni Anastacio na parang walang nangyari kanina. Sana bata na lang ako at mabilis makalimot ng mga pangyayari. I am still confused.
"Busy na kasi si Ate Aurelia, graduating na kasi siya.." hindi kami nagsalita ni Rashid.
Nakarating na kami sa sasakyan ng babae. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa niyang magtutor kung may sarili naman pala siyang sasakyan. Ibinaba na siya ni Rashid.
"Thank you Amadeus.." tumango lang sa kanya si Rashid. Kailan niya nalaman ang second name ni Rashid?
Nilingon ako ni Rashid nang maibaba na niya ang babae.
"Happy now baby?" malamig na tanong nito sa akin bago siya naunang maglakad sa akin. Nagpaalam na rin si Tita Tremaine sa akin at Anastacio panay ang pag thank you nito sa akin at pasensya kay Courtney. Sumagot na lang ako ng pagtango dito, ayoko nang humaba pa ang usapan.
Ang malaking ipinagtataka ko ay kung bakit hindi pa rin naalis ang sasakayan ni 'Courtney'. Hahakbang na sana ako para sundan si Rashid mang narinig kong magsalita ang bagong tutor ni Anastacio.
"Aurelia, thank you for letting me borrow your boyfriend. He's gentle and nice.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro