Chapter 35
Chapter 35
Sa halip na panuorin ko pa ang pagiging balisa ni Rashid ay sinimulan ko nang humakbang papalapit sa kanya.
Kailan ko ba siya huling nakita na ganito? That was during his first confession on me, inside the car when he found out that I am receiving flowers from Bello.
Kusang lumabas ang mga ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lalaking laging niaaway at niaapi. He looked so princely with his black suite.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Rashid?" sinipat ko ang noo niya. Nagbabaka sakali akong baka nilalagnat siya. Pansin ko na bumaba ang paningin niya sa tiyan ko.
"Shit! Hindi nga pinakita ang batok mo, nilabas naman ang tiyan mo. Ano naman ang gagawin mo sa akin Aurelia? Uhaw ako buong gabi niyan baby.." kinuha na niya ang kamay ko at ikinawit niya na mismo ito sa kanyang braso.
"Uminom ka ng tubig Rashid.." bahagya akong humilig sa kanya.
"I should buy yakult then.." napangisi na lang ako sa sinabi niya.
"Kailan ba naging pampakalma ang yakult Rashid? Ikaw lang ang lalaking nakilala kong sobrang hilig sa yakult.." natatawang sabi ko sa kanya.
"I don't know. Lumaki na akong laging naghahanap ng yakult, hindi na nawala. Wait, baby wala na bang ibaba 'yan? Ang puti ng tiyan mo Aurelia maraming tititig dyan.." hindi ko na mapigilan hindi mapatawa ng malakas sa mga sinasabi nitong si Rashid.
Pulang pula na siya na pasulyap sulyap sa tiyan ko. Bakit parang kung makakilos siya ay parang ngayon lang siya nakakita ng tiyan ng babae? If I know, napakarami na niyang nakitang babaeng naka two piece.
"Ganito ang design nito Rashid.." sagot ko sa kanya.
"I should talk to Tremaine, huwag na kaya tayong sumama? Makikita nila ang tiyan mo baby. Mapapaaway ako.." napaparanoid na si Rashid.
"Ang arte mo naman po. Okay lang, as long as I am with you. Besides, nakapayag na tayo kay Tita Tremaine. Today is your brother's birthday. Dapat ay umattend ka man lang.."
"Step brother.."
"Rashid.." seryosong tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naririnig na tumawag ng 'mama' si Rashid kay Tita Tremaine pero masasabi ko na hindi na siya katulad ng dati na halos isumpa ko na sa sama ng ugali.
He's improving little by little. Sigurado akong hindi rin magtatagal ay matatanggap na rin niya na sina Tita Tremaine, Anastacio, Drizello at Augusto bilang pamilya niya.
Nasa hagdanan na kami nang maalala ko ang sinabi niya kanina sa kwarto. I am quite bothered about it, matagal ko na rin itong iniisip at kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Rashid.
"About what have you said a while ago, you need to wait Rashid.." natigilan siya sa sinabi ko. Humiwalay siya sa akin at humakbang siya ng isang baitang pababa para lamang magpantay ang mga mata namin.
"Baby.."
"I want to walk down the aisle virgin, I want to be a virgin bride Rashid. Natatakot ako na baka iwan mo ako dahil hindi ko agad maibigay ang gusto mo. I am not a liberated type of girl Rashid, for me my virginity is the best gift I will ever give for my future husband and if you can't wait---" bahagya na akong nakatungo.
"No, I can wait Aurelia. I can wait baby, I am so sorry.." agad niyang hinalikan ang noo ko.
"I love you Aurelia. It's not just your body but the whole you baby. Your smile, your laughter, your voice, your eyes, your lips, your cheeks and even your sweet personality.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na parang inaalo niya ako.
"I did love you kasi lagi mo akong niaaway. I am so sorry kung tinakot kita kanina. I won't say that again. I'll wait Aurelia, you're worth the wait baby.." napangiti ako sa sinabi ni Rashid. Unti unti ko na sanang ipipikit ang aking mga mata nang nagsisimula nang lumapit ang kanyang mga labi niya sa akin nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Anastacio mula sa ibaba ng hagdan.
"Come on, let's go!" tawag sa amin ni Anastacio na cute na cute na nakasuot din ng tux.
"Tss, that brat.." iritadong bulong ni Rashid. Ibinalik ko na lamang ang pagkakawit ng kamay ko sa braso niya.
"He's way cuter than you Rashid.." pagbibiro ko sa kanya habang bumababa kami ng hagdan.
"Uhuh? But who's your baby?" napairap ako sa sinabi niya.
"Rashid Amadeus Villegas.." ngumisi siya sa sinabi ko.
"That's weird, bakit kapangalan ko yata ang baby mo?" nagkibit balikat ako sa sinabi niya.
"Hindi ko rin alam, itatanong ko sa kanya.." narinig ko siyang natawa sa sinabi ko.
"Silly.."
Nakahanda na ang isang magarang sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Pero ilang segundo akong natigilan nang mapagmasdan ko ito. Black limousine, biglang bumalik ang alaala ng gabing kinuha ang sapatos ko ng lalaking walang mukha. Sa ganitong klaseng sasakyan din siya sumakay.
"Baby?" natatakang tawag sa akin ni Rashid.
"Sorry, may naalala lang ako.."
"About what?" umiling ako sa kanya. I can't tell him, ano na lang kaya ang sasabihin sa akin ni Rashid kapag kinuwento ko sa kanya na may isang prinsipe na nakamaskara na isinayaw ako at bigla na lamang itinakbo ang sapatos ko?
Baka tawanan niya ako at sabihin niya na nasobrahan na naman ako sa fairytale.
Nauna nang sumakay si Tita Tremaine at Anastacio, nasa hotel na daw si Drizello at Augusto. Inalalayan na rin ako ni Rashid sumakay at agad na rin siyang sumunod.
"Kuya Rashid, anong regalo mo kay kuya Drizello?" inosenteng tanong ni Anastacio.
"Kailangan pa ba ng regalo?" tanong pabalik sa kanya ni Rashid.
"Ofcourse, dapat may regalo. Ako sa isang araw ko na lang ibibigay.." ngiting sabi ko kay Anastacio.
"No! Ako na ang magbibigay ng regalo sa kanya. I will give him cash then.." napangiwi ako sa sinabi ni Rashid.
"Ninong lang Rashid? Can't you give something na magagamit niya? Bakit pera naman? Wala ka man lang effort.." tahimik lang si Tita Tremaine na tipid na napapangiti sa amin.
"Maybe a shoes then.." sabay kaming natawa ni Anastacio, kahit si Tita Tremaine ay natawa na rin dito.
"What? Anong nakakatawa?" iritadong tanong niya sa amin.
"No, nothing. Tita Tremaine, can we stop by any convenience store? I'll just buy something.." pumayag naman si Tita Tremaine.
Nagulat pa ang ilang mga tao nang may isang mahabang sasakyan na tumigil sa kanilang harapan at ang mas nakapagpagulat pa sa kanila ay ang bagay na bibilhin ko.
I bought three yakults for Rashid. Bumili rin ako ng Zesto para may magamit na straw ang lalaking niaaway.
"Anong binili mo Aurelia?" nagtatakang tanong ni Rashid.
"Here.." inabot ko sa kanya ang yakult. Binigyan ko rin si Anastacio.
"Mahal na mahal mo talaga ako Aurelia.." humilig pa siya sa balikat ko. Ibinalik niya sa akin ang yakult dahil gusto niyang ako pa ang magtusok ng straw. Natatawa na lang sa amin si Tita Tremaine habang nagtatakang nakatitig sa amin si Anastacio.
"I like straw too.." isusubo na sana ni Rashid ang straw nang pigilan ko ito.
"What?"
"I like straw too.." ngusong sabi ni Anastacio. Hindi nagsalita si Rashid at itinuloy niya ang pagsubo dito sa straw, patay malisya siya kay Anastacio habang umiinom ng yakult.
"Rashid!" kinalong na ni Tita Tremaine si Anastacio.
"It's okay Aurelia.." ako na ang nahihiya kay Tita Tremaine. Lumapit ako kay Rashid at bumulong ako dito.
"Isip bata.."
"I don't care.."
Nakarating kami sa hotel, pansin ko na marami na ang mga tao. Mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Rashid nang makapasok na kami dito. Hindi ko alam kung bakit biglang bumabalik sa alaala ko ang gabi kung kailan nanakaw ang sapatos ko.
Papaano kung biglang may dumating na lalaki at nakawin ulit ang sapatos ko?
Lumapit na kami kay Drizello para batiin ito, pero hindi naman kami masyadong nakapag usap dahil inilayo na rin ako ni Rashid. Humiwalay na rin kami kay Anastacio at Tita Tremaine, pinili ni Rashid na sa malayo kami pumuwesto.
Nagsimula nang tumugtog ng sweet music kung saan may nagsasayawan nang magkapareha.
"I want to dance with you Aurelia. Would you mind baby.." ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. What's going on?
Kahit nag aalinlangan ako ay pumayag ako sa alok niya. Inabot ko sa kanya ang kamay ko at nagpunta kami sa bulwagan. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya habang marahang nakahawak ang dalawang kamay niya sa bewang ko.
"You're so beautiful Aurelia.." ngumiti ako sa kanya pero hindi ko pa rin maintidihan ang sarili ko. Bakit ako kinakabahan nang ganito?
Biglang tumunog ang kantang bumagay sa lalaking nakatitig sa akin ngayon.
I lie awake at night
See things in black and white
I've only got you inside my mind
You know you have made me blind
I am so inlove with Rashid, pero natatakot ako sa nakikita ko ngayon. I can see someone else from him. Pilit ko itong tinatanggal sa isipan ko.
That you will look my way
I have all this longing in my heart
I knew it right from the start
"I love you.." ipinatong niya ang noo niya sa akin.
Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you
"I love you too pretty boy.." ngumisi siya sa sinabi ko bago niya pinaglaro ang ilong namin sa isa't isa. His favourite gesture.
I used to write your name
And put it in a frame
And sometimes I think I hear you call
Right from my bedroom wall
I am already smitten by him, na parang hirap na ako kapag napahiwalay pa siya sa akin ng matagal. Masyado ko ba talaga siyang niaway kaya mas lalo akong nahulog ng ganito sa kanya?
You stay a little while
And touch me with your smile
And what can I say to make you mine
To reach out for you in time
Hinawakan niya ang isa kong kamay at inikot niya ako ng dalawang beses na parang isang prinsesa. Nang matapos niya akong iikot ay mas hinapit niya ako, napahawak na ako sa kanyang mga dibdib.
Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you
Napansin ko na lang na sumasabay ako sa kanta. Rashid is literally a pretty boy, ang matamis na ngiti niya, ang singit niyang mga mata at ang walang katapusan niyang baby talks.
"I always love you Aurelia.."
Oh pretty boy
Say you love me too
Mukhang nakalimutan na namin ni Rashid ang mga matang nanunuod sa amin. Nang sandaling itaas ko ulit ang aking mga kamay sa kanyang balikat bigla na namang bumalik sa alaala ko ang imahe ng lalaking nagnakaw ng sapatos ko. Bakit ko siya naaalala ngayon?
Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you
Unti unting nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang mga mata ni Rashid. Why? Why am I seeing his image to the man I love?
Sa nangangatal kong mga kamay ay dahan dahan kong inangat ang isa kong kamay at marahan ko itong inihara sa harapan ko para takpan sa aking paningin ang ilong at mga labi ni Rashid. Why am I feeling so nervous? Why am I seeing that masked man with him?
Sa nangangatal kong boses, nanghihina kong tinanong si Rashid.
"Baby, tell me. Is this...is this our first dance?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro