Chapter 3
Chapter 3
Ilang beses kong sinulyapan ang wrist watch ko habang nasa biyahe papunta sa bahay ni Tita Tremaine.
Maagang natapos ang lahat ng mga klase ko dahil karamihan sa mga ito ay mga quiz na siyang mabilis ko namang nasagutan. Mabuti na lang at hindi na gaanong mabigat ang mga schedule ko, kailangan ko ng oras para maisingit ko ang pagtututor ko.
Nagmessage na ako kay Tita Tremaine na maaga akong makakarating sa bahay nila para maturuan ko na nang maaga si Anastacio. Agad naman itong nagreply at sinabi nito sa akin na nasa piano class pa daw ito at mas mabuting maghintay na lamang ako sa mansion kasama siya dahil mag isa lang daw siya dito.
Pakiramdam ko ay napahinga ako ng maluwag, mabuti na lang at wala sa malaking bahay si hudas cinderello dahil sigurado akong sisirain niya na naman ang araw ko.
Katulad ng unang punta ko dito, hindi na ako naghintay pa ng ilang minuto dahil nabuksan na ang gate nito. Si Tita Tremaine pa ang nagbukas nito para sa akin.
"Kamusta ang pasok mo Aurelia?" ngumiti muna ko ng tipid kay Tita Tremaine bago ako sumagot.
"Ayos lang po" maiksing sagot ko. Pumasok na kami ni Tita sa malaking bahay.
"Mag meryenda ka muna Aurelia, isang oras pa bago dumating si Anastacio.." tatanggi pa sana ako dahil kumain na ako sa school pero mukhang nakapaghanda na siya. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Nang makarating kami sa kanilang kusina, hindi ko maiwasang hindi humanga sa nakikita ko. Impressive yet simple dining area. Bawat detalye ng kusina nila ay sumisigaw ng karangyaan, mula sa mga mamahaling appliances, furniture at maging ang dalawang maliit na painting na nagsabit dito.
"What do you want hija? Melon or buko juice?" ngiting tanong sa akin ni Tita Tremaine.
"Melon juice na lang po" nang sabihin ko ito ay nagsimula na siyang kumuha ng juice sa refrigerator.
May mga nakahanda na rin iba't ibang klase ng tinapay at lasagna. Mukhang kahit busog na ako ay mapapakain ako. Nang ipagsalin na ako ni Tita ng juice ay naupo na rin siya katulad ko.
"So how's life going? Sino ang kasama mo sa bahay hija? Do you have siblings?" pagiging scholar ko lang ang alam ni Tita Tremaine, hindi niya alam na mag isa na lang ako sa buhay. Gusto ko man hindi sagutin ang tanong na ito ay wala akong magagawa.
"Mag isa na lang po ako, wala din po akong mga kapatid. Namatay po si nanay nang pagkapanganak sa akin. Isang buwan na rin pong patay ang tatay ko dahil sa sakit sa atay.." narinig ko siyang napasinghap sa sinabi ko.
"Oh my, I am very sorry for that Aurelia.." naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. How I hate this kind of setting.
"It's alright Tita Tremaine, I need to continue my life. Ayoko nang magluksa pa" pilit akong tumawa para mas lalong mapagtakpan ang pagsisinungaling ko.
"Good to know hija, alam kong ito rin ang gusto ng mga parents mo para sa'yo" tipid lang akong ngumiti. I hate talking about my life.
"Tita would you mind if I ask something?" pag iiba ko ng usapan. Wala na akong pakialam kung isipin niyang masyado akong tsismosa. Ayokong pag usapan ang madrama kong buhay.
"What is it hija?" ngiting tanong niya sa akin.
"Paano nyo po natitiis ang ugali ni Cinderello?" wala na akong ibang maisip na itatanong sa kanya.
"Cinderello?" kunot noong tanong niya sa akin.
"I mean, 'yong lalaking nawawalan po ng sapatos kahapon" tanda ko ang pangalan niya pero wala akong ganang tawagin ito. Hindi ko alam pero sobrang init ng dugo ko sa kanya.
"Oh, si Rashid? Sinasanay ko na lang ang sarili ko sa batang 'yon kung sasalubungin ko pa ang init ng ulo at dugo niya sa akin walang magandang mangyayari.." paliwanag niya sa akin.
Pero kung ako ang nasa posisyon niya patitikimin ko ng sampal si Cinderello nang matauhan. Wala siyang galang, dapat binibigyan ng leksyon ang katulad niyang may pagkahudas.
"I don't understand, bakit galit na galit siya sa'yo Tita Tremaine?" nagtatakang tanong ko. May kutob ako na itong si Cinderello ang may dahilan kung bakit hindi makahanap ng tutor si Anastacio.
Napansin ko na nagsalin muli ng juice si Tita Tremaine sa kanyang baso bago ito muling uminom.
"Magaan ang loob ko sa'yo Aurelia, hindi mo naman siguro mamasamain kung magkwento ako sa'yo?" mabilis akong umiling sa kanya.
"Magaan din po ang loob ko sa inyo Tita Tremaine. Marunong po akong makinig tita.." mahinang sagot ko.
Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsimulang magsalita.
"Siguro nahuhulaan mo na ang relasyon namin sa kanya Aurelia. Rashid is my stepson. I am his father's second wife, sina Anastacio, Drizello at Augusto naman ay mga anak ko sa aking unang asawa" panimula sa akin ni Tita Tremaine na hindi ko na kinagulat.
Sa ilaim ng lamesa ay pilit kong kinukurit ang aking mga hita dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Hindi ko alam pero gusto ko nang matawa sa kabila ng seryosong pag uusap namin ni Tita Tremaine.
Para akong pumasok sa istorya ni Cinderella na mga lalaki ang karakter. Masyado nga lang naiba ang takbo ng istorya dahil si Cinderello ang masama ang ugali. Oh god Aurelia! Behave.
"Naiintindihan ko naman hija kung bakit ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin, may mga rason siya at hindi ko masisisi si Rashid dahil dito.." agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Tremaine. Pero walang magandang dahilan para hindi siya matutong gumalang sa nakakatanda sa kanya. He's being too much!
"Bakit hindi po siya pagsabihan ng kanyang ama? Bakit hindi nyo po sabihin sa asawa nyo ang ugali ng kanyang anak? Hindi na po tama ang pakikitungo niya sa inyo.." ngayon naman ay si Tita Tremaine ang umiling sa mga sinabi ko.
"Wala na rin siyang ama Aurelia, wala na akong asawa.." unti unting lumuwag ang mga kamay ko sa pagkakahawak ko sa aking baso. We're in the same boat.
"Katulad mo hija, sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawala ang asawa ko.." napansin ko na nagpahid na ng luha si Tita Tremaine. Shit.
"Tita Tremaine it's okay. Kung hindi nyo po kayang pag usapan ang bagay na ito, maaari na po nating ihinto.." bakit pilit ko man iligaw ang pinag uusapan namin ay dito pa rin bumabagsak?
"It's okay hija, gusto ko na rin ilabas ito. Hindi ko ito masabi sa mga anak ko dahil maaaring magkaaway pa sila, ayokong magsalita sa mga kamag anak ko dahil susumbatan lang nila ako. Ikaw na lang hija ang kaisa isahang maaari kong pagsabihan nito.." hindi inaasahang magiging mabigat ang usapan naming ito. Pinagsisihan kong tinanong ko pa siya tungkol kay Cinderello.
"Isang buwan matapos akong makasal sa kanyang ama ay bigla na lamang itong binawian ng buhay" halos matulala na lang ako kay Tita Tremaine.
"Binangungot at hindi na nagising pa, dito na mas lalong tumindi ang galit ni Rashid sa aming mag ina at sinisisi niya kami sa pagkamatay ng kanyang ama.." nanatili lamang akong nakatitig kay Tita Tremaine na tumutulo na ang mga luha. Binalak ko mang magsalita ay walang lumabas sa aking bibig.
This is too heavy, ayaw ko na nang ganito.
"Tatlong buwan pa lamang ang nakakaraan Aurelia simula nang iwan kami ni Raul kaya hindi ko masisi si Rashid, hanggang ngayon sariwang sariwa pa rin ang galit niya sa akin. He's blaming me everything Aurelia, minahal ko lang ang ama niya. I am not gonna kill him over money.." napakagat labi na lang ako habang marahan kong hinahagod ang likuran ni Tita Tremaine.
Ngayon ay mas naiinitindihan ko na ang kwento. Gusto kong murahin ang sarili ko sa masasamang naiisip ko tungkol kay Cinderello, hindi ko man lang naisip na posibleng may pinagdadaanan siya kaya ganito na lang kasama ang ugali niya.
Hindi ko rin masasabing hindi ako maaaring mag isip ng katulad ng sa kanya kung nasa pareho kaming posisyon. Posibleng kamuhian ko rin ang pangalawang asawa ni tatay dahil siguradong mababaliw ako kapag wala akong sinisi sa posibleng mga nangyari.
Oh god! Akala ko mahihirap lang ang nakakaranas ng ganito. Who would think that the prince looking guy with the missing shoe is damn miserable as I am?
Hinayaan ko na lamang umiyak si Tita Tremaine habang nanatili akong tahimik. I am not into advising but I can be a good shoulder to cry on.
Nang dumating si Anastacio ay nireview ko na siya agad na mabilis din naman matapos dahil isa siyang napakabait at masunuring bata. Lalabas n asana ako nang mapansin ko na may isang sapatos siyang pilit itinatago sa ilalim ng kama niya.
Now I know, mukhang kilala ko na kung sino ang nagtatago ng sapatos ni Cinderello.
"That's bad Anastacio, magagalit ang kuya mo" ngumuso lang ito sa akin.
"He's always angry.." yumuko ako at dahan dahan kong kinapa ang sapatos sa ilalim ng kama pero halos mapamura na lang ako nang silipin ko ang ilalim nito. Hindi lang iisang sapatos ang naitago ni Anastacio.
Nang sulyapan ko si Anastacio ay nagsimula na itong umiyak.
"Don't tell him..don't tell him.." agad akong napatayo at pinunasan ko ang luha niya. Oh my god!
"Yes, yes. Hindi ko sasabihin. I promise.." tumahan na siya sa sinabi ko pero agad siyang sumampa sa kama at nagbalot ng kumot.
Sinubukan kong lumapit pero mukhang nagkasumpang na ang bata. Napabuntong hininga na lang ako.
Nagsimula na akong lumabas ng kwarto at halos tumalon ang puso ko nang makita kong nasa dulo na nang hagdan si Cinderello at nakakunot noong nakatitig sa akin. Mabilis kong itinago sa aking likuran ang sapatos niyang dapat ay ilalagay ko na lang sa harap ng pintuan ng kwarto niya.
Ganito na naman ang ayos niya, may napakalaking bag siyang sakbat habang may hawak na rubber shoes na walang kapareha. Nasa likuran ko ang kapares nito.
Siya ang naiwas ng tingin sa akin at nagdiretso na siya sa harap ng kwarto niya.
"A—no..Cinderello.." natigilan yata siya sa narinig niya.
"What?" kunot noong tanong niya sa akin.
"A..no..Sorry sa mga nasabi ko kahapon. Tama ka dapat hindi ako nakialam sa inyo kahapon..pero subukan mong kilalanin si Tita Tremaine, mabait siya. Sorry ulit kuya Rashid.." pikit mata kong inihagis sa kanya ang kanyang sapatos at tumakbo na ako pababa ng hagdan.
Oh damn, what the hell is that Aurelia?
Mabilis akong nagpaalam kay Tita Tremaine at lalabas na sana ako nang matigil ako sa paghakbang.
"Aurelia!" pakinig kong sigaw ni Cinderello mula sa itaas. Tamad lang naman siyang nakapangalumbaba sa kanyang kanang kamay sa mga balustre sa taas.
"Kuya Rashid huh?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro